Chapter 5
CHAPTER 5
"CHEYDAN pumupunta rin ba ng mall si Kuya Arius mo?"
She tilted her head and was about to answer my question when the door of her room suddenly opened.
Pagkatapos niya kasi mamili ay dumeretso na rin kami dito sa bahay nila para magawa kaagad 'yung script.
Her Mom came in with a tray of something. "Hi girls, want some cookies?"
"Aww, thanks Mom. We're a bit hungry." lumapit si Cheydan sa ina at inabot ang tray na iniaabot nito.
Kaagad kong hinawi ang ilang gamit na nasa center table upang may pagpatungan ang cookies.
I almost flinced when Cheydan's Mom look at me. "Would you like to join us on dinner again, Faithrill?" she asked while smiling softly.
Minsan pa akong napabaling kay Cheydan. Nakakahiya kung muli ay makikisalo ako sakanila, isa pa ay sayang ang iniluto ko kaninang umaga!
"Uhh, hindi po ako pwede ngayon e, n-nagluto po kasi si Lola." dala ng kaba ay nautal pa ako habang nagsasalita.
Nagpakawala ng buntong hininga ang ginang. "I understand, pero kung sakaling bukas niyo pa ng gabi matatapos 'yang ginagawa niyo dito kana magdinner okay?" I just nod my head as a response.
Hindi ko na alam ang isasagot, ni hindi ko nga rin alam kung anong itatawag sakaniya.
"Just call her, Tita Che." tinapik pa ni Cheydan ang balikat ko na tila ba nabasa ang maliit na problemang iniisip ko.
Bumalik na rin siya sakaniyang ginagawa kaya hindi nalang ako kumibo at nagpatuloy na rin sa ginagawa. We're both busy while eating our cookies. The cookie taste good and it's making me wonder, did my Mom baked cookies for me?
"Saan 'yung kusina niyo? Kukuha ako ng tubig, gusto mo rin ba?" sunod-sunod kong tanong kay Cheydan na abala sa pagbabasa at pagrerebersa ng mga script namin.
Lahat ng natatapos naming script ay isinesend niya na rin kay Rail para makabisa na nito ang sarili niyang linya.
"Pagkatapos ng komedor deretso ka tapos liko pakanan, and uhh sure I want some water." sambit niya at ibinalik ang atensyon sa binabasa.
I nodded my head even though she's not looking me. Tahimik kong nilisan ang kwarto niya at mabagal na naglakad sa hallway. Ngayon ko lang napansin na may limang kwarto pala itong second floor ng bahay nila.
Muntik pa akong maligaw nang hindi kaagad mahanap ang hagdan pababa. Hanggang ngayon ay napapaisip ako sa iniakto ni Arius kanina sa mall.
He looks pretty playfull.
Kasabay nang pagtuntong ng aking mga paa sa sahig ng kusina ay siyang pagtatama ng aming mga mata. Ang itim na itim niyang mga mata na parang kanina lamang ay nakatingin saakin ng may kakaibang emosyon.
"Hey."
"Hey." sabay naming bati.
Tumungo ako at nakayukong tinungo ang ref nila, nalito pa ako nang hindi kaagad makita kung saan nakalagay ang baso nila.
"Nandoon 'yung mga baso." aniya habang nakatingin sa kabinet na hindi kalayuan.
"Thanks." maikling sabi ko at tinungo ang kabinet.
Mabuti nalang at hindi gano'n kataas kaya madali kong nakuha ang baso. Muli kong nilapitan ang ref at kinuha ang isang pitsel na naglalaman ng tubig.
Sinalinan ko ang kinuha kong baso at kaagad na nilagok ang laman no'n. Nang maubos ang tubig ay lumapit ako sa sink at hinugasan ang basong pinag-inuman.
Ramdam kong nakasunod ang mga mata saakin ni Arius dahilan ng mas lalo kong pagkailang. Hindi ko nakita ang reaksyon niya no'ng ibinalik ko ang ID niya pero nakakahiya pa rin.
"Hindi naman maarte si Cheydan, hindi mo na kailangang hugasan 'yan." maya-maya ay nagsalita siya nang makitang muli kong sinasalinan ng tubig ang basong hawak ko.
Napayuko ako sa hiya. Malay ko ba! "P-Pasensya."
As I was about to leave his hand reached for mine. Parang mapupugto ang hininga ko habang nakatingin sa mga palad naming muling nagkadaop.
"Thanks." he said and with that he immediately pull his hand away from me.
Nakatingin lang ako sa likod niya habang siya ay naglalakad na palayo sa kusina. Bumaba ang paningin ko sa kamay ko na hinawakan niya at nakita ro'n ang maliit na piraso ng papel at isang...candy?
Thank you sa pag-sauli ng ID kahit muntik na akong hindi mapapasok sa university.
" 'Yung totoo? Nagpapasalamat ba siya o nagpapa-guilty dahil hindi ko kaagad naisauli ang ID niya?" reklamo ko.
Muling dumapo ang paningin ko sa candy na hanggang ngayo'y nasa palad ko. Walang brand na nakalagay sa candy, basta kulay puti lamang ang balot nito at kita ang nasa loob. It's a circle shaped candy with...smiling face.
It's almost eight thirty in the evening when we decided to stop from doing the script. Tinulungan kong magligpit si Cheydan bago muli ay sabay kaming bumaba sa unang palapag ng bahay nila.
Gusto ko nang makauwi kaagad dahil mas dumadagdag sa hiyang nararamdaman ko ang pagkain dito.
Their food looks expensive yet a simple dish. "Dito kana kumain hija!" napapikit ako at gustong kastiguhin ang sarili sa bagal maglakad.
Bakit kasi ang liit masyado ng mga binti ko? Kahit anong bilis kong maglakad ay nagmumukha pa ring mabagal.
"Pero––" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang naunang bumukas ang main door.
I got stunned when I saw his face. Lumabas ba siya? As far as I can remember ay kanina pa siyang naririto.
Kahit nalilito ay tinanguan ko ito. "Salamat sa candy kanina, ano pa lang bran––"
"Azrail! Sa wakas umuwi ka ring bata ka."
Hindi ang nakakalokong ngiti sakaniyang mga labi ang nakapagpahinto saakin sa pagsasalita. Batid kong nanlalaki ang mga mata ko ngayon habang nakatingin pa rin sa lalaking nasa harapan ko.
Bakit ibang pangalan ang itinawag sakaniya ng Mom nila Cheydan?
His eyes roamed around like he was finding something or someone that he needs to see. "Candy hmm." lalong lumawak ang ngisi niya habang ang mga mata ay nakatingin sa bandang likuran ko.
Para akong mawawalan ng ulirat matapos akong lagpasan nito. Awtomatikong sumunod ang aking paningin sakaniya hanggang sa lumapit siya kala Tita Che at niyakap ito.
Kung may ilalaki pa ang mata ko malamang ay nahulog at nagpagulong-gulong na sa sahig ang eyeballs ko. The guy named Azrail walks towards to...Arius!
I couldn't even react! Para akong nasa panaginip at nakakakita ng iisang mukha ngunit sa dalawang tao.
"Bal! Long time no see, masungit ka pa rin." humahalakhak nitong sabi.
"Hija, halika na at sabayan mo kaming mag-hapunan." wala ako sa sariling napatango sa ginang.
Masyado pa rin akong binabalot ng katotohanang ngayon ko lang nalaman. Ibig sabihin siya rin 'tong nakita ko sa mall?
Halos mapaigtad ako ng biglang ipulupot ni Cheydan ang kaniyang braso saaking braso. "Hindi ko pala nabanggit sa'yo?" natawa siya ng mahina. "May kakambal si Kuya Arius. Ganiyan din ang reaksyon ko noong una silang makita, halos malito-lito ako dahil sobrang magkamukhang-magkamukha sila ni Ate Azrail."
Parang binuhasan ng malamig na tubig ang mukha ko dahil sa laki ng pagkakaawang ng mga mata ko. Ate? Ibigsabihin babae ang tinatawag nilang Azrail?!
"A-Ate?" parang gusto ko nalang mahimatay dahil sa mga nalaman.
Hindi naman ito ang unang beses kong makakita ng kambal... Pero 'yung sakanila sobrang nakakagimbal.
I heard her chuckle while leading me towards their dining room. "Yup, Ate Azrail is a girl, yet she's the stubborn one between the two of them." sambit niya ngunit hindi nabanggit kung bakit mukhang binata ang Ate Azrail na tinatawag niya.
Humarap siya saakin dahilan upang pareho kaming mapahinto sa paglalakad. "One more thing don't show some interest to her, she might flirt you."
Nagsalubong ang mga kilay ko at kumunot ang noo sa pagtataka. "What do you mean?" flirt with me?
Ngumiwi siya bago ako sinagot. "She's a flirty bixesual, lahat yata ng kaklase kong babae na nadatnan niya rito ay napaiyak niya matapos mahulog sakaniya. Hindi nga nagseseryoso 'yan e."
Hindi ko napigilang matawa dahil sa mga sinabi niya. Parang siya 'tong niloko ng mismo niyang Ate dahil sa expression ng mukha niya.
"Tara na, baka mamaya ay mas maasim pa 'yung ekspresyon sa mukha mo kaysa sa sinigang." biro ko kahit hindi ko naman alam kung ano ang kaniyang ulam.
Unti-unti ay nararamdaman kong kahit papaano ay natututunan kong makisama. Natatakot pa rin ako pero hindi naman siguro masamang sumubok, huling subok ko na 'to kung sakali.
Nang makaupo kami sa hapag ay halos lahat sila nakatingin sa'min ni Cheydan. Nasa kanan ko si Tita Che habang sa kaliwa ko naman ay si Cheydan.
Hindi ako nagsasalita habang kumakain, sila lang 'tong nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Naipakilala na rin saakin ni Tita Che si Azrail na muli akong nginisihan na sinuklian ko lang ng tipid na ngiti.
"So hija, kumusta nga pala ang parents mo?" parang naging slow motion ang nasa paligid ko matapos kong marinig ang kaniyang tanong.
Anong sasabihin ko? Na nakita ko sa palad ng sarili kong Ama at napanood kung paano silang maaksidente? Na nakahimlay na sila sa isang lagayan ng muling makauwi saaming tahanan?
Lahat ng mga memoryang pilit kong kinalilimutan ay parang isang pelikula na mabilis na lumabas saaking isipan.
"Lola... Bakit ka po nagka-cry? S-Saka anong oras po uuwi sila Dada galing wor---"
"Hindi na sila uuwi. Iniwan na ako ng anak ko, ang kaisa-isang anak ko at dahil 'yon sainyo ng nanay mo! Malas kayo, ayoko sainyo pero naging mapilit ang Ama mo at anong nangyari?" marahas na hinigit ng matanda ang maliit at walang kamuwang-muwang na mukha ng bata.
Nagsimulang umatungal ang bata sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman.
"Patay na siya! Patay na siya at dahil 'yon sa kamalasan mong dala!"
"Faithrill ayos ka lang?"
Mula sa pagkakaupo ay kaagad akong napatayo. Kahit ilang taon pa yata ang lumipas ang hindi ko pa rin 'yon malilimutan. Sa'kin nagsimula ang lahat, simula nang dumating ako nagulo ang dating masaya na nilang mundo.
My hand immediately reach for my bag. "I'm s-sorry." all I can always do is to apologize.
I didn't wait for their response and just leave their house. Rinig na rinig ko pa ang paghabol ni Tita Che pero wala akong ginawa kung 'di ang yumuko at magdere-deretso paalis.
Akala ko kaya ko nang magkwento tungkol sakanila, hindi pa pala.
*****
"Hindi pa kayo tapos sa script niyo?" ngumunguyang tanong ni Luam.
Hanggang ngayo'y punong-puno ang isip ko mula sa mga pangyayari kagabi hanggang sa mga alaalang matagal ko ng gustong kalimutan.
I can't even focus myself on chitchatting with Luam. Basta nakaupo lang ako at tahimik na kumakain ng tanghalian ko habang ang utak ko ay naglalakbay sa kung saan.
"Huy," muntik na akong mahulog sa silyang inuupuan ko matapos tapikin ni Luam ang braso ko.
Sa sobrang sabaw ng isip ko ay pati ang katawan ko ay nadadamay. "Ha? May sinasabi ka? Anong mayro'n?"
Napahawak siya sa sariling noo na para bang stress na stress saakin. "Sorry may iniisip lang."
"It's fine, by the way hindi pa rin ba tapos ang script niyo? 'Yung saamin kasi kahapon pa tapos." kumuha siya sa ulam ko gamit ang kutsara niya.
Nagkibit balikat ako bago muling sinubo ang huling kanin na nasa plato ko. "Patapos na rin."
Pagkatapos na pagkatapos namin mananghalian ay pareho na rin kaming pumasok sa kaniya-kaniyang klase. Science ang subject nila ngayon samantalang ang saamin ay Komunikasyon.
Hindi ko magawang kausapin si Cheydan kahit pa sa buong maghapon ay kaklase ko siya. Sa tuwing lalapit siya ay kaagad akong humahanap ng lusot upang makaiwas sakaniya.
Hiyang-hiya ako sa iniasta ko kagabi sakanila pero alam ko kailangan ko pa rin humingi ng tawad lalo na at hindi pa namin tapos ang script. Mas nakakatakot kung siya 'tong iiwas saakin.
Kaya nang matapos ang lahat ng klase namin ay hinintay ko munang magsialisan ang ilang kaklase namin bago siya tuluyanag lapitan. Nanlalamig at kapwa nanginginig ang pareho kong palad habang naglalakad palapit kay Cheydan.
"C-Cheydan..." hindi ko alam kung saan magsisimula. "Ano... Sorry.." tuluyan akong napayuko habang pilit pinaghahawak ang parehong kamay.
Nagitla ako at mabilis na naiangat ang ulo matapos niyang ipulupot ang kaniyang braso saakin, niyayakap niya ako...
Nanlalaki pa ang parehong mata ko ng tuluyan siyang kumalas saakin. "It's fine Faithrill. You must have a reason why you did that, but no worries it's fine." ang matamis niyang ngiti ay mas lumapad ng bahagya ko siyang ngitian.
"Paano ba ako makakabawi sa pamilya mo?" nahihiyang tanong ko, hindi gaanong marami ang pera ko ngunit hindi naman ako magastos kaya kahit papaano ay nakakaipon.
Tumawa siya at iniakla ang braso naming dalawa. Naglalakad na kami ngayon palabas ng room.
"For me, hindi naman na kailangan pero kung nafefeel mong guilty ka," bumaling siya saakin at ngumiting muli.
"Mom likes Halo-Halo." 'yon lang ang sinabi niya at kinindatan ako.
KABADONG-KABADO ako habang naglalakad papasok sa bahay nila Cheydan. Nakabili na kami ng Halo-Halo at naisip kong idamay ang kambal niyang kapatid since tumanggi siya.
Kagaya ng dati ay sinundo siya ng isang van kaya mabilis kaming nakarating sakanilang bahay.
"Ano ka ba, 'wag kang kabahan hindi naman galit si Mom." natatawang aniya habang pinipihit pabukas ang maindoor nila.
Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay bumungad saamin ang Mommy niya na nagwawalis. Wala kasi silang kasambahay dahil mas gusto raw ng Mommy nila na ito na mismo ang maglinis ng kabahayan.
Kaagad umaliwalas ang kaniyang mukha ng makita ako. "Faithrill! Oh gosh, sorry kung may nasabi man akong hindi maganda kagabi. Pasensya kana talaga, Hija." lumapit siya at bumeso pa saakin.
Mas lalo akong nahihiya dahil sa pagtrato niya. Bakit ang babait nila?!
Lumunok ako upang alisin ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko. "Sorry rin po, heto po pala binili ko para sainyo." napahawak ako sa batok dahil sa sobrang hiya.
Mabuti nalang at hindi pa sobrang tunaw ang yelo ng Halo-Halo.
"Nag-abala ka pa! Pero salamat, oh siya pumasok na kayo."
Matapos niya kaming papasukin ay tinawag na rin niya ang kambal. Si Cheydan naman ay nagpaalam na magpapalit ng damit habang ako ay naiwan sa sala upang ilapag ng maayos at isa-isang tanggalin ang Halo-Halo sa cellophane.
" 'Yon! Halo-Halo," sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na si Ate Azrail.
Nasa likod niya si Arius na dala pa ang librong binabasa.
"Siya ang may bili niyan kaya ubusin niyo ha, 'wag magsayang." paalala ni Tita Che matapos kumuha ng isang basong Halo-Halo.
Inabot ko ang isa kay Azrail na ngingisi-ngisi saakin. Nang bumaling ako kay Arius ay siyang pagtiklop niya sa libro.
"He don't like Halo-Halo," pangunguna ni Azrail at akmang kukunin ang isang baso ng Halo-Halong iniaabot ko sa kambal niya nang biglang pumagitna sa'min si Arius.
Kinuha niya ang Halo-Halong hawak ko. "Thanks, kumakain ako ng Halo-Halo." mariing aniya at binalingan pa ng tingin si Azrail na ngingisi-ngisi saamin.
"Akala ko ba ayaw mo sa Halo-Halo dahil masyadong maraming kung ano-ano?" nang-aasar na sambit ni Azrail habang patuloy sa pagsubo ng kinakain.
Hindi siya pinansin ni Arius at naglakad lang ito paakyat sa hagdan. Akala ko ay tuluyan na siyang aakyat ngunit para akong kinapos ng hininga matapos niyang lumingon saakin.
He was looking at me straight in the eyes as if he was saying something. Ang mga paa ko'y parang napako sa lugar kung saan ako ngayon nakatayo habang nakatitig pa rin sa itim na itim na matang nakatitig saakin.
Bakit ganito ang epekto mo sa sistema ko Arius?
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro