Chapter 4
CHAPTER 4
"YOU ALREADY knew each other?" sabay kaming napalingon ni Arius kay Cheydan na kalalabas lamang ng banyo.
Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko ay tila ba mas dumoble ang bilis.
Kaagad kong itinaas ang dalawa kong kamay upang tumanggi. "No––"
"Yes, we met already," nakatingin siya kay Cheydan na halatang nalilito sa sabay na pagsagot namin. "And by the way your Mom is asking if your classmate will eat dinner with us?"
Bumaba ang tingin saakin ni Arius, pakiramdam ko ay lalo akong nanliit alam ko namang hanggang leeg niya lang ako pero 'yung tingin niya! Nakakakaba na nakaka-curious!
Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng ganito sa isang tao. Parang bigla ay gusto ko muling hawakan ang kamay niya upang alamin kung wala nga ba akong makikita...
"Yes, of course! Dito kana mag-dinner Faithrill." iniakbay niya ang kanang braso saakin dahilan upang mas mailang ako sakanilang pareho.
"Alright," 'yon lang ang sinabi ni Arius at siya na mismo ang nagsara ng pinto.
"Magkapatid kayo?" hindi ko na pinigilan ang sarili kong magtanong, magkahugis sila ng mukha ngunit hindi gaanong magkahawig.
Ngumiti siya at iginiya ako patungo upang maupo sa mini sofa. "Yeah, half siblings. Magkapatid sa Ama."
Hindi na siya nagkwento pa at iniba na ang usapan. "Let's start? Simulan muna natin ang mga scenario." inilagay niya sa center table ang mga gagamitin namin
Bumaba ang tingin ko sa damit ko, geez hindi na ako nakapagpalit!
One hour had passed and we're still busy doing our part. Hinahati-hati namin ang gawain at nagtatanungan ng suggestions para mas gumanda ang takbo ng drama.
" 'Yan, diyan nga sa part na 'ya––" pareho kaming napatigil at napatingin sa pinto ng may kumatok doon.
"Dinner is ready." ang baritono at tila ba pamilyar na pamilyar na boses saakin ang siyang narinig namin.
Napalunok ako at pilit ibinabalik sa focus ang sarili. Boses niya lang 'yon Faithrill, ikalma mo.
"Bukas na natin ipagpatuloy 'to, kumain na tayo para may time ka pa magpahinga rito bago ka umuwi." tumango ako kay Cheydan at tinulungan siya sa pag-aayos ng mga gamit na ikinalat namin.
Hindi ako makapaniwala na mapapakisamahan ko si Cheydan sa kabila ng takot at hiyang aking nararamdaman.
Sabay kaming lumabas sakaniyang kwarto at nang papunta na sa komedor ay pinauna ko siya dahil hindi ko naman saulo ang bahay nila.
She really is a beautiful girl, almost perfect to be exact. Mabait siya, may masayang pamilya, mayaman, parang lahat ay nasa kaniya na.
Hindi ko mapigilang mag-isip na, kung normal ba ako ay masaya rin ba ang pamilya ko? Hindi ba maaksidente ang mga magulang ko? Hindi ba ako iiwan ng Lola ko sa sementeryo? Hindi ba ako lalayuan ng mga tao?
Sobrang dami kong tanong na alam kong lahat din ng sagot ay positibo kung wala lang ang kakayahan ko.
Napatitig ako sa mga kamay ko, kung wala lang sana ang kakayahan kong ito...
"Upo na, Hija." ang maaliwalas na mukha ng Mom ni Cheydan ang sumalubong sa mukha ko matapos kong mag-angat ng tingin.
Nalunod na naman pala ako, nalunod sa sarili kong isipin.
"Salamat po," minsan pa akong yumuko upang magbigay galang.
Nang makaupo ay ro'n ko nasaksihan ang tila ba larawan ng isang masayang pamilya na ni minsan ay hindi ko naranasan.
They're chitchatting while eating, laughing together, teasing each other. Napayuko nalang ako at tahimik na nakikain, nakakahiya kung sasabat ako ni hindi ko nga alam ang kanilang pinag-uusapan.
Napalunok ako nang makaramdam na para bang may nakatingin saakin. Pasimple kong inilibot ang aking paningin hanggang sa tumama 'yon sa purong kulay itim na pares ng mga mata ng isang lalaki.
"Oo nga pala Hija, ang nakatatandang kapatid ni Cheydan si Arius." ngumiti ako sa Mom nila Cheydan bago nilingon saglit si Arius na ngayon ay busy na sa pagkain.
Kailan ko kaya maibibigay sakaniya 'yung ID niya? For sure kailangan na kailangan na niya 'yon.
Tumikhim ang ginang na siyang naging dahilan ng muling pagbaling ko rito. "Alam mo ba na noong mga bata pa sila ay palaging binubully ni Cheydan si Arius?" bahagyang natawa ang ginang habang inaalala ang nakaraan. "Palibhasa hindi lumalaban itong isa kaya palaging napagdidiskitahan ni Cheydan."
Natawa na rin ako dahil sa sinabi ng Mom nila. Nakakatuwa lang na may magaganda silang ala-ala mula sa nakaraan, ang saakin kasi ay puro... nevermind.
*****
Kinabukasan ay kahit papaano maaga akong nakapasok. Mabuti nalang talaga at maaga rin akong nakauwi kagabi kahit papaano.
I was wearing our school's uniform, I kinda like it. Hindi siya sobrang ikli. Maroon skirt above the knee and a white polo with Maroon blazer match with long white sock and a black shoes.
Kagaya nang nakasanayan ko noon ay itinali ko lamang ng medyo mataas ang mahaba at kulot kong buhok. Naglalakad na ako palapit sa pedestrian ng matanawan ko ang isang lalaki.
Si Arius!
I immediately walk faster than I thought. Gusto kong abutan siya, isa pa gusto kong muling hawakan ang kamay niya at patunayan saaking sarili na sa libo-libong tao rito sa mundo, may nag-iisa pa ring hinding-hindi ko makikita ang kapalaran.
"Good morning," napatikhim pa ako matapos kong makalapit, amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango na hindi gano'n katapang.
Saglit niya akong nilingon bago muling tumingin sa pedestrian kung pwede na bang daanan.
"Morning." ang tipid, may bayad kaya ang pagsasalita niya by word?
Muli ay pinalakas ko ang aking loob, this is my chance. "I was thinking if... I could hold your hand? I mean I just want to know something." half lie and half truth.
"Fine, pero kapag nakatawid na tayo babawiin ko na ang kamay ko," hindi nakalingong aniya at inilahad ang kamay sa harap ko.
Nagdalawang isip pa ako kung dapat ko nga bang hawakan ko ito. What if makita ko ang kapalaran ng lalaking ito?
Erase! Erase! This is my last chance. And with that I grabbed his hand and closed my eyes.
Ang libo-libong daga sa dibdib ko ay nagsimula na namang magkagulo. Parang gusto ko na ayaw kong bawiin ang kamay ko ng wala akong makita ni kahit ano.
Napadilat lamang ako ng tuluyan siyang maglakad, napasunod ako habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya na tila ba hinulma upang hawakan ng mahigpit ang aking kamay.
Sa unang pagkakataon pakiramdam ko ay kaming dalawa lamang ang taong naroroon, parang bumagal ang oras habang papatawid kaming dalawa nang magkadaop ang palad.
Wala akong sinayang na oras at kaagad na isiningit ang ID niya sa pagitan ng aming mga palad. Wala akong nakita... Kahit ano sa kapalaran niya.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng aking dibdib nang tuluyan kaming makatawid.
"Sandali," sambit ko at hindi kaagad binitiwan ang kaniyang kamay. "Sorry, sorry for not returning it to you." I was hesitate to say those words, but I hope he'll understand when he saw his ID.
"Returning what?" ang makapal na kilay niyang halos magdikit na sa pagtataka ay siyang lalong nakapagpangiti saakin dahil ngayon ko lamang ito nakita ng malapitan.
Ngumiti ako ng malapad sakaniya, bagay na ngayon ko lamang din ginawa. "Mauuna na ako sa'yo, goodluck sa klase." As I turned my back on him a wide smile appeared on my lips.
Binitiwan ko na rin ang kamay niya at batid kong naiwan sa palad niya ang ID niya.
Hoping to see you smile someday, Arius.
Halos abot hanggang tainga ang aking ngiti habang naglalakad patungo sa una kong klase ngayong araw. Oral communication ang first subject namin, isa sa mga subject na inaasahan kong kahit papaano ay maiintindihan ko.
Nang tuluyan akong makarating sa room ay natanaw ko na sa labas niyon si Cheydan. Nahihiya pa rin ako pero alam ko sa sarili ko na kahit papaano mukhang makakasundo ko siya.
Kaagad naman niya akong binati matapos matanaw. "Faithrill! Halika tabi tayo," sambit niya at ikinawit ang braso saaking braso.
Napalunok pa ako dahil akala ko ay tatama ang kamay niya sa kamay ko, mabuti nalang at kaagad ko 'tong naikuyom.
Sa buong maghapon ng klase ay halos hindi na umalis sa tabi ko si Cheydan, kahit ang pinakagusto niyang upuan sa harap ay isinakripisyo niya makatabi lamang ako sa bandang
likod.
Nagmamadali kong inaayos ang mga gamit ko, gusto ko na kaagad na makaalis dito natatakot akong abutan muli ni Cheydan. May parte saaking natutuwa dahil kahit papaano ay nagkakalapit kami ngunit mas lamang ang takot.
Takot na oras na malaman niya ang tungkol saakin ay abandonahin niya rin ako, tuksuhin o baka isipin pang baliw.
I didn't even bother to look back, I just walk straight to the door and was about to leave but the moment I open the door I got stunned.
My feet feels like rotten on where I'm standing upon seeing him.
"Faithrill! Good thing naabutan kita." isang malapad na ngiti ang iginawad niya saakin nang magtama ang aming mga mata.
Pilit akong ngumiti habang pinapakiramdaman kung nariyan na ba si Cheydan. "Luam, anong ginagawa mo rito?"
Kaagad akong lumabas at naglakad na palayo sa room habang nakasunod siya saakin. Pansin ko ang tinginan at bulungan ng ilang istudyanteng nadaraanan namin.
"Luam? Siya 'yong football player hindi ba?"
"Oo! 'Yung newbie sa grupo na sinasabi ko sa'yong crush ko!"
"Geez he really has a good face."
"Aayain sana kita mag-snack. Saka uhh.." kita ko sa mga mata niya na may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi niya maituloy-tuloy.
"Saka?" Tuluyan kong binagalan ang paglalakad ko at hinarap siya.
"Manood ng practice namin, football. Kagaya ng naikwento ko no'ng nakaraan, napagdesisyonan kong sumali." napaisip ako dahil sakaniyang sinabi, gano'n ba ako kalutang para hindi mapansin ang ikinukwento niya no'ng nakaraan?
Napakamot ako sa batok dahil sa pagkapahiya. Mas mabuti sigurong manood ako ng practice nila para kahit papaano ay malibang ko na rin ang sarili ko.
"Sur––"
"Luam!"
Naputol sa ere ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagdating ni Rail, mukhang magkakilala ang dalawa palibhasa parehong STEM.
Tinanguan niya lamang ito at muling bumaling saakin. "Ano? Payag ka?"
"Faithrill! I was looking for you." ang nagmamadali at tila ba kanina pang naghahanap na boses ni Cheydan ang siyang tumabing sa tanong ni Luam dahilan upang hindi ko ito masagot.
Nang makalapit si Cheydan ay kaagad na sumilay ang isang ngiti sakaniyang mga labi niya. "Hi guys, oh you're new here? Ngayon lang kita nakita." nakakunot ang noong sambit niya habang ang paningin ay na kay Luam.
"He's Luam, Dan. By the way tapos niyo na ba ang script?" sabay-sabay silang bumaling saakin matapos ipakilala ni Rail si Luam kay Cheydan.
"A-Ano, ako uli ang kasama mo?" nag-aalangang tanong ko.
"Wait, so kasama ka niya kahapon?" buwelta naman ni Luam.
Muli ay hindi nasagot ang tanong ni Luam ng magsalita na si Cheydan. "Yup, so let's go para hindi ka masyadong gabihin. Mauna na kami sainyo." 'yon lang ang sinabi niya at muling ipinulupot ang braso saaking braso bago hinila palayo sa dalawang lalaki.
"May daraanan pa pala ako sa mall, 'yung ilang props kasi na kailangan natin ay bibilhin ko pa lang sa mall." nagitla ako dahil sa sinabi niya.
Naglalakad na kami ngayon patungo sa labas ng university kung saan naghihintay ang sundo niya. "Hindi ba dapat mag-ambagan tayo? Para walang nakalalamang sa paggastos."
Lumingon siya saakin at nginitian muli ako. I wonder kung paano silang naging magkapatid ni Arius gayong pati yata ang ilang emosyon sa mukha nito ay may bayad.
"Hindi na kailangan, ito lang ang malaki kong maiaambag. Because acting isn't really my thing." natawa pa siya at pinauna na ako pasakay sa van nila.
I feel the same. Kaya nga ginagalingan ko sa bawat script para kahit doon manlang ay makabawi.
It took us ten minutes to finally arrived on our destination. This is the first time that I'll go to the mall without Luam.
Siya kasi ang palaging nagpapasama saakin o kung minsan ay hilig niyang ilibre ako.
Hindi na ako muling nagsalita hanggang sa tuluyan kaming pumasok sa mall. Basta magkakawit ang braso naming dalawa habang naglalakad patungo sa kung saang shop.
Nang huminto kami ay ako na mismo ang bumitaw sa braso ni Cheydan. "Dito nalang siguro ako, mabilis ka lang naman 'di ba?"
Minsan pa siyang lumingon sa shop. "Sure ka? Hindi ka naman maiinip sa loob kasi pwede ka rin bumili ng mga gusto mo."
Pilit akong ngumiti at tumanggi sakaniya. "Hindi na, ayos lang ako rito." pilit ko pa.
No'ng huling punta ko kasi sa ganito ay nahawakan ko ang kamay ng isang saleslady lahat yata ng balahibo ko ay nagtayuan ng araw na makita ko ang kaniyang kapalaran.
Nagkibit-balikat nalang saakin si Cheydan bago tuluyang pumasok sa shop. Nagpakawala ako ng buntong hininga at inilibot ang aking paningin sa naggagandahang disenyo ng baat shop.
Hindi pa man nangangawit ang parehong binti ko ng may isang pamilyar na lalaki ang huminto sa harapan ko. My eyes widened when I saw his face. He was looking at me with a smirk on his face.
Napaatras pa ako ng tuluyan siyang humarap saakin. "Hey, I bet you're alone? Want to have a walk with me?" he still have this smirk or playful smile on his face rather.
Para bang ipinahihiwatig niya na hindi lang basta lakad ang gusto niya. "Arius, uhh n-nasa loob si Cheydan." nautal pa ako habang paulit-ulit na pinapasadahan ng tingin ang kaniyang mukha.
Something's feels strange. Why he changed so suddenly? He was emotionless when I last saw him.
Natawa siya at dahan-dahang naglakad palapit saakin. Huminto siya tatlong hakbang nalang ang layo namin.
"Arius... You know me huh."
Ano bang pinagsasabi niya? Paanong hindi ko siya makikilala e, siya 'tong nagligtas saakin sa pedestrian.
Napahimas siya sa sariling baba ng hindi ako sumagot. "So, since you know me. Can we still have a walk and get to know each other." ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya ay hindi na naglaho.
Ano bang nangyayari at tila ngayon niya lang ako nakita? Bakit iba ang kaniyang ugali?
"Faithrill! Sorry natagalan!" sigaw ng papalapit na si Cheydan.
Nilingon ko ito saglit at nang muli akong bumaling kay Arius ay naglalakad na ito palayo.
Really? What the hell is happening?
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro