Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

CHAPTER 31

LUAM ZULEMA

"Luam, don't run!" my Mom kept on yelling at me, while I keep on running.

Nang mapagod ay huminto ako sa isang puno at nagphinga sa lilim nito. Hindi pa man umiinit ang pang-upo ko mula sa pagkakaupo ay nakarinig ako nang tila ba mahihinang hikbi mula sa kung saan.

Hindi ko alam kung saan babaling ngunit naagaw ng bulto ng isang bata mula sa malayo ang paningin ko. Nakaluhod siya sa harap ng puntod na tila ba katatabon lang kanina.

Hinihingal man ay marahan akong naglakad palapit sa bata. And that's the first time that I met her, the girl whom I love the most, Faithrill.

She was crying hardly while mumbling Mommy, wari ko'y mga magulang niya ang nakalibing sa puntod na 'yon.

"Hey wanna play?" I asked with a smile on my face.

She look up and stared at me for a second. "You wouldn't dream of playing with me," she even smile but it was painful.

I kneel infront of her, making her stunned. "Why not? You look fun to be with." I said as I look at her whole face.

Her brown eyes were fascinating me together with her curly hair.


NAGISING ako nang marinig ang marahang pagbukas ng pinto. Simula nang bantayan ko si Faithrill ay naging sensitibo ako at mabilis na magising sa kahit pinakamahinang ingay.

"Pasensya na hijo at nagising pa kita, lalabas muna ako para samahan 'yung pinsan ni Faithrill. Babalik din ako." sambit ng Lola ni Faithrill bago tuluyang umalis na.

Nagbanyo muna ako para ayusin ang sarili nang matapos ako ay siya namang pagtawag nila Rail, bibisita nga pala sila kasama sila Sally.

"Hello? Tutuloy ba kayo rito? Tulog pa si Faithrill," sambit ko at binalingan ng tingin si Faithrill na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.

"Oo naman, ayaw mo no'n pagkagising niya ang gwapong si Rail na ang mabubungaran niya." sagot ni Rail mula sa kabilang linya, may bahid pa nang pagyayabang ang boses.

"Kapal naman ng mukha mong hinayupak ka. Magdala ka nalang ng mga prutas ng matuwa ako sa'yo." biro ko na siyang ikinatawa niya.

"Syempre ako pa ba, alam ko namang kuripot ka men so don't worry I got you!" bago ko pa man siya singhalan ay mabilis na niyang naibaba ang tawag.

"Mamaya ka saaking gunggong ka."

Inilapag ko sa side table ang cellphone ko at naupo sa upuang katabi ng kama ni Faithrill. Sa laki ng pinagbago ng itsura niya ay hindi pa rin nawala ang likas niyang ganda.

"You always look like an angel." I whispered, marahan ko dapat na hahawakan ang kaniyang pisngi nang biglang bumukas ang pinto.

Iniluwa no'n si Rail na may ngiting aso sa likod niya ay si Cheydan, Sally at Biely.

"Bilis ko 'no? Powers ko 'yon men." aniya at inilapag ang mga dalang prutas.

"Tumawag siya no'ng nasa baba na kami." sambit ni Biely na may dala namang mga tinapay na pwede kay Faithrill.

Muli akong bumangon kay Rail. "Powers ha, sinong kuripot ha? Lumapit ka rito, sinong kuripot?" bago pa ako makalapit sakaniya ay pumunta na siya sa likod ni Cheydan na napapailing-iling nalang saaming dalawa.

"Tumigil nga kayo baka magising sa ingay niyo si Faithrill." mahinang sambit ni Sally na naglalakad na ngayon palapit sa sofa.

"Bait mo teh ah parang 'di pinagselosan si Faithrill––" kaagad na tinakpan ni Sally ang bibig ni Biely gamit ang isang tinapay na may balot pa.

"Manahimik ka beh, kaya nga nandito ako para humingi rin ng pasensya at kapatawaran." sambit niya at kapagkuwan ay bumaling saakin. "Anong oras pala ang gising niya?"

Kinuha ko muna ang mga dala nila at inilagay sa isang tabi bago sumagot. "Usually kapag alam niyang may bibisita sakaniya maaga siyang nagigising pero sa tingin ko napuyat siya kagabi." sambit ko at napatingin sa Faithrill.

She looks peaceful while sleeping.

"May nangyari ba kagabi?" tanong ni Cheydan na ngayon ay nakaupo na sa mahabang sofa katabi si Biely at Sally.

"Inatake ba siya nang sakit niya?" alalang tanong ni Rail na nakatayo tabi kung saan nakaupo si Cheydan.

Tumango ako at umupo sa bangkong nasa tabi ng kama ni Faithrill. "Something happened and I can't just tell you guys. It's kinda confidential." 

Si Sally kaagad ang unang nakabawi matapos nang sinabi ko, tumayo siya at lumapit sa paanan ni Faithrill. "Can I come closer? I want to talk to her, uulitin ko nalang mamaya paggising niya para kahit papaano less kaba." sambit niya na binuntutan pa nang kinakabahang tawa.

"Sure, feel free." sagot ko at iminuwestra pa ang kabilang gilid ni Faithrill.

Agad siyang lumapit do'n at napatitig sa mukha ni Faithrill. Alam kong naninibago rin siya dahil sa biglaang pagbagsak ng katawan ni Faithrill pero someday, lahat kami umaasang muling babalik ang dating sigla niya maging ng katawan niya.

Napuno nang katahimikan ang buong silid habang si Sally ay ilang minuto nang nakatayo sa tabi ni Faithrill.

"I-I'm sorry, Faithrill... Sorry for what I've done. I hope you forgive me, alam kong sumobra ako lalo na 'yung nagawa namin sa'yo nila Kriel. But I promise, sa paggaling mo babawi ako. This time we'll camp again." nakangiting sambit niya ngunit ang mga mata ay puro luha na.

Tumiim ang tingin ko kay Sally, so isa siya sa dahilan kung bakit mas na-trigger ang takot ni Faithrill? I want to shout at Sally, o kahit gantihan man lang siya pero alam kong hindi 'yon magugustuhan ni Faithrill.

Bumuntong hininga ako. "Stop crying, for sure kung ano man 'yung nagawa niyo sakaniya napatawad na niya. Hindi ugali ni Faithrill ang magtanim nang sama ng loob." I said and look at Faithrill with admiration and smile on my lips.

I slowly held her hand but my smile vanished when I felt its coldness. Kaagad na nanlaki ang mata ko at napatayo.

Dumukwang ako at sinubukang ilapit ang mukha ko sa mukha ni Faithrill, pinakikiramdaman ang kaniyang paghinga.

"Hey, bakit?" maging sila Cheydan ay napatayo na at pumalibot sa kama.

"Call the Doctor," mahinang sambit ko habang tila ba sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba.

"Call the freaking Doctor! Shit!" singhal ko.

Lahat sila ay nataranta si Rail lang yata 'tong mabilis na lumabas. Pinilit ko pang hawakan ang malamig na kamay ni Faithrill. I even held her cheeks hoping that I'll feel her warmth but it only feels cold, cold as ice.

"No, no, no, Faithrill! Wake up!" nanginginig ang mga labing sambit ni Cheydan na kagad tinabig pausog si Sally upang mapalapit kay Faithrill.

"Gagi, bakla gising. Marami pa akong chika hoy walang ganyanan!" halos lumupasay sa sahig na sambit ni Biely habang nasa paanan ng kama ni Faithrill.

Napahilamos ako sa mukha ko habang pinipigilan ang sariling maluha. "Wala namang ganyanan mahal oh, sabay-sabay pa tayong aakyat sa stage para grumaduate  'di ba?" mahigpit kong hinawakan at hinalik-halikan ang kanang kamay niya habang rinig na rinig ko ang pigil na hikbi nila Cheydan.

Ilang segundo pa at ang nagmamadaling mga nurse at Doctor ang pumasok sa silid. Kaagad kaming pinatabi ng mga ito at pumalibot sa kama ni Faithrill.

Muling bumukas ang pinto ng silid at pumasok do'n ang Lola ni Faithrill kasama ang pinsan niyang si Paiye. Kaagad ko 'tong nilapitan matapos makitang tila ba babagsak na ito.

"Lola, kumalma po tayo lalaban si Faithrill. M-Matapang siya.." tumikhim ako at pilit inalis ang tila ba kung anong nakabara sa lalamunan ko.

"Apo ko..."

"Ate Faithrill laban lang..."

Napuno nang mga pigil na hikbi ang buong silid habang ang nurse at doktor ay abala sa patuloy na pagligtas sa buhay ng aking minamahal.

Lahat kami ay umaasa't nagdarasal na lalaban pa siya at kasabay naming aakyat sa entablado upang kuhanin ang diploma.

Ngunit sa kasamaang palad, sa hindi inaasahang pangyayari isa pala saaming magkakaibigan ang hindi na magagawa pang kuhanin ang diploma.

April 1, 2019 hindi na kinayang lumaban pa ni Faithrill...

*****

3 Months later...

Sa loob ng madilim kong kwarto ay nakarinig ako nang marahan na pagkatok mula sa labas. Alam kong si Mom 'yon na gusto akong palabasin at libangin pero hindi ko yata kaya ni ang magpakasaya kahit kaunti.

"I'll come in." rinig ko pang sambit ni Mom matapos tuluyang pumasok saaking kwarto.

Naglakad siya patungo sa kama ko kung saan ako naka-upo habang nakatingin sa kawalan. Bumuntong hininga siya at naupo sa tabi ko, alam kong hindi lang ako ang nasasaktan sa pagkawala ni Faithrill pero hindi ko lang talaga matanggap kung paanong sinukuan kaagad nila ang babaeng mahal ko.

She was declared brain dead but a machine can still keep her alive, that's what the Doctor told us.

" 'Nak," naramdaman kong hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Alam kong masakit pa rin para sa'yo pero kailangan mong tanggapin, in order to move on."

A tear flow through my cheek. "I can't, Mom. Sinabi na ng Doktor, maaari pa siyang mabuhay pero bakit gano'n nalang siya kabilis sukuan ng Lola niya? If it is about the hospital bill I can took care of it just to keep her alive..." bulong ko habang ang mga luha ay tuloy-tuloy sa pag-agos sa pisngi ko.

Inakbayan ako ni Mommy at sinubukang aluin. "It's not about the hospital bill, it's about Faithrill." napalingon ako sakaniya.

Pinahid niya ang mga luhang bumabasa saaking pisngi. "Hindi ba't sinabi na ng Doktor na there's no chance of recovery because her body is unable to survive without artificial life support. 'Yon ba ang gusto mo? Ang pahirapan pa ang pagod na pagod ng katawan ni Faithrill?"

Hindi ako nakasagot. Alam ko namang labag sa loob nila ang kinahinatnan ni Faithrill pero masakit pa rin para saakin.

Minsan pa akong niyakap nang mahigpit ni Mommy bago tuluyang tumayo. "Bumaba ka sa sala hinihintay ka nila Cheydan."

Nangunot ang noo ko ngunit hindi na ako nagtanong. Nang makalabas si Mom ay pinilit kong tumayo upang bumaba. Ano naman kayang ginagawa rito nila Cheydan?

Hindi tulad dati ay ang tahimik na sala namin ang sumalubong saakin matapos kong makababa. Ni hindi ko man lang narinig ang kulitan nila Cheydan katulad nang dati, no'ng buhay pa si Faithrill...

"Anong ginagawa niyo rito?" walang kabuhay-buhay na sambit ko at naupo sa pang-isahang sofa.

Nakaupo sa mahabang sofa si Cheydan at Rail habang si Azrail naman ay nasa isa pang, pang-isahang sofa.

"Naisipan naming dalawin si Faith, baka gusto mong sumama?" sagot ni Rail, hindi tulad dati ni hindi ko na siya mabakasan nang kahit anong kulit.

Lahat kami naging matamlay dahil sa nangyari. Sobrang nakakapanibago.

"Nang ganitong oras? Nasisiraan ka na ba, Rail?" sambit ko paanong bibisita ngayon e halos mag-aala una na ng madaling araw mabuti nga at pinapasok pa sila ni Mommy.

Tumayo si Cheydan, hawak ang kamay ni Rail. "Gusto naming masilayan ang isang umaga na kapiling muli si Faithrill, kung ayaw mong sumama e 'di bahala ka."

Napabuntong hininga ako at bago pa man sila makalapit sa main door ng bahay namin ay tumayo na ako. "Sandali, sasama ako."

"Sasama rin pala dami pang kuda." iritang sambit ni Azrail.

Napabuga ako ng hangin dahil sa inis. "Tss, bakit ka ba nandito?"

Ngumisi ito ng nakakaloko. "Para dalawin si Faithrill, mukha bang naggagala lang ako? Isa pa hindi ko hahayaang lumabas si Cheydan ng ganitong oras at itomg ugok lang na 'to ang kasama."

"Hoy! Para namang may gagawin ako kay Dan, e mas mukhang bubugbugin ako niyan e." depensa pa ni Rail.

"Rail!" inis siyang hinampas ni Dan.

Siguro nga isa 'to sa kailangan ko para tuluyang tanggapin ang pamamahinga ng mahal ko. Ang silayan muli ang isang umaga kasama si Faithrill, wala man sa tabi ko pero pare-pareho namang nasa puso namin.

Wala kaming imikan kahit pare-pareho na kami ngayong nakaupo sa damuhan habang pinalilibutan ang puntod ni Faithrill, puno pa rin ito ng bulaklak na tila ba araw-araw ay may nagdadala rito ng panibago.

Nagsindi kami ng kandila sa puntod niya at tahimik na dinama ang hangin, kaniya-kaniyang nagpapalunod sa sariling isipin.

Maya-maya ay binasag ni Azrail ang katahimikan. "Alam niyo ba no'ng una kong makilala si Faithrill pinagkamalan pa niya akong si Arius. At first I thought she was like other girls, na once they found out who am I they'll leave. Pero hindi, kakaiba siya. Nanatili siya bilang isang kaibigan, hindi man kami gano'n kalapit pero masasabi kong isa ako sa tinuring niyang kaibigan o kakilala."

Lahat kami'y natahimik nang marinig ang pigil na hikbi ni Azrail. I couldn't believe that she'll cry because of Faithrill.

Narinig ko ang pagsinghot-singhot ni Cheydan bago niya sinubukang magkwento. "Alam niyo ba no'ng una ko siyang makausap? She seemed so anxious..." natawa siya kahit nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha niya.

"Akala ko ayaw niya lang hawakan ang kamay ko pero may mas malalim pa lang dahilan... She tried her best to act normal, to live normal yet it seems so difficult because of the ability she have––" tuluyan nang napahagulgol si Cheydan na kaagad namang inalo ni Rail.

Lahat kami, kapwa nagpipigil ng masakit na paghikbi. Nang kumalma ay nagsimula muli silang magkwento, ni hindi ko kayang ibuka ang bibig ko para ikwento kung gaano ba ka-amazing ang babaeng mahal ko dahil alam ko oras na bumuka ang bibig ko tanging hikbi ko lang ang lalabas dito.

Nakayuko ako habang pinakikinggan ang kanilang mga kwento, 'di mapigilang alalahanin ang lahat ng pinagsamahan namin ni Faithrill.

Sobrang hapdi, sobrang bigat, masyadong masakit para kayanin pero alam kong kung nandito siya ay hindi niya magugustuhang nagkakaganito ako, kami...

Huminga ako nang malalim at napatingala sa kalangitang nababalot pa rin ng dilim.

"Sobrang hiwaga ng buhay, grabe kung manggulat." sinubukan kong tumawa kahit para bang may nakabara saaking lalamunan.

"Parang noong pasko lang inaasar ko siya kay Kuya." Maya-maya naman ay sambit ni Azrail dahilan upang mapatingin ako sakaniya.

Kumusta nga kaya si Arius? Magmula nang malaman ng lahat na wala na si Faithrill ay hindi na namin nakita si Arius, ni kahit anino niya noong libing ni Faithrill wala.

"Kumusta pala siya? Pansin ko pa namang may gusto siya kay Faithrill noon pa."

Bumaling saakin si Cheydan na mugto ang mga mata. "Lalabas lang siya kapag papasok sa school, wala siyang kinakausap saamin lalo na kung tungkol kay Faithrill." sambit niya at hindi na ako nagsalita pa.

Hanggang sa tuluyang pagsikat ng araw ay nakaupo kami sa damuhan katabi ang lapida ni Faithrill. Inaalala ang mga panahong kasama siya, kung saan puno ng saya...

At simula sa umagang 'to kahit papaano gumaan ang loob naming lahat habang nakatanaw sa haring araw na unti-unti nang lumilitaw. Paunti-unti alam kong matatanggap din namin ang payapang pagpanaw ni Faithrill.

Nang tuluyan nang lumabas ang araw ay nagsi-aya na silang umuwi matapos mag-alay ng isa pang dasal kay Faithrill. Pinauna ko silang maglakad at sinabing susunod na sa sasakyan.

Napatitig ako sa lapida ng aking mahal at marahang hinaplos 'yon habang nakangiti nang puno ng sakit.

"Tutuparin ko 'yung huling kahilingan mo, at ipinapangako kong sa tuwing babalik at bibisita ako rito ay may maganda akong balitang ichi-chika sa'yo. I––" napahikbi ako at napapikit habang pilit pinatatahan ang sarili.

"I love you, Faithrill..."

Sa paglipas ng bawat araw, linggo, buwan na inabot na ng taon ay tinupad nga ni Luam ang pangako sa babaeng kaniyang unang minamahal.

•─────✧─────•

Kyahh finally Epilogue nalang at tapos na ang Life’s Surprises! Gusto kong magpasalamat sa lahat ng matiyagang naghintay at sumubaybay sa istorya nila Faithrill. Always take care Saixies!


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro