Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

CHAPTER 3


CHEYDAN is a bubbly person not only to me. She's also friendly, lahat yata ng kaklase namin ay kakilala na niya, maging ang mga kaklase naming nagmula pa sa ibang strand, gaya ni Rail na mula pa sa STEM.


Rail suddenly look at me. "Ikaw ba? May naisip kang plot or some idea for our drama?" he asked calmly.


Akala ko talaga ay mayabang siya base sa itsura niya, but i think the quote really has a point 'Don't judge the book by its cover.'


"Mayro'n, but I'm not sure if you guys will like it.." pilit kong nilulunok ang hiya ko kahit pa ang totoo ay para na akong sasabog sa sobrang hiya.


Parang gusto ko nalang bumuka ang semento na sahig at lamunin ako nito. Inaamin ko naman na nagsusulat din ako ng ilang kwento, ngunit hindi ko ito sineseryoso dahil para saakin libangan ko lamang ito. Kumbaga kapag may naisip lang akong idea doon lang ako magsusulat.


"Care to share it with us? Who knows that maybe your idea is one of the masterpiece." komento ni Cheydan habang nakangiti saakin.


Napalunok ako habang pilit inaalis ang panliliit saaking dibdib. Ang takot na mahawakan ang mga palad nila ay hindi pa rin nawawala saaking isip.


I heave a sigh and start talking about the idea that I have. Ewan ko lang kung magugustuhan nila 'to para saakin kasi ay parang ang cringe nito masyado.


It's about the family business with their profit and so on. Mabuti nalang talaga at kahit papaano ay maisisingit pa ang math doon.


Rail clapped his hands after i discuss about the idea, Cheydan do the same. "It's a great idea!"


"I agree, isa pa parang mala drama talaga siya lalo na at may family part something." nakangiting komento ni Rail.


Kahit papaano ay nabawasan ang kaba saaking dibdib dahil sa sinabi nila.Gusto ko ring mapalagay ang loob sakanila at maging isa sa kaibigan nila, pero paano kong magagawa 'yon kung hindi ako normal na katulad nila?


"Feeling ko sakto lang ang characters doon para saating tatlo. If I am not mistaken, right Faithrill?" baling saakin ni Cheydan na tila ba ako ang leader ng grupo.


Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at umayos pa ng upo. "Ha? D-Depende pa rin siguro sa script na gagawin natin?" patanong kong sagot na ikinatawa ng bahagya nilang dalawa.


"You're pressuring her, Dan."


Pabiro namang hinampas ni Cheydan ang braso ni Rail habang namimilog ang mga mata ng dalaga. "I'm not! I'm being friendly kaya kahit kanino." sagot nito at inirapan pa si Rail.


Napangiti ako dahil sa pag-aasaran nila, parang bigla tuloy ay gusto kong silipin ang hinaharap at tignan kung sila ba ang nakatadhana para sa isa't-isa.


Nawala ang ngiti ko nang marealize ang naisip. Hindi ko dapat tignan ang hinaharap ng kahit sino, dahil sabi nga nila ang buhay ay puno ng surpresa, ngunit hindi para saakin.


Ngumuso si Cheydan na lalong nagpacute sa maganda niyang mukha. "Am I pressuring you, Faithrill?" mabilis akong bumaling kay Cheydan.


"A-Ah, hindi naman..." tugon ko at nakagat ng marahan ang aking dila.


"Come on, 'wag kang mahiya sa'min." nakangiting aniya, nang mapansin ko ang paggalaw ng kamay niya palapit sa kamay ko ay kaagad akong napatayo.


Kumalma ka Faithrill... Baka pati sila'y layuan ka rin.


"E-Excuse me? Kuha lang akong tissue sa bag ko." palusot ko at kaagad na umalis sa bangko na malapit sakanilang pareho.


Lumipat kasi kami ng upuan kanina matapos nila akong lapitan. Mabuti nalang talaga at may dala ako palagi ng tissue, kung 'di ay walang saysay ang palusot ko.


"Ayos ka lang?" a calm voice filled my ear, nang tiningala ko ito ay hindi na ako nagulat nang masilayan ang mukha ng aking kaibigan.


"Oo naman. Ano? Kumusta ang mga kagrupo mo?" pag-iiba ko ng usapan.


Pinunasan ko ang halos natuyo ng pawis sa noo ko kanina gamit ang tissue na kinuha ko.


"I can say that they're good. Pero sayang pa rin makakalibre na sana ako ng pang-isang taon na lunch sa'yo ano?"


Natawa ako dahil sa biro niya, kuripot amp.


"Ang kuripot mo!" natatawang ani ko bago siya iwan doon para bumalik sa mga kagrupo ko.


Magtetext naman siya kung sakaling sabay kaming mag-lunch mamaya.


Pareho ng seryoso ang mga mukha ni Rail nang umupo ako sa harap nila ni Cheydan. "Yep, I can't say if I can make it."


Kahit may hiya pa rin ay sumabat na ako. "Ang alin?"


Sabay silang napatingin saakin. "Na tumulong sa paggawa ng script, I mean wala akong talent sa gan'yan kaya nga STEM ang kinuha ko. Although, I used to watch some dramas so maybe doon nalang ako tutulong ng lubos sa pag-arte." sumandal siya sa sariling upuan.


"Hmm, for me it's fine kung sasamahan ako ni Faithrill na gumawa ng script sa bahay namin. Siguro naman bago matapos ang three days na palugit saatin ay tapos na namin ang scriprt." ang mga mata ni Cheydan ay nasa saakin habang sinasabi ang about sa script.


Nilakasan ko ang loob ko at buong tapang na nagtanong. "Uhm, kailangan bang ako talaga?"


She immidiately pouted her lips while looking at me. "Yes please... Faithrill. Kaya mo bang hayaan lang akong mag-isang magtrabaho rito? Isa pa, my family is great.." nangogonsensyang sabi niya.


May magagawa pa ba ako? Mukhang hindi rin naman ako gano'n kagaling sa pag-arte, siguro dito nalang ako babawi sa paggawa ng script.


Sana... Sana maging maayos 'tong unan kong pag-sama sa hindi ko pa gaanoong kakilala.

*****

KINAHAPUNAN ay hindi ko na muling matagpuan si Luam. Mukhang naging maaga ang labasan nila lalo na at narinig ko sa ibang section na absent raw ang isang subject ng STEM.


"Nauna na nga pa lang umuwi si Rail. I think he had something to do kaya hindi siya makakasama. Okay lang naman sa'yo na mag-stay sa bahay namin until eight or nine pm right?" pagkatapos na pagkatapos kasi ng klase namin ay kaagad na nilapitan na ako ni Cheydan.


Mukhang hindi talaga siya papayag na gumawa ng script mag-isa.


"Sige na please, ihahatid kita pauwi sainyo, duh, hindi kita hahayaang umuwi  mag-isa."


Hindi na ako nakatanggi pa nang hilahin niya ako sa braso. Paglabas namin sa university ay isang puting van ang sumalubong saamin.


Hindi ko alam ang i-rereact o i-aasta ko habang unti-unti nang umuusad ang van. This is the first time that I'm comming with someone who's not totally close to me.


I mean hindi man kami gano'n ka-close ng mga magulang ni Luam pero alam nila ang lahat saakin, maliban sa kakayahan ko syempre.


Nagsalitang muli si Cheydan. "So tell me about yourself, mukhang medyo matatagalan tayo at laging traffic pagdating sa tapat ng luneta."


Ano bang mayro'n sa sarili ko na dapat malaman ng iba? Na kakaiba ako? Na hindi ako kagaya nila? Na malabangungot ang kakayahang mayroon ako?


Napaigtad ako sa gulat nang bahagya niyang tapikin ang ibabaw ng kamay ko. Kaagad ko 'yong ikinuyom at isiniksik sa pagitan ng aking mga hita, takot na may makita sa palad ng dalaga.


"A-Ano, wala namang espesyal saakin." sagot ko at pinilit ang sariling ngumiti.


"Hindi ako naniniwala," nagulat ako sa isinagot niya. "Bawat tao ginawa ng may pagkakaiba, lahat unique sa sarili nilang paraan." nang tumingin siya saakin ay naroon na naman ang nakatutunaw na ganda ng kaniyang ngiti.


I got stunned on what she just said. Am I unique? Or this power that i have is a sign for me to think... that life isn't full of surprises.




Ilang minuto pa ay huminto na ang van na sinasakyan namin. Isang mataas at buhay na buhay na kulay ng bahay ang bumungad saamin. Napakaganda, hindi ko alam kung ano ang sukat ng pader ngunit sadyang kay lalapad nito.


May second floor din sila na ani mo'y palasyo dahil sa ganda ng disenyo. Who would've thought na makakapasok ako sa ganito kalaking bahay?


Halos hindi naman nagkakalayo ang sukat ng bahay nila sa bahay nila Luam ngunit ang kanila ay may ikalawang palapag na wala sila Luam.


"Feel at home, si Mom lang ang kasama namin ngayon dahil palaging busy si Dad sa business niya." pandadaldal pa ni Cheydan habang naglalakad na kami patungo sa main door ng bahay nila.


Limang hakbang pa ang layo namin nang bumukas ang pinto at bumungad saamin ang  isang ginang na nakabistidang dilaw. Kitang-kita pa rin ang labis niyang ganda kahit na alam mong may edad na rin siya.


"Hey, Mom." nakangiting bati ni Cheydan at kaagad na humalik sa pisngi ng Mommy niya.


Omg kung ako ang tataungin ay mapagkakamalan ko silang mag-ate.


"How's your day, hon—Oh you're with someone, care to introduce her to me?" nang tignan ko ang ginang ay nakatingin na rin ito saakin.


Kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil sa hiya. Para akong nai-star struck dahil sa ganda niya!


"She's my classmate Mom, a new friend too, Faithrill." bahagya akong napangiti nang patago dahil sa sinabi niya.


Kaibigan... Kaibigan ang turing niya saakin sa kabila ng pag-iwas ko sakaniya kung minsan.


Nang bumaling ako sa ginang ay malapad na rin itong nakangiti saakin. "Hi hija, tuloy ka 'wag mahihiya ha?" nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto.


Maya-maya ay nagsalitang muli ang Mommy ni Cheydan. "Dito ba siya matutulog 'nak? May sobra pang room doon, I mean guest room."


Kaagad akong napalingon sa ginang. "Ano ho, 'wag na maaga naman po akong uuwi." I said as  I tried to smile widely.


Bagay kaya saakin ang ngumiti ng malapad o baka mas magmukha lang akong weird o hindi kaya ay nakangiwi?


Nauuna saakin maglakad si Cheydan patungo sa kwarto niya. Mas gusto niya raw doon at walang nanggugulo dahil kung sa sala daw ay paniguradong guguluhin siya ng mga kapatid niya.


Ngayon ko lang mas napagtanto na napaka-swerte ko siguro kung normal lang din ako kagaya niya. Na kasama ko pa sana kahit man lang si Lola.


Kaso hindi, mukhang masyadong mabigat o malaking kasalanan ko sa nakaraan kong buhay para mamuhay ng ganito.


"Hey, ayos ka lang?" nagising ako mula s apagkakatulala nang halos mabunggo na muli ako sa likod ni Cheydan.


Nakahinto na pala siya sa tapat ng kwarto niya. Isang puting pinto na kumikinang sa sobrang kinis.


"Oo, nagandahan lang ako masyado sa bahay niyo." napakamot pa ako sa ulo habang nagsasabi ng palusot.


Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko. "Ikaw talaga, tara na pasok na." aniya at pinauna pa akong pumasok sa kwarto niya.


Mas namangha ako sa disenyo ng kwarto ni Cheydan. Hindi tulad ng ibang mayayamang babae ay sobrang simple lamang ng kwarto niya.


"Simple lang hindi ba? 'Yan ang sabi ko kala Mom, hindi ko naman kailangan ng mga mamahaling gamit kung pang-display lang."


Naglakad siya patungo sa mini sofa na kulay abo at ibinaba ro'n ang bag niya. Maganda, malinis at simple ang kwarto ni Cheydan talagang hindi mo mapaghihinalaang mayaman dahil puro ordinaryong gamit lang ang naroon.


Kapagkuwan ay humarap siya saakin. "Magbibihis lang ako ha? Kung may dala kang pampalit mo pwede ka rin magbihis i-lock mo nalang ang pinto."


Tinanguan ko lang siya at muling pinalibot ang aking mga mata. Nang may mita akong picture frame ay kaagad ko 'yong nilapitan, dalawang batang lalaki na magkamukha at isang batang babae sa gitna.


"Tapos kana ba magbihis? Pwede na ako lumabas?" sigaw ni Cheydan mula sa banyo.

Ang bilis niya naman magbihis?

Kaagad akong nataranta. "Ano, hindi pa! Sandali."


Lumapit ako sa pinto at akmang ilolock ito ng kusa itong bumukas at bumungad saakin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.


Natulos ako sa kinatatayuan at hindi alam ang sasabihin. Totoo ba 'tong nakikita ko? O naghahalusinasyon lang ako?


"Dan—" maging siya'y napatigil at nahigit ang sariling hininga nang magtama ang aming mga mata.


Sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana at muli kaming pinagtagpo ng hindi inaasahan.


"Ikaw..." usal niya habang ang mga mata ay nakatutok pa rin saakin.


Sunod-sunod akong napalunok.


"Arius? Arius Gedeon."


At sa mga oras na ito, ngayon ko lamang napagtanto na pareho sila ng apelyido ni Cheydan.




•─────✧─────•



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro