Chapter 29
CHAPTER 29
NAPATINGALA AKO, sinusubukang pigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko. "Luam hindi sa akin madali kasi dahil sa kakayahan kong 'to, maging mismong Lola ko itinakwil ako, iniwan ako..." pagod na pagod nang ani ko.
Natahimik siya dahil sa mismong araw na iniwan ako ng nag-iisa kong pamilya ay siyang dating niya.
"Hindi kapani-paniwala 'di ba? Ano nga bang aasahan ko––" naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang magsalita.
"––Naniniwala ako, ang hindi ko matanggap ay kailangan mo pang magtago dahil diyan sa kakayahan mo." seryosong sambit niya habang deretsong nakatingin saaking mga mata.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Luam? Walang sino mang kayang paniwalaan o tanggapin man lang ang kakayahang mayroon ako." bumagsak ang dalawang balikat ko.
Kung nabubuhay nga lang ang mga magulang ko baka pati sila ay iwasan ako.
"Ako." tumitig siya sa akin. "Tanggap kita at naniniwala ako sa'yo Faithrill." humakbang siya palapit at ipinatong ang parehong kamay saaking balikat.
Tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilang umagos sa pisngi ko. Paano niyang nagagawa 'to? Hindi niya ba naisip na weird ako? Na baka baliw ako?
"Look Faithrill, alam kong pakiramdam mo ay naiiba ka but trust me, lahat tayo may pagkakaiba. And that's what make us unique in our own way. Tanggap kita Faithrill, tanggap ko maging ang nakamamanghang kakayahan mo." ngumiti siya nang matamis at mahigpit akong niyakap.
Dahil sa mga sinabi niya at sa ipinararamdam niya ang lahat nang emosyong naipon sa dibdib ko ay nakamamanghang lumabas isa-isa. Iniyak ko lahat habang nasa bisig niya.
Nang tumigil ako sa paghikbi ay dahan-dahan niya akong binitiwan mula sa pagkakayakap. Iniangat niya ang ulo ko at pinunasan ang mga luhang naiwan pa sa pisngi ko.
"Tahan na, mamaya niyan siopao na pati mata mo." natawa ako sa sinabi niya ngunit imbis na isang hampas ang igawad ko ay marahan kong hinablot ang kwelyo ng damit niya.
Kitang-kita ko kung paano siyang napalunok kasabay nang panlalaki ng kaniyang mga mata. Ngumiti ako nang matamis at isang mabilis na halik ang idinampi sa gilid ng kaniyang labi.
"Magpapagaling ako para sa'yo, para sainyo nila Cheydan..." bulong ko na siyang dahilan nang pagguhit ng isang napakatamis na ngiti sakaniyang mga labi.
Umiling siya.
"Magpagaling ka para sa sarili mo."
"AYOKO nga, Luam." nakangusong sambit ko. Halos isang linggo na rin ako rito sa hospital.
Sa loob ng isang linggo na 'yon ay kada-araw yata ay kinukumbinsi niya akong kausapin ko na ang Lola ko.
Inilapag niya ang mga pagkain ko. "Faithrill, kung hindi ngayon kailan? Hihintayin mo pa bang may mangyaring masama sa Lola mo sa labas ng hospital bago ka makipag-usap sakaniya?"
Napatigil ako. Sa labas ng hospital? Hinihintay niya kaya ako?
Umupo siya sa harap ko at inayos ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa pisngi ko. "Noong unang bisita pa lang nila Mommy rito ay nasa labas na siya at naghihintay."
Napaiwas ako nang tingin, no'ng mga oras na 'yon ay masaya akong nakikipag-kwentuhan sa Mom ni Luam without knowing na may naghihintay pala saakin...
"Come on, subukan mo lang kapag hindi mo pa talaga kaya, then take your time okay?" aniya at sinilip pa ang mukha ko na sa ibang direksyon nakatingin.
Matagal ko siyang tinitigan sa mga mata bago marahang tumango. Kailangan kong subukan...
Ilang minuto lang ang hinintay ko simula nang lumabas si Luam at maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang Lola ko. Ang nag-iisang pamilya na mayroon ako, noon.
Kaagad kong itinago ang dalawang kamay ko, inilagay ko 'yon sa kumot na nakapatong sa tiyan ko.
"Kumusta kana? Ilang beses akong bumalik sa paaralang pinapasukan mo, pero bigo ako." dahan-dahan siyang naglakad palapit saakin.
Dahil din siguro sa awkwardness ay hindi siya kumalapit saakin, may distansiya pa rin.
"Hindi na po ako makakapasok." maikling sambit ko.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala na akong pake sakaniya, na ayoko nang magkaroon ng kahit anong koneksyon sakaniya. Kasi ang totoo? Pagtanggap lang naman ang gusto ko.
"Hindi ko alam kung magkaano-ano kayo ng binatang 'yon, pero ramdam kong mabuti siya at malaki ang pagpapahalaga sa'yo." nilingon ko siya, nakita ko kung paanong gumuhit ang ngiti mula sakaniyang labi hanggang sakaniyang mga mata.
Napayuko siya hindi ko alam pero hindi ko na matanggal ang paningin ko sakaniya. "Patawarin mo ako. Patawarin mo ako kasi 'yon 'yung hindi ko nagawa sa'yo. Patawad kung imbis na manatili at damayan ka, iniwan kita." tuluyan siyang napaluhod sa sahig habang umiiyak.
Mabilis akong tumayo sa kama at dinaluhan siya. Hindi kaya ng konsensya kong nakaluhod siya.
"Tumayo po kayo..." sambit ko, nag-angat siya nang tingin at sa mga oras na 'yon ay kitang-kita ko ang labis na pagsisisi sakaniyang mga mata.
Hindi na ako pumalag nang yakapin niya ako, niyakap ko siya pabalik at kahit ramdam kong may kaunti pa ring galit sa loob ko ay unti-unting tumulo ang luha ko.
"Apo ko... Patawarin mo ako, Faithrill apo." patuloy siya sa paghikbi habang yakap ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya nang mas mahigpit. "Lola..." bulong ko.
Sa mga oras na 'yon ay hindi na ako nagmatigas pa. Hindi ko pa siya kayang patawarin nang gano'n-gano'n lang ngunit handa akong makasama siyang muli hanggang sa tuluyang matunaw ang galit na nagpapatigas sa ilang parte ng kalooban ko.
Hindi ako Diyos para hindi magpatawad. Naniniwala akong lahat ng tao sa mundo ay deserve ng second chance...
***
Sa loob ng dalawang buwang pagpapagamot ay walang araw na natanggal ang ngiti saaking labi. Unti-unti mang binawi nang kapayatan ang dating masigla kong itsura, kinailangan mang kalbuhin ang buhok sa aking anit, araw-araw naman ay may nagpapaalala saakin kung gaano akong kaganda at kahalaga.
"Paano? Pasok muna kami Faithrill! Dadalaw kami sa isang araw, pangako!" masiglang sambit ni Biely mula sa videocall.
Ihinarap niya pa ang camera kay Sally. "May sasabihin din siya sa'yo sa isang araw. Hintayin mo kami ah?" aniya bago tuluyang ibalik ang phone kay Luam.
Isang masiglang ngiti kaagad ang ibinungad niya. "Mamaya ay marami akong kwento sa'yo kaya baka mapaaga ang punta ko riyan."
"Wala ka na bang klase?" napatikhim pa ako dahil sa saglit na pagkawala ng boses ko.
Umiling siya. "Wala na po, last na 'tong papasukan ko at baka saglit lang din dahil pasahan lang ng project. Mag-pahinga kana muna diyan, kumain ka rin ng mga prutas okay? Mauuna saakin sila Dan diyan kaya malamang ay manggugulo ang mga 'yon."
Tumango ako at ngumiti sakaniya. "Bye, mahal..." mahinang sambit ko ngunit nakita ko pa rin kung paano siyang pamulahan.
Bago ko pa man patayin ang tawag ay kaagad siyang nagsalita. "Teka,"
"May sasabihin ka pa?"
"Ang ganda mo..." hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa tuluyan niyang ibaba ang tawag.
Natawa nalang ako at itinabi sa sidetable ang phone ko.
"Kumusta raw ang nobyo mo?" nanlaki ang mata ko at tinawanan si Lola.
"La, hindi ko po siya nobyo." nahihiyang sambit ko, natawa rin siya at naupo sa tabi ko.
"Asus 'tong batang 'to itinatanggi pa, oo nga pala hindi makakadalaw ngayon si Paiye." tumango-tango ako at kinain ang mansanas na kababalat niya lang.
Matapos naming magkaayos ilang buwan na nag nakalilipas ay ipinakilala niya saakin ang nag-iisa kong pinsan, si Paiye na siya ring tumulong saakin matapos akong pagtulungan nila Kriel sa cafeteria. Kaya pala nakita ko no'n sa palad ni Lola ang isang masayang pamilya, 'yon pala ang pamilya ng kapatid ni Daddy.
Hindi ko pa lubos na kilala ang tiyuhin ko dahil hindi rin naman ako nagtatanong.
Ilang sandali lang nga ay dumating sila Dan, kasama nito sila Azrail, Rail at Arius na hindi iniaalis ang tingin saakin.
"Kumusta? Have you eaten something?"
Itinaas ko ang mansanas na hindi ko pa nauubos. "Oo naman, ako pa mabilis kaya akong magutom." sambit ko, pilit pinagagaan ang atmosphere sa paligid namin.
Alam ko kasing pansin din nila ang pagbabago ng itsura ko.
" 'Wag niyo nga akong tignan nang ganyan, okay lang ako."
"Naaamaze lang ako, mas gumaganda ka kasi habang tumatagal Faithrill." nakangiting sambit ni Rail matapos magbless kay Lola.
"Alam kong kita ang bilog kong ulo dahil wala akong buhok ngayon pero 'wag ka namang mambola, gaga." pabirong sambit ko at sinimangutan pa siya.
Kaagad na bumakas ang pag-aalala sakaniyang mukha, akala yata ay nasaktan ako sa sinabi niya. Napatakip ako sa bibig ko, nagpipigil ng tawa.
Malakas akong napahagalpak nang tawa matapos siyang batukan ni Azrail. "Binibiro ka lang niya, p're, slow mo naman."
"Ate! 'Wag mo ngang batukan si Rail!" reklamo ni Dan at kaagad na lumapit sa isa.
Hmm mukhang may namamagitan na sa dalawa huh.
"Maiwan ko muna kayo mga hija at hijo. Bantayan niyo ang apo ko ha." paalam ni Lola.
"Kami hong bahala sakaniya, La." nakangiting paalam nila.
Nang makaalis si Lola ay saka ko binalingan nang nakakaasar na tingin ang dalawa. "Kayo ha, may itinatago kayo 'no?"
Nanlaki ang mga mata ni Dan. "W-Wala ah!"
"Oo tama wala! Hindi ko pa nga siya nililigawan e––" mabilis na tinakpan ni Dan ang bibig ni Rail.
"Rail!"
"Nililigawan?!" sabay na sigaw ng kambal.
Uh oh... Mukhang pati sila Azrail ay walang alam. Dahil mas malapit si Azrail ay kaagad siyang naglakad palapit kay Rail ngunit kaagad itong nakatakbo papalabas.
"Ate! Para kang ano!" sumunod palabas si Dan.
Nang maiwan kami ni Arius ay kaagad ko siyang binalingan ngunit ang kaniyang mga mata ay nakatingin na pala saakin.
A genuine smile formed on my lips. "Salamat, kahit saglit lang 'yong pagpapanggap natin kahit papaano nakatulong kahit nabuko rin ako." sambit ko at natawa.
Napahinto ako nang marahan niyang hawakan ang kamay ko, katulad nang dati, wala na, wala na akong maramdaman.
"It is always a pleasure to help you. You know how much I like you but I didn't know that my feelings will grew into an I love you."
Natahimik ako, nakokonsensya akong hiningan ko siya ng tulong sa kabila nang nararamdaman niya saakin. Pakiramdam ko ay ginamit ko siya...
"I'm sorr––" he cut me off.
"No, no, don't say sorry. Don't even feel bad, I'm okay. I can handle myself, just please get better. Hihintayin ko pa kung paano kang ilakad sa altar ni Luam."
Napaluha ako. Bakit ganito siya? Mahal niya ako pero itinutulak niya ako sa iba?
"Hindi kita itinutulak sa iba ha," maya-maya ay ani niya, ani mo'y nabasa ang nasa isip ko kani-kanina. "I just know that you'll be more happy with him, with the guy you love."
Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Kasabay nang dahan-dahan niyang pagbitiw sa kamay ko ay siyang pagbukas ng pinto.
"Oh look who's here," bungad ni Luam na kaagad naglakad palapit saakin, naupo siya sa kabilang gilid ko.
"Bakit? Masama na bang bumisita kay Faithrill?"
"May sinabi ba ako? Saka dapat ay binantayan mo 'tong tatlo, ayan napagalitan ng isang nurse naghabulan daw ba sa pasilyo." sambit niya pagtapos ay inayos ang pagkakaayos ng balabal na bumabalot sa ulo ko.
"Kayong tatlo, hospital 'to hindi park kung saan pwede kayong maging isip bata at maghabulan." pangaral ni Arius na ngayon ay nakatayo na sa harapan nila Rail.
"Pero kuya, hindi mo ba pagsasabihan 'yang si bunso?! Nagpapaligaw nang hindi natin alam!"
Hindi ko na inintindi ang pagtatalo nila at hinila ang kwelyo ng damit ni Luam. Kaagad naman niyang inilapit ang sarili saakin, doon ko ibinulong kung paanong madulas si Rail nang sabihing nanliligaw na ito kay Dan.
"Totoo?!" pabulong niyang sambit.
Tumango ako habang nagpipigil ng tawa. Tumikhim siya at humarap sa apat na hanggang ngayon ay nagtatalo.
"Aba'y kaya pala panay ang hinto ni Rail sa flower shop, may pinagbibigyan." malakas niyang parinig na ikinalingon ng lahat lalong-lalo na si Rail na sumisenyas.
"Bulaklak ha..." mabagal na sambit ni Arius habang seryosong nakatingin kay Rail na ngayon ay napapalunok.
"Teka naman Kuya Arius, ganito kasi." tumayo siya at mabagl na pumunta sa likod ng sofa na kinauupuan nila Azrail at Dan.
Nakapamewang naman siyang sinusundan ni Arius. "Bakit hindi ka lumapit saakin at saka mo ipaliwanag kung paano at bakit?"
Napuno nga nang tilian nila Dan at Rail ang kwarto habang nag-iikutan sa sofa sila Arius. Nakangiti ko silang pinagmamasdan.
Ito 'yung klase nang ingay na hinding-hindi ko pagsasawaan.
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro