Chapter 27
CHAPTER 27
"SERIOUSLY ARIUS? Hindi mo na ako kailangan ihatid." nagugulat kong saad habang nakatingin sa likod niya. Nauuna kasi siya saakin maglakad.
Huminto siya at nilingon ako ilang metro lang ang layo namin sa isa't-isa. "Paano silang maniniwala kung hindi nila makikitang magkasama tayong dalawa?" may punto naman siya.
Pero masyado niya yatang pinaninindigan ang tulong na hiningi ko sakaniya kahapon. Napabuntong hininga nalang ako at sinabayan siyang maglakad.
Hindi gaya kahapon ay mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Siguro kasi may panandalian na akong mai-aaksyon sa mga nangyayari saakin?
Malayo pa lang kami kung saan ako magro-room ay natanaw ko na sila sa Dan, Rail at Luam sa pinto mukhang may pinag-uusapan ang tatlo. Pinilit kong umarteng normal kahit habang papalapit kami ni Arius ay nararamdaman ko ang tingin nila saakin.
"Kuya? What's happening?" bungad ni Dan.
Ngunit imbis na sagutin siya ng kapatid ay bumaling saakin si Arius. Marahan siyang humawak sa braso ko at ngumiti.
"Good luck sa klase, mauuna na ako." sambit niya ni hindi man lang tinapunan nang tingin ang kapatid na nagtataka.
"Ingat."
"Faithrill, ano 'yon?" nang harapin ko sila ay puno nang pagtataka ang mukha ni Dan at Rail habang si Luam naman ay nakaharap sa ibang direksyon.
"Hinatid niya ako?" maang-maangan ko.
Sumabat si Rail. "Alam mong hindi 'yan ang ibigsabihin ni Dan, Faithrill."
Magsasalita pa lang sana ako nang maramdaman kong lumingon saakin si Luam bago mabilis na tumingin kay Rail.
"Halika na, malalate na tayo sa first sub." hindi na niya hinintay sumagot si Rail at nauna na rito maglakad.
Napalingon ako sa papalayong bulto ni Luam. Gusto ko siyang habulin at sabihin sakaniya ang lahat pero pinipigilan ako ng ideyang hindi rin naman ako magtatagal kaya bakit pasasakitan ko pa siya?
"Faithrill may namamagitan ba sainyo ng Kuya ko?"
Maging ako ay napatigil sa tanong niya. Wala, Cheydan walang namamagitan saamin ng kapatid mo.
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sakaniya nang malapad. "Tara na? Magsisimula na 'yung first subject natin, ayaw mo naman sigurong maka-miss ng lesson 'di ba?" panlilihis ko sa usapan.
Nakita ko kung paanong sumeryoso ang mukha niya pero hindi na siya nagtanong pa. Sa buong oras ng klase ay hindi na ako kinausap o kinulit ni Dan tungkol sa paghatid saakin ng kapatid niya.
Batid kong pati siya ay naguguluhan pero sa ngayon kailangan kong panindigan 'tong kaisa-isang solusyon na naisip ko.
Nang mag-lunch time ay kusa na akong lumapit sa direksyon ni Dan. "Tara na sa cafeteria?"
Tumitig siya saakin na tila ba binabasa ang isip ko. Marahil ay kanina pa siya gulong-gulo. Narinig ko pa ang buntong hininga niya at imbis na sagutin ako ay nauna na siya sa paglalakad.
"Nandon na raw sila Rail." maikling sambit niya nang malapit na kami sa cafeteria.
Tumango lang ako bilang sagot kahit pa nga tanging nasa harapan lang ang paningin niya. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay natanaw ko na sila Rail sa 'di kalayuan, katulad kanina ay hindi ko mabasa si Luam...
"Ehem wala bang libreng chicken diyan?" parinig ni Rail habang nang-aasar na nakatingin kay Dan.
"Uy, uy libre mo ra––" naputol ang sasabihin ko nang marinig ang malamig na boses ni Luam, masyadong seryoso.
"Bumili ka, may pera ka naman 'di ba?"
Napatingin ako kay Dan pero agad rin siyang nag-iwas nang tingin. Isang mabigat na katahimikan ang bumalot saamin hanggang sa pagkain. Walang nangahas magsalita, hindi tulad dati na kung matatahimik lang kami ay sa tuwing may dadaan na Teacher.
Kagagawan ko 'to. Ano nga bang aasahan ko? Napayuko nalang ako sa pagkain kong wala pa sa kalahati ang bawas nang marinig ang pag-igik ng isang upuan ay kaagad akong naptingin dito.
"Tapos kana agad? Bilis mo naman p're." sambit ni Rail na nagkukumahog na rin kumain upang matapos nang mabilis.
"Mauna na ako." maikling sambit niya at hindi na hinintay si Rail.
Muli napatingin ako sakaniyang papalayong bulto, malungkot akong napangiti. Ganyan nga... Iwasan mo rin ako Luam.
Dalawa nalang kami ni Dan nang matapos akong kumain.
"Tara na?" tipid ang ngiting aya niya.
Napatingala ako sakaniya, nakatayo na kasi siya sa harap ng mesa habang ako ay nakaupo pa.
"Mauna kana, may bibilhin lang ako tapos susunod na ako." sambit ko at ngitian siya.
Tumango lang siya at tuluyan nang naglakad paalis. Nang hindi ko na siya matanaw ay tumayo na ako ngunit kasabay nang pagtayo ko ay ang pag-ikot nang paningin ko.
Kaagad akong napahawak sa hamba ng lamesa upang alalayan ang sarili ko. Ilang segundo akong nasa gano'ng posisyon nang tumunog ang telepono ko, tanda na may nagtext dito. Kaagad kong kinuha ito upang basahin kung kanino galing ang mensahe.
Luam:
Can we talk?
Parang may kung anong nabuhayan sa dibdib ko ngunit kaagad ko 'yong binalewala. Kailangan kong panindigan 'tong sinimulan ko.
Minsan pa akong huminga nang malalim bago tumayo ng tuwid. Akmang maglalakad na ako patungo sa counter ng cafeteria nang humarang si Kriel sa daraanan ko. Nasa likod niya ang dalawang kaibigan niya at si Sally na pawang nakangisi saakin.
"Kumusta, Faithrill? Long time no see." sambit ni Kriel habang may pekeng ngiti sa mga labi.
Napahakbang ako paatras. Alam kong sa mga oras na 'to ay wala silang maidudulot saakin na maganda. "Ayoko ng gulo." sambit ko at tinalikuran sila.
Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay narinig ko ang malakas na litanya ni Sally.
"Look everyone, this girl infront of us have a power, or maybe it was all her imagination?" kaagad ko siyang nilingon, ang nakakairita nilang tawa ang bumalot sa buong cafeteria.
Maging ang kung ano-anong bulungan ng mga istudyante ay rinig na rinig ko.
'Power daw? Baka baliw?'
'Di mo syur.'
'Baka power loko lang.'
Hindi nga nagtagal at sa loob lang ng ilang segundo ay nakatingin na silang lahat saakin na tila ba may ginawa akong katatawanan.
"Try mo nga saakin, hawakan mo ang kamay ko." udyok ng isa sa kaibigan ni Kriel.
Kapagkuwan ay lumapit din ang isa. "O baka naman saakin mo gustong subukan?" nang akma niyang hahwakan ang kamay ko ay kaagad ko 'yong iniiwas.
Ngumisi ako at itinago ang takot na bumabalot sa sistema ko. "Anong power? Nababaliw na ba kayo? Paanong ang normal na babaeng tulad ko ay magkakaroon ng kapangyarihan?"
Natahimik sila, maging ang mga istudyanteng kanina ay nagbubulungan ay nanahimik bigla. Akala ko ay makalulusot na ako.
Ngunit ang nakangising mukha ni Sally ay halatang hindi magpapatalo. Humakbang siya palapit habang magkasiklop ang parehong kamay.
"Kung gano'n hindi naman siguro big deal sa normal na babaeng tulad mo na hawakan ang kamay ko. Hindi ba?" bumaba ang tingin niya sa kamay ko at wala sa sariling ibinulsa ko ito.
Paano kong tatakasan ang mga 'to?
Napaigtad ako at mas lalong nakaramdam ng takot nang hawakan ako sa magkabilang braso ng mga kaibigan ni Kriel. nakatayo na ngayon sa mismong harapan ko si Kriel at Sally.
"Bitawan niyo nga ako! Ano ba!" pilit akong nagpupumiglas pero parang mas humigpit ang kapit nila.
"Para namang sasaktan ka namin, gusto lang naman naming hawakan ang kamay mo." sambit ni Kriel bago sila nagkatinginan ni Sally.
Gusto kong tadyakan sila para pigilan ang paglapit nilang dalawa ngunit wala na akong nagawa nang sabay nilang hawakan ang kamay ko. Parang isang malamig na hangin ang bumalot sa sistema ko habang sabay na lumilitaw sa isip ko ang hinaharap nilang dalawa.
Mariin akong napapikit habang pilit binabawi ang kamay sa pagkakahawak nila. "B-Bitawan niyo na ako... Nakikiusap ako." nanghihinang sambit ko at halos mapaluhod na sa sahig.
Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko nang tuluyan nila akong bitawan pare-pareho. Ang mga binti ko ay pawang walang lakas dahilan upang sumalampak ako sa sahig ng cafeteria.
"Anong nakita mo? Magiging successful ba si Kriel in the future?" tumatawang sambit ng kaibigan ni Kriel.
Tumikhim si Sally. "Ako ba? Magiging kami ba ni Luam?" so kaya niya ba nagawa ito dahil may gusto siya kay Luam?
"Mawawala ka ba sa buhay namin ni Arius?" nakangising sambit ni Kriel.
Sa halos sabay-sabay na pananalita nila ay pakiradam ko umiikot ang paningin ko. Hindi rin matigil sa panginginig ang binti ko. Gusto ko ng makaalis dito...
Isang pares ng mamahaling sapatos ang huminto saaking harapan, alam ko na kaagad kung kanino 'yon.
"Ang lambot naman pala ng kamay mo, pwede bang pahawak uli ako?" ramdam ko ang ngisi sakaniyang tono.
Umupo siya sa harapan ko at akmang hahawakan na ang isang kamay ko nang mula sa kung saan ay umalingaw-ngaw ang malakas na sigaw ng kung sino.
"Itigil niyo 'to! Hindi man lang ba kayo naaawa sa kapwa babae niyo?!"
Nang tumingala ako ay nakita ko ang dalagitang minsan ko nang nakita noon. Pamilyar ang mukha niya at kung hindi ako nagkakamali ay siya ang dalagita sa hinaharap na nakita ko kay Lola...
Tinulungan niya akong tumayo ngunit imbis na magpasalamat ay ginamit ko 'yong oportunidad para tuluyang makaalis sa lugar na 'yon.
Hindi na ako nag-abalang bumalik sa classroom, alam kong may ilang subject pa kaming kailangan tapusin pero sa estado ng isip at katawan ko na hanggang ngayon ay nanginginig sa takot, hindi ko yata kakayanin.
Dumeretso ako nang uwi sa condo ko. Nang tuluyang makarating ay kaagad akong tumakbo patungo sa kwarto ko. Sa mismong gitna nang kama ay yakap ko ang sarili ko.
Parang isang pelikula, kagaya ng dati isa-isang bumalik saaking ala-ala ang nangyari kanina. Hindi lang ang binti ko ang nanginginig ngayon kung 'di maging ang mga kamay ko.
"Tama na... Tama na please." hagulgol ko habang yakap-yakap ang sarili sa dilim.
Ano bang ginawa ko sakanila? Bakit kailangan nilang gawin sa'kin ang bagay na 'yon? Hindi pa ba sapat na may ganito akong kakayahan?
Humikbi ako. "Hindi pa ba sapat lahat nang hirap na naranasan ko?" ang mga luha mula sa mga mata ko ay walang tigil sa pag-agos.
Napaigik ako at kaagad na napabangon nang isang masidhing kirot ang bumalot sa ulo ko. Mahigpit akong napakapit sa ulo ko at hindi alam ang gagawin kung paanong iibsan ang sakit.
Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala ako nakainom ng gamot bago umalis kanina.
Kahit nanginginig ang buong katawan ay pinilit kong bumangon upang kumuha ng gamot. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako palayo sa kama ay tuluyang nandilim ang paningin ko.
Namalayan ko nalang ang tuluyang pagbagsak ng aking katawan sa malamig na sahig ng kwarto ko.
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro