Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

CHAPTER 26

ACTIONS SPEAKS louder than words, pero bakit marami pa ring naguguluhan patungkol sakanilang nararamdaman?

Marahil kasi hindi pa rin sapat ang puro gawa kung walang words of assurance na mas nagpapalinaw ng lahat. Kung baga sa kanin kung walang ulam kulang pa rin hindi ba? Mabubusog ka pero ramdam mong may kulang pa rin.

Pasukan na naman pero imbis na magreklamo ay abo't hanggang tainga ang ngiti ko. Hindi na yata nawala sa isip ko 'yung gabing hinawakan ko ang kamay ni Luam.

Hindi ko alam kung sapat na ba 'yung ginawa ko para maramdaman niyang higit pa sa kaibigan ang tingin ko sakaniya. Paano kong sasabihin nang deretso kung maging ako'y hanggang ngayon ay naguguluhan sa nararamdaman ko?

Paano kung mali lang ang interpretasyon ko? Paano kung hindi ko naman siya gusto?

Isang malakas na busina ang nagpagising sa naguguluhan kong isip. Nang lumingon ako ay ilang metro nalang ang layo saakin ng sasakyan. But before the vehicle can hit me someone held my hand.

It feels like a deja vú I didn't see any future but the most strange feeling is my heart didn't pound the way it beats crazy before.

"Are you okay?"

I look straightly into his black eyes, but nothing. I just feel normal no more, no less.

Para akong natauhan at mabilis na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya. "Thank you." sambit ko at nagawa pang hawiin ang kulot kong buhok na humaharang sa pisngi ko.

"M-Mauna na ako?" hindi pa siguradong sambit ko at tinalikuran siya.

Pakiramdam ko kasi ay may sasabihin siya ngunit kung ano man 'yon ay hindi niya mabigkas-bigkad.

Hindi pa man ako nakakahakbang ay nahawakan na niya ang kanang palapulsuhan ko. Awtomatiko akong napalingon sakaniya nang may nagtatanong na tingin.

Marahas siyang nagbuga ng buntong hininga at tumikhim wari mo'y may gustong sabihin.

"Faithrill," napahinto siya at napahawak sa batok niya.

Anong nangyari sa masungit na Arius na una kong nakasagupa? Hindi naman maaaring si Azrail 'tong kaharap ko lalo na at mas mukhang mapaglaro ang mukha no'n.

"May sasabihin ka ba? Ano kasi first day of class ngayon baka malate ako..." nag-aalangang sambit ko.

"I-I... um I didn't know how to express my feelings and right now I feel like confessing it instead," saglit siyang nag-iwas ng tingin bago muling tumitig saakin. "Faithrill... I like you."

I froze and couldn't even utter a word. What on earth did he just said?

Sa sobrang pagkabigla ay ni ang pag-alis ko sa harapan niya ay hindi ko na namalayan. Punong-puno ang isip ko, hindi lang patungkol sa nararamdaman ko para kay Luam kung 'di maging sa ipinagtapat ni Arius.

Metastatic Brain Tumor

Napahawak nalang ako sa ulo ko matapos maalala ang sakit na ilang buwan ko nang tinatago sakanila. Paano akong makakaamin kay Luam kung ganitong ako'y may karamdaman? Paano kong pananagutan ang pinaramdam ko sakaniya? Ganitong alam kong maaari akong mawala sa oras na mas lumala ang sakit na meron ako.

Pakiramdam ko mas pinahirap ko lang ang sitwasyon ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong masaktan si Luam pero oras na malaman niya ang kalagayan ko hindi ba't mas masasaktan siya kapag namaalam ako?

Namalayan ko nalang na nakaupo na ako sa silya ko nang may isang pares ng sapatos ang huminto sa harap ko.

"Good morning, aga-aga nakabusangot paano kang magkakalove-life niyan?" tinignan ko lang siya ngunit wala akong lakas para makipag-asaran sakaniya.

" 'Wag ngayon, Rail."

"Ay forda emote ang ferson, tell me may nangyari ba?" pangungulit niya at naupo pa sa silyang nasa harapan ko.

"Gusto kong mapag-isa, 'yon ang nangyari." walang ganang sambit ko.

"Bilis na, makikinig ako 'to naman parang others––"

"––Doon ka nga sa upuan mo Caballias, ginugulo mo 'yung nananahimik na tao e."

Para akong nanigas sa kinauupuan matapos marinig ang pamilyar niyang boses. Parang kanina lang ay iniisip ko pa ang dapat kong gawin. Tanging iisang solusyon lang ang pumasok sa isip ko, hindi ko alam kung magiging maganda ba ang dulot nito o ikakapahamak ko.

"Good mornin––saan ka pupunta?"

Imbis na sagutin, imbis na lingunin mas pinili ko siyang talikuran at dere-deretsong maglakad papalabas ng room.

Rinig ko pa ang pagsigaw niya sa pangalan ko, halatang naguguluhan din sa iniaasta ko. Pero anong magagawa ko? Maging ako ay naguguluhan sa kung ano nga ba ang dapat kong gawin.

Tama ang sabi nila, Decision is one of the hardest thing to make it is choosing between what you want and what is right.

Hindi ko alam kung paano kong nagawang iwasan silang tatlo sa loob ng maghapon. Basta namalayan ko nalang na uwian na at naririnig ko ang papalapit na yabag ni Dan. Alam kong maging sila ni Rail ay naguguluhan. 

I scoffed and tried to calm myself. Gustong-gusto ko na siyang kausapin, kanina no'ng lunch break ay kita ko kung paanong nawalan ng emosyon ang mukha niya matapos kong tumayo at umalis sa table kung saan kauupo lang nila.

Sorry... Sorry Luam.

"Faithrill!"

"Mauuna na ako." hindi tumitingin kay Dan na sambit ko.

"Ganito nalang ba? Iiwas ka nalang ba? Hindi ba namin deserve ng explanation mo?" bakas ang tampo sa tono ng kaniyang boses.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Pakisabi kala Rail, n-nauna na ako..."

"Faithrill. Faithrill!"

Pagod akong naupo sa shed matapos mawala sa pandinig ko ang boses ni Dan. Alam ko namang wala silang kinalaman dito pero hindi ko maatim na pansinin sila habang 'yung isa....

"Arghh! Wala na bang ibang paraan?" maluha-luhang bulong ko, nang makitang marami na ang istudyanteng dumaraan ay tumayo na rin ako.

Balang araw masasabi ko rin sa'yo ang dahilan Luam. Pero sa ngayon kailangan ko munang unahin 'yung nararamdaman mo.

Papalabas na ako ng gate nang mamataan ko ang isang pamilyar na bulto. Nag-iwas ako nang tingin at malalaki ang hakbang na naglakad palampas sakaniya, ngunit nagawa niya pa ring hawakan ako sa braso.

Kaagad akong umatras palayo dahilan upang mapabitaw siya sa pagkakahawak saakin.

"Apo?"

Pagak akong natawa dahil sa tinuran niya. "May apo ka pala? Kailan pa? Kailan mo pa natanggap na apo mo pala ako? Hindi ako na informed." gusto ko mang respetuhin pa siya ngunit ang masalimuot kong pagkabata ang nakikita ko sa tuwing magtatagpo ang landas naming dalawa.

Pain was visible in her watery eyes. "Faithrill, I know I hurted you too much, pero sana patawarin mo si Lola. Patawad..." humikbi siya. "Patawad kasi pinairal ko 'yung emosyon ko, na hindi ko man lang inisip 'yung maaaring kalagayan mo dahil sa abilidad na hindi mo naman ginusto."

Nag-iwas ako nang tingin at pinigilan ang sariling maluha. Hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang magpatawad. Masyado nang punong-puno ang isip ko, gusto ko naman nang pahinga.

Tumalikod ako sakaniya. "Hindi ko pa kaya, kaya kung maaari sana huwag ka munang magpapakita..." pigil ang hiningang sambit ko bago tuluyang naglakad palayo sa kinatatayuan niya.

Mabuti nalang at nakakita kaagad ako ng taxi na masasakyan.

Imbis na dumeretso sa condo ko ay nagpahatid ako sa kaisa-isang lugar na nagiging sandalan ko sa tuwing gusto kong mapag-isa. Sa park kung saan ako dinala noon ni Arius.

"Salamat po––" napatigil ako sa pag-abot ng bayad nang makita kong nakatingin din pala saakin si manong.

"Huwag mong masyadong pinahihirapan ang sarili mo. Live a happy life before its too late to even enjoy the little things." hindi na ako nakapagsalita hanggang sa tuluyan na siyang humarurot paalis.

Napabuntong hininga nalang ako bago naglakad patungo sa park. Hindi tulad dati ay wala pang mga streetfoods akong nadaan, marahil ay masyado pang maaga.

Nang makaupo ako sa swing ay mas naramdaman ko ang bigat ng dibdib ko. Parang isang pelikula ay sunod-sunod ang mga pangyayari tila ba ikakabaliw ko sa oras na hindi ko kaagad naisipan nang sulosyon.

"Ano nang gagawin ko?"

"Sa lalim nang iniisip mo mukhang hindi ko mararating kahit ang dulo nito kung subukin ko mang sisirin."

Napakagat ako sa sariling labi ko matapos marinig ang boses ng bagong dating. Kilala ko naman na kung sino ito pero kung itatanong niya ang patungkol sa sinabi niya kanina mukhang kakailanganin kong umarteng hindi siya kilala.

"You don't like me, aren't you?" doon lang ako napalingon sakaniya.

Puno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang mga mata niya.

"A-Ano?"

Tipid siyang ngumiti. " 'Yung mga mata mo na mismo ang nagsabi saakin."

Mas nangunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sakaniya. Ano bang gusto niyang sabihin?

"Pwede mo bang linawin? Hindi ko maintindihan ang gusto mong sabihin." sambit ko at umayos nang pagkaka-upo sa swing.

"Hindi mo ako gusto, 'yan ang nakikita ko sa mga mata mo. You may look amaze or something when we're together but your eyes... It looks different when you're looking at him."

I scoffed. "You're kidding me, I don't look in different way." maang ko't nag-iwas ng tingin.

Naramdaman ko ang isang kamay niyang marahang humawak sa baba ko at pinaharap ako sakaniya. Gano'n nalang ang pagkakagitla ko matapos makita ang pagkakalapit ng aming mga mukha.

"Arius!"

"See? You instantly became nervous but when he's with you? You look like you're at ease, so peaceful." aniya at binitawan na rin ang aking baba.

"Who's he?" sambit ko pa at pinilit na 'wag lagyan ng kahit anong emosyon ang tono ng aking boses.

"I don't know... Maybe Luam?" he said and for the first time I saw a playful smirk on his lips.

I fake a gasp. "You smirked! Oh my gosh what an improvement." pang-aasar ko.

Kaagad namang nawala ang ngisi sakaniyang labi. Akala niya ba siya lang ang may karapatang mang-asar? Aba'y hindi ako papayag.

Natawa ako dahil sa itsura niya, mukhang napagsakluban ng langit at lupa matapos kong asarin.

"Pero seryoso hindi mo alam? You look surprise after what I just said."

He suddenly gaped and look at me like I did something. "You don't know how to confess?"

Kusang umangat ang kamay ko upang hampasin siya nang hindi gano'n kalakas. "Arius! Hindi 'yon gano'n 'no!"

Napailing-iling siya habang marahang tumatawa. "Then what? Bakit parang ikaw mismo hindi napansing higit pa sa pagkakaibigan ang tingin mo sa isa?"

Bumusangot ako. "Hindi ko rin alam okay? Pati ako naguguluhan. I mean he'd been there since the day I lost everything, so what if I'm just feeling thankful? What if I like him because he's there? What if––"

He cut me off. "Those what if's they're not one hundred percent true. Sa tingin mo ba bakit hindi mo magawang aminin kahit sa sarili mo manlang?"

Napatingin ako sa haring araw na ngayon ay papalubog na. Hindi kayang sagutin ang tanong niya. Bakit nga ba?

"Takot...Takot ka sa maaaring maging bunga, hindi ba? But care to think of it, paano mong malalaman ang kasagutan kung hindi mo susubukan?" hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya.

Alam kong may punto siya, pero hindi muna. Hanggat kaya kong itago 'tong nararamdaman ko gagawin ko.

Lumingon ako sakaniya. "By any chance... Do you think you can help me?"




•─────✧─────•



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro