Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

CHAPTER 25

"YOU KNOW WHAT? I just realize that this ability is way more better than having you as my grandmother..." sambit ko habang matalim na nakatingin sakaniya.

Inaalala kung paano niya akong tignan nang may pandidiri sakaniyang mga mata, kung paanong itulak niya ako noon matapos malaman ang nakita ko sa palad ng aking ama, at kung paano niya akong basta nalang iwan sa sementeryo matapos ilibing ang mga magulang ko.

"That's not what I'm trying to say," her eyes softened as if she'd been blaming herself from something.

"I've been looking for you Faithrill." I can see how her eyes watered.

Umiling-iling ako at muling umatras sakaniya papalayo, hinanap niya ako? Bakit pakiramdam ko'y hindi naman totoo?

"But you leave me in the cemetery, blaming me for my parents death." sambit ko napahawak pa ako ng mahigpit sa strap ng bag ko.

Nag-uumpisa na namang kumirot ang ulo ko marahil ay sa dami ng ala-alang muling bumabalik na noon pa man ay nais ko nang ibaon sa limot.

"Faithrill, apo h-hindi ko sinasad––"

Napatigil siya sa pagsasalita nang mapasinghap ako at mahigpit na napakapit sa mismong ulo ko. Masyadong masakit, para akong pinipilipit. Anong nangyayari saakin?

Handa na akong damhin ang lamig ng semento na aking babagsakan nang maramdaman ko ang mainit na bisig na siyang yumakap at sumalo saakin.

I can't clearly see his face but one thing is for sure. He's the man who had been taking care of me since day one, it's Luam...

"How are you feeling?" ang nag-aalalang mukha ni Luam ang aking namulatan.

Mukhang masyado yatang napahaba ang tulog ko at kanina niya pang hinihintay na magkamalay ako.

"Maayos naman." hindi siguradong sagot ko at marahang bumangon.

"Nagsisimula ka na naman sigurong magpuyat 'no?"

"Anong namang pagkakapuyatan ko? Sana kung may bebe ako 'di ba? 'Di kana magtataka kung bakit puyat ako." biro ko dahilan upang gumuhit ang isang ngiti sakaniyang labi.

Umayos ako ng upo at sinubukang abutin ang kaniyang pisngi upang sundutin. " 'Wag pigilan ang tawa baka sa iba lumabas 'yan, sige ka." sambit ko pa na lalong nagpalawak ng ngiti niya.

"Tignan mo may nararamdaman ka na't lahat nagagawa mo pang magbiro, ano ba kasing nangyari?" maya-maya ay aniya, seryoso na rin ang bukas ng kaniyang mukha.

Tuluyang nawala ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang nangyari kanina.

Napabuntong hininga ako bago tuluyang nagsalita. "Masama ba ako kung ayaw ko siyang pakinggan? O paniwalaan man lang?" napatingin ako sa labas ng bintana, madilim na pala sa labas.

Naramdaman ko ang marahan niyang pagtapik sa balikat ko. Pinagsiklop ko ang pareho kong palad habang pinipigilan ang sariling maluha.

"Hindi Faithrill, hindi ka masama."

"Kasalanan ko bang hindi ko kayang makinig? Kasalanan ba kung mas pipiliin kong 'wag nalang siyang makita kaysa marinig ang paliwanag niya?" tuluyan ng umagos ang luha mula sa mga mata ko.

"Hey look at me..." marahang sambit niya at gamit ang kamay niya ay ihinarap niya ang mukha ko sakaniya.

Napayuko ako nang saglit na magtama ang paningin namin ni Luam. "Hindi kasalanan 'yon okay? 'Yong ginawa mo, it's just a defense mechanism out of pain that you've been feeling at kahit sinong nasa sitwasyon mo maaaring 'yon din ang gawin, kahit ako." pinahid niya ang luhang dumaloy sa pisngi ko at tipid na ngumiti saakin.

"So tahan na, tulo na uhog mo oh." aniya at sabay kaming natawa.

Minsan pa niyang ginulo ang buhok ko at kapagkuwan ay tumayo. "Magbabanyo lang ako, kung may kailangan ka pindutin mo lang 'to para mapuntahan ka kaagad ng nurse." sambit niya matapos ituro ang intercom.

Tumango lang ako sakaniya at pinahid ang mamasa-masang mata ko. Wala pang isang minuto simula nang lumabas si Luam ay muling bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang Doktor na mukhang may nais sabihin.

"It's nice to see you awake Ms. Quindez." tipid siyang ngumiti at tumayo saaking tabi.

"May dapat po ba akong malaman Doc?" I hesitantly asked.

He look at me like he was having a hard time to say something to me. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa hija," nagbaba siya nang tingin sa papel na hawak-hawak niya. "Nasaan ba ang bantay mo? Hindi pwedeng ikaw lang ang makaalam nito."

"Hindi po ba mas mabuting ako ang unang makaalam?" dahil sa sinabi ko ay napabuntong hininga ang Doctor at inayos pa ang salaming suot niya.

"Based on the result of the test that we made earlier you're diagnosed with Metastatic Brain Tumor," umawang ang labi ko at tila ba namingi dahil sa narinig ko.

Metastatic Brain Tumor... Kaya ba gano'n nalang ang pagkirot ng ulo ko? Tatagal pa ba ako?

"As what I'm saying it's a primary brain tumor that grow in the brain cause enough pressure that may lead to create Cerebral Herniation––" pinutol ko ang sinasabi niya.

"Can you keep this a secret Doc?"

"Unfortunately not, you need to be treated right away for you to survive."

Tumingin ako deretso sakaniyang mga mata nagmamakaawang ako'y paboran niya. "Please Doc, just give me some medicine for a while and if it doesn't work then I'll let them know about my condition..."

Napabuntong hininga siya at hindi na nakasagot nang tuluyang bumukas ang pinto ng kwarto, iniluwa no'n si Luam na kaagad nagitla nang makita ang Doktor.

Kaagad akong ngumiti kay Doc at nagpanggap na tila ba isang magandang balita ang kaniyang dala. "Thank you po, Doc. Sige na ho nariyan na ang bantay ko." wala na 'tong nagawa kung 'di ang lisanin ang kwarto.

"Anong sabi ng Doktor?" kaagad na usisa ni Luam matapos umupo sa tabi ko.

Mas lumapad ang ngiti sa mukha ko. "Makakalabas na raw ako. Dulot lang ng stress kaya madalas akong himatayin." pagpapalusot ko.

Alam kong lalo ko lang pahihirapan ang sarili ko pero ayokong idamay si Luam dito. Hindi ako takot mawala mas natatakot akong masaktan siya at mahirapan sa oras na malaman ang kalagayan ko.

DAYS AND WEEKS had passed. Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng gamot kahit pa patuloy akong pinipilit ng Doktor na sumailalim sa treatment na alam nilang mas makakatulong saakin.

But I refused. Alam kong kaya ko pang labanan 'tong sakit ko.

"Merry Christmas, Faithrill!" sabay-sabay na bati saakin nila Cheydan.

Nandito ako sa bahay nila since pinilit niya akong sakanila na raw ako magnoche-buena. And who Am I to refuse? They're kind at isa pa hindi nila pinararamdam na iba ako sakanila.

Parang isang himala nga na no'ng nakaraang linggo ay hindi ko nakita ang lola ko o kahit sila Kriel na ipinagpapasalamat ko.

"Merry Christmas po! Thank you for inviting me here, Tita." nakangiting bati ko at iniabot sa Mom ni Cheydan ang simpleng regalo na kinaya ng ipon ko.

"Oh nag-abala ka pa, you don't need to give me a gift but thank you hija." nakangiting aniya bago lumapit sa asawa.

Kumpleto silang pamilya ang kambal na sila Arius at Azrail lang yata ang pawang nasa kaniya-kaniya nilang kwarto.

Napaigtad ako nang maramdamang may pumulupot saaking braso. "Faithrill! Let's go!" ni hindi na ako nakapag-reklamo kay Dan nang hilahin niya ako.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Basta, wala akong blindfold pero pwede ka bang pumikit habang wala tayo ro'n?" nalilito man ay nagpaubaya nalang ako hanggang sa tuluyan kaming huminto sa kung saan.

Base sa lamig ng hangin na nararamdaan ko ay masasabi kong nasa labas kami. Anong ginagawa namin dito?

"Merry Christmas Faithrill!" pagkasabi niya no'n ay doon ko lang idinilat ang mga mata ko.

Bumugad saakin ang magkapatid na sila Azrail at Arius, nakaayos at tila ba nagsisimula nang umarte. Hindi ko napigilan ang sariling matawa habang pinapanood si Arius na nakabihis pambabae kahit na sakanilang magkambal ay si Azrail talaga ang babae.

"Oh aking mahal ako ba'y hindi mo hahagkan?" banat ni Azrail na kapwa nakanguso sa kapatid na si Arius.

Nagkatinginan kami ni Cheydan at sabay na napahagalpak nang tawa dahil sa pinagsasabi ni Azrail.

"Wala sa script 'yon! Ayoko na, umarte kang mag-isa." sambit ni Arius at bumaba sa maliit entebladong gawa nila.

"Kuya! Kill joy mo naman!" maktol pa ni Azrail.

Kapagkuwan ay naglakad sila palapit sa'kin ni Azrail. "Here," inabot ni Arius ang isang maliit na kahon. "Merry Christmas." hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na siya saaking harapan.

Sumunod naman si Azrail na may mapang-asar na ngisi sa mga labi. "Merry Christmas, Ate." nang-aasar niyang sambit dahilan upang bahagya ko siyang hampasin sa braso.

"Ikaw kaya 'tong Ate, pagbabaliktarin mo pa tayo e. Tsk tsk palibhasa tumatanda na e." pang-aasar ko dahilan upang manlaki ang kaniyang mga mata.

"Faithrill!"

Natatawang lumapit saakin si Cheydan at binigyan ako nang isang mahigpit na yakap. "I hope nagustuhan mo 'yung gift namin. Hindi ko talaga alam kung anong ibibigay sa'yo kaya sinabi ko nalang sakanilang i-arte nila 'yung isa sa mga sinulat mo."

"Thank you Dan, teka bago ko malimutan." kinapa ko ang kaliwang bulsa ko at kinuha ro'n ang isang maliit na kahon.

Isang promise ring ang laman no'n, hindi ko alam kung bakit 'yon ang naisip kong iregalo sakaniya pero sana ay magustuhan niya.

Abo't hanggang tainga ang ngiti niya matapos abutin ang kahon na iniabot ko sakaniya. "Thank you! Oh my gosh it looks so cute."

Humarap naman ako sa kambal at nahihiyang ngumiti sakanila. "Sorry, hindi ko kayo nabilhan hindi na kinaya ng ipon ko e."

Tipid silang ngumiti saakin bago sabay na nagsalita. "Ayos lang," na agad dinagdagan ni Azrail. "Makita niya lang daw ngiti mo ayos na si Kuya."

"Azrail!" singhal ni Arius at kaagad na hinabol ang kambal na ngayon ay tumatakbo na papasok.

Nagkatinginan kami ni Dan at sabay na napahagikgik.

"Pasok na tayo?" aya niya.

Napatingin ako sa cellphone ko. "Susunod ako." nakangiting sambit ko kay Cheydan.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa phone ko ay tumango lang siya at nauna na saakin papasok sa bahay nila. I dialled his phone number.

And before the Christmas eve ends I greeted Luam a Merry Chistmas while a genuine smile automatically appeared on my lips.

Wala namang bagong nangyayari except sa mas madalas na sumasakit ang ulo ko sa tuwing 'di ako makakainom ng gamot na inireseta saakin ng Doktor.

Mabuti nalang nga rin ay hindi nagpapakita ang lola ko o baka nagsawa na dahil sa panay na tanggi ko.

"Sa'min kana mag new year, Faithrill," ngumuso si Dan habang sinasamaan nang tingin si Luam. "Sige na..."

Ngumiti ako nang malapad sakaniya at lumapit kay Luam. Katatapos lang namin manood ng movie kasama si Rail at Luam.

"Nope, nakapangako na ako kay Tita e." sambit ko at tipid siyang nginitian.

Sa bilis ng araw ay ni hindi nga namin namalayang magbabagong taon na pala mamaya. Kaya rin siguro napakaraming tao ngayon sa bawat daan.

"Mauna na kami, saka ayan si Rail oh hindi ka tatanggihan niyan." pang-aasar ni Luam sa dalawa.

"Oo nga, takot lang niyan sa'yo." gatong ko.

Bago pa man kami mabugahan ng apoy ni Dan ay hinila na ako palayo ro'n ni Luam.

Nang makauwi kami ay tumulong kami sa pag-aayos ng mesa. Binihisan din namin ng cute na damit ang mga alaga nilang aso.

Nang sumapit ang pahating gabi ay halos lahat ay nag-iingay na, sabik na salubungin ang panibagong taon.

"Oh my gosh ilang minuto nalang!" tili ni Tita at nagmamadaling inilabas ang mga paputok na nabili.

"Mom! Akala ko ba hindi muna tayo bibili ng paputok?" kunot ang noong sambit ni Luam habang nakatingin sa Ina.

"Son, wala akong alam d'yan ang Dad mo ang namili niyan." she said while grinning from ear to ear.

Hindi na nito hinintay na sumagot ang anak at iniwan kami sa hardin kung saan may iilan ding disenyo upang salubungin ang bagong taon.

"Upo tayo? Kanina ka pa kilos nang kilos, baka sumakit na naman ang ulo mo." aniya at inalalayan ako sa pag-upo sa bench na naroon.

Hindi naman nagdikit ang palad namin pero bakit ganito nalang kabilis ang tibok ng puso ko? Para bang hinahabol ako.

Napatingin ako kay Luam ngunit agad ring nag-iwas nang makitang maging siya ay nakatingin saakin. Matagal ko na 'tong pinag-iisipan ang hawakan ang kamay ng lalaking mula noon ay nag-aalaga na saakin.

Pero paano kung iba ang makita ko? Paano kung puro kamiserablehan nang dahil saakin? Paano kung wala naman talagang saya ang dulot ko sa buhay niya?

"Take a risk."

"Pardon?" napalingon ako sakaniya, nalilito dahil sa sinabi niya.

Hindi naman niya siguro nababasa ang isip ko 'di ba? Tama imposible.

Lumingon siya dahilan upang magtama ang paningin naming dalawa hindi pa siya nakuntento at ngumiti pa dahilan upang magwala ang kung anong nasa dibdib ko.

"Take a risk. Hindi ba hindi mo naman malalaman ang kasagutan kung hindi mo susubukan? Pakiramdam ko may mga bagay kang gustong subukan pero hindi mo magawa kasi pinangungunahan ka ng takot."

Napabuntong hininga ako at napatingala sa madilim na kalangitan na alam kong maya-maya lang ay babalutin na ng liwanag mula sa mga fireworks.

Take a risk... Should I touch his hand?

Pasimple kong nilingon ang kamay niyang nakapatong sa bench na inuupoan namin. Mariin kong naipikit ang mga mata ko habang nagbibilang sa isip.

Kung hindi ngayon? Kailan?

Ang namumuong takot sa loob ko ay tila naglaho nang makita ko siyang tumingala at ngumiti ng kay tamis sa kalangitan.

At exact twelve AM, January 01 2019 my hand slowly slid down to reach for his hand, for the first time. Not knowing that I'll see a bright future of ours in his palm.

Our eyes met and no word can describe what I'm feeling right now. It's a genuine happiness with him...

•─────✧─────•

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro