Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

CHAPTER 24


WHY DO some people suddenly showed up when you're about to get an answer about your question? Isn't rude?

Natanaw ko pa ang mukha ni Arius na para bang gusto niyang sagutin ang itinanong ko. Ang mga mata ko ay tila ba kusang bumaling kay Kriel dahilan upang makita kong nakangisi ito saakin.

I feel like she's teasing me by approaching Arius.

"Hindi pa ba tayo maliligo? Kanina pa tayo tinatawag ng falls, hindi niyo ba naririnig?!"

Halos magsiliparan ang mga ibon na nakadapo sa mga puno matapos sumigaw ni Rail. Wala na rin siyang pang-itaas na damit dahilan upang si Biely ay halos mangisay sa kilig.

Nagitla si Rail at nawala ang ngiti sa mga labi matapos tamaan ng damit sa mismong mukha niya. "Ikaw lang naman 'tong ligong-ligo na, pero tara ligo!" sambit ni Luam.

Wala na rin siyang pang-itaas na damit hula ko ay siya ang nagbato ng t-shirt kay Rail. Tumaas ang tingin ko nang makitang may huminto sa mismong harapan ko.

"Bakit?" nagtatanong ang mga matang sambit ko matapos bumaba ang tingin sa palad niyang nakalahad sa mismong harapan ko.

"Ligo tayo?" tila nag-aalangang sambit niya.

Kaagad akong napabaling sa fall, hindi ako marunong lumangoy. Alam ko 'yon sa sarili ko, but for some reason instead of saying no, I got excited and grab Luam's wrist.

"Tara ligo!" malapad ang ngiting sambit ko at binalingan na rin ng tingin sila Dan na mukhang maliligo na rin.

Mas lalo akong na-excite dahilan upang tumakbo ako patungo sa falls habang hila-hila pa rin si Luam.

"Kalma baka madulas ka, hindi ka pa naman marunong lumangoy. " tumatawang pang-aasar niya.

"Luam!" pinandilatan ko siya ng mata ngunit patuloy lang siya sa pagtawa.

"Woah, woah nadulas ako ahhh!"

Akala ko kung anong gagawin ni Luam, gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng walang ano-ano'y tinulak niya ako.

Kaagad akong napasinghap matapos umahon mula sa tubig. "Luam!" ang lakas ng loob niyang itulak ako palibhasa alam niyang mababaw lang 'to!

Malapad ang ngiting bumwelo siya at mataas na tumalon, kaagad naman akong umusog sa takot na madaganan niya sa ilalim ng tubig. Nang lumitaw siya ay halos ilang dangkal lang ang layo saakin.

Marahan akong lumapit sakaniya at umarteng kakapit sa balikat niya.

"Hindi mo na abot? Kapit ka sa'kin." ang nag-aalala niyang mukha ay kaagad na nalukot matapos ko siyang wisikan ng tubig sa mismong mukha.

Dali-dali akong lumayo sakaniya habang tumatawa. "Faithrill!"

"Yiii sana ol may kawisikan!"

"Wisikan ka rin daw ni Rail!" pang-aasar ni Dan na nasa kabilang dulo kasama sila Sally, Kuya Laire at Arius.

"Sige, lunurin pa kita kung gusto mo!" sigaw pabalik ni Rail na lumalangoy na ngayon palayo kay Biely.

Inilibot ko pa ang mga mata ko sa kabuoan ng falls pero hindi ko na namataan sila Kriel at ang dalawa niya pang kasama.

Ngunit maya-maya lang ay nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang tila may nakakapit sa kanang paa ko. I was about to shout out loud when that thing suddenly pull me.

Ang malinaw na kulay ng tubig ang sumalubong sa paningin ko habang nasa ilalim. Doon ko lang namataan si Luam na nakahawak na ngayon nang marahan sa bewang ko, nakangiti na tila ba hindi ako muntik nang atakehin dahil sakaniya.

Pabiro ko siyang sinabunutan bago sabay kaming umahon. Nakahawak na ako sa parehong balikat niya nang pareho kaming makaahon.

"Siraulo ka! Gusto mo bang atakehin ako dahil sa ginawa mo." sambit ko at piningot ang tainga niya.

Kahit nasa tubig kami ay kita ko pa rin kung gaano siyang katangkad kumpara saakin.

"Ikaw ang nauna kanina, kung napasukan ng tubig ang mata ko at nabulag? E 'di hindi ko na nakita 'yang natural mong gand--"

"Akala ko ba bonding ng tropa? Bakit parang may nagkakamabutihan sa gilid?!" sabay kaming napalingon ni Luam kay Rail na ngayon ay katabi na nila Dan.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang matalim na titig saakin ni Sally, palagi naman siyang ganyan ni hindi ko nga alam kung anong ginawa kong masama sakaniya.

"Unpeyr! Paano naman kaming walang kamabutihan sa gilid?" Dan said while acting like she's sulking.

Nagkatinginan kami ni Luam at sabay na natawa. Hindi ko alam kung aware ba siyang may gusto si Rail kay Dan, pero mukhang nahahalata niya.

"Let's play a game." walang bahid ng tuwang sambit ni Arius.

Hindi naman siya mukhang excited sa laro 'no? Tama, excited na excited lang siya.

Kuya Laire cough fakely, he was actually smiling cheekily like he's teasing Arius. "Someone's jeal--" naputol ang sasabihin niya ng tumama sa mukha niya ang basang t-shirt ni Arius.

"Yown! You hit the right spot, Kuya Arius!" tumatawang sambit ni Rail halatang inaasar ang kapatid.

Hindi na pinansin ni Arius ang dalawa at nagpatuloy sa pagsasalita. "Like what I'm saying, let's play a game. Hide and seek."

"Sure ka fafs? Sa lawak ng lugar na 'to baka magkanda-ligaw lang tayo." sambit ni Biely habang tumatalon-talon, nasa malalim kasi siyang parte 'yung malapit sa mismong binabagsakan ng tubig sa falls.

"That's the twist. You can only hide around the falls. Hindi pwedeng lumagpas sa nagsisilbing Cr natin, if you did then automatically you're out."

"Sounds good, I'm in!" sagot ko at bumaling kala Dan.

"Me too!"

"Me three!"

"Me four!"

Halos lahat ay sumang-ayon pero boses lang yata ni Luam ang hindi ko narinig na um-oo.

Lumingon ako sakaniya. "Sali kana! For sure this will be fun." sabi ko habang pilit siyang hinihikayat.

"I'm in," bumaling siya nang tingin kay Arius. "Basta ikaw ang taya since ikaw ang nag-suggest ng game." nakangising sambit ni Luam habang nakatingin kay Arius.

Winisikan ko siya ng tubig. "That will be unfair."

Gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang tumalikod si Arius at iniyuko ang ulo sa mga bato. "At the count of ten, ready or not I'll get you." sambit niya at nagsimulang magbilang.

Hinawakan ni Luam ang palapulsuhan ko at hinila ako patungo sa naglalakihang bato na nasa gilid lang ng falls. Tahimik kaming naupo ro'n habang naririnig ang tila nagpapanic na mga yabag ng mga kasama namin. Hindi siguro sila makahanap nang mapagtataguan.

"Luam--" hindi ko naituloy ang dapat kong sasabihin nang ilapat niya ang hintuturong daliri niya saaking labi, silencing me.

"Matataya tayo kaagad..." bulong niya bago dahan-dahang tinanggal ang daliri sa pagkakadikit saaking mga labi.

Kaagad akong napaiwas nang tingin habang ramdam na ramdam ko ang tila mga paro-parong nagliliparan saaking tiyan.

"Madaya! Tinulak ako, ulit!" rinig naming reklamo ni Biely sa 'di kalayuan.

Nagpatuloy ang paglalaro namin hanggang sa si Luam naman ang naging taya. Kaming mga babae nalang yata ang hindi pa natataya. Nang magsimulang magbilang si Luam ay maingat ngunit mabilis akong tumakbo patungo sa likod ng falls.

Balak kong magtago sa agos ng tubig na bumabagsak mula sa itaas. Tahimik akong napangiti habang nakikita ang seryosong paghahanap ni Luam, nang mapansing bumaling siya sa pwesto ko ay kaagad akong gumilid. Ayokong mataya!

Parang mapupunit ang labi ko sa lawak ng aking pagkakangiti nang s aibang direksyon siya pumunta. Akmang lalabas na ako nang maramdman kong tila ba may tao sa likod ko.

"Kriel?" puno ng pagtatakang sambit ko matapos siyang malingunan.

Isang ngisi ang gumuhit sakaniyang mga labi. Doon ko lang naramdaman ang bilang ng ilang tao saaking likod. Sinubukan kong ngumiti sakanila.

"Anong kailangan niyo? Sumali na rin ba kayo sa laro? Pwede na tayong lumabas, siguro may nataya na si Luam."

Ngunit imbis na sumagot ay bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko dahilan upang mapaatras ako. Wala naman silang alam sa kakayahan ko hindi ba?

"Now I wonder if she's telling the truth." sambit ng babae sa likod ko.

Truth? Anong totoo ang sinasabi ng mga 'to?

"We'll see.." Kriel whispered, still eyeing me like an experimental object.

Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Bakit pakiramdam ko ay may binabalak silang kung ano?

"Don't be afraid sweetie, we just want to know something." maya-maya ay sambit niya pa.

Hindi ko na ngayon makontrol ang sarili ko at kusa akong dahan-dahang napapaatras dahil sa takot na bigla nilang hablutin ang kamay ko.

"Ano b-bang kailangan niyo?" hindi ko napigilang mapiyok dahil sa lakas nang kabog sa dibdib ko.

"Bakit ayaw mong ipahawak ang kamay mo?"

Pagkatapos nang sinabi niya ay siyang huling hakbang ko paatras ngunit hindi ko inaasahang halos nasa bingit na pala ako. Mabilis akong napakapit sa bato, ni hindi ko matulungan ang sarili kong makaalis.

Bumaling ako sa baba at natanaw ang ilang naglalakihang bato kung babagsak ako ay paniguradong mabubugbog ang katawan ko. Wala akong ibang choice kung 'di ang tumingin sakanila.

"Would you like me to help you?" mula sa likuran nila Kriel ay lumabas ang nakangising si Sally.

Nakalahad ang isang kamay niya na tila ba gusto talagang makatulong.

Lumuhod si Kriel at nagsalita na tila ba walang pake kung mahulog ako ano mang sandali. "Bakit nga ba ayaw mong ipahawak ang kamay mo?" natuod ako at mas humigpit ang kapit sa bato.

Bakit parang may alam sila? Paano?

"Ano bang mayro'n d'yan? Powers?"

"Kakaiba yarn?"

Kantiyaw ng dalawa mula sa likod. I gritted my teeth and remained silent. Ayoko namang sumigaw at dagdagan pa ang inis ng mga babaeng 'to saakin.

Huminga ako ng malalim at hindi pinansin ang mga ngisi nilang nakakapagpa-irita saaakin. Kung hindi lang ako takot na makita ang hinaharap nila e 'di sana kanina ko pa sila binatukan isa-isa!

I was about to help myself up when a snake suddenly showed up. Kaagad na nagtititiling umatras palayo saakin sila Kriel.

My heart beats quicken and I can feel myself trembling.

Sa takot na baka matuklaw ng ahas ay kaagad akong bumitaw sa bato at mabilis na prinotektahan ang ulo ko habang hinahayaan ang sariling mahulog sa kung saan.

Walang imik kong dinama ang sakit na bumalot saaking katawan habang rinig na rinig ang kanilang sigawan.




Napasinghap ako at pawisang bumangon mula sa pagkakahiga hindi alintana ang sakit na bumabalot saaking katawan.

"Hindi naman totoo 'di ba? Hindi n-naman nahawakan ni Kriel ang palad ko..." nanginginig kong bulong habang yakap-yakap ang sarili.

A lone tear cascade down through my cheeks when suddenly the tent's zipper opened. Niluwa nito si Luam na bakas ang pag-aalala sakaniyang mukha.

Hindi ko alam pero no'ng sandaling nagtama ang aming mga mata ay siyang pagsunod-sunod na pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

My mouth parted, trying to say something. "Uwi na... Gusto k-ko nang u-umuwi Luam." I whispered while straightly looking at his eyes.

Confussion was visible in his eyes.

"Uwi na tayo."

Imbis na magtanong kung ano nga ba ang totoong nangyari ay siya na mismo ang nag-ayos ng mga gamit namin. Saglit niya rin kinausap sila Rail para sabihing mauuna na kaming bumaba ng bundok.

Alam kong gustong-gusto nilang magtanong pero wala na silang nagawa ng lahat sila ay hindi pagtuunan ng pansin ni Luam. Even Arius didn't get a chance to talk to me.

As soon as we got home Luam take me to the hospital just to make sure that I'm fine. A couple of days had passed until our sembreak finally end. Hindi na ako nagkaroon ng tiyansang kumustahin manlang sila Cheydan dahil simula nang makauwi ako ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magpagaling. Idagdag pa ang paminsan-minsang pagkirot ng ulo ko.



"MAUUNA na ako sa gate, Dan!"

"Sige Faithrill, hindi ko na talaga kayang pigilan." sigaw niya pabalik habang nagmamadaling lumiko sa isang pasilyo.

Huminga ako ng malalim habang hinihintay sila Luam sa tapat ng school, hapon na rin naman at nauna lang akong lumabas kay Dan dahil pumunta pa siya sa banyo. Mabuti nalang talaga at hindi na siya masyadong nagtanong kanina matapos kong ikwento ang nangyaring insidente.

Hanggang ngayon ay hindi nawawala sa isipan ko kung paano akong itrinato nila Kriel no'ng mga panahong nasa panganib ako. Kung mangyari man uli 'yon ay hindi na ako papayag na basta nalang nila kayan-kayanin.

Hindi ako namuhay mag-isa at tiniis ang hirap dahil sa abilidad na mayroon ako para lang magpa-api sakanila.

"Faithrill!" napatingin ako sa building hindi kalayuan sa gate.

Nakatayo ro'n si Luam habang kumakaway, mukhang kakapalabas lang sakanila ng prof nila.

Kumaway ako pabalik. "Baba na! Gutom na ako!"

Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya nang dumaan sa harap ko ang pamilyar na bulto ng isang ginang. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at akmang maglalakad palayo nang mahawakan niya ang aking palad.

Mabilis ang naging reaksyon ng katawan ko at kaagad na binawi 'yon. "You're still a--" I cut her words off.

"--monster?" after saying that word I feel like the little respect that I have for her just vanished.

Mariin kong ipinikit ang dalawang mata ko, pilit na pinipigilan ang sariling makapagsabi ng kahit ano.

Ngunit naramdaman ko ang muling pagtangka niyang paghawak sa kamay ko. "Why can't you look at yourself? The way how you treated me before... Isn't that monstrous than the ability that I have?" huminga ako ng malalim at umatras papalayo sakaniya.

"You know what? I just realize that this ability is way more better than having you as a grandmother."



•─────✧─────•


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro