Chapter 23
CHAPTER 23
AKMA NA AKONG aalis ngunit nagulat ako nang hawakan niya ako saaking braso. Kaagad ko siyang nilingon, hindi na rin siya makatingin ngayon habang dahan-dahan akong pinapakawalan.
"Um, mukhang nagmamadali ka, gusto mong mauna?" aniya habang ang tingin ay nasa malayo.
"Sige.." halos pabulong kong sambit at hindi na hinintay ang sagot niya.
Naramdaman kong umalis siya sa tapat ng banyo kaya mas napanatag ako. "Nakakahiya ka Faithrill!" bulong ko habang yamot na pinanggigi-gilan ang sariling pisngi.
Inilibot ko nang tingin ang aking mga mata at namataan ang ilang damit na nasa gilid, may mga shampoo na panlalaki rin at sabon. Mukhang nasa kalagitnaan nang pagligo si Arius at ako lang 'tong nang-istorbo.
Nang matapos ay lumabas ako ng banyo ay sakto namang kararating lang ni Arius. Pasimple akong tumikhim. "Pasensya na sa abala, and thank you for letting me use the bathrooom." sambit ko bago siya tuluyang tignan.
Para akong naistatwa saaking kinatatayuan. H-He was smiling at me softly! What the?
Bumalik ako sa tent at inayos ang sarili dahil sa biglaang paggising ay paniguradong hindi na rin ako makakatulog. Bumuntong hininga ako nang makitang alas-singko pa lang ng umaga, dapat ay nasa kalagitnaan pa ako ng tulog!
Anong gagawin ko ngayon? Kausapin ang sarili ko? Aish bakit kasi kailangan ko pang mag-banyo.
Yamot na lumabas muli ako ng tent at naglakad-lakad umaasang makakahanap ng maaaring pwestuhan, hihintayin ko nalang sigurong sumikat ang araw. Nang makakita ako ng ilang bato na maaaring upuan ay kaagad ko 'yong nilapitan at inupuan.
Masyado pang maaga kung kaya puro anino ng puno at dilim pa lang ang aking nakikita. Napahugot muli ako ng buntong hininga. "Sana kasi pasikat na ang araw no'ng kailangan kong magbanyo." bulong ko, nagrereklamo.
Itinaas ko ang aking mga tuhod at doon ipinatong ang baba ko habang nakatanaw pa rin sa nag-gagandahang puno. Kapagkuwan ay siyang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin, napapikit ako at dinama ang lamig na taglay nito.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay namataan ko na ang papasikat ng araw. Kakaunti pa lang ang liwanag ngunit sapat na 'yon upang magpaskil ng ngiti sa aking mga labi.
"Waking up in the middle of your sleep just to use the bathroom, it's irritating isn't?" aniya ng isang boses at naupo ilang dangkal ang layo saakin.
I chuckled and faced him for a second. "Sobra, tapos hindi kana makabalik sa pagtulog ay kainis." sambit ko na kaniyang ikinatawa.
"Pero atleast hindi ka sa mismong higaan––" kaagad kong pinutol ang sasabihin niya.
"––hindi pa nangyayari saakin 'yon at hindi mangyayari saakin 'yon!" depensa ko na siyang naging dahilan upang humagalpak siya nang tawa.
Napatitig ako sakaniya, hindi maikakailang isa siya sa mga taong tila ba hinubog ng perpekto, walang galos o kahit isang kapintasan. Para akong naistatwa nang bigla ay lumabas saaking isipan ang isang ala-ala, It was Luam and I laughing like there's no tommorow...
'Wag naman sana siyang magtampo saakin dahil hindi ko nasagot ang tanong niya.
"Look, it's slowly rising..."
Kaagad na bumaling ang atensyon ko sa araw na ngayon ay unti-unti ko nang namamataan. Hindi lang sa paglubog maganda ang araw kung 'di maging sa pagsikat din.
Kapwa kaming natahimik habang nakamasid sa mabagal a paglabas ng haring araw. Tulala man ay naramdaman kong tumayo siya.
"Gusto mong sumama? May nakita kami ni Laire na puno ng buko habang paakyat dito, siya na rin 'yung nagtanong sa tourguide kung pwede bang kumuha ng buko na tinanguan lang ni Manong."
Sa haba nang sinabi niya ay kusang bumuka ang bibig ko. Himala, nakagat ba ng ipis ang labi ng isang 'to ang at haba nang sinabi?
"Faithrill?" nagtatakang tawag pansin niya, ikinakaway pa ang isang kamay saaking harapan.
"Himala, sino ho kayo?" napakapit ako sa tapat ng dibdib ko, habang umaarteng tila hindi siya kilala.
Nagsalubong ang nagkakapalan niyang kilay, pak sana ol mas malago pa 'yung kilay niya kumpara saakin! "What do you mean?"
Pabiro kong iniirap ang aking mga mata. "Mali ka naman e, dapat ang isasagot mo, ako 'to tanga. Tapos ikakawit mo 'yung imaginary hair mo sa gilid ng tainga mo." sambit ko habang ipinapakita sakaniya ang mga sinabi ko.
Nang hindi siya magsalita ay doon ko na tuluyang pinakawalan ang pinipigilang tawa, pasensya na Arius minsan talaga may pagka-gaga 'tong nasa harapan mo.
"Tara na nga, saan ba 'yon?" sambit ko at nauna na sakaniyang maglakad.
Kung si Luam siguro ang sinabihan ko no'n ay mas OA pa ang reply saakin. Napailing-iling ako dahil sa naisip, tulg pa ang mokong baka mabulunan dahil sa biglaan kong pag-alala sakaniya.
"Hindi diyan ang daan."
Kaagad akong lumingon kay Arius na sa kabilang daan gumawi. Dahil matangkad siya at mahahaba ang biyas ay para bang kay bilis niyang maglakad kahit hindi naman. Taranta akong humabol sakaniya.
"Teka!"
BUMAGSAK ang parehong balikat ko matapos makita ang puno ng buko. Paano kami kukuha kung halos sing-taas na 'yon ng poste ng meralco?!
"Come on, it's not that tall." sambit niya habang may dala-dalang mahabang kawayan? Hindi ko sigurado kung kawayan nga ba ang tawag doon.
"Saan mo naman natutunan gawin 'yan?" nagtatakang tanong ko matapos niyang gumawa ng tila ba isang panungkit.
Sa pagkakaalam ko ay laking mayaman 'tong isa na 'to kaya nagtataka lang ako kung paano niyang natutunang gumawa ng panungkit.
"Well," bumuntong hininga siya at tiningala ang puno. "I used to watch survival in the forest video clips on youtube." sagot niya habang sinusubukan nang sumungkit ng bunga.
Dahil tuluyan na ring sumikat ang araw ay tanaw na tanaw namin ang mga naglalakihang bunga. Hindi ko mapagkakaila na natatanaw ko pa lang ay natatakam na akong matikman ang sariwang sabaw ng buko.
Ngunit ilang minuto na ang nakakaraan ay hindi pa rin nakakasungkit kahit isang bunga si Arius. "Marunong ka ba talagang manungkit?"
Nagbaba siya ng tingin at inayos ang t-shirt na suot, mukhang naiinitan na dahil sa sinag ng araw.
"Yep, I mean it looks easy on the video though..."
Lumapit ako at kinuha sakaniya ang panungkit. Maliit man sakanilang paningin baka may magawa pa rin, 'yan ang motto ni Faithrill, charot.
"Let me try." huminga ako nang malalim at matalim na tinignan ang mga buko.
"Makuha kayo sa tingin, kanina pa kami bilad na bilad rito at kanina pa ako sabik sainyo!" bulong ko at buong tapang na sinuong ang digmaan kung saan ang aking kalaban ay ang mga buko na ayaw humiwalay sa puno.
Sa ikatlong subok ko nang pagsungkit ay siyang pag-alog nang malakas ng mga bunga hanggang sa ang tatlo ro'n ay isa-isang bumagsak.
Kaagad akong napatili. "Layo!" sambit ko at sa sobrang pagmamadali ay naitulak ko si Arius.
Pareho kaming nawalan nang balanse dahilan upang bumagsak ako sa mismong ibabaw niya. Ang itim na itim niyang mga mata ay nakatutok din mismo saaking mga mata, ngunit kaagad ding nawala sakaniya ang paningin ko nang may bumagsak na isang buko ilang metro ang layo sakaniyang ulo.
Mabilis akong tumayo at nagkukumahog na inipon ang mga buko na napabagsak ko. "Oh yeah.." tuwang-tuwang bulong ko at bumaling kay Arius na ngayon ay nakatayo na at may hawak-hawak na isa pang buko.
"Ito 'yung pang-apat na bunga, kaso biyak na." aniya at itinabi 'yon sa tatlo.
Tumango nalang ako sakaniya. "Sorry pala sa kanina, 'di ko sadya."
Mga ilang minuto pa ang iginugol namin sa pagsungkit bago tuluyang napag-desisyunan na bumalik na sa mga kasama namin.
Alam kong maaga pa pero 'yung sinag ng araw ay hindi na nakakatuwa. Masyadong masakit sa balat akala mo tuloy ay tanghaling tapat na.
Habang naglalakad kami pabalik kung saan naro-ro'n ang mga kasama namin ay napatitig ako sa likod ni Arius dahil siya ang nauuna saaking maglakad. Hindi ko alam kung dahil lang ba hindi ko makita ang hinaharap sakaniyang palad kaya magaan ang pakiramdam ko sakaniya o dahil gusto ko na siya?
Maging ako ay pinag-isipan ang itinanong ni Luam, pero hanggang ngayon hindi ko alam paano nga bang malalaman kung gusto mo na ang isang tao?
Base ba ito sa kung ano ang kaya niyang iparamdam sa'yo? O, kung gaano kagaan ang loob mo sa tuwing kasama mo ang taong 'yon?
Parang naging mabagal anng oras nang matanaw ko si Luam habang ang iniisip ko pa rin ay kung ano nga bang pakiramdam ng may gusto ka sa isang tao?
Magaan din naman ang pakiramdam ko sa tuwing kasama si Luam....
Ngumiti ako sakaniya upang itago ang kung ano mang bumabagabag saaking isipan. Itinaas ko ang isa sa bukong aking dala-dala habang may ngiting nakapaskil saaking labi.
"Luam! Gusto mo?" tanong ko habang palapit na kami ng palapit sakanila.
"Kung bibigyan mo ako, bakit hindi?"
"Manungkit ka ng iyo." biro ko at natawa nang bumusangot ang mukha niya.
"Paano natin 'to matitikman kung wala tayong pambukas?" lahat kami ay napalingon kay Rail na hawak-hawak ang isang buko.
Mukhang 'yon ang nalimutan namin, ang pambukas ng buko. Napakamot nalang ako sa batok ko dahil hindi ko man lang 'yon naisip kanina.
"Pukpok mo sa ulo mo Rail, tutal matigas din naman ang ulo mo." sambit ni Kuya Laire dahilan upang matawa sila Dan.
Gising na rin pala silang lahat pero wala naman kaming magagawa kung wala kaming pambukas ng buko.
"Mga kabataan nga naman oh, inuuna ang kilos bago ang pag-iisip ng mga posibleng mangyari." sambit ng kung sino mula sa likuran namin.
Halos sabay-sabay kaming napalingon doon at namataan si Manong, 'yung tourguide, may munting ngiti sakaniyang labi habang sa tagiliran niya ay may isang itak.
"Manong! Hulog ka talaga ng langit, pwede po ba kaming humiram ng pambukas ng buko?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Rail.
Natawa si Manong. "Ang tanong ay marunong ba kayong magbukas?"
Natahimik kaming lahat.
"Hindi rin po." sagot naman ni Dan.
Umiling-iling si Manong ngunit sa huli ay tinulungan niya rin kaming magbukas ng mga buko. Panay pa nga ang bawal niya kay Rail dahil maya't-maya ay kumukuwit ito ng laman.
Nang mabuksan lahat ay inalok din namin siya ngunit umiling si Manong at nagpaalam na bago siya tuluyang umalis ay may iniabot siyang pito kay Rail.
"Gamitin niyo kung may emergency para madali kong malaman. Hindi naman malayo rito ang kubo na nagsisilbi kong tulugan." sambit niya bago niya kaming tuluyang iwan.
"Ano ba 'yan bitin!" sambit ni Rail matapos ibagsak ang buko na halos wala ng kalaman-laman.
"Sana ikaw ang kumuha, kuha mo na rin ako." sambit ni Cheydan at ngumiti ng malapad sa isa.
"You want more?" Arius asked.
"Kukuh mo ako kuy––"
"––Ayon 'yung panungkit, sumungkit ka ng iyo."
Luam faked his cough. "Bara ehhem bara." aniya habang tumatawang tinungo ang banyo matapos nang-aasar na tignan si Rail.
Nagulat ako nang tumabi saakin ng upo si Arius. Hindi ko nalang pinahalata at nagpatuloy ako sa pagkain nang biglang may pumasok na tanong saaking isip. Hindi naman siguro masamang itanong sakaniya 'di ba?
Minsan pa akong humugot ng buntong hininga bago nagtanong. "Paano ba malalaman kung gusto mo na ang isang tao?"
Mabilis akong napalingon sakaniya nang maubo siya, wala naman siyang iniinom o kinakain ah!
Napangiwi pa siya ngunit akma nang magsasalit nang may biglang naupo sa gitna naming dalawa. Ang paningin nito ay kaagad na nakatuon kay Arius.
"Can I sit here?" Kriel said while smiling.
Astig nakaupo na pero nagtanong pa.
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro