Chapter 22
CHAPTER 22
IS IT possible for a person to like someone that he or she just met? If yes then I'm confused. Madalas kong naririnig noon na dapat mahulog ka sa taong matagal mo ng kilala na pati ikaw mismo ay basang-basa na niya.
Pero hindi ko alam na mayroon pa lang mga taong maaaring ma-attract sa isang tao kahit kakikilala niya palang dito.
Hindi ko na masyadong na-enjoy ang ganda ng view matapos kong marinig ang sinabi ni Arius. Mabuti nalang at tinawag siya ni Dan dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sakaniya pabalik. Am I supposed to feel flattered?
Should I like him just because I can't see future on his palm? Just because I feel normal when we're together?
Napabuntong hininga ako at saglit na ipinikit ang mga mata. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay ngayon ko lang naramdamang may kasabay pala ako sa paglalakad. We're finding a great spot to build our tents.
"Marunong naman akong lumangoy pero mukhang masyadong malalim ang iniisip mo para masisid ko."
Natawa ako at siniko si Luam. "Pakisisid nga nang hindi kana rin makaahon." nakangising sambit ko.
"Hindi mo syur." aniya dahilan upang sabay kaming matawa.
Nahinto lang 'yon nang maramdaman kong tila may inalis siya saaking ulo. "May dahon, ito naman laki ng trust issue saakin kung makatingin parang nilagyan ko ng kung ano ang ulo mo." depensa niya wala pa man akong sinasabi.
Umangat ang kamay ko at bahagya 'yong tumama sakaniyang braso. " Luam! Wala pa akong sinasabi!"
"Pero may balak? Nako nga Faithrill, sakit mo ah parang 'di tayo matagal nang magkakilala." maktol niya pa na parang bata.
Hindi na ako umimik at pinigil ang sariling matawa. Mahirap makipag-asaran sa isang 'to, hindi nauubusan nang ibubuga.
Akala ko hindi na rin siya magsasalita kaya nagulat ako nang mag-iba ang kaniyang tono. "Do you like him?" this time his eyes look dull and emotionless...
Ewan ko kung ako lang ba o talagang seryoso si Luam sa tanong niya?
"Who's h-him?" balik tanong ko't tumikhim.
"Arius." maikling sagot niya at ibinaling ang tingin sa mga kasama naming may kaniya-kaniya ring kausap, mga nauuna sa paglalakad.
Nagitla ako at hindi alam ang sasabihin. Maging ako kasi ay hindi alam ang sagot sa tanong niya. Napayuko nalang ako at nanatiling tahimik dahil wala ni isang salita ang nais mamutawi sa aking mga labi.
Hindi na rin siya nagsalita pa at tila ba nakaramdam na hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Inaasahan kong aalis na siya dahil sa katahimikang bumabalot saaming dalawa pero nanatili siyang kasabay kong maglakad hanggang sa tuluyan kaming makahanap ng pwesto na hindi lalayo sa falls.
Umangat ang tingin ko nang maramdamang tila ba napahinto silang lahat.
"Kriel?" gulat at nanlalaki ang mga matang sambit ni Rail sa pangalan ng pinsan.
Gusto kong hilingin na sana ay namamalik-mata lang ako dahil kung hindi, anong ginagawa rito ni Kriel at tila ba parang nauna pa siya saamin dito?
"Kuya Laire hindi niyo man lang ako isinama!" maktol niya habang masama ang tingin sa dalawa.
Napakamot nalang ako sa sariling tainga ko dahil sa iniaasta niya, kailangan ba ay lagi siyang kasama?
"Dapat ba kasama ka?" nagtatakang sambit ni Kuya Laire na kaagad ding dinagdagan ang sinasabi matapos siyang sikuhin ni Rail. "I mean knowing you, malamang hindi ka papayagan nila Tita."
Umikot ang mga mata ni Kriel dahil sa sinabi nito. "Kung hindi ako papayagan bakit ako narito?" pabalang niyang sagot.
Akmang magsasalita pa siya nang biglang may lumapit sakaniya at tila ba may ibinulong sa tainga niya, ro'n ko lang napansin na may mga kasama pala siya. 'Yung kasama niya rin noong time na nagwala siya sa booth namin.
Kaagad siyang umayos ng tayo at ang kaninang halos nag-aapoy sa galit niyang mga mata ay biglang umamo na tila ba isang tuta.
"Arius! Hi, do you have a tent? I won't mind if I share my tent with you." batid kong hindi lang ako ang nagulat dahil sa sinabi niya dahil narinig ko ang OA na pagsinghap ni Biely.
"Sheesh speed teh, daig pa si Flush."
"Flash 'yon bakla."
Rinig kong bulungan nila Biely at Sally nasa unahan ko lang din kasi sila kaya kahit gaano siguro kahina ay rinig na rinig ko.
"Matatakutin pa naman siya Kuya Arius."
"True, can you accompany her?" segunda ng dalawang kasama ni Kriel sa sinabi niya. Nasa likod niya ang mga ito.
Pinigilan ko ang matawa dahil halata namang praktisado na ang kanilang linya. Vlogger ba sila? Scripted ah.
Nang tumingin ako kay Arius ay hindi ko inaasahang nakatingin din siya saakin. Mabilis din akong nag-iwas ng tingin at ibinaling 'yon kay Dan na hanggang ngayon ay pasan-pasan ng kaniyang kapatid.
"Nah, you're old enough to handle your fear. Isa pa, why don't you guys accompany her? Since you're her friends." aniya bago nilampasan ang tatlo.
Medyo burn sila sa part na 'yon.
Alam kong sa mga oras na 'to ay pigil na rin ni Dan ang matawa dahil sa kasungitan ng kaniyang kapatid.
Wala nang ibang nagawa si Kriel kung hindi ang bumusangot. Kaming lahat naman ay nagsimula nang muli upang ayusin ang mga tent na magiging tulugan namin sa loob ng dalawang gabi na pananatili rito.
Sila Rail, Luam, Arius at Kuya Laire ay nagtulong-tulong upang gawin ang magsisilbing banyo namin na hindi lalayo sa falls. Ilang metro lang din ang layo no'n sa kinatatayuan ng tents namin.
"Here, siguradong gutom kana." iniabot ko kay Dan ang isa sa mga snack na nabili ko no'ng dumaan kami sa grocery store.
Katabi niya sila Biely at Sally na nagkukwentuhan nang abutan ko sila ay tila ba nagdalawang isip pa sila kung kukunin 'yon mula sa kamay ko hindi.
"Walang lason 'yan, nakasield pa oh." biro ko.
"Hindi naman sa gano'n bakla, nakakagulat ka lang. Salamat." sambit ni Biely at nagpatuloy sa pagkausap kay Sally.
Wala namang kaso saakin kung hindi ako kausapin ni Sally pero natutuwa akong kinuha niya ang pagkain na iniabot ko.
Umupo ako sa tabi ni Dan at inilabas ang hopya na bigay ni Luam. Matagal na rin simula nang matikman ko ito ang Mama niya kasi mismo ang nagluluto at nagbabalot ng mga hopya kaya alam mong hindi ito mabibili sa kung saan.
"Hmmm ano 'yan?" tanong ni Dan at mas lumapit saakin habang nakatitig sa hopya.
"Hopya," kumuha ako ng isa at kaagad 'yong kinagatan ang malinamnam nitong lasa ay kaagad na nanuot saaking dila. Walang pagbabago, ang sarap pa rin ng gawa ni Tita. "Gusto mo?" alok ko.
Mabilis siyang kumuha at kaagad na kinagatan ang isa. "Omg! Ang sarap, saan mo nabili 'to? Gusto ko nito." tuwang-tuwang aniya.
"Hindi ko binili, galing 'yan sa Mama ni Luam bigay saakin."
"Gano'n pala kayo ka-close ni Luam? Akala ko nito lang kayo nagkakilala." sambit niya habang inuunti-unti ang pagkain ng hopya, halatang sarap na sarap sa pagkain.
"Ay olats ka beh, kilala na ng nanay oh may pabaon pa." rinig kong sambit ni Biely.
Padabog na tumayo si Sally at nagmamartsang umalis sa tabi ni Biely. "Enjoy lang kayo riyan mga beh, suyuin ko lang ang bakla wala kasing jowa, walang ibang susuyo." aniya at natawa pa bago sinundan si Sally.
Halos palubog na rin ang araw nang matapos kaming lahat sa kaniya-kaniya naming ginagawa. Medyo nagtagal kasi kami sa lunch dahil halatang gusto pang makipagtalo ni Kriel dahil gusto niyang katabi si Arius na wala namang pakailam at basta nalang kain.
"Magpahinga ka muna riyan, kumusta na ba ang paa mo?" tanong ko kay Dan matapos siyang alalayan na makapasok sa loob ng tent namin, siya kasi ang ka-share ko.
"Medyo makirot nalang pero hindi na siya tulad ng kanina, baka bukas makalakad na rin ako kahit papaano." aniya habang dahan-dahang iginagalaw ang paa kapagkuwan ay muli siyang nagtanong. "Ikaw ba? Hindi ka nahihilo o ano?" bakas ang pag-aalala sakaniyang tono.
"Kalma, ayos lang ako. Look oh, I'm strong." I said as I jokingly flex my muscle infront of her.
Natawa siya at nagawa pang pisilin ang aking braso. "Sana ol, pahawa nga."
Nagkatawanan kami at nagpatuloy sa pag-uusap. Dahil na rin siguro sa pagod ay hindi na namin namalayan ang oras. Hindi pa naming malalamang madilim na kung hindi namin narinig ang sigaw ni Rail mula sa labas ng tent namin.
"Lumabas na kayo! Uubusan kayo ni Biely ng marshmallow, tinuhog lahat!"
"Hoy hindi ah! Pero kung kayong magkapatid ang tutuhugin, why not." rinig naming pang-aasar ni Biely kay Rail.
Napalingon ako kay Dan na ngayon ay nakatingin na rin saakin sabay kaming napabungisngis habang rinig na rinig namin ang bilis nang pagtakbo ni Rail.
KINABUKASAN ay wala sa sarili akong napaangon mula sa pagkakahiga. Alam kong madilim pa pero hindi na kaya ng pantog ko.
Gulo-gulo pa ang buhok na lumabas ako ng tent, walang pakailam kung may makakakita man saakin. Mabilis ngunit may pag-iingat na naglakad ako patungo sa kaisa-isa naming banyo.
"Shems bakit kasi ngayon pa." inis na sambit ko at dali-daling pumasok sa banyo, 'yon na yata ang pinaka worst na desisyong nagawa ko!
Si Arius walang damit pang-itaas! Kaagad akong tumalikod. "Sorry!"
Bakit kasi hindi ka matutong magtanong muna Faithrill!
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro