Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

CHAPTER 2




"WHY DID you do that?"


Napalingon ako kay Luam na nakasunod na pala kaagad saakin matapos kong tumakbo papalabas ng Caffé na 'yon.


Akala ko ba wala na 'yong kakayahan ko? Pero bakit nakakita na naman ako ng kapalarang hinding-hindi ko gugustuhing makita?


"Hey, tell me are you okay?" sinipat niya ang leeg at noo ko, dinadama kung normal pa ba ang temperatura ko.


Nang akma niyang hahawakan ang kamay ko ay kaagad na bumalot ang takot sa pagkatao ko bigla akong napaatras, ni hindi ko inaasahang may maliit na bato sa paanan ko na siyang naging dahilan upang paupo akong bumagsak sa semento.


"Faithrill!" dali-daling lumapit saakin si Luam.


"K-Kaya ko na.." agap ko pa at iniiwas ang kamay ko sakaniya.


Paano kung kay Luam na palad ang hinawakan ko kanina at hindi ang sa waiter? Paano kung may mas masalimuot na hinaharap ang makikita ko sa palad niya... Paano kung a-ako pa ang maging dahilan para maging miserable siya?


"Ano bang nangyayari sa'yo, Faith?" seryosong aniya habang ang mga mata ay nakatitig nang deretso saaking mga mata.


Nang makatayo ako ay tiningala ko siya at saglit na tinitigan sa mga mata. Mabilis din akong nag-iwas ng tingin at pilit na ngumiti sakaniya.


He's a jolly person but whenever he sense something's wrong, he got worried right away.


"Ha? N-Nawala na kasi 'yung gutom ko. Medyo na-shock din ako sa presyo, oo tama." palusot ko habang pilit isinasabay ang pilit na tawa.


He looked at me seriously, scanning if I am telling the truth.


He sighed. "Mahal nga, tignan mo nalagasan ako." maktol niya habang ipinapakita ang laman ng wallet niya.


Akala mo naman ay napakalaking pera ang nawala sakaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay magaling din mag-ipon ng pera ang isang 'to


Para akong nabunutan ng tinik nang maniwala siya sa mga palusot ko. "Nai-take out mo naman 'di ba? Kainin mo nalang sa bahay niyo. Uwing-uwi na rin ako e." sabi ko na ang tinutukoy ay ang condo na binili saakin ng mga magulang niya.


"Siguro pinagpawisan ka ng malapot no'ng introduce yourself na 'no?" tawa niya pa. "Tell me, may nakilala ka na bang pwede mong maging kaibigan?" parang siya pa 'tong excited para sa'kin, sa sobrang excited ay hindi na nasagot ang tanong ko kung naitake-out niya ba ang mga pagkain.


Palagi naman, simula walong taong gulang ako ay siya at ang pamilya na niya ang kumopkop saakin. Siya rin palagi ang mas excited tuwing may mga bago akong nalalaman.


This year i'm turning eighteen, and i couldn't believe that we've been friends for almost nine years.


"Halika na, mag-abang na tayo ng taxi at medyo malayo pa ang destination mo kumpara saakin." pag-iiba ko ng usapan at nauna na sakaniyang maglakad.


I heard him chuckled. "Para namang napakalayo e, tatlong kanto lang ang layo ng bahay namin sa condo mo. Sabi ko naman kasi sa'yo—"


Kaagad kong pinutol ang sinasabi niya. "Hep, tama na masasaulo ko na 'yan kaysa sa math lesson namin."


Sasabihin niya lang na bumalik na ako sa bahay nila at mas masigla ang lahat kapag naroon ako. As far as i can remember hindi lang niya kayang makipagkwentuhan sa Dad niya kasi may kaunti silang tampuhan. Ma-pride rin 'tong ugok na 'to e.


Hindi na ako nagsalita pa nang may humintong taxi sa harapan naming dalawa. Nauna akong sumakay bago siya.


Akala ko ay mananahimik na siya dahil hindi na ako nagsalita pa, pero sadyang tuso ang isang 'to pagdating sa chikahan.


"Faith, natatandaan mo pa no'ng nasira ko ang barbie mo? Hindi ka umiyak pero pinukpok mo sa ulo ko." natawa ako dahil sa sinabi niya.


Hindi ko 'yon makakalimutan dahil 'yon ang pinaka-unang beses na nag-away kami. Umiyak kasi siya no'ng pinukpok ko sa ulo niya 'yung baling legs ng barbie.


Tumingin ako sa gawi niya. "Oo, tapos imbis na ako ang pagalitan ikaw pa ang napagalitan kasi pumapatol ka sa babae." bumubungisngis kong saad habang ang dalawang kamay ay magkahawak.


Patuloy kami sa pagkukwentuhan tungkol sa nakaraan ngunit nagitla ako mula sa pagkakaupo ko nang matanawan ang pamilyar na lalaki.


"Manong pakihinto po saglit."


"Huy bakit nasusuka ka ba? sabi ko naman sa'yo magbabaon ka ng plastic e!" hindi ko na inintindi ang sigaw ni Luam at kaagad na bumaba.


I was about to follow him but i can't even say his name.


Hindi ko na naituloy ang pagbabalak kong tumakbo nang tuluyan nang lumiko ang lalaki sa isang kanto.


"Bakit may atraso ba 'yon sa'yo? Gusto mo ipahabol natin sa driver?"


Napatingin ako sa palad ko kung saan una niyang nahawakan. Ngunit hindi ko nabasa ni katiting sakaniyang kapalaran.


"Hindi, it's just that..." He's unexplainable.

*****

Pabagsak akong nahiga sa sarili kong kama. Hindi pa ako nakakain ng maayos dahil sa kaiisip sakaniya.


Would I get a chance to meet him again? To hold his palm and won't able to see his future?


Itinakip ko ang sariling braso sa aking mga mata at akma nang magpapaantok nang may maalala.


" 'Yung ID!" dali-dali akong bumangon ay naghagilap sa bag ko kahit na napakadilim na ng paligid.


Hindi kasi ako sanay na bukas ang ilaw sa tuwing matutulog, nasisilaw ako at mabilis mawala ang antok.


Nang may madampot akong kakaibang ID lace ay kaagad kong inayos muli ang aking bag at bumalik na sa kama.


I tilted my head as i stare at the name written on the ID.


"Arius... Arius Gedeon."





Kinabukasan ay hindi kami sabay pumasok ni Luam kahit pa ilang kanto lamang ang layo ng condo ko sa bahay nila.


Hindi ko alam kung may pinagkakaabalahan ba siya o sadyang gusto niya lang pumasok ng sobrang aga.


Mag-isa akong naglalakad patungo sa pedestrian nang may matanaw akong pamilyar na bulto ng isang lalaki. Parang nakita ko na  siya somewhere...


Siya 'yung guy na humawak sa kamay ko kahapon! Nanginginig kong kinuha ang ID na ibinalik ko sa bag ko kagabi matapos makita ang pangalan. Nandon din kasi ang picture niya kaya nalaman kong siya si Arius. 


Hindi ko alam kung paano bigkasin ang pangalan niya pero bahala na. "A-Arius.." hirap na sigaw ko.


Paano kung mali ang pronounciation ko kaya di siya lumilingon?!


Isa pa. "Arius!" This time he look back and saw me. Nakatawid na rin siya sa kabilang kalsada.


All my hope that I can talk to him again disappeared when he turned his back on me. Parang wala siyang narinig, ni hindi manlang siya ngumiti.


Wala akong ibang nagawa kung 'di ang sundan siya ng tingin, pagkatapos niya kasing tumawid ay sunod-sunod na sasakyan ang siyang nagsidaanan.


My jaw almost dropped when i saw where he is going. Sa college university na katabi lang ng SPU ng school namin, Saint Pablo University kung saan ako nag-aaral.


Magkalapit ang dalawang paaralan dahil pinaniniwalaang iisa lang ang may-ari nito. Kaya sa oras na makatapos ng grade twelve ang sino mang nag-aral sa SPU ay maaaring pumili kung 'yung ibang college school na malayo o itong halos ga-kanto lang ang layo.


Isang malalim na buntong hininga ang inilabas ko nang tuluyang hindi ko na matanaw si Arius. Paano kaya siyang makakapasok sa school e, nasaakin ang ID niya!


Snobber kasi. I rolled my eyes before deciding to walk pass through pedestrian. Bawal ang tatanga-tanga ngayon at wala si Arius para hawakan ang kamay ko.


Ano bang iniisip ko?!


Napasapo nalang ako sa sarili kong ulo habang naglalakad na patungo sa room ko. General mathemathics ang first sub namin, paniguradong haharap ako nito sa giyera.


Muntik pa akong mapahiyaw nang saktong pagtapat ko sa pinto ng classroom ay may isa akong kaklase na humaharurot palabas. Good thing mabilis akong nakailag kung hindi ay pareho kaming nakalatag sa sahig.



Akala ko ay totally matured na ang mga senior high may iilan pa rin palang natutuwang maghabulan. Napatigil ako sa paghahanap ng mauupuan nang mapako ang paningin ko sa lalaking kumakaway saakin.


How could I forget his angelic face with his black eyes, black shiny hair, and the perfect shape of his nose and lips.



Napakalapad ng ngiti nito na ani mo'y mapupunit na ang kaniyang labi dahil sa kakangiti.


Dali-dali akong lumapit sakaniya habang iniiwasan ang mga bagong kaklase na ngayon ko lang nakita. I never saw their face yesterday.


"Faithrill! Na-surprise ba kita?" aniya at kumindat pa.


Mabuti nalang at bakante pa ang upuan sa tabi niya kaya napagpasyahan kong dito nalang din umupo.


"Gagi, akala ko ibang section ka? Teka ano bang strand mo at naririto ka?" kunot na kunot ang noo ko habang inaayos ang bag ko.


Umayos siya nang upo at humarap saakin. "STEM ako, saka first sub din namin ang general mathematics—" napatigil siya sa pagsasalita at bumaba ang tingin niya sa bandang balikat ko.


Napasinghap ako sa pagkabigla nang hindi sinasadyang dumikit ang daliri niya sa balikat ko, inusog niya nang kaunti ang blouse ko papunta sa leeg ko doon ko lang nakita na sinusubukan niyang takpan ang nakalitaw na strap ng bra ko.


I can feel my cheeks burning in embarrassment. "A-Ano, thanks." sabi ko at inayos pang muli ang blouse ko nang matapos niyang ayusin ito.


Nang tignan ko siya ay napakamot siya sa sariling batok habang mailap ang kaniyang mga mata. "Sorry for the sudden move, I should've tell you instead..."


Before I could say something our math professor already came in. She was smiling at us widely while walking towards to her table. "Good morning, class." nakangiti pa ring bati nito.



Minsan pa akong napasulyap kay Luam bago tuluyang ituon ang buong atensyon sa guro. Lahat kami ay tumayo at bumati pagkatapos ay muling naupo.


"Hindi ko alam kung narinig niyo na ba sa ibang strands ang ipinagawa ko. This is your first day in my class, so I wanted to know what you got."


Muli itong ngumiti na ikangiwi ng halos lahat saamin. Sinong hindi ngingiwi? Narinig ko kahapon mula sa ibang strands ang ipinagawa sakanila ni Mrs. Atuz, pinakanta sila na ang lyrics ay math!


Bahagya kong siniko si Luam at binulungan. "Kung ikaw ang ka-group ko pwede pa, keri mo na 'yon mag-isa 'di ba?" biro ko.


Marahan siyang lumapit dahilan upang magkadikit ang pareho naming braso. "Basta libre mo ako ng lunch for the whole year."


Napakakuripot talaga nito! Pati ba naman lunch niya ay ayaw niyang paggastusan?!



Magpo-protesta pa sana ako nang maagaw ng mga sinasabi ni Mrs. Atuz ang pandinig ko.


"So most of the strands na nandito ay STEM at HUMMS dahil kayong strand ang pinakaunang klase ko sa General Mathematics. I wanted to try the both strand," tumayo ito at naglakad patungo sa harapan habang hawak-hawak ang isang mark pen.


"This will be groupings although tatlo lang kayo sa group, it's either two STEM students and one HUMMS or two HUMMS students and one STEM ang maaaring maging magkagrupo."



"I challenge all of you to make a drama with a twist of some Mathematics. Hindi ko alam kung paano niyo gagawin o i-aacting nasasainyo kung anong genre basta ang kailangan ko ay isang drama with a twist of math."


One of my classmates raised her hand. "Mrs. Atuz, can I suggest po na instead of drama with a twist of math, pwede po bang drama nalang pero hindi mawawala ang topic na math?"


Mrs. Atuz raised her eyebrow. Lahat kami ay natahimik lalo na ang naglakas loob na magtanong.


Then suddenly she chuckled. "Yes, why not? Great idea huh?"


Para kaming mga nakahinga ng maluwag. Lalo na ako lalo na at walang kantahang magaganap, wala akong talento sa pagkanta sa pagsulat ay medyo pwede pa.



Sana lang ay maayos ang maging kagrupo ko, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang katotohanang hindi pa rin naalis ang kakayahan ko. Ayokong makita ang pinaka-miserableng parte ng buhay nila, ng kahit na sino...


Napaigtad ako nang may bahagyang tumapik sa braso ko. "Makinig ka, sinasabi na ni Mrs. Atuz kung sino-sino ang magkakagrupo."


Napatango nalang ako at pilit ibinabalik ang atensyon sa aming guro. I shouldn't overthink too much, this won't help me to get rid of this freakin' power that i have.


"Ateniaza, Corazon, and Zulema from STEM. And for the last group, dalawang HUMMS student ulit at isang STEM." nagkatinginan kami ni Luam matapos matawag ang apelyido niya.


Bakit naman kailangan mapunta siya sa ibang group! "Don't worry, i'll try to ask Mrs. Atuz if pwede makipagpalit."


"Mr. Caballias from STEM and Ms. Gedeon together with Ms. Quindez from HUMMS." nakangiting pagtatapos ni Mrs. Atuz at naupo sakaniyang silya.


Kaagad na nagtaas ng kamay si Luam. "Mrs. Atuz, pwede po bang makipagpalit ng groupmate?" He didn't think twice and asked.


Muling tumikwas ang kilay ni Mrs. Atuz dahilan upang mapayuko ako. "Bakit? Nakikinita mo na bang wala kang mapapala sa kagrupo mo?"


Nilingon ni Luam ang mga kagrupo niya. "Hindi naman po sa gano'n Mrs. Atuz..."


Tinapik ko ang braso niya ng dalawang beses para sabihing ayos lang.


"Kung gano'n walang dahilan upang lumipat ka. Magpunta na kayo sa mga kagrupo niyo at magsimulang magplano."


Wala ng nagawa si Luam kung 'di ang guluhin ang tuktok ng ulo ko. "Sorry, hindi tayo magkagrupo." humugot pa siya ng buntong hininga dahilan upang matawa ako ng mahina.


"Ayos lang, shoo punta kana sa kagroup mo." sabi ko at tinaboy siya ng pabiro.


Sa totoo lang ay hindi ko kilala kung sino ang kagrupo ko at mas lalo akong kinakabahan sa isiping baka kapag nagkasama-sama kaming tatlo ay mas tumaas ang lebel ng pagkatakot ko sa tao.


Alam kong hindi naman lahat ay masama at mapilit, pero kung aksidenteng mahawakan ang palad ko ay 'yon ang pilit kong iniiwasang mangyari.


Nag-ipon ako ng saktong lakas upang ipagtanong kung sino ba ang kagrupo ko. But then out of nowhere the girl who had been talking to me since yesterday walk towards me.


"Hi! Prof. Atuz tell me that you're Ms. Quindez? Faithrill Quindez, what a great name!"


Hindi ko alam kung bakit para siyang excited na excited sa tuwing makakausap ako, o baka sa lahat ay gano'n siya at ako lang 'tong nag-iisip ng ganito?


"By the way this is Rail, our groupmate. He's from STEM." hinila niya ang isang lalaki na matangkad pa saaming dalawa. Ang isang kilay nito ay may kaunting ahit na nagdadagdag ng angas sa kaniyang mukha.


I couldn't say anything. Napalunok nalang ako ng mariin habang pinagmamasdan sila ng mariin.


How... How should i treat them?


Socializing isn't really my thing. Bakit nga ba kasi HUMMS ang pinili kong strand?











•─────✧─────•









Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro