Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

CHAPTER 19

"LAST day na, last day na." Rail was dancing in happiness as he walks towards us.

Tinatawanan lang siya ni Luam na kanina pa nakaupo sa harap ko. Mabuti nalang at wala kaming klase sa math dahil panigurado late na kami no'n papalabasin at idadahilan na wala naman kaming gagawin sa next subject.

"Happy yarn?" bulong ko na ikinatawa ni Dan na nasa tabi ko.

Madamdaming napahawak si Dan sa sariling dibdib. "Pagpasensyahan mo na, Faithrill. Ngayon ko lang kasi napalabas ang alaga kong unggoy." aniya at dinampot pa ang tissue upang ipahid sa luha kuno.

"Ang saket mo ah, parang 'di nilibre ng buong semester." pagdadam-dam ni Rail na ngayon ay nakasimangot na kinakain ang inorder.

"Ay wala madaya siya lang nilibre, magshota 'yan?"

"Oo nga, oo nga 'di kami dinamay oh mga selfish bwakanang sheyt." gatong ni Luam sa sinabi ko.

"May patago kayo? Mahiya naman kayo sa wallet kong sobra na sa diet." ipinakita pa samin ni Rail ang wallet niyang halos twenty pesos lang yata ang barya dahil ang iba ay mga buo na.

Nahiya naman 'yung wallet kong puro may paglalaanan 'yung pera.

Ihinarang ni Dan ang dalawang kamay sa gitna ng table na para bang pinatatahimik kaming lahat. "Enough sa usapang wallet dahil sobrang taba na ng sa'kin. By the way wala ba tayong outing diyan? Baka naman ahem ahem." sambit niya at umarteng nauubo pa.

Tinakip ko ang sarili kong bibig gamit ang isa kong palad upang pigilan ang sariling matawa. Tumikhim ako bago nakisali.

"Oo nga, baka naman gusto niyo na kaming isama sa plano ano?"

"Resort kaya tayo?" suggest ni Rail.

Ipinatong ni Dan ang dalawang siko sa lamesa at pumalumbaba saamin. "Nah, sanay na ako riyan."

"Beach?"

Narinig ko ang buntong hininga ni Luam. "Walang thrill, ligo-ligo lang shems."

Napailing-iling ako at ibinagsak ang walang laman na balat ng biscuit na kanina lang ay kinakain ko. "May naisip na ako,"

"Saan?"

"Nawa'y  maganda ang naisip ni Faithrill."

"Sana all may isip."

Sabay-sabay nilang sambit na halos ikabingi ko dahil sa gulo nila. Nang tumahimik sila ay saka lang akong muling nagsalita.

"Camping."

"Bori––" hindi natapos ni Rail nag sasabihin ng batukan siya ni Luam. "Ugok maganda 'yon para naman makakita ka ng magandang tanawin at baka mabawasan ang kakuriputan mo."

"Hiyang-hiya ah, hiyang-hiya.." hindi makapaniwalang sambit ni Rail dahil sa sinabi ni Luam.

Pinigilan ko nalang muli ang matawa dahil hindi kami makakapagplano ng maayos at baka maging drawing pa ang dapat ay paggala naming apat.

"May alam ka bang mountain dito Faithrill? That we can stay for days?" tanong ni Dan na ngayon ay nakaayos na ng upo.

Hinarap ko siya dahil katabi ko lang din naman siya. " 'Yon ang problema, wala e." natatawang saad ko.

Ngayon ko pa lang din kasi ito gagawin kaya 'yon ang naisip kong i-suggest.

"I'll try to search––" hindi na natapos ni Dan ang sasabihin nang may isang tray ng pagkain ang padabog na lumapag sa mesa namin.

Lahat kami'y napatingala at bumungad saamin ang lukot na mukha ni Biely. He's looking at us sharply like we did something that make him angry.

"Mga bakla, natapos lang ang research hindi niyo na ako pinapansin? Sakit niyo ah." aniya at akmang uupo sa tabi ni Rail ng mabilis na tumayo ang isa at lumipat sa katabing upuan ni Dan.

"Isa ka pa fafa, patabi lang e alam mo namang ikaw lang 'tong namiss ko."

"Hindi, no thanks, kahit hindi mo ako mamiss ayos lang pramis pabor na pabor saakin." sarkastikong sagot ni Rail habang pinagpapawisan ng malapot.

Gusto kong matawa dahil sa tuwing nasa paligid si Biely ay halos bilang lang ang galaw niya lalo na at tumatabi ito sakaniya.

" 'Wag ka nang mahiya Rail, 'di ba wala ka naman no'n?" baling sakaniya ni Dan na sinusubukan siyang itulak pabalik sa upuan kanina na ngayon ay inuupuan na ni Biely.

Rail held his chest dramatically. "Cheydan! Kampihan mo naman ako kahit minsan.." aniya habang ang mga mata ay wari mo'y nagmamakaawa na.

Dumukwang palapit si Luam kay Rail at inambaang babatukan ang isa. "Mukha kang malambot na ewan gago." natatawang sambit ni Luam ng mabilis na umiwas si Rail sa akmang pagbatok niya rito.

Napatingala ako ng mapansin ang isang bulto na nakatayo malapit sa table namin. Matapos makilala ay kaagad akong ngumiti sakaniya.

"Hi, Sally!" everyone in the table turn their gazed on her.

She was smiling shyly as she wave her hand to us. "Hi, would you mind if I join you guys?"

"Sure," ako kaagad ang sumagot at iniusog ang bangko ko upang magkaroon ng space sa bangkong uupuan niya.

Tipid lang siyang ngumiti saakin at naupo na. Gusto ko rin sanang maka-close siya pero hindi ko alam kung bakit parang ilag siya saakin.

Napalingon ako sa harap ko, naramdaman ko kasi ang pagtitig niya kaya natawa ako ng makita si Luam na para bang pinagmamasdan ako. Hindi naman ako aalis sa table pero grabe kung makatitig akala mo'y maya-maya ay maglalaho ako.

"What?" tanong ko habang pinipigilan ang sariling matawa dahil sa itsura niya.

"Ha?"

"Hatdog p're, kumain ka ng hatdog para mawala ang 'yong pagkatulala sa ganda ni Faithrill." nakangising sambit ni Rail matapos itulak ang lagayan ng hatdog niya sa tapat ni Luam.

"Gago!" aniya at nag-iwas ng tingin sa kaibigan.

"Uyy Luam ha, si Faithrill na ba ang cupcake sa ibabaw ng icing mo?" parang kinikilig na bulateng sambit ni Biely.

Pigil ang tawa ko dahil sa mga sinabi niya habang si Luam ay hindi makatingin saamin ng deretso.

"Baliktad gaga," nakahawak sa tiyan at hirap na hirap na sa pagtawang sambit ni Dan.

Pare-pareho kaming natawa maging si Biely rin ay tatawa-tawa matapos marealize ang sinabi. Ngunit gano'n nalang ang pagtigil ko ng maramdamang parang may kakaiba. Then out of nowhere my gazed turn to her, she was looking at me....emotionless.

Mabilis din akong nag-iwas ng tingin kay Sally napalunok nalang ako at wala sa sariling napatikhim. Para namang may ginawa ako sakaniyang masama kung makatingin siya ay wagas.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong ipinatong ni Sally ang kaliwang hita sa kaniyang kanang hita.

"So saang bundok ang aakyatin natin? May naisip na ba kayo?" aniya at lumibot ang mga mata sa lahat ng taong nasa table, pero hindi 'yon tumama saakin.

"I'll to search some mountains near on our area, para hindi tayo masyadong mahirapan sa pagbyahe." Luam answered politely.

Ngumiti si Sally na tila ba siyang-siya sa isinagot ni Luam. "That's so nice of you Luam." aniya pa habang nakatingin pa rin kay Luam, ang hindi maipaliwanag niyang ngiti ay nakapaskil pa in sakaniyang labi.

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang natahimik silang lahat simula ng magsalita si Sally. Ngayon ko lang naramdamang mainis sa isang babae kahit na nakangiti lang naman ito na tila ba mabait na santo.

Yumuko ako at pinilit ayusin ang unti-unting pagsasalubong ng aking mga kilay. Sa mga sandaling ito ay nawi-wirduhan na talaga ako sa iniaasal niya.

Kung noon ay hindi ko pinapansin ang masasama niyang titig ngayon ay kinukwestiyon ko na ang aking sarili. Anong ginawa ko? Bakit sa tuwing ako ang magsasalita ay nawawala ang emosyon sakaniyang mukha?

As far as I can remember I was treating her right since I met her.

"Faithrill? Faithrill!"

Sa isang pitik ng daliri sa mismong harapan ko ay tila nabalik ako sa realidad. My immediately roam around the people in our table.

"Sorry, what did I miss?" tanong ko't isinandal ang likod sa bangkong kinauupuan.

"Nagkayayaan sa bagong bukas na coffee shop diyan sa kanto, sama ka?" bagamat kita ang pag-aalala sa mga mata ni Dan ay inaya niya pa rin ako.

Ngumiti ako sakaniya at nauna pang tumayo. "Tara na, wala naman na tayong hinihintay 'di ba?"

Napahawak ako sa bangkong inupuan ko matapos makaramdam ng saglit na kirot saaking ulo. A paired of shoes stop in front of me.

"Ayos ka lang?" tanong ni Luam habang nakatitig deretso saaking mga mata.

Tumango lang ako sakaniya at sumunod na kala Biely palabas ng cafeteria. Dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko ay pakiramdam ko nanghina ako, ngayon ko lang naranasan ang gano'ng kirot kaya gano'n nalang ang kapit ko.



DAHIL malapit lang ang nasabing coffee shop ay hindi na namin kinailangan sumakay. Mga limang minutong lakaran lang ay nasa tapat na kami nito.

And I'll be lying if I said it didn't look good. Honestly it looks haven for those people who's madly inlove with coffee.

Simula sa disenyo ng kabuoan ng lugar ay talaga namang makalaglag panga na paano pa kaya ang itsura ng mga kape na ngayon ay isa-isa ng isiniserve saaamin.

I couldn't stop myself from gulping. ang mabangong aroma ng kape ay nanunuot sa buong caffe na tila ba mas tinutukso kaming mamili.

"Bongga may pa cherry," abo't hanggang taingang ngiti ni Biely habang sinisimulan ng kainin ang cupcake na in-order.

Sa totoo lang ay hindi lang kape ang nakakahumaling sa caffe na 'to kung 'di pati ang nakapaglalaway nilang cupcakes.

Lahat kami ay abala sa kaniya-kaniyang kape at pagkain ng hindi inaasahan ay tumugtog ang isang malamyos na musika. Sabay-sabay kaming nagpalingon-lingon, hinahanap kung saan nanggagaling ang tunog.

"Oh, nakalimutan kong sabihin, every six in the evening they're playing a soft melody for those people who wants to dance in a slow pace." napatitig ako kay Rail matapos niyang magsalita.

Kung magsasayaw ng mabagal, ibig bang sabihin ay hahawakan mo ang kamay ng taong kasayaw mo? Kaagad ay bumaba ang paningin ko sa palad ko, kahit papaano ay naiiwasan ko ng makakita ng hinaharap pero paano kung sa sandaling 'to ay––

My thoughts suddenly interrupted by someone. Naramdaman ko nalang ang mainit na bagay na nakahawak saaking palapulsuhan na siyang humila saakin patayo.

Ni hindi na ako nakapagsalita pa at namalayan nalang na halos nasa gitna na kami ng caffe at akmang sasabay sa lamyos ng musika.

He tried to hold my hand but my reflexes was fast enough to put it on his shoulder. "Sorry, is it okay if I won't hold your hand?" nag-aalangan man ay sinabi ko pa rin 'yon kay Luam.

His hand gently holds my waist trying to be gentle so I won't feel uncomfortable. "Sure, who am I to refuse." nakangiting sagot niya.

Nag-iwas ako ng tingin sakaniya lalo na at wala na rin akong masabi. Luam will always be Luam, I was so thankful to met him. If  he didn't showed up when my Grandmother left me in the cemetery? Hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon o kung buhay pa ba ako.

"Luam, bakit hindi si Sally? Bakit ako ang isinayaw mo? Alam mo namang wala akong alam sa mga ganitong bagay." sambit ko, sinusubukang alisin ang tahimik na bumabalot saaming pareho.

Napayuko siya at nang mag-angat ng tingin ay dumeretso 'yon saaking mga mata. "Hindi naman siya ikaw." simpleng sagot niya na tila ba sapat na 'yon upang hindi na muli ako magtanong.

Para akong nabingi dahil sa sinabi niya. "Ha?"

"Hindi naman siya si Faithrill Quindez." bulong niya bago pa man matapos ang kanta.

Hindi na ako nakapagsalita pa ng ayain na niya ako pabalik saaming mesa. Ibang kanta na ang sumalang ngunit hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi kanina lang.

"Oyy... Ano 'yan Luam at Faithrill? May something yarn?" pang-aasar na sambit ni Rail, mukhang kanina pa sila nakabalik sa lamesa.

"Saamin wala, baka sainyo mayro'n. 'Di ba?" pang-aasar ko pabalik at bumaling pa kay Luam.

"Geez, kilabutan ka mamsh." kaagad na tanggi ni Dan.

"Spell bokya beh?" nakangising baling ni Biely kay Sally na halos katabi niya lang.

Umikot ang mga mata nito at nanahimik, hindi pinapatulan ang pang-aasar ni Biely.

"Halatang selos na selos, aguyy."  dagdag pa ni Biely, hindi iniisip kung naiinis na ang isa.

Hindi naman na kami nagtagal sa caffe dahil last day na at bukas na rin ang alis namin papunta sa bundok na aakyatin namin. Lahat kami ay nakisakay sa Van nila Dan.

Dahil na rin saamin ni Luam ang pinakamalapit na lugar ay kami ang unang ibinaba nito.

"See you tommorow guys!" kumakaway na sambit ni Dan mula sa loob ng sasakyan.

Ngumiti ako sakaniya at itinaas ang isang kamay upang kumaway pabalik. Bago pa man sumara ang pinto ng Van ay pinasadahan ko silang lahat ng tingin ngunit ang ngiti ng isa ang siyang nakapagpatigil.

No she wasn't smiling. Sally, she was smirking at me with no emotion in her eyes.

•─────✧─────•

Sorry for late updates! Akala ko kasi madali ang shs hindi pala mukhang buhay ko mapaadali :>




Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro