Chapter 18
CHAPTER 18
FAITHRILL QUINDES
DO LIFE really is full of surprises? They say yes, but for me up until now? I can't determine if it full of surprises nor just expectations.
Paano kapag 'yung hindi mo inaasahang mangyari ay hindi maganda? Isa pa ba 'yong surpresa? O isang pagkakamali na dapat ay hindi mo nalang din inasahan?
I was walking on the side of the road as my mind was slowly filling with so many questions. Mga tanong na kahit ako hindi ko mabibigyang sagot.
I closed my eyes and tried to clear my mind. The moment I opened my eyes it settled on the familiar figure of a man. Gaya ng nakasanayan ay kinuha ko ang cellphone ko para magsend sakaniya ng isang maikling pagbati.
Gano'n nalang ang pangungot ng noo ko no'ng tumunog ang cellphone ko matapos kong buksan ang data. Umawang ang labi ko at imbis na magreply sa chat niya ay mas pinili kong lapitan siya.
He was standing patiently. Sa tapat ng pedestrian naghihintay na makalagpas ang mga sasakyan.
"Good morning! Himala at nag-pers mob ka? May sapi ka?" biro ko, sinusubukan ko rin bumawi lalo na at kahapon ay hiyang-hiya talaga ako sakaniya kaya hindi ko siya magawang kausapin.
A small smile appeared on his lips making me stilled on where am I standing. Did he... really show his smile on me?
Ang puting-puti at pantay-pantay niyang mga ngipin ay lumilitaw habang nagsasalita siya. "I just saw the good on my morning." and with that he walked passed me.
Pasimple akong napahawak sa dibdib kong kanina pa nagwawala, ni hindi ko maisip kung paano akong nakakapagsalita ng tuwid samantalang ang dibdib ko'y tila sasabog na.
GENERAL mathematics ang first subject namin kaya hindi na ako magtataka na binabalot kami ng katahimikan. Hindi dahil takot matawag kung 'di dahil takot sa teacher na tatawag.
Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at pinilit ang sariling makinig sa lesson, review nalang naman ito dahil malapit na ang sem-break namin pero kahit yata pinakahuling araw ng pasok ay magkaka-exam kami sa teacher na 'to.
"Pissst," kaagad na tumambol ang kaba saaking dibdib ng marinig ang pasimpleng pito na 'yon.
Kinakabahan ako na baka pagdilat ng mga mata ko ay ang mukha ng Teacher namin ang bumungad sa mga mata ko. Ngunit para akong nabunutan ng tinik ng makitang nagtuturo pa rin si Ma'am.
I roam around my eyes, trying to find the person who whistled earlier.
"Faithrill!" napatingin ako sa katapat ko.
Dahil parehong last ang initial ng surname namin ay halos magkatabi lang din kami ni Luam.
"Ano?" pabulong kong tanong at kaagad na bumaling kay Ma'am na busy pa rin sa pagtuturo.
"May pupuntahan ka sa sem-break?" he asked, trying to lower down his voice.
I glanced at him, "Wala, gastos lang e." nakangiwing sagot ko.
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago sumagot. "Rail and I was planning to spend some of our free days on somewhere."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. So nagpaplano silang gumala pero hindi kami sinasabihan ni Dan?
I was about to ask him when a loud voice pronouncing our surname roared in the four corners of our room.
"Ms. Quindez and Mr. Zulema! May pasok pa pero sem-break na ang pinag-uusapan niyong dalawa!" nag-pupuyos sa galit at halos mangamatis na ang buong mukha ni Ma'am matapos sumigaw.
Lihim akong napangiwi sa isip-isip ko ay binabatukan ko si Luam dahil kung hindi niya ako kinausap ay hindi kami matatawag. Hanggang sa matapos ang klase ay nakayuko ako at mag-aangat lang ng tingin sa tuwing may isinusulat sa board ang Teacher namin.
SA INGAY Ng cafeteria ay halos hindi na kami magkaintindihan nila Dan. Nasa iisang table lang kami pero kailangan pa naming maglapit-lapit para magkaintindihan.
"Ayan kasi bakasyon na ang nasa isip," malakas na sambit ni Rail habang tumatawa halatang inaasar kami ni Luam.
"Excited kayo sa sem-break ah!" gatong naman ni Dan, nagkatinginan sila ni Rail at sabay na natawa na nag-apir pa.
Napatingin ako kay Luam na kaharap ko nakatingin n arin siya saakin habang nakataas ang sulok ng labi, mukhang hindi lang ako ang nakakita.
Isinandal ko ang likod ko sa upuang kinauupuan ko. "Aba himala nagkasundo, may mutual understanding na ba?" pigil ko ang tawa habang pinapanood ang reaksyon nila.
Parehong nanlaki ang mga mata ni Dan at Rail na tila hindi rin makapaniwala. Kapagkuwan ay sabay silang nagsalita.
"Kami magka-mutual understanding?! Never!"
"No thanks!"
Kaagad silang tumalikod sa isat-isa na nanlalaki pa rin ang mga mata. Kasabay ng pagtatama namin ng tingin ni Luam ay sabay kaming natawa.
"Lakas mang-asar kanina Dan, bakit natahimik ka?" sambit ni Luam na kinukuhaan na ang chips na binili ni Dan.
Nalukot ang mukha ni Dan at tinapos ang pagsimsim sa iniinom. "Tigilan mo ako Luam, isa pa nagpaplano kayo ng wala kaming alam!"
"Oo nga! Unfair!" sabat ni Rail.
Akmang babatukan ni Luam si Rail ng mabilis itong makatayo sa upuan. "Maka-unfair parang hindi nagplano kahapon ah, sabi mo pa nga 'wag nang isama si Dan dahil baka madapa lalo na at lampa."
"Hoy! Wala akong sinabi––" hindi na naituloy ni Rail ang sasabihin ng makitang tumayo si Dan.
Nakangiti ito ngunit hindi katulad ng inaasahan. She was smiling while anger was visible in her eyes.
"Rail!"
"Kita-kita sa gate, teka! Wala nga akong sinabi––aray Dan!"
Tumatawa kaming tumayo ni Luam at kinuha ang bag nila Dan. Sa sobrang inis niya kay Rail ay hindi na niya naalalang may naiwan siya.
Kinuha niya saakin ang bag ni Dan na dapat ay isusukbit ko na sa sarili kong balikat. "Ako na, paniguradong maraming libro riyan si Dan kaya baka mabigat."
"Pero atleast matalino 'di ba?" biro ko, tinutukoy kung bakit maraming libro.
"Yeah, yeah pero kung nakakasakit ng likod ang pagiging matalino ayoko nalang." sagot niya at ngumiti ng malapad, makapagsalita akala mo naman talaga hindi matalino.
"Halika na nga baka mabatukan kita at mawala ang talino mo." ani ko at nauna na sakaniyang maglakad.
Isang ngiti ang gumuhit sa labi ko matapos siyang talikuran. Kahit kailan talaga hindi ko magagawang mailang kay Luam.
Nauuna akong maglakad samantalang siya ay nasa likuran ko. Kaya no'ng makarating kami sa tapat ng gate ay kaagad kong natanaw si Dan na may hawak na kung ano-anong pagkain.
Huminto ako sa paglalakad at sinabayan si Luam bago itinuro sakaniya kung saan nakapwesto si Dan. "Si Dan oh, pero hindi ko matanaw si Rail."
Narinig ko ang mahinang tawa ni Luam kaya saglit akong napatingin sakaniya. "Alam ko na kung nasaan, nagtatago kay Cheydan."
Abot-abot ang reklamo ni Dan ng makalapit kami sakaniya.
"Pasalamat siya at 'di ko siya mahanap! Or else i'll skin him alive!" gigil na sambit ni Dan habang ibinubuhos na yata ang galit sa pagkain.
"Salamat!" pare-pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Si Rail na ngayon ay malalaki na ang hakbang habang naglalakad papalayo.
Iniabot ni Luam ang bag ni Dan. "Hoy ogag! Hindi pa tayo uuwi, teka lang girls ha ibabalik ko siya rito ng buhay." aniya at mabilis na hinabol si Rail.
"Minsan talaga nagtataka ako kung paano ko sila naging kaibigan." sambit ni Dan at napahawak pa sa ulo na tila ba problemadong-problemado.
"Same vibes kasi kayo." biro ko at kaagad na humakbang paatras sakaniya, mahirap na at baka mapikon din saakin.
Bumusangot siya. "Faithrill!"
I chuckled because of the way she reacted, malayong-malayo kapag 'yung dalawa ang nang-aasar sakaniya. Napailing-iling ako at akmang lalapit sakaniya nang maramdaman ko ang pagkapit ng tila ba nag-uumpisa pa lang na lumamig na bagay.
Napaharap kaagad ako at bumungad saakin ang mukha ng lalaking ilang buwan nang nagpapagulo saaking isipan.
"Arius..." I barely whispered.
Nagtama ang aming mga mata at kasabay no'n ay ang unti-unting pagbitaw niya saaking braso. He smiled shyly like a grade one student.
"Um hi Faithrill, maybe you're having a stressful day so, here." he handed me a pack of chips, Nova chips.
Mabuti nalang at napigilan ko ang sariling mapanganga dahil sa iniaasta niya. What happened to the cold Arius? Is he really okay? Approaching me first was unexpected.
Sabay kaming napalingon ng may isang palad na lumahad sa gitna namin. " 'Yung saakin Kuya? Stress din ako." nakangusong sambit ni Dan, halatang nang-aasar lang saamin ni Arius.
"Go buy your own." he turned his back on us and was about to walk away when he glance at me for the last time. "Bye."
Napakamot nalang ako sa batok ko dahil hanggang ngayon ay hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyari, hindi kaya ako 'tong nababaliw?
Pinigilan ko nalang ang mag-isip pa ng malalim dahil kumikirot lang ang ulo ko.
"Tara na, hindi ko na nahabol 'yung isa." napatingin kaagad sa hawak ko si Luam matapos niyang magsalita.
"Akala niya makakatakas siya? May bukas pa." nakangising sambit ni Dan at nauna na saaming maglakad.
Nilingon ko si Luam na hanggang ngayon ay nakatitig sa chips na hawak ko. "Gusto mo?"
Dagli siyang nag-iwas ng tingin. "No thanks, mas gusto k––"
"––tara na! Andito na rin 'yung sundo ko!" sigaw ni Dan sa 'di kalayuan.
"Heto na!" sigaw pabalik ni Luam.
Nakisabay lang kami ng sakay ni Luam hanggang sa tapat ng condo ko, mas gusto niya kasing nauuna akong ihatid niya since malapit na rin naman ang bahay nila.
"Nakikita mo pa rin siya?" maingat at mabagal niyang tanong, nag-aalalang may masabing hindi maganda.
Hindi ako umimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng lobby, kanina pa kami nakapagpaalam kay Dan matapos kaming ibaba sa tapat ng condo building.
Umiling ako, sinasagot 'yung tanong niya kanina. "Hindi, bakit gusto mong makita?" Biro ko, medyo nakakakaba na hindi ko siya nakikita dahil baka bigla nalang sumulpot si Lola.
Pero minsan naiisip ko hindi naman niya ako makikilala kaya bahala na.
Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at marahang ginulo ang buhok ko. "Kung abot lang kita e 'di 'yung buhok mo ginulo ko." I said while looking at him flatly.
He just shrugged then smiled at me. " 'Wag mo ng isipin 'yon ha. Mas maganda kung ako nalang isipin mo 'di kana lugi gwapo naman 'to." sambit niya at hinaplos pa ang sariling pisngi.
Natawa ako at tinapik ang balikat niya. "Lugi ako mamsh, babangungutin ako pag ikaw inisip ko e." pabirong sagot ko at mabilis na naglakad sakaniya palayo.
"Ano bang nangyayari sa mga 'yon? No'ng una si Arius ngayon si Luam." bulong ko ng makasakay ng elevator patungo sa floor kung nasaan ang condo ko.
I smell something fishy geez.
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro