Chapter 16
CHAPTER 16
I couldn't understand why people live their life the way they want it without even thinking the cruelty that they did.
Bakit kung sino pa 'yung mga nanakit o nakagawa ng hindi maganda sa kapwa sila pa 'tong mabilis makalimot? Na para bang hindi sila babangungotin ng ala-alang 'yon sakanilang pagtulog?
Bakit kailangang 'yung biktima pa 'yong palaging makaalala? Samantalang 'yung isa nagpapakasaya sa labas tila inosente at hindi gumawa ng dahas?
Napatingala ako sa kisame ng sarili kong kwarto. Alas otso na ng umaga ngunit hindi ko pa rin magawang kumilos. Wala akong ganang pumasok.
"Ang sabi nila mundo ang hindi patas?" natawa ako ng sarkastiko habang ang luha ko ay patuloy pa rin sa pag-agos.
Hindi mundo ang hindi patas, kung 'di 'yong mga tao mismong gumagawa ng dahas.
Lahat ng ala-alang pilit kong ibinabaon sa kailaliman ng isip ko ay isa-isang lumilitaw ngayon sa isip ko. Akala mo isang pelikulang napakaganda kahit ang totoo isa 'tong bangungot na mas gugustuhin kong mabura.
Dumapa ako at pinilit ang sariling makatulog, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga nakita ko. Noong makatulog naman ako ay nagising din ng alas tres ng madaling araw at walang ibang nagawa kung 'di ang lumuha.
Mukhang dahil sa pag-iyak ay madedehydrate ako. Dahil na rin siguro sa pagod ng mata ko ay kusa na 'tong pumikit hanggang sa tuluyan na akong nagpalamon sa antok.
HUMAHANGOS akong bumangon mula sa pagkakahiga ang mukha ko ay puno ng luha. Maging sa pagtulog ko ay ayaw akong lubayan ng aking mga ala-ala.
I was sobbing silently when I heard the doorbell rang. Napalingon kaagad ako sa orasan dahil wala naman akong inaasahang bisita, alas singko na pala. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos imbis ay dinampot ko nalang ang shades na nasa ibabaw ng drawer at sinuot ito.
The moment I opened the door I gasped when I saw who it was. Luam, Rail, and Cheydan they look worried at the same time relieved when they saw me.
"Faithrill!" kaagad dumamba ng yakap saakin si Dan.
Mabilis akong humiwalay sakaniya sa isiping hindi pa ako naliligo, nakakahiya. "Kakagising ko lang. I didn't even take a bath." nahihiya man ay sinabi ko pa rin. Baka kasi mali ang kanyang isipin.
"Ayos lang, ano ka ba. Para namang others." nakangiting sambit niya at inakbayan ako.
Hinila na niya ako patungo sa maliit kong sala, ni hindi ko na nga nagawang isara ang pinto kaya si Luam na ang gumawa.
Nang makaupo ako sa pang-isahang sofa ay kaagad ko ng inihanda ang sarili ko. Alam kong magtatanong sila kung bakit absent ako kaya laking pagtataka ko no'ng isa-isa nilang binuksan ang mga bag nila at inilabas mula ro'n ang mga pagkaing dala.
Nanuot sa paligid ang amoy ng mga pagkain na hula ko ay itinake-out nila mula sa isang kilalang restaurant. Lahat kasi ay maganda ang pagkakaayos at mukhang masarap kahit pa nagmula na sa loob ng bag nila.
Bahagyang itinulak ni Rail ang steak papalapit saaking harapan. "Hmm, someone didn't eat huh." sambit niya, napalunok ako kahit pa tinititigan ko pa lamang ito.
Ngayon ko lang naramdaman ang gutom dahil simula nang magising ako kaninang madaling araw ay wala ng naging laman ang tyan ko. Ni hindi ko nga matandaan kung kumain ba ako ng hapunan kagabi.
"Eat up," udyok ni Dan at inilapit naman saakin ang isang putahe.
Pinakatitigan ko 'yon bago marahang umiling. "Paano kayo? Kumain na ba kayo?" tanong ko, naramdaman kong may umupo sa armrest ng sofa na kinauupuan ko.
Nang tumingala ako ay bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Luam. "Saating apat ikaw 'tong halatang hindi pa nakakakain, saka bakit ba nakashades ka? Hindi naman tirik ang araw ah." marahan niyang kinuha ang shades na suot ko.
Kaagad kong iniiwas ang tingin ko, natatakot na makita nila ang pamamaga ng mata ko.
"Hey, look at us. It's fine." mahinahong sambit ni Dan, alam kong nasa gilid ko na siya ngayon katulad ni Luam dahil nakita ko siyang tumayo.
Ilang beses ko pang nalunok ang sarili kong laway bago sila naharap. Hindi ko inaasahang ngingiti pa sila saakin imbis na paulanan ako ng mga tanong.
"Kain na, kapag lumamig 'yan ay hindi na masarap." sambit muli ni Rail.
Umangat ang kamay ni Luam at inakbayan si Rail. "Kain na, baka mamaya ay ito pang matakaw na 'to ang makaubos ng mga pagkain."
Bahagya akong natawa ng makita at facial expression ni Rail. Para siyang nakainom ng suka dahil sa asim ng mukha.
"Makapagsalita, drinks lang naman ambag." bulong ni Rail.
Sinulyapan ko ang mga pagkaing binili nila dahil kanina pa naman walang laman ang tiyan ko ay sinimulan ko ng lantakan ito.
Nilagay ni Dan ang isang drink sa tabi ko. "Sa susunod na mag-absent ka 'wag mong kalimutan kumain, baka mamaya makasama pa 'yan sa health mo."
Itinaas ko ang isang kamay ko at inilagay sa sintido, ani mo'y sumasaludo. "Yes Maam." biro ko.
Mas gusto kong nakikita silang nag-aasaran kaysa ang nag-aalala saakin. They stayed in my condo for a couple of hours. Rail and Luam keeps joking around while Dan is telling me how bored their whole day without me.
"Sige na, umuwi na kayo anong oras na oh baka hinahanap na kayo sainyo." halos pangatlong beses ko na yatang sinasabi ang katagang 'yon pero nanatili silang nakaupo sa sofa.
"Ouch," tumingin ako kay Rail na nakahawak sa sariling dibdib na tila ba may iniindang sakit. "Pinapalayas mo kami, Faithrill? Hindi mo na kami lab? Ang sakeyt.."
Binato ko sakaniya ang throw pillow. "Sira, may pasok pa bukas. Gusto niyo bang ma-late kayo?" tumaas ang isang kilay ko.
Ngumuso lang si Rail at hindi na ako sinagot, binalingan ko naman si Luam at Dan na abala sa pagliligpit ng kalat sa center table na nasa sala.
Hinawakan kong pareho ang palapulsuhan nila. "Ako na diyan, magsi-uwi na kayo at may klase pa kayo bukas."
Tumikwas ang nguso ni Dan habang nakatingin saakin. "What?" natatawang tanong ko.
"Aalis lang kami kung papasok kana bukas, kung hindi sige ka patuluyan ng dito kami matulog." aniya at malakas ang loob na humiga sa pahabang sofa.
Napailing-iling ako habang may sinusupil na ngiti sa mga labi. Lumapit ako sa gawi niya at muling hinawakan ang palapulsuhan niya. "Tayo na, anong oras na oh lalo kayong gagabihin sa daan." sambit ko, ngunit hindi siya tuminag halatang hinihintay ang sagot ko.
Napabuntong hininga ako, wala pa ako sa huwisyong pumasok. Paano kung makita ko na naman siya sa labas ng University? Paano kung hindi man sinasadya pero mahawakan ko uli 'yung kamay niya?
Napatingin muli ako kala Dan na talagang desididong matulog sa condo ko hanggat hindi ko nasasabing papasok ako.
"Oo na," halos bulong na sabi ko.
"Ano? Hindi ko narinig, ikaw Rail narinig mo?" tanong ni Luam na nakahawak pa sa sariling tainga.
Napairap ako sa hangin. "Oo na, papasok na ako." pero hindi ko alam kung kailan.
"Yes! Boys halika na at ng makatulog na si Faithrill, papasok pa siya bukas." nagmamartsang nagtungo sa pinto si Dan na kinindatan pa ako.
"Ano ka boss?" sagot ni Rail ng makalapit siya kay Dan ay bahagya siya nitong binatukan.
"Anong sabi mo?" sinamaan ng tingin ni Dan si Rail. Humakbang ng ilang beses si Rail papalapit kay Dan dahilan upang mapaatras si Dan sa gilid ng pinto. "Sabi ko pangit mo para maging boss!" sigaw ni Rail at mabilis na lumabas.
"Bye Faithrill!" pahabol niya pang sigaw habang tumatakbo papalayo kay Dan na hinahabol na siya.
Nangiti nalang ako dahil sa iniaasta nila ngunit nawala rin ang ngiti ko ng makitang nakatingin saakin si Luam.
"Alis na ho, maliligo pa ako at matutulog." sambit ko habang tinutulak siya ng marahan mula sa likod.
Tumigil siya sa pag-uubayang itulak ko siya ng nasa harap na kami ng pinto. Napatingin ako sakaniya ng abutin niya ang ibabaw ng ulo ko at marahang ginulo ang buhok ko.
A genuine smile appear on his lips. "Everything will be okay, Rail, Cheydan and I were here by yourside, always."
*****
NARINIG ko ang malakas na alarm ng phone ko. Alas kwatro na ng hapon at alam kong maya-maya lang ay uwian na nila Dan. Akala ko pagkatapos ng mga sinabi ni Luam kagabi ay magiging ayos ang pakiramdam ko.
Pero nagkamali ako kasi nandito pa rin hanggang ngayon 'yung kirot. Kanina pa ako naligo pagkatapos kumain ng ilang pirasong tinapay na naka-stock sa ref ko, hindi rin ako pumasok kaya paniguradong pupunta rito 'yung tatlo. Nagsuot lang ako ng black hoodie at grey jogger pants paired with my white shoes.
Hindi ko na tinignan ang oras at dali-dali ko ng nilisan ang condo ko. Takot na maabutan ako nila Luam, alam ko kasing makakatanggap ako ng sermon sakanila dahil sa hindi ko pagpasok.
Sa pamamagitan ng mabilis na paglalakad ay kaagad kong narating ang labas ng building ng condo na tinutuluyan ko. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa lugar kung saan alam kong hindi iisipin nila Luam na pupuntahan ko.
Ilang sandali pa at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa duyan habang pinagmamasdan ang kalangitang unti-unting binabalot ng kahel na kulay.
"Sa tingin ko mag-aalasais na, pumunta kaya sila?" bulong ko at pagak na natawa.
Para namang masasagot ko 'yung tanong ko gayong umalis nga ako sa condo. Napayuko ako at napatingin sa sapatos ko gano'n nalang ang pagtataka ko nang mapansing may isa pang pares ng sapatos na nasa tabi ko.
Kaagad akong napalingon dito at halos kapusin ng hininga matapos ko siyang mamukhaan.
"Gano'n ba kalalim ang iniisip mo na hindi mo napansing kanina pa ako rito?" aniya, nag-iwas ako ng tingin at ibinaling 'yon sa araw na unti-unti ng lumulubog.
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
Ngunit imbis na sagutin niya ang tanong ko ay iba ang lumabas sakaniyang bibig. "My last girlfriend was older than me," natawa pa siya ng mahina dahilan upang tuluyan akong mapatigil.
Nanahimik ako at mas piniling makinig, minsan lang siya magkwento at ayokong gambalain 'yon dahil sa mga walang kwenta kong tanong.
"She... She was like a whole world to me, lahat ng gusto ko sa isang babae ay na sakaniya pero sa una lang pala." tumikhim siya at ibinaling din ang tingin sa kalangitan na unti-unti ng binabalot ng dilim.
"We become a couple for almost one year, ayos naman sa simula. Not until I saw her true color, she was using me to get her vengeance on my twin sister who played with her feelings." lumingon siya saakin dahilan upang mapatingin ako sa itim na itim niyang mga mata niyang tila kay lalim.
Bahagya siyang ngumiti ngunit hindi 'yon umabot hanggang sa kaniyang mga mata. "Then one day out of nowhere I asked her. Kung mahal niya ba talaga ako, and you know what did she said?" marahan akong umiling.
"Sabi niya sino bang magkakagusto saakin? May itsura lang ako pero 'yung utak ko pang-bata, sobrang immature ko raw." he chuckled.
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Maari kayang 'yon ang dahilan kung bakit niya nasabi ang mga katagang 'yon saakin no'ng nakaraan?
Hindi na ako nagkomento pa ay pinagkasya nalang ang sarili sa mga ikinuwento niya. Nang tuluyang magdilim ang paligid ay umilaw ang mga poste na malapit sa park, doon biglang pumasok ang tanong na gumulo saamin ni Dan kamakailan.
"Arius?"
He glanced at me. "Hmm?"
"Can I, um ask something?" nag-aalangang sambit ko. Tumango lang siya kaya tuluyan ko siyang hinarap.
"It is true? That you have a girlfriend?" napiyok pa ako dahilan upang mag-iwas ako ng tingin sa hiya.
Narinig ko pa ang marahan niyang pagtawa. "You do realize that I wouldn't look for you if I have a girlfriend, right?" muli akong napalingon dahil sa sinabi niya, nakangiti na siya ngayon na abot hanggang mga mata tila ba natutuwa sa mga nakikita.
Tila nabasa niya ang tanong saaking isipan kung kaya nagsalita muli siya. "Dan told me that you're not in your condo, at ito lang ang lugar na alam kong pupuntahan mo."
Mas lalong nangunot ang noo ko, maaga akong umalis sa condo kaya paanong nalaman kaagad nila?
"Pero maaga akong umalis sa condo, dapat ganitong oras ay papunta pa lang sila sa condo ko." nagtatakang sambit ko.
"Maaga silang pinalabas kung hindi ako nagkakamali ay four fifthy pa lang ay labasan na nila." sagot niya.
Imbis na intindihin ang sinabi niya ay parang isang plaka ang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko. He look for me?
"Hinanap mo ako?"
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro