Chapter 15
CHAPTER 15
"OH MAYBE tell me how you flirted my boyfriend?" she said empasizing the word boyfriend.
I got stunned and feel like someone stole my tongue. Ang matatalim niyang mga mata ay nakatitig saakin na para bang sa isip pa lang niya ay binabalatan na niya ako ng buhay.
And I just stood there silently as I let myself understand what she just said. Magkarelasyon sila ni Arius?
Nang tuluyan siyang makalapit ay malakas niya akong tinulak dahilan upang mapaatras ako mabuti nalang at nabalanse ko pa rin ang katawan ko.
"Speak!"
"Oh Kriel, I think cat just got her tongue." sabat ng isa sa mga kasama niya habang nakangisi.
She raised her hand and was about to slap me when someone grab her hand tightly. "Hands off you freak. Last time I checked my brother isn't in a relationship, pero kung totoo man ang sinabi mo at hindi ko lang alam," Dan eyes become dull as she look at Kriel from head to toe.
Marahas niyang binitawan ang kamay ni Kriel. "Isa lang ang masasabi ko, hindi kita gusto para sa Kuya ko." hinawakan niya ako sa braso at marahan akong hinila palayo sa mga 'yon.
Sabay naming nilampasan ang tatlo na sinadya pang bungguin ni Dan sa balikat. I was so amaze to see that side of her. Ang tapang niya samantalang ako ay parang ligaw na tuta kanina.
Nang makarating kami sa room ay nando'n na rin ang prof namin kaya hindi ko na nakausap pa si Dan. Kinakabahan ako na baka galit siya saakin oh kung ano. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang buong pinagsasabi ni Kriel o kung nakita niya ba pati 'yong litrato?
No'ng sumapit ang lunch break ay sabay kaming pumunta sa cafeteria ngunit walang nagsasalita saaming dalawa.
Hanggang ngayon ay hindi ko mapigilang mag-isip kung totoo ba 'yung mga sinabi ni Kriel, pero base sa sinabi ni Dan kanina kahit papaano ay mas matimbang ang paniniwala kong walang karelasyon si Arius.
"Oh magka-away kayo, Faithrill?" bungad ni Rail na kasama si Luam, kumuha ng dalawang upuan sa ibang mesa ang dalawa at dinala sa table namin para maki-share.
"Um.." hindi ko magawang sabihing hindi dahil hindi ko naman sigurado kung hindi ba galit saakin si Dan.
"Mga babae nga naman, tara bili muna tayo. Libre mo ako ngayon ah." sambit ni Luam na hinila na patayo si Rail.
Sabay silang pumila sa counter para mamili samantalang kami ni Dan kanina ay sabay na namili ng food bago humanap ng mesa.
Pilit kong pinakalma ang kakaba-kaba kong dibdib at hinarap si Dan na tahimik na kumakain. Mas nakakakaba pala pag tahimik siya kaysa pag bibo.
"Dan... Galit ka ba saakin?" pahina nang pahina ang boses na tanong ko habang pilit sinisilip ang mukha niya.
I saw how her face softened when she look back to me. "No, loka. I'm just wondering if Kriel was telling the truth." aniya at bumuntong hininga.
"Pero 'di ba sabi mo kanina walang karelasyon ang Kuya mo?"
Tumango siya ng bahagya. " 'Yon ang pagkakaalam ko, Faithrill. Pero hindi na siya palakwento tulad ng dati."
"I think it's not true." maging ako ay natigilan dahil sa sinabi ko, talaga namang pinapahamak ako ng sarili kong bibig.
Napalunok ako nang sumilay ang mapang-sar na ngiti sa mga labi ni Dan. "How so? I smell something fishy huh.." sambit niya at sinubukang durutin ang aking tagiliran.
Mabilis akong umatras palayo sakaniya. "Cheydan!"
"Okay, Okay!" nakataas ang dalawang kamay niya sa ere na para bang suko na.
"Kita mo na? Nawala lang tayo saglit bati na sila." rinig kong bulong ni Luam kay Rail.
Umupo si Rail sa gitnang silya na nasa pagitan nila Luam at Dan. "Ladies and gentlemen ganyan ka-wierd ang mga babae."
Inabot ni Dan ang isang shawarma na binili ni Rail at kaagad 'yong kinagatan. "Wierd pala ha."
Umawang lang ang labi ni Rail habang pinagmamasdan si Dan na ubusin ang pinakamamahal niyang shawarma. "Ang baby ko... Luam ang baby ko kinain ng walang kalaban-laban." sambit niya habang nakahawak sa kaliwang dibdib na tila ba nasasaktan.
Pinilit kong hindi matawa nang batukan siya ni Luam. "Kumain ka nalang nga, ilang minutes lang ang break natin!"
Napailing-iling nalang ako sa dalawa at itinuon ang pansin sa kinakain. This is the friendship that I've been waiting since I was in elementary.
But the sad part is all my classmates way back in elementary hates me. They think I'm crazy because of the future that I'm telling them. Natatandaan ko pa no'ng sinabi ko sakanila 'yong nakita ko sa palad ng isa sa mga naging kaibigan ko, pinagtawanan nila ako at pagkatapos batuhin ng nilukot na papel ay hindi na nilapitan pa.
That's why I'm thankful that I met this people around me. Luam, Cheydan, and Rail they're enough for me.
Mabilis na lumipas ang oras. No'ng palabasin na kami ng last prof namin ay kaagad akong inaya ni Dan na pumunta sa mall.
"Ano bang gagawin natin do'n, Dan?" kanina pa ako tanong nang tanong dahil basta nalang niya akong inaya.
Ngumiti siya sa guard na bantay sa gate ng University bago ako nilingon. "Magtatanong tayo kay Ate Azrail." nakangising aniya.
Nang may humintong Van sa harap namin ay muli niya akong hinila pasakay ro'n. "Ha? Bakit kay Azrail?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil magkambal sila. At kapag kambal halos pareho lang ng iniisip."
"Pero minsan malaki rin ang pagkakaiba ng ugali ng kambal." sambit ko.
"Faithrill, oo medyo magkaiba sila lalo na sa ugali pero mas maraming nalalaman si Ate Azrail tungkol kay Kuya Arius."
Tumango nalang ako at hindi na nakipagtalo. Wala rin naman akong masyadong alam kay Arius kung 'di ang pagkamatay ng Mom niya.
It took us a minute before we finally arrive at the mall. Sinabihan muna ni Dan 'yung driver nila na magpark at itetext nalang ito kung magpapasundo na.
"Trust me magugulat tayong pareho sa mga sasabihin ni Ate, daig pa no'n 'yung spy sa pag-alam ng mga sekreto e." natatawang sambit niya habang naglalakad kami papasok ng mall.
"AKALA KO PA naman ay ako ang ipinunta niyo rito. Hindi mo ba ako namiss, Faithrill?" baling saakin ni Azrail ng may mapaglarong ngiti sa mga labi.
"Why would I miss you? Close ba tayo?" narinig ko ang mahinang tawa ni Dan na nasa tabi ko.
"Burned, Ate burned!" sinamaan siya ng tingin ni Azrail dahilan upang itikom niya ang sariling bibig.
Sumandal si Azrail sa sariling upuan. Nasa isang fastfood restaurant kasi kami ngayon dahil breaktime naman ni Azrail sa trabaho niya, malapit na rin kasi sila mag-uwian.
"Ano bang kailangan niyo?" maya-maya ay tanong niya habang inaabot ang manok na inorder ni Dan.
Nagkatinginan kami ng kapatid niya. Ayoko namang ako ang magtanong tungkol kay Arius dahil baka isipin niyang baliw na baliw ako sa kakambal niya! Medyo lang naman, kidding.
Tumikhim si Dan at umayos ng upo, itinukod niya ang parehong siko sa lamesa at pinangsalo sa baba ang dalawang kamay.
"In a relationship ba ngayon si Kuya?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Dan habang deretsong nakatingin sa kapatid.
Kumunot ang noo ni Azrail na nabitin pa sa pagkagat ng manok dahil sa itinanong ni Dan. "Sinong Kuya?"
"Kuya mo siguro, 'te. Syempre si Kuya Arius."
Ngumiwi si Azrail sa kapatid. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.
Ginaya niya ang posisyon ni Dan at pinakatitigan ang kaharap. "Hindi ko alam." kapagkuwan ay bulong niya na ikinangiwi ng husto ni Dan.
"Bakit ang tagal mong sumagot?! Pa-suspense ka pa Ate, e." nakabusangot na sambit ni Dan, naiinis sa iniasta ng Ate.
Lumapad ang pagkakangisi ni Azrail nang makitang nakatingin ako sakanilang dalawa. "Totoo hindi ko alam, pero sa tuwing may karelasyon 'yon nakikita ko kaagad ang pagbabago sa kilos o ugali ng isang 'yon." dagdag niya at sumipsip sa iced tea na katabi niya.
"And to be honest? Lately he was looking okay?"
"What do you mean?" this time ako naman ang nagtanong, hindi na makatiis.
Tumaas ang sulok ng labi niya, tila ba nahulaan na ako talaga ang gustong magtanong kanina pa. "Well he was acting really weird, hindi pa rin masyadong palasalita pero kapag gamit na niya ang headphone niya biglang ngumingiti. Pakiramdam ko tuloy nababaliw na ang kakambal ko sa tagal na walang jowa."
Inis na binato siya ng fries ni Dan. "Ate talaga! Hindi kana sumagot ng matino." hindi na maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kapatid na bahagyang tumatawa.
"Totoo nga, weird siya ngayon mas weird pa kaysa noon. I think something's--I mean someone might changing him." she said as she was looking at my eyes straightly, anong gusto niyang sabihin?!
"Kahit kailan talaga hindi matinong kausap si Ate! Bakit ba sakaniya ko pa naisipang magtanong, sheesh." bulong ni Dan habang papalabas na kami ng fastfood restaurant.
Kanina pa umalis si Azrail dala ang fried chicken matapos niyang sabihin na baka may bumabago kay Arius. Kung mayro'n man sino kaya?
"Hayaan mo na, atleast may nalaman tayo kahit konti, 'di ba?" sambit ko at ako na mismo ang pumulupot ng braso ko sa braso niya.
"You have a point though, sino kaya 'yung tinutukoy ni Ate Azrail?" patanong na sambit niya.
Kahit ako ay kanina pa 'yon iniisip. Could it be me? Imposible, masyado na naman akong nangangarap ng kung ano-ano.
"Wait for me, honey!"
Naging mabilis ang pangyayari at namalayan ko nalang na nakaupo na ako sa sahig. Sa lakas ng hindi inaasahang pagbangga saakin ay nawalan ako ng balanse.
"Nako, pasensya na hija." ang biglaan niyang paghawak saaking kamay ang naging dahilan upang mag-angat ako ng tingin sa ginang.
Sinusubukan niya akong tulungang tumayo ngunit hindi ko maigalaw alin mang parte ng aking katawan. Seeing her soft face was new to me.
Hindi nakaligtas saaking isipan ang paglitaw ng kaniyang hinaharap. Siya kasama ang isang dalagita at ang isang lalaki at babae na wari ko'y magulang ng dalagita. They we're chitchatting happily.
Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko kaya kahit hirap na hirap ay pilit kong inagaw ang kamay kong hawak-hawak niya.
"Okay lang po, ako na pong bahala sakaniya." rinig kong sabi ni Dan sa nakabangga saakin.
Ni hindi ko na siya kayang tignan. Paano niyang nagagawang maging mabait sa iba samantalang parang saakin noon ay hirap na hirap siya?
Ang nanlalabo kong mga mata dahil sa luha ay muling tumingin sakaniya. Minsan pa siyang lumingon sa gawi ko bago tuluyang naglakad palayo.
I scoffed. Ano bang aasahan ko? Na maalala ako ng Lola ko? Hindi naman niya ako iiwan sa sementeryo kung gusto niya ako.
"Faithrill... Ayos ka lang?"
Tumingala ako at pinahid ang luha ko. Kahit nanginginig pa ang tuhod ko dahil sa mga pangyayari ay pinilit kong tumayo.
Kaagad na umakbay saakin si Dan at iginiya ako papalabas ng mall. Hindi siya nagtatanong pero ramdam kong nag-aalala siya saakin.
Bakit si Dan na hindi ko naman kaano-ano ay nag-aalala saakin? Samantalang 'yung Lola ko, iniwan ako sa sementeryo at ngayong nakaharap muli ako para lang akong estranghero.
Nang tuluyan kaming makasakay sa Van nila ay hindi ko na pinigilan pa ang pag-agos ng aking mga luha.
"Faithril, hey what happened?" ang malamyos niyang boses ang naging dahilan upang lumakas ang pigil kong paghikbi.
Napapagod na akong magpigil. Matagal na akong nagpipigil. Hanggang kailan pa ba ako magpipigil?
•─────✧─────•
[A:N] Azrail was pronounce as Eyzra-il while Rail pronounce as Reyl. I hope you like this ud! Mukhang mas dadalang ang ud ngayon dahil sa nalalapit naming f2f😩 Btw keep safe everyone!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro