Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

CHAPTER 14



"SO YOU can see future just by holding someone's palm?" his question stilled me.


I couldn't even open my mouth to answer him. Napakapit ako ng mahigpit sa sling bag na dala ko, sa tingin ko ito na ang pinakamagandang oras para umalis ako.


Nagtatanong na siya... at alam ko sa sarili kong hindi ko masasagot ang mga tanong niya. I've been hiding this secret of mine so why would I tell this to him?


I want to cussed myself but I know this is not the right timing. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa swing at minsan pang tinanaw ang madilim na kalangitan. May iilang bituin na nagpapaliwanag ngunit hindi 'yon sapat dahil halos kalahati ng kalangitan ay natatakpan ng ulap.


Humugot muna ako ng lakas ng loob. "I... I need to go, mauna na ako sa'yo." and without looking back, I walk away.


Ayoko nang hinataying magsalita siya paano kung ano na naman ang masabi ko? Paano ko ba kasi nagawang sabihin ang mga 'yon sakaniya?


Nang makatawag ako ng taxi ay minsan ko pang nilingon ang playground kung saan ko iniwan si Arius. Maybe just maybe someday, magiging handa rin akong ikwento ang lahat ng karanasan ko.


Tuluyan na akong sumakay sa taxi at sinabi ang address ko. Siguro naman ay makakatulog na ako. Gusto ko nalang kalimutan na may pinagsabihan ako ng sekreto ko.


Para akong lantang gulay nang makababa sa taxi matapos kong magbayad kay manong ay dumeretso na ako sa lobby ng condo. Matagal na rin naman ako rito kaya halos ang ilan sa staff ay kilala na rin ako.


Napakunot ang noo ko ng bumungad saakin ang isang lalaking nakaupo sa sahig. Kaagad akong lumabas ng elevator nang mapansin na nasa tapat siya ng pinto ng condo ko.


Muntik na akong matawa matapos makilala kung sino ang nakaupo sa sahig. Dahan-dahan akong naglakad papalapit at walang ingay na itinapat ang susi sa pinto nang mabuksan ko 'yon ay bahagya kong itinulak pabukas ang pinto dahilan upang mapahiga sa sahig si Luam.


Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagalpak ng tawa. Lalo pa akong natawa ng mabilis na bumangon si Luam at lumingon-lingon sa paligid.


"Faithrill!" mabilis siyang nakalapit saakin dahilan upang hindi na ako makaiwas nang guluhin niya ang buhok ko.


"Luam!" pinandilatan ko siya at marahas na umiwas, siya naman 'tong tawa nang tawa ngayon.

Akala ko'y pagkatapos niyang tumawa iintrigahin niya ako kung saan ako nanggaling ngunit ang layo no'n sa itinanong niya saakin.


"Okay na ba ang pakiramdam mo?"


Nagkibit-balikat ako at bahagya lang ngumiti, nang akmang hahakbang na ako papasok ay ihinarang niya ang kaniyang kamay saaking harapan.


"Matapakan mo," iniluhod niya ang isang tuhod sa sahig at doon ko lang nakita ang mga pagkaing katabi niya pala kanina.


Isang kahon 'yon ng donut at ilang balot ng Nova Chips na paborito ko. Malapad ang ngiti ko habang papasok kaming pareho sa condo. Parang mas gumaan pa ang pakiramdam ko dahil nandito si Luam kaysa no'ng lumabas ako.


Kaagad siyang dumeretso sa center table na nasa sala at doon nilagay ang mga pagkaing dala. Isinara ko ang pinto at sumunod kay Luam, nakaupo siya sa pang-isahang sofa habang ako ay umupo sa mahaba.


"Kanina ka pa sa labas?" inabot ko ang kahon ng donut at mabilis 'yong binuksan.


Donuts had been my comfort food ever since.

"Mag-iisang oras na rin siguro." sagot niya, ganoon ba ako katagal sa labas?


"Bakit hindi mo ako tinext or tinawagan? Sabi ko kasi sa'yo na 'yung spare key nitong condo since mga magulang mo naman ang bumili nito." banat ko bago tuluyang kinain ang donut.


Inabot ko sakaniya ang isa na agad din naman niyang kinuha. "Hindi na, saka akala ko tulog kana. Kaya ang ginawa ko kapag isang oras na ta hindi mo pa binuksan ang pinto iiwan ko nalang sana 'yung food sa labas ng condo mo."


"Hindi mo ba ako tatanungin kung saan ako galing?" bigla nalang 'yon lumabas sa bibig ko, bakit ko ba nasabi ang tanong na 'yon?


Siguro ayaw niyang mang-usisa dahil may sarili naman akong buhay. "Nah, hindi 'yan ang tanong na gusto kong sagutin mo." maya-maya ay aniya.


"Ano?"


"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" napayuko ako dahil sa itinanong niya.


Siguro nalilibang lang ako kaya pakiramdam ko ayos na ako kahit ang totoo napakalayo no'n sa totoong nararamdaman ko.


"Siguro," nagkibit balikat ako.


Sandali kaming nabalot ng katahimikan, tumayo ako ng may ideyang pumasok sa isip ko. Sa pagkakatanda ko ay may balkonahe sa kwarto ko.


"Where are you going?" he asked as he followed me.


He was carrying the chips while I was holding the donut box. Iniwan ko lang na bukas ang pinto ng kwarto ko hanggang sa maramdaman kong sumunod na rin siya.


Hindi rin naman niya sinara ang pinto which is okay para iwas awkward. Tahimik lang kaming nakasalampak sa sahig ng balkonahe habang pinagmamasdan ang kalangitan.


Kung kanina ay natatakpan ito ng ulap, ngayon ay tila ba umaliwalas ito at lumabas ang magandang buwan.


Ilang sandali lang at bumaling ako sa katabi ko. "Himala at nanlibre ka? 'Di ba ikaw lagi ang nagpapalibre?" biro ko at mahinang natawa ng makitang nakaawang ang labi niya dahil sa sinabi ko.


Nang makabawi ay hinarap niya ako. "Hindi libre 'yan 'no, may bayad 'yan plus sa effort ko maghintay." inilahad niya ang kamay na tila ba naghihintay talaga ng kabayaran.


Nang hulugan ko 'yon ng chips ay sabay kaming natawa. Ewan ko ba pero noon pa man basta magkasama kami ay kahit pinakamaliit na bagay pinagtatawanan namin.


I don't know but whenever I'm with him... I feel safe and at peace. May mga panahong natatakot ako na mahawakan ang kamay niya pero ni minsan hindi niya pinaramdam saakin na kailangan kong matakot.


Na para bang sa pamamagitan ng actions niya napapanatag niya ang buong sistema ko.


Sabay kaming lumingon sa langit at tinitigan ang pagliwanag ng buwan. Sobrang ganda ng buwan at talaga namang naiiba. Naiiba rin naman ako pero bakit hindi ko maramdamang maganda 'yung dahilan kung bakit ako naiiba sa ibang tao?


"Luam," naramdaman kong nilingon niya ako. "Anong gagawin mo kung isa sa mga kakilala mo ay nakakakita ng hinaharap?" I asked out of curiosity.


Will he still accompany a person like me? Would he still choose to be friends with me?


My mind starts questioning myself. At kahit isa sa mga tanong na 'yon ay wala akong masagot. Not even the simplest question.


"Matutuwa ako para sakaniya," napatigil ako at napalingon dahil sa isinagot niya. "Kasi napakalaking tulong sa isang tao ang makita ang hinaharap."


Malungkot akong napangiti at muling ibinaling ang tingin sa buwan. "Paano kung hindi naman niya 'yon gusto? Na mas gusto niyang maging normal ang buhay niya katulad ng ibang tao?"


"Kung gano'n sasamahan ko siya," napalingon muli ako sa gawi niya nakangiti na siya ngayon saakin ng bahagya. 'Yung ngiting para bang sinisigurado saaking magiging ayos din ang lahat.


Napatitig ako sa kulay brown niyang mga mata. Ngayon ko lang napansin na talaga namang napakaganda ng mata ni Luam.


Pareho kaming nakatitig sa mga mata ng isa't-isa ng bitiwan niya ang mga salitang nagdulot ng kung anong nginig saaking sistema.


"Sasamahan ko siyang maranasan 'yung normal na buhay na gusto niya."

*****


KAPAG ba nalaman niyang ako 'yung kakilala tinutukoy ko sakaniya ay gagawin niya talaga ang sinabi niya? Hanggang ngayon ay hindi mawala saaking isipan ang mga sinabi ni Luam.


It was tempting but the thought of Arius being immune on my palm makes me wonder...


Paano kung malapit kami ni Arius? Mararanasan ko ba 'yung normal na buhay na kinagisnan niya? Mas mararamdaman ko bang normal ako kapag kasama ko siya?


Ang daming tanong na bumabalot saaking isipan na maski ako ay hindi ko masagot. Napabuntong hininga ako at halos mapatalon sa gulat nang maramdamang may pumulupot na braso saaking braso.


"Lalim ng iniisip ah, masisisid ko ba 'yan?" natatawang sambit ni Dan.


Napailing-iling ako. "Kapag sinisid mo hindi kana makakaahon." biro ko na tinawanan lang niya.


Sabay kaming pumasok sa room para sa first subject namin ngayong umaga. Oral Com. na naman paniguradong dudugo ang utak ko sa english sub na 'to.


Hindi ko pa man nailalapag ang bag ko ay nakaupo na kaagad sa tabi ko si Dan. Hindi kasi kami seatmates dahil masyadong magkalayo ang apelyido namin.


"Baka dumating na 'yung prof  natin!"


Sumimangot siya at pinag-krus ang dalawang braso sa harap ng dibdib. "May utang ka pa saakin na chika."


Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko alam kung anong chika ang tinutukoy niya. "Anong chika? W-Wala naman akong dapat i-chika." sambit ko pinilit ang sariling hindi mautal.


May alam kaya siya tungkol sa pagkikita namin ni Arius? Would she get mad? Napalunok ako dahil sa mga tanong na naisip ko.


" 'Yung––" naputol sa ere ang sasabihin niya nang malakas na bumukas ang pinto.


Kaagad akong napaupo sa upuan ko sa isiping ang prof namin ito. Ngunit ang namumula at gusot na gusot na mukha ng babae ang bumungad saamin.


She looks familiar but I can't recall her name in my mind.


"There she is Kriel!" sambit ng isa sa mga katabi niya na matalim ang mga matang nakatingin saakin.

Anong ginawa ko? Mabibigat ang hakbang na naglakad palapit saakin ang babaeng tinawag na Kriel, siya rin 'yung babaeng nagwala sa booth namin noong kamakailan.


Malakas niyang hinampas ang table ko. "You! Come with me." why would I come with her?


Pilit kong tinitigan ang mukha niya ng hindi sumasagot. Tila umuusok ang ilong at tainga niya dahil sa pagkamula ng mukha. She was fuming mad while looking at me.


What the hell did I do to her?


Nang hindi ako sumagot ay kaagad niyang hinablot ang braso ko at walang pakailam na kinaladkad ako palabas. Gusto kong magpumiglas pero hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit siya galit na galit.


Pabato niya akong binitawan sa isang hallway at kaagad niyang inilahad ang kamay sa kasama, inabutan siya nito ng isang boteng maliit na binuksan niya at ibinuhos ang laman sa kamay. Doon ko lang nalaman na alcohol 'yon ng umalingasaw ang amoy.


Ang arte akala mo naman may virus ako shutek.


Nagtatanong ang mga matang tinignan ko siya. "Ano bang pinagsasabi mo? I think you mistook me from someone else." sambit ko at ibinulsa ang dalawang kamay.


Good thing may dalawang bulsa ang uniform namin, I can hide my hand to avoid touching someone's palm.


Hindi kaagad siya sumagot at muli ay may inabot sakaniya ang nasa kaliwa niya.

"Explain this you bitch!" she showed me her phone flashing the photo of me and Arius.


Teka, kagabi lang 'yon ah! At bakit may picture kami sa phone niya? Isa pa bakit galit na galit siya na parang shota?


"What do you want me to say? Hindi ako 'yan baka may impostor na gumaya saakin, gano'n ba?" I said sarcastically.


Lalong namula ang mukha niya at mukhang mas galit na galit na siya ngayon. Bakit kasi ayaw niyang deretsohin?


She slowly walk towards me with a threatening look on her eyes.



"Oh maybe tell me how you flirted my boyfriend?"



•─────✧─────




Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro