Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

CHAPTER 10



NAPABUNTONG hininga ako at sinipa ang maliliit na batong nadaraanan ko. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Luam kanina ng pareho naming narinig ang tawag ng Mommy niya.


Doon na rin nila ako pinagmeryenda kaya halos alas-singko na nang hapon ako nakapagpaalam na uuwi.


"Naguguluhan ako..." mahinang bulong ko, ni minsan ay hindi ko pa naranasan ang mga kakaibang emosyon na nararamdaman ko tuwing nariyan si Arius.


Pilit kong inalis 'yon saaking isipan at napagdesisyonang dumaan sa isang mini stop. I want some chips to calm down.


Ang malamig na hangin galing sa aircon ng mini stop ang sumalubong saakin matapos kong makapasok. Iilan lang din ang tao marahil ay maaga pa, usually kasi gabi ang puntahan ng ilan.


Naglakad-lakad ako at nagtingin sa mga chips, hinahanap ang paborito ko. Kaagad ay nagliwanag ang mukha ko matapos masilayan ang paborito kong chips.


This chips always comfort me, Nova. Hindi kasi siya sobrang alat pero masarap. Nang akmang maglalakad na ako patungo sa counter ay may nahagip ang mga mata ko. Isang chips din pero ngayon ko lang nakita. It looks delicious.


Nagdalawang-isip pa ako ngunit sa huli ay nilapitan ko ito. Kasabay ng pagdampot ko rito ay ang pagdampot din ng kung sino, kaagad ko 'yong binitawan sa takot na magdikit ang aming mga kamay.


"You want this? You can have it." ang pamilyar na baritonong boses ang nakapagpatingala saakin.


Parang bigla ay gusto kong ibalik ang kamay ko sa chips dahil alam ko wala naman akong makikita sa palad niya. "Anong ginagawa mo rito?" I asked Arius.


His left eyebrow raised up. "I asked you first."


Ang sungit, bawal na ba magtanong sakaniya?


"No, gusto ko lang naman sana tignan 'yan isa pa may nakuha na akong chips." tanggi ko at itinaas pa ang chips na hawak ko.


Tumango siya at nilingon saglit ang counter. "So uhm, how are you?" he suddenly asked and signal me to follow him.


Mukhang magbabayad na rin naman siya sa counter sumunod nalang ako kasi chips lang naman ang binili ko.

"I'm fine. How about you? What are you doing here?" sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa mga pinamili niyang isa-isang nang pina-punch ng cashier.


"Obviously buying." natahimik ako dahil sa isinagot niya.


Oo nga naman Faithrill! Ano bang iniisip ko at nagtanong pa ako? Anong gagawin niya sa mini stop sasayaw? Minsan talaga nagiging shutek ako.


Napaatras ako nang lingunin niya ako, nagulat kasi ako sa biglaan niyang pagharap. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa matapos kong bayaran ang binili ko. Ngunit ang ipinagtataka ko bakit hindi pa siya umaalis dito?


Tumingin ako sakaniya nang mapansin parang hinihintay niya ako, o baka may kasama siya at nag-assume na naman ako?


"Excuse me? Baka pwedeng sa tabi na kayo magtitigan, Ineng."


Namula ang pisngi ko sa hiya nang makitang may matanda pa palang susunod saakin na magbabayad. Nag-iwas ako nang tingin kay Arius at nauna nang maglakad papalabas ng mini stop.


As I was about to walk home a smell of familliar scent stung on my nostrils. Nandito pa rin siya huh?


"Would you like to come?" nakatingin siya sa kung saan matapos ko siyang balingan.


Napatingin ako sa daan pauwi sa condo ko, naisip na sa oras na makuwi ako ay wala na naman akong makakausap na ibang tao.


"Sure, saan ba?" tanong ko at bumaling sakaniya.


Hindi siya sumagot bagkus ay iginaya niya ako papasakay sa kotse niya. Hindi ko alam kung anong tawag sa kotse niya pero kita naman sa itsura pa ang nito na isa ito sa mga mamahaling sasakyan.


What did I expect? Mayaman sila.


Nang makaupo ako sa passenger seat ay umikot siya upang makaupo sa driver's seat. Kaagad niyang in-start ang sasakyan at pinausad patungo sa kung saan.


Maya-maya ay nagsalita siya. "My brat twin sister asked me to buy her some chips."


"Is she always like that?" wala sa sariling tanong ko nang maalala kung paano makitungo saakin si Azrail no'ng una kaming magkita sa mall.


Nakita kong nagsalubong ang kilay niya sa itinanong ko. "Like what?" nagpalingon-lingon siya upang masigurado kung may sasakyan na paparating bago itawid ang sasakyan sa crossing.


"Acting like you? Or she just like acting like a cool boy?"


Narinig ko ang mahinang tawa niya dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi! Halatang mahilig makipaglaro 'yung isa samantalang siya ay tila ba tahimik at mas gugustuhing mag-isa.


"You already met her before you saw her on our house didn't you?" nilingon niya ako saglit at hindi pa rin naewawala ang pagkakaunat ng kaniyang labi.


Gosh! He was just smiling but he freaking look good! I'm hoping not to passed out.


Nag-iwas ako ng tingin. "Yeah," sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.


"And you thought I was her?"


Mabilis pa sa alas kwatrong napalingon ako sakaniya, hindi makapaniwala. Paano niyang nalaman?! Don't tell me nakakabasa siya ng isip!


"Don't get me wrong. Since we're kids she used to pretend like me, that's how she likes to be a boy. Pero madali kaagad na nahuhulaan ng magulang namin kung sino ang Azrail at Arius dahil compared to me mas playfull siya."


Mas lalong umawang ang labi ko nang magkwento siya. At ang haba nang nasabi niya! Oh gosh tapos na ba ang misyon ko sa mundo at nasasaksihan ko ang evolution ni Arius?!


"Why are you looking at me like that?" kapagkuwan ay aniya.


"A-Ang haba ng sinabi mo ngayon, saka parang ang daldal mo!" puna ko habang nanlalaki pa rin ang matang nakatingin sakaniya.


Nag-iwas siya nang tingin ngunit narinig ko naman ang kaniyang pagtawa. "Masama pigilan ang tawa, sige ka baka sa iba lumabas." biro ko at natawa.


Para akong nahihipnotismo nang marinig na tumawa uli siya. Hindi na siya kumibo matapos nang usapan naming 'yon, mukhang nailang dahil sa pagpuna ko kanina sa haba nang nasabi niya.


Lihim akong napatango nang huminto kami sa tapat ng mall. Ito rin 'yung mall na pinuntahan namin ni Dan kung saan nakita ko si Azrail.


Hindi ko napigilang magtanong. "Nandito siya? Halos pasara na ang mall ah?" kusa kong binuksan ang pinto ng kotse at lumabas.


Narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pinto sa tabi ni Arius. "She has a part time. Mas pinili niya kasing magtrabaho kaysa ang mag-aral kaya ako pa lang 'tong nasa college."


Nilingon ko siya bago bumaba ang paningin ko sa chips na dala niya. "Hindi ba may grocery store sa mall? I mean 'yung stalls na nagtitinda ng chips or something." nang magsimula siyang maglakad ay sumunod na rin ako sakaniya.


"Yeah, at sa arte ng kakambal ko malamang hindi siya bibili diyan." hindi nalang ako kumibo matapos niyang sabihin 'yon.


Hindi ko pa rin kasi maiwasang isipin 'yung mga sinabi niya saakin noon. Baka mas mainis o hindi niya magustuhan ang pagiging talkative ko.


Ilang minutong lakaran lang at huminto rin kami sa tapat ng isang shop. Hindi ko alam kung anong klaseng shop 'yon basta puro siya gamit panlalaki.


Tumabi ako sa isang tabi nang matanaw na papalapit na si Azrail. Kitang-kita kung paano gumuhit ang mapang-asar nitong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kapatid.


"Thanks, ang bait mo yata ngayon?" inakbayan niya si Arius kahit pa hanggang tainga lang siya nito.


Umikot ang mga mata ni Arius dahil sa iniasta ng kakambal. "You can buy that chips here, Azrail. You don't need to call me."


Mas lalong naging mapang-asar ang mukha nang isa."Yeah right, pero mas gusto ko 'yung bili mo. Saka para na rin nadadalaw mo ako." lumampas ang tingin niya kay Arius at bago pa man ako makapag-iwas nang tingin ay nakita na niya ako.


Inialis niya ang braso sa kapatid at nakangising naglakad patungo saakin. "Kaya naman pala ang bait mo," she chuckled a little. "May kasama pa lang chicks."


"Azrail, stop being a jerk. Get back to your work."


Lumingon lang si Azrail kay Arius at nginitian ito. "Eto na, 'wag masyadong possessive 'no? Masama sa sistema 'yan." sambit nito at tumatawang naglakad palayo.


"Sorry for that. By the way, hatid na kita?" tipid ang ngiting alok niya.


Tumango lang ako at ako naman ang naunang maglakad palabas nang mall. It was nice to be with him even just in a short time.


We both get in the car and he started the engine. I just look outside to stop myself from being a talkative.


Nang may maalala ay bumaling ako sakaniya. Hindi siya nakatingin kaya minabuti kong unin ang cellphone ko at doon i-type ang address ko.


Iniharap ko sakaniya ang cellphone ko. "Here's my address, sa kanto mo nalang ako ibaba." tumango siya matapos basahin ang ipinakita ko sakaniya.


Muli kong itinabi ang cellphone ko at hindi na muli nagsalita. Akala ko ay maihahatid niya ako nang hindi siya dumadaldal ngunit nagkamali ako nang bigla siyang magsalita.


"I like that play, the one you wrote." saglit niya akong tinapunan nang tingin bago muling nagfocus sa pagmamaneho.


Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Sabi ni Dan ay hindi talaga mahilig sa gano'n ang Kuya niya kaya nakakailang na nagustuhan niya 'yung play na ako mismo ang sumulat.


Nakaharap ako sa bintana nang magsalita. "S-Salamat."


Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang kanto kung saan ko balak magpababa. Ayokong magpababa mismo sa condo ko.


"Dito nalang," sabi ko matapos ituro ang isang istante.


Dahan-dahang huminto ang sasakyan niya. Inihanda ko na rin ang sarili ko sa pagbaba ngunit kasabay nang paghawak ko sa bukasan nang pintuan ay siyang pagtawag niya sa ngalan ko.


"Faithrill..." this is the first time that he call me by my name.


Dahan-dahan akong lumigon sa gawi niya. "Hmm?"


"I'm sorry for what I've said to you before..." I almost stop from breathing because of what he said.


He... He was sorry? For all those hurtfull words he said to me?


Yumuko ako upang itago ang ngiti sa labi. "It's fine, thank you for inviting and driving me home."


My lips parted when he extend his hand. "Do you think we can be friends?"


I gulped before accepting a  handshake.


"Kahit lover––este sure, Friends."



•─────✧─────•


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro