Chapter 1
CHAPTER 1
"Yes! Enrolled ako!"
"Ikaw lang naman 'tong ayaw maniwala, Faithrill."
Napatingin ako kay Luam na nasa gilid ko. Paano akong maniniwala sakaniya kung sa tuwing naitotopic namin ang about sa new school na papasukan namin ay sinasabi niyang 'di raw ako enrolled.
"Ako pa talaga ha, teka nga anong section mo?" I asked out of curiosity.
Parang hindi ko kasi nakita ang name niya sa section namin. Ayoko pa namang mahiwalay sakaniya lalo na at siya lang naman ang close ko, I mean kaisa-isang kaibigan.
Ngumiti siya ng nakakaloko habang ang dalawang kamay ay nasa ulo. "Sekret, saka ayaw mo no'n walang mambubwisit sa'yo."
"Pero alam mong wala akong kakilala rito!"
"That's my point! Para magkaroon ka ng ibang kakilala bukod sa'kin. I wanted you to enjoy your high school life with or without me."
Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Paano akong makikihalubilo sa iba kung sa sandaling mahawakan ko ang kamay nila ay nalalaman ko na ang mangyayari sa'kin sa buong hinaharap habang kasama ko sila.
O kung 'di kaya ay baka pagtawanan at tuksuhin din nila akong baliw at wala sa sarili katulad no'ng mga batang kalaro ko noon.
"Hindi ka na umimik? Mamimiss mo ako 'no?" pang-eechos niya pa. Napaka-feelingero talaga nitong lalaking 'to.
Inirapan ko lang siya at nagsimula nang maglakad patungo sa unang klase ko, kahit pa wala akong ideya kung saang room ito.
"Hoy! Galit ka ba? Gusto ko lang naman lumawak ang social life mo. You know, para magkaroon ka rin ng bestfriend na babae." narinig kong sabi ni Luam na ngayon ay nasa likod ko na pala.
"Pumunta kana sa class mo, baka malate ka."
"Paano akong makakapunta gayong hindi mo rin alam kung saan ang first class mo?" nang bumaling ako sakaniya ay nakangiwi na siya.
"Kaya ko na 'to. Pumunta kana sa class mo." pagtataboy ko pa at ginamit ang kamay ko upang pangtaboy sakaniya.
"Sasamahan na kita, baka isumbong mo pa ako kay Mommy e." tatawa-tawang aniya.
Inabot ko ang tainga niya kahit pa halos hanggang baba niya lang ako. "Pumunta kana sabi sa klase mo, at isa pa yep medyo galit ako sa'yo kaya kailangan mo akong ilibre sa Caffé na nadaanan natin kanina."
Bago pa siya makasagot ay binitiwan ko na ang tainga niya at mabilis na naglakad palayo sakaniya. Hindi naman siguro ako mawawala sa loob ng school na ito, may kalawakan pero magtatanong nalang ako.
Kabado ako lalo na at nangangamba akong baka mahawakan ko nang aksidente ang kamay nila o baka sila mismo ang makahawak sa kamay ko.
Sabi nila ang buhay raw ay puno ng surpresa, pero bakit hindi ko man lang 'yon naranasan? Palagi nalang, palagi ko nalang nakikita ang hinaharap kung minsan napapaisip ako putulin ko kaya ang kamay ko?
Napahinto ako at napahimas sa noo ko nang bumangga ako sa likod ng kung sino. Masyado yata akong nag-space out.
"I'm sorry." muntik pang-mautal na ani ko.
"It's okay! Teka bago ka rito? Ngayon lang kita nakita!" ang isang kamay niya ay humawak sa braso ko dahilan upang kaagad akong mapaatras palayo.
"A-Ano, oo bago lang ako rito. A-Alam mo ba kung saang room ito?" kandautal kong tanong.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Sa totoo lang takot ako sa tao, tanging si Luam at ang pamilya niya lang ang close ko hindi rin nila tinangkang hawakan ang kamay ko kaya kahit papaano ay nakakaya kong pakisamahan sila.
"Sorry, nabigla yata kita sa paghawak ko. And uhh we're in the same section, 11 Block A right?" nakangiting aniya.
She's friendly and I can say that maybe, just maybe we can be friends. Hindi naman sigurong masamang mangarap na magkakaroon ako ng kaibigan bukod kay Luam? Siguro lang naman.
"Oo, uhm shall we? We might get late." pinilit kong alisin ang kung anong nakabara sa lalamunan ko upang makapagsalita ng pormal.
"Sure but may I know your name first? I'm Cheydan by the way." sa puntong ito ay napatingin na ako sa mismong mukha niya.
She has a brown eyes, rosy cheeks, pinkish lips and short curly hair. Matangkad siya saakin ng kalahating dangkal.
Bumaba ang tingin ko sa isang palad niya na nakalahad, ito na nga ba ang sinasabi ko. Kailangan ba talaga ng shakehands kapag nakikipagkilala?
Mabilis kong inabot ang kamay niya. "Faithrill." pagkasabing-pagksabi ko ng pangalan ko ay kaagad kong binawi ang kamay ko.
Akala ko hindi ko na makikita, pero mali na naman ako. Nakita ko ang hinaharap ni Cheydan. I saw that she'll be one of the Dean Lister until we graduated in grade 12.
Good thing binawi ko kaagad ang kamay ko, kakaunti lamang ang nakita ko.
"Sorry, n-namamawis kasi ang kamay ko." palusot ko at alanganing ngumiti rito.
Ngumiti siya nang malapad. "No, it's fine. Let's go?"
Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa sobrang ganda nang pagkakangiti niya samantalang ako ay parang ewan dito na takot na takot mahawakan niya.
Ano bang ginawa ko noong nakaraang buhay ko para danasin ko ang ganito? Gusto ko lang namang mabuhay ng normal, pero mukhang napaka-imposible nang mangyari 'yon.
Wala akong imik hanggang sa tuluyan naming narating ang classroom. Mas malaki at mas maaliwalas ito kumpara sa classroom namin noong junior high school pa lang ako.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang tinutulungan ako ng isang mabait na pamilya. Kung hindi ko siguro nakilala noon si Luam ay hindi ako makakapasok sa ganitong paaralan o baka hindi pa talaga ako makapag-aral.
"Saan mo gustong umupo? Ako kasi mas gusto ko sa harapan lalo na at mahilig akong sumagot tuwing recitation." nakangiti pa ring baling niya saakin.
Pinagsiklop ko ang parehong kamay ko bago siya sinagot.
"M-Mas gusto ko sa likod, ayos lang ba?" hindi ko alam ang iaakto.
Bago sakin 'to. May mga pumapansin nga saakin no'ng junior highschool pero sa tuwing makikita nila ang takot sa mukha ko kapag nahahawakan ang palad nila, sila na mismo ang lumalayo.
Para akong mapapatulala nang ngumiti lang siya ng malapad. "Sure, kapag inasar ka no'ng mga lalaki sa likod tawagin mo ako ha? Ako na ang bahalang sumapak." biro niya dahilan upang kusang gumuhit ang ngiti saaking labi.
"Thank you.." halos pabulong kong sabi.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang prof. Kaagad niyang ipinaliwanag saamin ang mga subjects na tatalakayin namin base rin sa track na kinuha namin. Magkakahalong track kasi ang section namin para naman daw maiba.
STEM, GAS, HUMMS, ABM, SMAW, COOKERY, and so on. Halos labing lima kaming HUMMS na nasa room, sampong ABM at iilang TVL track.
Pagkatapos magsalita ng adviser namin ay ang mga subject Teacher naman ang nagpakilala at nagtanong sa mga pangalan namin. Mabuti nalang at walang kamayang naganap.
"So maybe some of you is curious. Bakit magkakahalo ang tracks? That's because may ilang istudyante na pumili ng ganitong track hindi dahil gusto nila kung 'di dahil naroon ang tropa nila. You know guys, senior high is not that easy so I hope you choose the track that you want."
Pinaliwanag din ng Teacher namin sa Earth and Life Science na maaaring may maging kaklase kami sa ibang subject na hindi namin kaklase sa section. Kumbaga kapag same ng subject and time ang HUMMS at COOKERY sa Oral Communication magiging classmate sila sa subject na 'yon.
Mabilis namang natapos ang oras at pinauwi na rin kami. First day of school pa lang naman kaya siguro pwede ring mag-absent kung gugustuhin mo lalo na at dalawang oras lang ang klase tuwing hapon.
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko nang maramdaman kong nagvibrate ito.
Luam panget:
Nandito na ako sa Caffe punta kana ha, pag nalate ka 'di kita ililibre.
Faithrill: Eto na, papunta na ho.
Reply ko at mabilis na naglakad patungo sa pinto. Akmang lalabas na ako nang may malambot na bagay na kumapit sa braso ko. Halos mapatalon ako paatras mabitiwan lang ako nito.
"I'm sorry nagulat yata uli kita," bumungisngis siya at marahang binitiwan ang braso ko. "By the way would you mind having a lunch with me?"
Napalingon-lingon ako sa paligid, sinisigurado kung ako nga ba ang kaniyang kausap. "A-Ako ba?"
Ngumiti siyang muli na labas ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin. "Yes, ikaw nga Faithrill."
Napabaling ako sa cellphone ko. Nahihiya akong tumanggi pero hindi ko naman pwedeng icancel ang lunch namin ni Luam.
"Uhh maybe next time? May kasabay kasi a-ako ngayon. Hinihintay na niya ako.." pahina nang pahinang sabi ko.
Ngumiti siya at tumango saakin bago sinabing okay lang. Nang maglakad siya palayo ay para akong nakahinga ng maluwag. Daig ko pa ang gumawa ng kasalanan sa sobrang kaba sa tuwing kausap ang ibang tao.
Nang matanaw kong lumiko ng daan 'yung babaeng palaging kumakausap saakin ay kaagad na akong naglakad. Mabilis naman akong maglakad kaya mabilis ko ring narating ang main gate ng university.
Sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko tanda na may bagong mensahe na pumasok dito. Bumaling ako saglit sa pedestrian lane at nagmamadaling tumawid dito.
Nasa gitna na ako nang maramdaman ko ang kung anong malambot na bagay na bumalot sa buong kamay ko. Tila ba ginawa ang bagay na 'yon upang pangalagaan at painitin ang kamay ko sa tuwing nilalamig ito.
Bago pa man ako makareact ay nahila na ako nito pabalik sa pinanggalingan ko. I was stunned when i smell the manly scent that makes my heart throb.
"Careful, may sasakyan. You should look from right to left before walking pass through pedestrian." aniya habang ang kulay tsokolateng mga mata ay nakatitig din mismo sa'king mga mata.
Hindi ang kakaibang kaba sa dibdib ko ang inaaala ko, kung 'di ang kamay kong hanggang ngayo'y hawak-hawak niya. I cannot move, that because i can't see anything...
Bago pa man ako makapagsalita ay binitiwan na niya ako. Minsan pa siyang lumingon saakin bago tuluyang tumawid matapos dumaan ng ilang sasakyang hindi ko nakita kanina.
Naihawak ko ang kamay kong hinawakan niya sa kaliwang dibdib ko. "Bakit... Bakit hindi ko nakita ang 'yong hinaharap?"
Tinapik-tapik ko pa ang pisngi ko upang siguruhing hindi ako nananaginip. Pilit kong inayos ang sarili ko at naglakad na papatawid nang bigla akong natalisod sa kung ano.
Kaagad akong nagbaba ng tingin dahilan upang makita ko ang isang ID. Hindi ko na nagawang tignan pa ang pangalan ng may-ari no'n nang sunod-sunod na bumusina ang isang sasakyan sa gilid ko.
HANGGANG sa makarating ako sa Caffé na pagkikitaan namin ni Luam ay naiisip o pa rin 'yong lalaking humawak sa kamay ko kanina.
"Tapos alam mo ba inalok ako ng isang prof na sumali sa football team." kanina pa siya kwento nang kwento habang kumakain.
Hindi ko magawang pagtuunan siya nng pansin dahil hanggang ngayo'y nakatatak sa'king isipan ang nangyari kani-kanina lang. Kung hindi gumana sakaniya ang kakayahan kong 'yon posible kayang natapos na ang bangungot ko?
Posible kayang makakapamuhay na ako na kagaya ng iba? Na malayang mahahawakan ang kamay ng kaibigan o ng kahit na sino ng walang pangamba? Walang takot na baka makita ang ilang hinaharap na hindi maganda?
Nag-angat ako ng tingin kay Luam na hanggang ngayo'y dumadaldal. "Luam.." tawag pansin ko habang subo-subo ang kutsara ko.
"Hmm? Hindi mo gusto 'yong food? Wala na akong panlibre, ang mahal pala dito." bulong niya at napalingon-lingon pa sa paligid naming dalawa.
Hindi naman 'yung pagkain ang dahilan kung bakit ko siya tinawag. Subukan ko kaya sakaniya? Baka... Baka hindi a talaga gumagana ang kakayahan ko.
Baka sign na 'yung kanina para sabihin sa'kin ng tadhana na 'Faithrill tapos na ang lahat ng paghihirap mo.'
Dahil sa mga naisip ay taas noo akong tumayo, walang takot sa kahit na sino. Kung hindi na gumagana ang kakayahan ko mas maigi siguro kung susubukan ko muna sa ibang tao bago sa kakilala ko.
Nang makita ako ng isa sa waiter na nakatayo ay kaagad kong naagaw ang pansin nito. Nagmamadali siyang lumapit saakin ng may ngiti sa mga labi.
"Yes Maam do you need anything?"
"Huy, Faithrill wala na sabi akong panlibre, ikaw ginagantihan mo ako sa prank ko 'no?!" pabulong na sabi sa'kin ni Luam habang pasimpleng hinihila ang blouse ko para mapaupo ako.
Imbis na pansinin siya ay kaagad kong kinuha ang kamay ng waiter na lumapit saakin. I was smiling and hoping that the power that i had was finally gone.
But I got stuned on what i saw. I saw the half of his future, the worst one.
Nanginginig kong nabitawan ang kaniyang kamay. Dissapointment flashed through my face...
Akala ko wala na?
•─────✧─────•
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro