Tatag
Pagod at puyat,
iyan ang aking kalaban.
Nagsusumikap,
upang makaahon sa hirap.
Lahat titiisin,
lahat kakayanin.
Tibay ng loob,
pati tuhod sa pagtayo.
Sa pagtingala,
tanaw ang bughaw na langit.
Parang kay hirap arukin,
ngunit aking liliparin.
Sa pagpatak ng pawis,
kapalit ay ginhawa.
Kay sarap damhin,
lahat ng pinaghirapan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro