Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Paalam

Mahal kita!
ngunit ika'y nagbago.
Hindi mawari ang gagawin.
Ako'y umiiyak sa isang tabi.

Inamin mong may mahal ng iba.
Napangiti ako...
kasabay ng pagtulo ng mga luha.
Mistula akong baliw,
hindi makapag-isip,
makakain,
at makatulog.

Mahirap tanggapin,
kaya heto ako nagdurusa pa rin.
Kahit ganoon,
pilit na tumatayo't magsimula muli.

Taon,
buwan,
araw
at oras,
umalpas ng 'di namamalayan.
Nakapagpatawad.
Nakalimot.
Naging masaya,
kasabay ng bagong pag-ibig.

Sa muling pagkikita,
humingi ka ng pangalawang pagkakataon.
Patawad.
Ako'y ikakasal na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro