Lulan
Sa pagsilip sa labas ng bintana. Napapaisip,
tama nga ba?
Ang landas na tinatahak.
Sa aking paglayo,
maraming alaala ang biglang nanumbalik,
parang isang panaginip,
habang ako'y gising at nakadungaw sa maliit na bintana.
Sa puntong ito'y
pinili kong magpatuloy.
Baon ang lakas ng loob.
Paniniwalang...
isang araw,
lahat ay magiging mabuti.
Magkamali man sa una.
Ako'y muling babangon,
Para sa hinahanap na kapayapaan.
Hindi lang ng isip kung 'di ng puso.
Sa paghinto't pagbaba.
Panalangin ko,
Sana...
ngiti mo ang unang makita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro