Dalampasigan
Simoy ng hangin...
di ba't kay sarap damhin?
Dito sa dalampasigan
kung saan tayo nagsimula.
Mga alaalang tinangay ng alon.
Paano ba mawawaglit?
Sa aking pagmumuni-muni
sa gitna ng tirik na araw
masunog man ang balat,
hindi alintana.
Sa paglakad sa buhanginan,
mistulang bata na nalilibang.
Paano ko ba mapaglalabanan...
ang damdaming nais kumawala?
Sa huling sulyap,
sa huling patak ng luha.
Aking pinagdarasal,
Katahimikan iyong makamit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro