chapter 5
Althea's POV
Dito muna ako nagpalipas ng oras sa condo ni jayvion dahil hangang ngayon masama parin ang loob ko paulit-ulit pumapasok sa utak ko ang mga nakita ko.
ipinagluto ako ni jayvion ng makakain , masarap pala magluto ang isang to , mabait pa at napaka gentleman sana ganyan lahat ng lalaki , kung pwede lang tangalin tung puso ko at palitan ng bago eh.
"ahm jayvion ahmm... pwede bang dito muna ako magpalipas ng gabi kahit dito nalang ako sa sala sanay naman ako eh " kinapalan ko na muka dahil hindi ko pakayang umuwi
"no. ako sa sala ikaw sa kwarto ko" sabi nito saakin
"ahm dito nalang ako sa sala ok lang talaga ako dito"nahihiya talaga ako feeling ko ang kapal na ng muka ko.
"althea. " sabi nito saakin kasabay ng paglapit nito , kaya naman napaatras ako.. dahil sobrang lapit na nito saakin. ibinaba nito ang ulo nito para maging magka level ang mga muka namin. matangkad kasi ito at hangang balikat niya lamang ako.
"ah-eh ano---ano" nauutal ako kasi ang lapit ng muka nito saakin.. ilinapit niya ang pagmumuka niya... sabay gulo ng buhok ko . ngumiti ito..
"hindi ka na bago saakin, doon kana sa kwarto at ako dito and that's the final period" seryoso nitong sabi..
so ayun wala naakong magawa kung hindi sumunod sa kaniya...
SOMEONE'S POV
Lasing na ng makauwi si Red at hangang ngayon gulong gulo pa din ang isip nito at pakiramdam nito may nagawa siyang pagkakamali , lumabas ito sa kaniyang kotse at pumasok na ito sa bahay nila ng asawa niya..
pagpasok nito, nanibago siya dahil walang nag iingay, kadalasan kasing nadadatnan niya ang asawa nito na nonood ng tv o di kaya nag luluto.
"althea! " pasigaw itong sabi pero walang sumagot. napatingin ito sa wall clock at gabing gabi na pala. napakatahimik ng bahay.
"bat wala pa yung babaeng yun " sabi nito umakyat siya sa kanilang kwarto baka nagbabakasakaling nandoon at natutulog ngunit pag pasok nito ay walang athea.. kaya't nakaramdam ito ng pag aalala.. humiga nalamang ito at idiniin nito sa sarili niya wala siyang pakealam sa asawa niya dahil sa papel lang sila kasal. pero paulit-ulit niyang nakikita ang muka ng asawa niya ng mahuli siyang may babae.
Ano pa bang bago? Lagi naman niya akong nakikitang may babae
ngunit lumipas ang oras ay hindi padin ito makatulog.. hindi na ito nakatiis kinuha nito ang cellphone niya at idinial nito ang number ng asawa niya.
*kbfwveh;dlbjnf,cxfd
nakahinga naman ito ng maluwag pero naiilang parin siya dahil itoang unang beses na tumawag siya sa asawa niya.
"hello " rinig na boses ng asawa niya"
"nasaan ka " madiin nitong sabi.
"ahm ano - nasa bahay lang ni tiffany " pag sisinungaling ng asawa nitong babae.
OTHER SIDE.
ALTHEA'S POV
Nagulat ako dahil tumawag saakin si dixon ito ang unang beses na tinawagan niya ako kaya't sinagot ko naman ito.
"nasaan ka? " ramdam ko ang diin sa boses nito o baka nag iilusyon nanaman ako.
"ahm nasa bahay lang ni tiffany" pag sisinungaling ko
"althea" isang baritonong boses ang tumawag sa pangalan nito napalingon siya, nagulat ito sa pag pasok ni jayvion.
"ah - ano kasi" bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit, ano naman kung marinig niya ang boses ni jayvion? diba wala naman siyang pakialam saakin ................ bat ako kinakabahan
"umuwi kana" nag fe-feeling nanaman ba ako na galit ang asawa ko ? ramdam ko kasi ang diin ng boses niya kahit sa cellphone lang kami nag uusap.
kaya agad ko itong binaba . bahala na. hinarap nito si jayvion na nakatayo padin sa harap ng pintuan ng kwarto ..
"ah -eh jayvion nagulat naman ako sayo hehe ,ano nakapag isip-isip kana ba na sa sala nalang ako at dito ka sa kwarto mo?"
"tabi tayo.." nagulat ako sa sinabi nito.
"tabi tayo althea" mukha naman siyang seryoso , hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. maya maya lang eh.
"HAHAHAHHAHAHAHAHA" tumawa lang ito ng tumawa hangang sa mamatay na tong poging baluga nato na walang ibang gawin kundi asarin ako.
"epic talaga ng muka mo hahah you look funny" tatawa-tawa nitong sabi.
"ok kana? masaya kana ba " asar kung sabi dito.
"ito naman pikon agad, ibibigay ko lang itong kumot sayo , wala kasing kumot diyan."
"salamat " ngumiti lang ito saakin , pero feeling ko may kakaiba.
"goodnight althea"sabi nito saakin
"goodnight at thank you ulit " nginitian ko naman ito. parang nakaramdam ako na may hindi mangyayari bukas.. ay ewan baka naantok lang ako.
a
: hi guyss im back at ipagpapatuloy ko na itong nasimulan ko sana may nagbabasa padin :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro