Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

SOMEONE'S POV

"huh? date? baliw kaba !" gulat na sabi ni althea

"what? Hahaha" tinawanan lamang siya ng binata dahil epic ang pagmumuka nito.

"anong nakakatawa ?" pagtataray na sabi ni althea kay jayvion.

"you know what your face is reallyy funny haha" sabi ng binata

"alam mo kung pinagti- tripan mo lang ako umalis - alis ka sa harap ko " pagtataray ulit ni althea.

"sorry i'm just joking but about that date i'm freaking serious total nambabae naman yung asawa mo at hindi kanaman sineseryoso ,pwedeng tayo nalang and im single and ready to mingle! "

napangiti naman ang babae dito,dahil puno ng kalokohan ang lalaking ito masyadong palabiro a masiyahin.

"baliw hindi porke't ganun ang ginagawa sa akin ng asawa ko gagawin ko din sa kanya hindi ako ganung klaseng tao"

"alam mo masyado kang mabait,kaya ka nasasaktan " biglang sabi ng lalaki sakanya.

"tsaka friendly date lang naman plsss!!" pagpupumilit ng lalaki sa kaniya

"ok fine pag iisipan ko "sabi ng dalaga

"alright!"na tutuwang sabi nito sabay halik sa pisngi nito at yakap.

ang hindi nila alam may nakamasid sa kanila at saktong nakuhanan ng mga litrato ang paghalik ni jayvion kay althea.

"im sorry nadala lang ako"sincere na sabi naman ng lalaki kay althea

"o - ok l-lang" utal-utal na sabi ni althea dahil nagulat talaga siya sa ginawa ng lalaki.

biglang tumunog ang bell kaya't dali -dali siyang napatayo at nag paalam  dito, dahil hindi na din niya namalayan ang oras.

ALTHEA'S POV

   Nagmamadali akong tumakbo at buti nalang hindi paako late sa first subject ko,pero hindi parin maalis sa isipan ko ang ginawa ng lalaking yun buti nalang walang tao doon kung hindi lagot issue ito sa kanya,kaklase ko pala ang asawa ko ngayon sa subject na ito kaya't nagmadali talaga ako pag karating ko sa classroom buti nalang hindi pa nag sisimula ang klase umupo ako sa upuan ko mula sa likod.

bigla naman akong nandiri dahil may umuungol sa left side ko, tumingin naman ako dito at hindi ko nagustuhan ang nakita ko at hindi na dapat ako tumingin pa ng makita  ang asawa ko na nakikpag make-out sa ibang babae, napaka babaero niya talaga bigla akong nawala sa mood , nanikip din ang dibdib ko at parang gusto kung magwala.

hindi ko na lamang ito pinansin,dito naman ako magaling diba ? ang magpakatanga.

kaklase ko ang asawa ko sa tatlong subject pero tulad nga ng sinabi niya na wag na wag ko daw siyang pakikialaman sa lahat ng gustong niyang gawin at wala din daw pansinan tss. -___-

(kinabukasan)

medyo nakakapagtaka kasi nakatingin saakin lahat ng

studyante dito sa university tapos bigla nalaman silang magbubulungan sa harapan ko .

"Girllllll !!" biglang may sumigaw sa likuran ko

"Girl ! long time no talk huh!!" sabay beso nito saakin, siya nga pala ang bestfriend kung si tifanny 3 days siyang absent ,ewan ko nga kung ano ang nangyari diyan ,alam niya lahat ang tungkol saakin ,alam niyang may asawa ako na ako lang ang nagmamahal dito na arranged merriage lang ang nangyari at alam niya ring hindi kami nagpapansinan ni red.

"ano bang nangyari sayo bat antagal mong absent ! babaita ka!"

"nag beauty rest lang ako beshywap" sabi nito saakin

"rest lang walang beauty" pang aasar ko dito

"fyi! maganda daw ako sabi ng nanay ko "pagtatangol naman niya sa kaniyang sarili na siyang totoo naman kung hindi mo siya kilala iisipin mong bad girl,suplada at bitchy type girlish kasi siya at mahilig sa make-up. nakakapagtaka nga dahil hindi ko alam kung bakit kami naging magkaibigan nito samantalang opposite kami sa isat-isa pulbo lang ako sapat na hindi din ako mahilig manamit ng masyadong magara samantalang siya napakaganda at napakabait habulin pa ng mga lalaki . at syempre napa kaswerte ko dito dahil lagi akong dinadamayan sa lahat ng problema ko kaya lab-lab ko ang beshy kung ito.

"hoy babae! may ike -kwento kapala saakin "

"huh ano namang ikekwento ka sa iyo? " nnagtataka naman ako.

"kunwari kapa girl ang haba ng hair mo huh!"

"ako mahaba " ano bang pinagsasabi nito.

bigla siyang napa roll eyes at may binulat siya mula sa cellphone niya sabay pakita saakin.

____

_

_

_

-

omyghaddd!! saan nangaling yan!

"san mo nakuha yan !?" natatarantang sabi ko dito

"gurl viral kana sa internet, hindi kaba nag oonline ?"

"hindi pa eh?" bigla akong kinabahan ng ipakita niya sakin yung litrato na iyon na ganap sa roofdeck .

kaya pala ! ganun nalamang ang tingin saakin ng mga estudyante dito nakakatakot!,nanginginig ang tuhod ko dahil dito.

"kyahhh!! ampogi ni jayvion scothhh!!mesherep ba? anong lasa beshyy!!"nag aasar pa ata ito jusqu kinikilig pa.

"ang ganda ng beshy ko asawa mo na si fafa red dixon boyfriend mo pa si papi jayvion scothh!! ikaw na"

"ang ingay mo ! baka may makarinig sayo at maniwala sa pinag sasabi mo "sakit niya talaga sa ulo. -_______-

....................................

ikenwento ko lahat sa kaniya at nang malinawagan naman ito, pero hindi parin maalis dito ang kilig kasi magkabilang sampal at sabunot ang natamo ko sa kaniya habang nag kekwento.

"hindi totoong boyfriend ko si jayvion scoth jusqu hindi ko nga alam kung saan nagaling yang kwentong barbero nayan "

"pero girl feeling ko bet ka ni papi jayvion scoth kyahhhh!!!"

"hayss ewan ko nga sayo sakit mo sa bangs huh!"

FASTFORWARD.

Kakarating ko lamang sa bahay at nakapatay na ang mga ilaw medyo gabi na dahil tumambay paako sa bahay ni tiffany. dahan-dahan akong naglakad baka kasi tulog na ang asawa ko.

nagulat ako kasi biglang may nag switch ng ilaw at.

"bakit ngayon ka lang, alam mo ba kung anong oras na " sabi nito saakin na siyang kinakilig ko naman kasi feeling ko nag aalala ito saakin.

"ahh kasi ginabi ako kila tiffanyy-------"

"wala akong pakealam kung saan ka pa magpunta o gabihin ka pa! tumawag si papa at hinahanap ka! hindi ko alam ang sasabihin ko mag isip ka naman

"sorry"

"bullshit!" bigla siyang may binatong newspaper at para bang gigil na gigil ang lalaking ito

tinignan ko yung nasa newspaper at nagulat ako ng makita ko yung fake news na tungkol saakin at kay jayvion scoth jusqu nasa newspaper na din!

"sa lahat ba naman ng lalandiin mo siya pa!the fuck hindi ka pa ba kuntento saakin at sa mga nakuha ng pamilya niyo saakin at sa pamilya ko!" biglang tumulo ang mga luha ko dahil sa masasakit na salitang sinabi niya hindi naako makapag salita para ipagtangol ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"wala kang ipinag kaiba sa mga babaeng nakilala ko "sabay tinalikuran ako nito.

to be continue......................

(a/n: sana po magustuhan ninyo at pasensya na sa mga mali o grammar ,wala na kasing edit ito haha plss vote and comment !!!!!!!!!!)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro