Chapter II: Marinduque
Moon's POV:
Bakasyon na next week, abala na ang mga kaklase ko sa kuwentuhan tungkol sa mga plano nila where they will spend their vacation. And here I am, bored ASF. I'm sure that I will spend my whole vacation in this province staying in our house. Gano'n naman palagi, my parents always prefer being here. Well because they have their own lives, they can enjoy their vacation in any way they want kahit hindi kami lumuwas. I told them that I want to go to my tita's house in Baguio but they didn't allow me dahil daw darating ang holyweek.
Every holyweek, both of my parents were busy helping in church. 'Almost a priest' ata ang father ko, kung hindi lang siya natuloy sa ibang bansa. Kaya ganito na lang kung ilaan niya ang kanyang oras sa simbahan. Also being a member of TSU club, it is their duty to serve the community. I almost forgot, I'm also now part of the club kaya magiging busy na rin ako. Siguro ay mababawasan ang pagiging boring ng bakasyon ko kaya nga lang after ng holyweek, balik taong-bahay na naman ako.
Nagkaroon ng meeting ang club at dito napag-usapan na magkakaroon kami ng Oplan: Tulungan sa Mahal na Araw, where we will provide free water, free food, and guidance to those people and tourists who will come. It is expected that a lot of tourists will come to our province in the commemoration of Holy week.
Every year, us Christians, are commemorating the death of Christ and His resurrection. There is a procession of saints from Wednesday to Friday. There's also the famous Moriones Festival which is also the reason why Province of Marinduque is the Lenten Capital of the Philippines. The Moriones are men and women wearing a costume and masks to depict the garb of biblical Imperial Roman soldiers and Syrian mercenaries as interpreted by locals. Not just that, people from different parts of the country come to our province to sell local products that the Philippines can be proud of to show to those tourists from foreign countries.
"Let's go sa booth!" Niyaya ako ng mga kaibigan ko na magtungo sa booth sa bayan after ng klase. I'm comfortable having them by my side so I have no problem going out with them. Whenever I'm with my friends, my outgoing and crazy personality takes over.
Two to three weeks before the exact date of Holy week ay nagtatayo na ng mga booth sa bayan. Sarado ang kalsada at nakalaan ito para sa mga booth at sa parada sa darating na Mahal na Araw. Hile-hilera ang mga tindahan ng samu't saring produkto mula sa iba't ibang parte ng bansa. The other sells different fruit jams from Baguio, the other are selling a wide variety of Sto. Niño clothes, a handled fan and a shirts with a Morions and map of Marinduque printed on it, there's also a bracelets from Benguet made by Igorot themselves, there's also a food court on the other side, and many more local products that you can enjoy buying without any regrets.
"Tara, magpa-henna." Nang makita namin ang mga tattoo artists ay naisipan naming subukan ang henna, hindi pa kasi kaya ang tato at bawal din sa school. There's a lot of good tattoo artists here at napakarami ng mga nagpapagawa. Namili agad ako ng mga designs na gusto ko at naisipan kong ipa-henna ang tattoo ni Ace, character sa anime na One Piece. Pumili na rin ang mga kaibigan ko at isa-isa kaming nagpa-henna. Tuwang-tuwa nga kami dahil parang tunay na rin kaming nagpalagay ng tattoo.
Matapos maglibot sa booth ay nagtungo kami sa food court para kumain. I bought Korean corndog, Japanese takoyaki, then spanish bread. "Colonizer's meal, ah," biro pa ni Rein. Ewan ko ba, this is what I'm craving e. Bumili rin sila ng milktea at iba pang mga pagkain. Hindi pa Holy week ay marami na agad tao ang dumadayo kaya puno ang food court. We end up going to the park para doon na lang kumain. Mas mahangin pa at maluwag sa pakiramdam, masarap kumain habang nanonood ng sunset.
"Oh, Holy week na ah, magbagong buhay na kayo." Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Hera. Madaldal siya, at sa kakadaldal niya ay hindi pa niya nakakain ang binili niya corndog kanina. Puro siya kuwento na puno ng kabalbalan, pero natutuwa naman ako doon. Nang susubo na niya ang corndog ay kamalas-malasan na nahulog ito kaya't nakapag bitiw siya ng hindi kaaya-ayang salita. "Ay, putangina!" malutong niyang mura. Lalo naman kaming natawa at halos hindi na makahinga, siya kasi itong nagbilin sa amin na magbagong buhay na tapos siya itong nagmura.
_________________________
Star's POV:
"Tumulad ka sa akin, mabait." Napataas ang kilay ni Lychee dahil sa sinabi ko. Masyado siguro 'tong bilib sa mala-anghel kong ugali. Dapat siguro maging humble lang ako, baka kasi dumating ang araw na mag pa-authograph na ito sa akin. Ayoko no'n, I don't like having fans. Joke lang.
"So, anong gusto niyong pasalubong?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan. Nakatambay sila sa kuwarto ko ngayon at nakahilata sa kama ko habang ako ay nasa sahig at nag-iimpake ng mga gamit ko, mamaya na kasi ang luwas namin patungo sa Marinduque.
"Lalaki," sarkastikong sagot ni Hanna. Na-broken kasi ito sa sampo niyang crush kaya desperadang makahanap ng bago. Hayst, ewan ko ba sa mga taong 'to at hindi unahin ang pag-aaral. "Bilhan mo lang ako ng bibingka at suman ayos na," ani Lychee sabay inom ng smirnoff. So alam niyo na ang ugali nitong dalawa sa paghingi pa lang ng pasalubong, eh.
Inimpake ko na sa maleta ko ang pang dalawang linggong mga gamit. Inaliw ako nitong dalawa sa mga kuwento nila bago dumating ang door to door (passenger-van). Nagpaalam na ako sa kanila at kay ate.
Heavy traffic. Hassle. Siksikan dahil sa napakaraming pasahero ang nag-uuwian sa mga probinsiya. Ang dapat ay anim na oras na biyahe lang ay naging sampo hanggang labingdalawang oras ang itinagal bago kami nakarating sa Balanacan port sakay ng barko tungo sa Isla ng Marinduque. Hapon kami umalis at madaling-araw na kami nakarating sa Balanacan Port at nakasulat dito ang isang malaking "Welcome to Marinduque". Tanaw ko ang parte ng Isla ng Marinduque. Napakaganda. Dinama ko ang simoy ng preskong hangin. Sa wakas!
"Welcome to Marinduque, the Heart of the Philippines!" Excited akong lumapit kay lola at niyakap siya. Almost four years na rin when the last time I saw her. Niyakap din niya ako at hinaplos ang aking buhok. "Ang napakaganda kong apo, dalagang-dalaga na." Binata na po ako ngayon. Naghanda pa ang mga pinsan ko ng mga pagkain, may mga lobo rin at may pa-tarpaulin pa. Sayang, ate Ruby wasn't here. Hindi niya masasaksihan ang kasiyahang ito.
Kumain kami kasama ng mga pinsan ko at tsahin pati na rin si lola. Nagkuwento pa sila ng mga bagay na nangyari nang wala kami. Nakipag chikahan pa si mama sa kanila at ako naman ay nakipag-bonding sa mga pinsan ko. Matapos kumain ay nauna na ako sa kuwarto namin at inayos ang mga gamit ko, nag palit na rin ako ng damit at saka nagpahinga. Nakakapagod, sa sobrang pagod ay nakatulog agad ako. Inumaga na kami kaya't sakto rin ang pagsalubong nila lola sa amin. Grabe nga talaga ang biyahe sa barko kapag ganitong Holy week.
Tanghali na nang magising ako dahil nakaramdam ako ng init. Maingay sa labas at parang may mga nag-iinumang mga tambay. Tumitilaok pa rin ang manok sa katanghalian, at puro batok pa ng mga aso. Bumangon ako sa kama ko at naligo. Nagpatuyo lang ako ng buhok at nag-check ng cellphone ko bago lumabas ng kuwarto. Busy ang mga tao kasama na si mama. Sumilip ako sa bintana ng bahay at may mga nag-iinuman nga sa kubo, mga tito ko. Tanghali, inuman? Tibay, ah.
Maliit lang itong bahay ni lola, makaluma ang itsura sa labas pero renovated na ang loob at moderno ang disenyo. Maraming mga picture frames sa dingding, mga larawan ng angkan namin mula pa sa mga ninuno ng ninuno ng ninuno namin. Hindi rin mawawala ang picture ko at ni ate nang mga bata pa kami. Dito kami lumaki sa puder ni lola at ng lolo ko, sila ang nag-alaga sa amin habang nasa ibang bansa ang mga magulang namin. Nang mamatay si lolo ay doon na umuwi si mama para kunin kami at dalhin sa Manila upang doon ako mag-aral ng college, at doon na rin nagtrabaho si ate.
"Oh, gising ka na pala." Narinig ko si mama mula sa aking likod at may hawak itong sandok. "Tulungan mo ang mga pinsan ko sa pagluluto ng miryenda." Bumalik din siya sa kusina, hindi man lang ako inalok ng agahan. Sabagay, tanghali na. Lumabas ako ng bahay at pinuntahan ang mga pinsan ko. Sa labas sila nagluluto, mayroong malaking kawali at sandok. Tiningnan ko kung ano ang niluluto nila at nakita ko na ube halaya ito.
"Tulungan ko na kayo." Bilang matulungin akong tao, nag presenta akong tumulong. Inabot naman sa akin ng pinsan ko ang malaki at mahabang sandok, at ako ang nag halo ng halaya. Halo dito, halo doon. Grabe! Ganito pala pag masyadong matulungin, nakakapagod. Halos inabot ng kalahating oras ang paghahalo sa ube halaya hanggang sa makuha ang nararapat na consistency. Pero na-enjoy ko naman.
"Siya nga pala, Star may booth sa bayan gusto mong puntahan?" Inimbitahan ako ng mga pinsan ko na sumama sa bayan mamayang gabi dahil may mga booth daw at peryahan. "Mayroon ding prosisyon ng mga santo, sumama ka para tumino ka naman," sabat ni mama sa usapan. Sarkastiko ang pagkakasabi nito pero may diin, parang seryoso pa nga. Masyado na akong mabait, baka lumampas na ako sa langit.
Hindi ko naman tatanggihan ang alok nila, gusto ko na ring lumabas ng lungga. "Sure, tara!"
________________________
Moon's POV:
Ang bilis ng mga araw, dumating na nga ang Holy week. "Libreng tubig at miryenda po, lapit lang kayo!" Napapunas na lang ako ng pawis dahil sa init. Napakaraming tao ngayon dahil Miyerkules Santo, mayroong prosisyon ng mga santo mamaya. Pagod na ako sa kakaalok ng libreng tubig at pagkain. Isinasagawa na ng aming club ngayon an Oplan: Tulungan sa Mahal na Araw. Kasama ko ngayon ang mga kapwa ko junior aspirants. And that's not it, I'm also wearing a shirt with our club's logo printed on it. It's really a tough day!
I've been wanting to go out with my friends today para maglibot ulit, but then I end up being here and supporting our club. I don't know if this is a wise decision because I suppose to have fun helping but it turned out be not. I'm so drained and tired. Ilang oras pa at palubog na ang araw ay nagsimula na ang prosisyon ng mga santo. The road became more and more crowded with people trying to find a good place to watch the procession. A lot of foreigners are here.
Nang makalampas na ang prosisyon akala ko ay uunti na ang tao pero mas nagdagsaan pa. They are now heading to the booths and to the perya. That's what I'm suppose to be doing right now, I'm so jealous! It's already dark, the street lights and the starry sky are the only thing that giving lights tonight. A better time to go to the fair and to go for a walk. When our foods and drinks run out, our club president decided to have a rest and we will continue again tomorrow. Finally!
"Moon, uuwi ka na?" my friend, Keori asked. She's my classmate and also became part of the club. Both of my parents are still in the church so I told her that I will wait for them. Hindi pa rin naman siya uuwi kaya't we decided to go to the fair. We go to the other memebers of the club to ask them to come with us, but suddenly uuwi na sila.
While looking at the surroundings, finding for someone who can come with us, someone caught my attention. As if the moonlight was focusing on her. Nahinto ako sa kinatatayuan ko, and suddenly I felt something weird inside my stomach. Parang nakakita ako ng mga ginto because I feel like my eyes were sparkling while looking at her. Her smile is so beautiful.
"Moon, andito pa pala kayo." I heard Pretzel at Kriztele's voice. They walk towards us, but my focus is out of them.
Tinapik ako ni Keori at doon ako nahimasmasan nang kaunti. "Look, mukhang anime!" Kilig na tinuro ni Keori ang babaeng nakakuha ng atensyon ko mula pa kanina. Before she even told me, I already saw her.
I was mesmerized and fascinated.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro