Chapter I: Moon And Star
Moon
"Good evening, everyone!" Huminga ako nang malalim. "My name is Moon Tana S. Celestial, seventeen years old, a grade eleven student under Humanities and Social Sciences strand." Sa akin sila lahat nakatingin, nasa akin ang kanilang atensiyon ngayon and it makes me nervous. I can't even look straight at them. My hands were shaking and I am trying hard not to make it obvious. I am here in front of everyone, making my pledge of commitment since I'm joining an organisation.
This organisation is called The Sea of Unity Organization or TSU org. Hinikayat ako ng aking mga magulang na sumali sa organisasyong ito dahil miyembro rin sila ng samahang ito. At dahil members din sila, narito sila ngayon at nanonood. Orientation ngayon at nagtipon ang mga teenager aspirants, as usual kasama na ako. Well, I can't say that my parents force me to join since there's also a part of me na gustong masubukan ang ganito para hindi ako nabubulok sa bahay, but I can't ignore the fact na parang gusto ko na lang manatili sa bahay.
I'm not used to this, facing so many people. I hate being the center of the attention, I hate public speaking despite of me being a HUMSS students. Well it's also the reason why I join here except for the adventures that I can experience, I also want to practice my communication skills and my social skills. It is hard being an introvert but also an extrovert. Wanting to have friends but not, wanting to socialise but not, wanting to communicate but also not. It's hard to explain or to distinguish myself, I'm also confused but that's not the thing right now. What matters right now is how should I say my entangled thoughts out loud? How can I say the pledge of commitment I made up in my mind?
I stand straight and raised my right hand. "I-- I pledge..." I don't want to be sturtled, nakakahiya. Maraming kabataan ngayon sa aking harapan, idagdag pa ang mga matatanda, magkaiba sila ng pananaw pero baka isa lang ang nasa isip nila, na hindi ko kaya. That's how toxic my mind is, overthinking unnecessary things. That won't be any help for me now. I need to focus and think. I need to show them that I can. This just the start at wala pa ako sa gitna. I closed my eyes for a very moment and start to speak as loud as I can so that they would know how confident I was.
"I pledge to give of my time and my skills, working alongside my fellow members to improve the lives of others. I pledge to listen and to be open to learning new things, to embrace the diversity of the world and the people around me." Nagawa ko rin, but that's not all. So many ideas cam into my mind and I did not hesitate to say it before it goes out. "Committed to making a positive difference. United in our efforts to improve the lives of others. Devoted to the cause of helping those who need it most. Determined to work together with compassion and dedication. In it for the long run. Prepared to give up personal time and effort in service of the greater good. Ready to overcome. challenges and face adversity together. Inspired by the power of teamwork and community."
I sighed as a relief. They began to clap their hands showing their proud faces on me. My parents smiled at me. Now I can rest easy.
"Hi, Moon!"
Oh, no. I still can't relax as long as there are people around me. Kailangan ko ng malalang social-battery-power kapag haharap sa mga taong ito. Dalawang babae ang lumapit sa akin, they looks familiar at sa tantsya ko ay nasa dalawa hanggang tatlo agwat ng aming edadedad. They look like so similar to each other. "I'm Pretzel," said the one with long and wavy hair. "And I'm Kriztele," the other one with a Dora-hair cut said. They confronted me and they even congratulate me for a wonderful pledge of commitment I did in front. Well, small thing LOL. I talked to them for almost half an hour about schools, about why they want to join, about their ideas and my ideas about this organisation, and so on. They also told me that they're twin sisters, that explains why they look like each other. They are good, I think. I still don't feel comfortable around them, though I don't think that much since this is our first time meeting and talking to each other and hoping for the next time.
While we're chitchatting, the speaker in front is telling us what to do when we become a regular member. Inisa-isa niya ang mga rules and regulations, ang mga dahilan kung bakit naitatag ang ganitong samahan, sino ang mahahalagang tao na nakapaloob dito, ano ang mga advantages of being a member, ano ang mga ginagawa, tuwing kailan ang mga susunod na meetings, etc. He also told us the meaning behind the organization's name; The Sea of Unity Organization - Our members are like the ocean in that they are a force of nature, with the power to move mountains or to make waves.
"Sea of Unity, Changing lives, one tide at a time!" one member shouted. All of the members including us, the aspirants stand up and shouted as well. "Together as one!" as a sign of respect and dignity in being part of the club. After that, we began the feast. Plenty of foods we're serve. I sit beside my parents with their co-regular members while the other teenager aspirant sit in one table and communicating with each other. I know some of them because they are the children of my parents' friends and co-member, but that didn't do a thing for me to eat with them. My mother didn't bother to ask why I didn't join them because she's pretty aware that I'm a shy type of person. Nevertheless, we enjoyed eating, well I will include myself because I'm a food lover, so yeah.
It takes an hours before the program ended. We arrived here at 6:00 p.m and it's already 11:00 p.m now. Gusto ko nang umuwi at matulog. Nagpaalam pa ako kay daddy na mauuna na ako kaya lang gabi na at wala na akong masasakyan, I live in the Province so it's really rare to find transportations at night. So I have no choice but to wait for them na matapos ang kanilang inuman. Yes, after the program ay nagkayayaan pa sila na uminom ng mga kapwa niya regular member ng club.
I went inside our car, I opened the window, and let my body rest at the seat while looking at the sky.
There's so many stars tonight, twinkling and shining. There's also the moon in its waxing crescent phase. If there's no such light pollution, I'm sure the sky will be a hundred times better to look at. Buti pa ang moon naka-smile unlike me, feeling so empty. Having the name Moon is unique, but hopefully I'm also beautiful and luminous like the moon.
Umupo ako malapit sa bintana ng kotse upang mas matanaw pa ang kalangitan. I raised my hand trying to imagine that I can reach the sky. I closed my eyes and make a wish.
"To the brightling stars tonight, hear my words as my lips speak. Listen to me as I release my please. Now I will make a wish..." That's the enchantment I made by myself. "Add a beautiful things in my life full of empty bliss."
____________________
Star
"Star!" Nakatulala ako sa may bintana ng classroom at lumilipad ang isip. Wala akong ganang makinig sa lesson ng professor namin. Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw kaya't napakainit, napakabanas para kang sinisilaban. Kulang na lang isipin kong nasa impyerno na ako kasama si Satanas.
Nanlalabo na ang paningin ko sa antok, gusto ko nang ipikit ang mga mata ko at matulog. Halos bumagsak na ang ulo ko sa armchair pero nilalabanan ko ang sarili ko at pilit tinutungkod ang aking kamay upang hindi ako tuluyang bumagsak.
Napakaingay ng classroom, mas lalong nakakadagdag ng init. Wala man lang aircon, gusto ko nang malamig na malamig na tubig pero mas better kung softdrinks. Gusto ko 'yung coke na nag yeyelo pa, aishhh natutuyuan ako ng lalamunan sa pag-imagine. Wala naman sigurong pakialam itong professor namin kung bigla akong tatayo at lalabas ng classroom ano? Uhaw na uhaw na talaga ako gusto kong magtungo sa cafeteria. Lalo pang lumakas ang ingay dito sa classroom at nagbubulungan sila na parang mga bubuyog, napaka rinding pakinggan. Malapit na akong bumigay at kaunti na lang talaga...
Tumayo ako. Nanalo ang intrusive thoughts ko. Pisting yawa! Ngayon lahat sila ay nakatingin sa akin, ngayon ang init ko na. Teka, parang kanta 'yon ah? Pero walang halong biro, nakatingin na sila sa akin ngayon dahil sa biglaan kong pagtayo. Nanlalaki ang kanilang mga mata, at si prof. ay parang magliliyab na sa galit habang mahigpit ang hawak sa chalk. Bahagya kong kiniling ang aking ulo at tiningnan si professor nang may pagtatanong sa aking mga mata. Mas lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha at nangyari na ang bagay na kanina pa niya gustong gawin.
"Star Minatosaki!" Lumipad ang chalk na kanina ay hawak ni prof. papunta sa aking direksyon at tumama ito sa mukha... "What are you doing in my subject?!" Nakailag ako sa chalk at tumama ito sa mukha ng kaklase ko. Mas lalong nag-init ang dugo ni ma'am, iniwasan ko lang naman 'yung chalk. Ang mga kaklase ko naman ay hagalpak na sa kakatawa habang ang iba ay halos maiyak na dahil pilit nilang pinipigilang kumawala ang kanilang pagtawa.
"Prof, bibili po ako ng softdrink, gusto niyo?" tanong ko at saka ngumiti.
___________________________
Dahil sa nangyari kanina sa room, napatawag ako sa guidance. Ewan ko ba sa matandang professor na 'yon at ang init ng dugo sa akin. Siya na nga itong inalok ko ng softdrink kahit binato niya ako ng chalk. Kung tutuusin dapat natuwa pa siya sa akin dahil napakabait ako estudyante. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa guidance office dahil sumakit ang ulo ng Dean at nahilo. Gusto ko pa sanang mag tagal sa loob dahil may aircon pero wala e, nakatadhana na atang mag-suffer ako sa init.
Hindi na ako naka-attend ng last subject at hinintay ko na lang ang mga kaibigan ko sa may bench. Ang dami ring estudyante na nakatambay dito, nakaupo sila sa quadrangle at nangangalat sa gitna ng tirik na araw at tanging payong lang ang kanilang silong. Tingnan mo nga naman ang mga mag-aaral na ito at iba rin ang takbo ng utak. Hindi sila gumaya sa akin, eto ako ngayon at nag re-relax, nakahilata sa bench sa ilalim ng puno. Kalahating oras pa ang hihintayin ko bago ang labasan kaya't umidlip muna ako. Inilagay ko ang earpods sa magkabila kong tainga at nakinig ng music.
ZzZzZzZzzzZzZzZz
"Hoy, Star!" Nagising ako sa pagkakaidlip nang marinig ang boses ni Lychee at Hanna. Sa wakas ay natapos na rin ang klase at dumating na sila. Pinagsabihan pa ako ng dalawa tungkol sa ginawa ko kanina sa matandang professor at ang pagliban ko sa last subject. Hindi ako nakinig dahil alam ko ang tama at mali, because I'm Star Minatosaki, ang pinakamatinong estudyante ng U.P!
Bago umuwi, nagpunta muna kami sa S.M para mag palamig at mag kape. Biruin mo 'yon, magpapalamig nga pero magkakape. Wala silang mapiling pagbilhan kaya't we end up being in Starbucks. Bumili sila ng ice coffee at dito na napagtanto na may sense din naman ang pagpapalamig dahil may yelo naman pala ang kanilang kape kasi nga ice coffee.
After namin mag chikahan at mag-picture sa loob ng Starbucks for clout chasing, nagpasama naman ako sa kanila sa National Bookstore para bumili ng art materials. Ito ang kalakasan ko!
Nang makauwi na ay nagluto ako ng pancit canton, nilagang itlog, at naghanda rin ako ng softdrink na kanina ko pa gusto. Oh, my precious coca-cola! Binuksan ko ang aking laptop at nanood ng One Piece sa loob ng kuwarto ko. Kailangan ko nang makaula mula sa Whole Cake Island Arc. Intro pa lang ng palabas ubos na ang pagkain ko kaya't lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina para kumuha naman ng mga snacks. Nang pabalik na ako sa kuwarto ko ay naabutan ko si mama at ang kapatid ko na nag-uusap.
"Star, kanina ka pa nakauwi?" tanong ni mama. Wala sila dito kanina at kakauwi lang, hindi ko rin naman namalayan ang pagdating nila. Tinawag ako ni mama at sinali sa usapan nila, ayaw ko nga sana kasi manonood pa ako pero naging interesado rin ako sa usapan. Sino ba naman kasi ang hindi gaganahan kapag usapang bakasyon?
Ilang linggo na lang kasi at bakasyon na naman kaya't nagplano sina mama na umuwi sa probinsya. Ilang taon na rin magmula nang huli kaming lumuwas, gusto ko naman ng new environment. Medyo nakakasawa na rin dito sa Manila, gusto ko naman ng fresh air. Nasabi na rin sa akin ni mama na ako lang daw at si mama ang luluwas dahil pupunta ng Tagaytay si ate para mag stay-cation kasama ang mga kaibigan niya at sa pasko na lang daw ito bibisita sa probinsya. But, that's not the case here. I'm so excited na makauwi ulit sa probinsya kung saan ako nag-aral ng high school, sana nga e naaalala pa ako ng mga kaibigan ko doon.
Nang makabalik na ako sa kwarto ko ay nagpatuloy ako sa panonood at nang makarami na ako ng episodes ay humiga na ako sa kama at nag-cellphone. Maya-maya pa ay tumawag si Lychee, at nakwento niya sa akin na sa Bulacan daw siya sa bakasyon. "Eh, kayo ba saan kayo sa bakasyon?" tanong niya.
Syempre hindi naman ako magpapatalo pagdating sa bakasyon, kaya nakwento ko na rin sa kanya na uuwi kami ng probinsya. "Sa Marinduque!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro