Chapter 9
I'm opening a short side story for Kyla and the Mori twins soon! ;)
You can also tweet your reactions for this chapter using this hashtag: #LieAboutLoveCh9
Fanart cover by Jennilyn Sabillo. Next update tomorrow! <3
-
Habang nasa biyahe, nalaman namin from Kyla that Mark was actually a big *sshole. He looked like a harmless guy pero all the while, he was actually meeting 3 other women aside from Kyla. His main objective was to actually get in bed with the girls he meets online and dump them afterwards. Kyla knew about it when a random girl added her to a group chat with all of Mark's victims. Their goal was to warn his current girlfriends and future girls who will meet him. She only knew about it last night and she's been texting him nonstop to explain himself but he never responded to her anymore making her more furious about the situation.
"Ahh! Why did I even fall for a guy like that! To think na he's even the first guy I've dated! Ayoko na nga makipag-meet sa mga guys through an app, de-delete ko na 'to!" She's been ranting to us the whole time and we can't help but feel really sorry for her.
"Sure ka gusto mo pa rin ba tumuloy sa Tagaytay?"
"Oo naman! Mas okay nga para makapag-unwind ako plus may inuman for sure! Magpakalasing na lang ako at mage-enjoy to forget about that sh*tty human being! Ahh! Gigil talaga ako, gusto kong manakit!" Sabay suntok niya ulit sa kawawang neck pillow.
It was 10 a.m. when we arrived at the vacation house. It was a secluded 2-story villa with a big pool on top of a hill giving us a great view of the Taal Volcano.
"Okay, everyone's here na!" There were a total of 11 people; I could see the same guys I saw at the clubhouse where I first met Brian. Dalawa sa kanila ay may kasamang partners, while the other two who look like Japanese twins didn't bring along anyone with them. "I'll guide you guys to your room."
I was flabbergasted to find out that Melody arranged the rooms per partner leaving me to share a room with Brian. I think Brian sensed my uneasiness and he suggested I share the room with Kyla instead. "Hey Sai, okay lang naman if you want to share the room with Kyla."
"Hep, hep, hep!" Nameywang si Kyla at hinarap niya ang kanang palad niya sa aming dalawa ni Brian. "Walang lipatan ng room. Opportunity niyo na itong dalawa to get to know each other better!"
"Kyla . . . " I tried to communicate with her through my eyes to tell her na I really feel embarrassed sharing a room with Brian, pero even though she understood what I was trying to communicate to her she still ignored it.
"Nope, I'll be having my room on my own. I need my alone time, magda-drama ako mag-isa sa pagtulog kaya bawal ang istorbo."
"Kyla naman, hayaan mo ng lumipat si Sai sa kwarto mo."
"Look Sai and kuya Bri, I really want the both of you to get closer and mas maging intimate sa isa't isa."
"Kyla!" Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko sa huling sinabi niya. Tinawanan niya lang ako.
"Joke lang, ito naman. Pero seriously, I trust both of you. Sai, kilala kita. You're old enough to decide for yourself and not do the things you don't feel is right. Ikaw naman kuya Bri, you've been the biggest gentleman I've known in my life. I 100% believe the two of you sharing rooms will do more good for the both of you than bad." Bigla siyang tumalikod na sa amin at nagsimula na maglakad palayo bago pa man ulit ako makapagprotesta sa kanya. "Sige na, mauna na ako sa kwarto ko. See you later mga bebe ko!"
"I can sleep on the sofa bed." Brian suggested as soon as we got inside our room. He took my bags and placed them in the cabinets. "Pasensya ka na kay Kyla."
"Nah, it's fine. Sanay na ako sa kanya. Are you sure okay ka lang sa sofa bed? Ako na lang diyan, ikaw na sa bed."
"Hey no, you take the bed. I'm fine, huwag ka mag-alala sanay ako sa sofa beds dahil ganyan ang tinutulugan namin everytime meron kaming outside swimming competitions."
We stayed muna sa room for a few minutes to fix our stuff. After a little while, we heard them calling na for barbecue. I saw the Japanese twins cooking the meat in the griller. Brian introduced them to me as Ryusuke and Tatsuo Mori. They're identical and it was initially hard to identify which is which but once they speak, it becomes easier to pinpoint the difference. Tatsuo was the outgoing one while Ryusuke was the introverted guy. I also came to know Nash and Rowan who were playing around the speaker to set up the music. They also introduced their girlfriends to me and they were all nice. Melody was preparing the table in the nipa hut next to the pool. I also saw Kyla at the table peeling some fruits. I went to sit next to her as Brian helped with the cooking.
"Help na kita diyan, gagawa ka ba ensaladang mangga?" Umupo ako sa tabi niya at kumuha na rin ng kutsilyo para tulungan siya magbalat ng mangga.
"Yup, masarap sa inihaw na tilapia. Okay na ako, huwag ka ng magbalat niyan. Hindi ka naman marunong humawak ng kutsilyo."
"Grabe siya, marunong naman ako kahit papaano." Habang nagbabalat ng mangga, nahagip ng tingin ko si Cedric na nagbaba ng case ng beer sa tabi ng nipa hut. Ever since we arrived here, he didn't seem to give me a glance nor speak with me which was a relief on my end.
"Aray!" Nabalik ang tingin ko sa binabalatan kong mangga when I accidentally cut the skin of my index finger. Before I could do anything with my wound, someone took my hand and inspected the wound. "Are you okay?"
I was surprised to see Cedric in front of me when I looked up but before I could react or respond to his question, another person took my hand away from Cedric. "Come with me. Need natin lagyan ng alcohol at band-aid."
Tumayo ako at sumunod kay Brian, ignoring Cedric along the way. Nilabas niya ang first aid kit as soon as we got in the bathroom.
"Okay lang Brian, ako na. Maliit na sugat lang naman ito." I tried to get the alcohol from him para ako na ang maglinis ng sugat ko pero hindi niya ito ibinigay sa akin.
"It's fine, let me do it. It will sting a bit ha." He said as he poured alcohol into my wound. Napasinghap na lang ako nang maramdaman ko ang hapdi nito. Hinipan niya rin agad ang sugat ko para matuyo ang alcohol at mawala ang hapdi.
"Kapag ginulo ka ni Cedric, sabihin mo lang sa akin." Tumango lang ako sa kanya habang nilalagay niya na ang band aid sa sugat ko.
"Ayan, okay na. Ingatan mo sarili mo ha." Pinatong niya ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko habang nakangiti. Bumalik na rin ulit kami sa may pool area. Kumain na kami ng tanghalian nang matapos na ang mga niluluto.
"Okay! Time for games!" Nakatayo na agad sa gilid ng pool si Tatsuo habang hawak ang bola ng volleyball. "Pool Volleyball! Ang matalong team, sila ang magluluto ng dinner!"
Dahil 11 kami, nahati ang team into 5-6 kung saan ka-team ko sina Kyla, Brian, Tatsuo at Ryu.
"Sige partida na, kami ang mas kaonti sa team dahil kasama namin ang pro swimmer!" Sabay umakbay si Tatsuo kay Brian na napakamot na lang ng ulo.
"Pre, swimmer ako, hindi volleyball player."
"Ganoon na rin 'yon, sa tubig naman tayo lalaro." Sabay tawa ni Tatsuo. Wala na kami nagawa kundi pumayag sa desisyon niya. Sinetup na nila ang net sa gitna at nagsimula na kaming maglaro. First to 10 wins daw.
Hindi talaga ako magaling sa kahit anong sports. Volleyball ang pinaka ayaw ko dahil takot ako sa bola. Hindi pa man tumatagal ang laro ay tinamaan na nga ako ng bola, sakto pa sa mukha.
"Aray!"
"Sai, okay ka lang?" Pinuntahan agad ako ni Brian para tignan ang natamaan kong mukha. Napangiwi lang ako sa kanya. "Okay lang naman ako, malayo naman sa bituka."
"Pre, konting ingat naman!" Nagulat ako nang sigawan ni Brian si Cedric sa kabilang side. Siya kasi ang huling humawak ng bola na aksidenteng tumama sa akin.
"Sorry, hindi ko naman sinasadya!"
"Okay, okay. Chill mga pre, laro lang." Pag-awat ni Tatsuo nang makaramdam ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Itinuloy na ulit naman ang laro. Hindi ko alam kung ako lang ba o parang mas naging intense ang laro nina Brian at Cedric. Halos sila na lang ang nagbabatuhan ng bola na tila ba gusto nilang tamaan ang isa't isa.
"Grabe ang larong 'yon! Nakapa-competitive ninyong dalawa masyado, Cedric at Brian! Kulang na lang iwan na namin kayo sa pool at kayo na lang maglaro." Sabay tawa ni Tatsuo nang matapos ang laro. Sa huli, natalo kami ng isang puntos.
We cooked dinner since we lost the game. When we were done, nag-volunteer ako na maghugas dahil wala naman ako masyadong naitulong sa pagluluto. Naiwan ako sa kusina ng villa habang nasa pool sila, nagse-setup na para sa inuman.
Patapos na akong maghugas nang dumating si Cedric. Binuksan niya ang cupboard sa taas ko at nilabas ang mga shot glass.
"Bakit pumunta ka pa rin?" Napatigil ako sa paghuhugas nang tumabi siya sa akin at sumandal sa may kitchen table. Hindi ko siya nilingon pero sinagot ko ang tanong niya.
"Bakit hindi? Just because you said not to go, tingin mo susunod ako sa 'yo?"
"Ang kulit mo rin. Sinabi ko na ngang hindi ito maganda para sa ating dalawa."
"Bakit ba?"
"Basta!"
"P*tangina, ayan ka na naman. Kahit kailan ayaw mo ibigay ang dahilan ng mga sinasabi mo. Ginagawa mo talaga akong manghuhula ano?" Itinabi ko muna ang mga huling utensils na hinugasan ko bago humarap sa kanya. "Ewan ko sa 'yo, Cedric! Labo mo kausap!"
Nilagpasan ko na siya at babalik na sana ako sa pool nang hawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako sa paglalakad.
"Alam mo kaya ayaw ko pumunta ka dito kasi hindi ko na kaya, Sai." Napalingon ulit ako sa kanya at nakitang nakayuko siya. "Iniwasan kita ng isang taon para mapigilan ko ang sarili ko pero nagkita na naman tayo. I've built a wall so I can't feel anything for you anymore. Pero sa bawat pagkakataon na nagkikita tayo, nasisira ang wall na 'yon. I'm almost at my limit, Sai. Babagsak na ang wall na binuo ko at ngayong nakita na naman kita at nakasama, pakiramdam ko may magagawa at masasabi ako sa 'yo na hindi dapat."
"Tulad ng ano, Cedric?"
"Cedric! Nahanap mo 'yong mga shot glass?" Agad kong hinila ang kamay ko paalis sa hawak niya nang marinig ko ang papalapit na boses ni Rowan.
"A-ah, oo ito na!"
"Oh Sai, tapos ka na rin maghugas? Sakto! Tara na, inom na inom na kami!" Pilit kong ngumiti sa kanya para wala siyang mahalata sa nangyari sa amin ni Cedric sa kusina. Sabay sabay na kaming bumalik sa pool. Nakabilog ang upo namin sa sahig habang nakalagay ang mga bote ng alak at pagkain sa gitna.
We started playing drunk Jenga. It's basically Jenga pero each piece has a task on it na we have to do if we pick it. Whoever topples the Jenga tower has to drink 1 full glass of alcohol as punishment.
"Speak in French accent only throughout the game! Le easy peasy!" Sabi ni Tatsuo as he reads the challenge in his Jenga block. Sumunod na turn naman ang twin niya na si Ryu kung saan ang nakuha niyang challenge ay mag-meow every time na magsa-shot siya.
"Meow." Walang kabuhay buhay na pag-meow ni Ryu pagkainom niya sa shot glass niya. Natawa na lang kami sa kanya.
Sumunod naman si Kyla at ang nakuha niya ay "F*ck Marry Kill". It means na kailangan niya magpick ng isa sa amin na gusto niya i-f*ck, i-marry at i-kill.
"Ang hirap naman nito!" Reklamo ni Kyla habang iniikot ang tingin sa aming lahat.
"Ako na lang piliin mo sa gusto mo i-f*ck, mademoiselle. Parehas naman tayong le single." Pang-aasar ni Tatsuo na may kasama pa ring French accent sabay kindat kay Kyla na inirapan lang siya.
"Ulul! Si Ryu na lang pipiliin ko." Wala naman reaksyon si Ryu sa sinabi niya.
"Luh, si Ryu pa talaga. Nahiya ka pa sa akin bebe girl." Patuloy pa rin sa pang-aasar si Tatsuo kay Kyla. "Sige ako na lang ang gusto mo i-marry."
"Epal mo talaga, Tats! Hindi ikaw kundi si Sai ang ime-marry ko!" Sabay yakap ni Kyla sa braso ko at binelatan si Tatsuo. "Tapos ikaw ang gusto kong i-kill!"
"Le sad!" Nagkunwaring nasaktan si Tatsuo at nagtawanan na lang kami sa kulitan nilang dalawa. As part of the rule, ang mga napili ni Kyla ay need uminom ng tig-isang shot. Sumunod sina Nash, Rowan at mga girlfriend nila. Isa sa mga napili nila ay kailangan uminom lahat ng mga participants. Parami na ng parami ang nainom ko at nakakaramdam na ako ng kaonting hilo. Hindi pa man din ganoon kataas ang tolerance ko sa alcohol. Kinabahan ako nang ako na ang susunod na maglalaro dahil medyo nahihilo na talaga ako, feeling ko mababagsak ko ang tower.
At ayun na nga, nabagsak ko ang tower.
"Woo! Inom! Inom! Inom!" Kinantyawan nila ako na inumin ang punong baso ng alcohol. Medyo napalunok ako kasi feel ko malalasing na talaga ako ng tuluyan kapag ininom ko 'yon.
"Ako na." Nagulat ako nang kinuha ni Brian ang baso sa kamay ko. "Pwede naman mag-save 'no?"
"Oui!" Sagot ni Tatsuo sa tanong ni Brian bilang siya ang may pakulo ng larong ito.
"Hala, thank you." Nasabi ko na lang sa kanya pagkatapos niyang inumin ang laman ng baso.
Ngumiti siya sa akin. "Wala 'yon, mukhang malalasing ka na kasi agad. Mataas alcohol tolerance ko kaya kinuha ko na."
Nag-isang round pa kami kaya binuo ulit nila ang Jengga tower. Dahil sinave ako ni Brian, siya ang unang maglalaro at dalawa ang need niyang kuhanin. Ang unang challenge niya ay "Bipolar", he needs to insult the person on his right (me) and compliment the person on his left (Kyla).
"You are the coolest cousin for me!" Sabay akbay niya kay Kyla at ginulo ng kaunti ang buhok nito.
"Thanks, kuya Bri!"
Lumingon naman si Brian sa akin at nag-isip ng matagal. "Hmm . . . I can't think of anything to insult you."
"Okay lang, hindi ako mao-offend, promise. Laro lang naman."
Umiling-iling siya, "Nope. Wala talaga. Pass. Iinom na lang ako."
He took 2 shots because he dodged the challenge. His next challenge was Truth or Dare and he chose Dare. Tatsuo, being the game master, gave the dare.
"I want you to kiss the person you like the most in this place."
"Ang dali naman ng dare mo." Brian laughed but it made me nervous especially when he leaned forward to me. "Sino pa ba 'yon? E 'di ikaw."
He was really going to kiss me! In panic, I just closed my eyes and waited for it to happen. It surprised me when I felt his kiss land on my forehead instead of my lips.
"Luh! Ang baduy ng kiss, sa forehead lang? Ano si Sai, lola mo?" Pang-aasar ni Tatsuo.
Tumawa lang si Brian, "Wala ka naman sinabing specific na place i-kiss."
"Tsk! Boy, ang baduy mo talaga kahit kailan!"
Si Melody naman ang sumunod at ang challenge niya ay "Swap Seats and Drink". Papaikutin niya ang bote at kung kanino ito tumigil, doon siya makikipagpalitan ng upuan at parehas silang iinom.
I hated it when the bottle stopped in my direction and I was forced to sit next to Cedric. Ang annoying part pa ay si Cedric na ang sunod na kukuha ng Jengga block and just when I got seated to him, ang nakuha niya pang challenge ay ma-handcuffed sa taong nasa kanan niya which was of course, ako.
My left hand was handcuffed to his right and we have to remain like that for the rest of the game. I can feel na nagdidikit ang mga kamay namin from time to time and it was making me feel really uneasy.
"Okay! Time to guess your underwear colors!" Rowan got the "Guess the underwear color" challenge where he needs to say the color of our underwear and every time he gets it wrong, he needs to take a shot. He only guessed 4 out of 10 so he basically got super drunk and was really loud throughout the game. He even playfully pushed Nash almost making him knock the tower. Nash jokingly smacked him in the head for being annoying.
After a few rounds, it was my turn again. Ramdam ko ang pagdikit ng mga kamay namin habang sinusubukan kong kumuha ng Jengga block. It was difficult to concentrate but I was able to pull it off without breaking the tower.
I smiled internally when I saw the challenge. It says "Choose which seatmate to slap". It basically means I can slap either the person on my left or on my right. Rowan's girlfriend was on my right and obviously, I wouldn't pick to slap her. We barely know each other. On the other hand, it's a good opportunity for me to slap Cedric.
I took a deep breath and slapped Cedric so hard I feel like I'll be leaving a mark on his face. It shocked everyone.
"Huy Sai, grabe naman ang sampal na 'yon. May galit lang?" Tatsuo broke the silence with a joke.
"Hala, sorry. Medyo nalalasing na kasi ako, napalakas tuloy! Hindi ko sinasadya!" I said while trying to act innocently but I was really feeling satisfied with what I did. Ah, how much I wanted to do that. Felt so good.
We ended the game when Kyla made the tower crash and had to down the whole cup of liquor. I finally got free from the handcuffs as well and avoided Cedric right away. I put my attention on calming Kyla as she got really drunk and was cursing out loud.
"Pare-pareho kayong mga lalaki, mga manloloko! Iisa lang gusto nyo sa amin tapos pag nakuha ninyo na, iiwan ninyo na kaming parang basura!"
"Shh, Kyla. Kalma ka lang, halika na sa kwarto mo. Itulog mo na lang 'yan."
"No, no, no! Ikaw Sai, ito lang mapapayo ko sa 'yo. Naloko ka na ng isang beses, huwag ka ng papaloko pa ulit. Huwag na huwag mo ng babalikan 'yang ex mo na si —" Tinakpan ko kaagad ang bibig niya at hinawakan ang kamay niya na ituturo na sana sa direksyon ni Cedric.
"Tama na, tama na. Haika na."
Hinila ko na siya papasok ng villa para ihatid na siya sa kwarto niya. Tatayo na sana ako paalis nang maihiga ko na siya sa kama niya kaso nagulat ako at nag-alala nang bigla siyang humaguhol ng malakas.
"Hala, Kyla! Anong nangyari sa 'yo?"
Itinakip niya ang kamay niya sa kanyang mukha habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Huy . . . " Sobrang nag-alala na ako. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang balikat niya. "Kausapin mo ako . . . "
"Ganun pala 'yon, Sai. Ang sakit pala kapag niloko ka. I mean bakit ko ba iniiyakan ang g*gong 'yon! Sabi ko hindi ako iiyak pero t*ngina, ang sakit talaga." Pilit niyang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya pero hindi ito tumitigil. Sa bawat salita niya ay maririnig ang mga hikbi niya. Nasasaktan din akong makita siyang nasasaktan. Madalas kasi siyang nakangiti at masaya, ngayon ko lang siya nakitang magkaganito.
"Iiyak mo lang, Kyla. Mas okay 'yan kesa itago mo lang. At least ngayon nailalabas mo ang lahat ng sakit at galit mo sa kanya. Pero pagkatapos niyan, tama na. Huwag na huwag mo ng pagaaksayahan ng panahon pa ang lalaking 'yon. He doesn't deserve a beautiful person like you."
"Naniwala pa ako sa mga sinabi niya, Sai. Sabi niya ako raw ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Sabi niya nakikita niya raw ang future niya sa akin. Sabi niya masaya raw siya sa tuwing kasama niya ako at walang araw na hindi niya ako naiisip. Puro sabi niya, lahat pinaniniwalaan ko. T*ngina! Para pala akong t*nga. Asadong asado sa mga pambobola niya."
Hinayaan ko lang siya sabihin lahat ng hinanakit niya para makalma ang puso niya.
"You deserve someone better, Kyla. Once your heart has healed, I pray that you find someone who will see your true worth and love you immensely. Just please, don't take too long to heal. You are better with a big smile on your face."
Umupo siya mula sa pagkakahiga niya, pinunasan niya muli ang kanyang mga pisngi at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you, Sai. I'm really glad to have you as a friend."
I rubbed her back as I hugged her. "I'm just here for you ha. Remember that I love you."
Umalis siya ng konti sa pagkakayakap sa akin para tignan ako at ngitian. "I love you, too. I hope you find happiness din. We don't want to be brokenhearted best friends! Sayang kaya ang ganda natin, beshy!"
Nagtawanan kami at nagkwentuhan pa ng kung anu-ano. Maga-alas dos na at tinamaan na ako ng antok kaya tinanong ko si Kyla. "Sigurado ka bang ayaw mong samahan kita dito sa kwarto?"
Umiling siya, "Okay lang ako dito, sige na samahan mo na si Kuya Bri. Malulungkot 'yon doon mag-isa."
"Eh . . ."
"Sige na, shoo! Shoo!" Tinutulak niya na ako palabas ng pinto kaya wala na akong nagawa kundi mag-good night sa kanya at lumabas na ng kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto ni Kyla, dumiretso ako sa kusina para uminom muna ng tubig. Patay na halos lahat ng ilaw sa villa, nakapagligpit na siguro sila at nagsitulog na. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa kusina at ginamit na lang ang ilaw ng ref para kumuha ng tubig. Nang matapos kong mainom ang tubig ay hinugasan ko na ito at ibinalik sa lalagyanan. Nagulat ako nang mula sa likod ko ay may yumakap sa akin at nagtakip ng bibig ko upang pigilan ang sigaw ko.
"Please stay calm. It's just me." Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pabulong na boses ni Cedric. "Sai, I just want to talk to you."
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. Inalis ko rin ang hawak niya sa bewang ko upang harapin siya. Pabulong akong sumagot sa kanya. "Ano ba ang dapat pag usapan? Kung guessing game na naman 'to, pass na lang muna."
Nilagpasan ko na siya at aalis na sana pero bigla niyang hinigit ang kamay ko at hinila ako sa kung saan man papunta.
"Ano ba, Cedric. Bitawan mo kamay ko, please lang." Hila hila niya pa rin ako at hindi ko matanggal ang hawak niya sa kamay ko na sobrang higpit. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya.
Nagulat na lang ako nang makarating kami sa parking at binuksan niya ang kotse niya. Tinulak niya ako papasok sa passenger seat at saka siya umupo sa driver's seat. Narinig kong ni-lock niya ang pinto.
"What the heck?" Pilit kong binubuksan ang pinto para makaalis kahit alam kong ni-lock niya na ito sa driver's side. "Ano ba Cedric, palabasin mo nga ako dito. Wala na tayo dapat pag-usapan. Wala ka rin namang matinong sasabihin sa akin."
Napatigil ako sa sunod niyang sinabi. "Fine. I'll tell you everything."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro