Chapter 29
Brian's Point of View
Nang sabihan ako ni Kyla na may ipapakilala siya sa aking kaibigan na sasamahan ko raw para sa isang double date ay pumayag agad ako. Single naman ako noon kaya walang problema. Ang hindi ko naman inaasahan ay mabibighani pala agad ako sa babaeng ipapakilala niya.
The first time I met Sai, she was wearing a white shirt and denim jeans, sobrang simple but I was feeling an unexplainable attraction towards her. Physical attraction lang siguro noong una pero habang patagal nang patagal ay nahuhulog na ako nang tuluyan sa kanya.
I started learning a lot of things about her. Nagsimula akong makaramdam ng inis kay Cedric sa tuwing pinaparamdam niya kay Sai na hindi siya mahalaga. Sa tuwing nakikita ko siyang umiyak dahil sa kanya, mas lalong umigting ang pagnanais kong protektahan siya at pasayahin sa piling ko.
I remember the time we spoke in the library. Tinanong ako ni Sai nang diretso kung may gusto raw ba ako sa kanya. Umamin naman ako kahit alam kong ayaw niya pang mag-commit sa isang relasyon.
Bago lahat ng mga kasinungalingan ni Sai, there was this time that she was really honest with me. Sinabi niya noon sa akin sa library na inisip niyang gamitin ako upang kalimutan si Cedric. Ako naman, bilang isang martyr na bulag sa pag-ibig, ay sinabi sa kanya na ayos lang na gamitin ako dahil handa akong gawin ang lahat para makalimutan niya ang ex niya.
'Yon din ang mga oras na hiniling ko sa kanya na mangako sa akin na sasabihin niya ang lahat kahit masakit man ito dahil mas gusto kong marinig ang masakit na katotohanan kay sa magagandang kasinungalingan.
Nangako naman siya ngunit binigo niya rin.
Nang magising ako sa ospital pagkatapos ng aksidente ay agad bumungad ang mukha ng mga magulang ko. Agad nila akong niyakap at kinausap. Habang nagsasalita sila ay napansin ko ang isang babaeng nakatayo lang sa isang gilid, nakatitig lang siya sa akin at tila nag-aalangan na lumapit. Sa mga oras na 'yon ay hindi ko siya nakilala dahil may mga nabura sa aking alala. Nagpakilala siya bilang kasintahan ko. Hindi naman ako nahirapang maniwala sa kanya dahil kahit hindi ko siya maalala ay tila magaan ang pakiramdam ko sa kanya at hinahanap siya ng puso ko sa tuwing hindi ko siya nakikita. Tinanong ko siya kung paano kami nagkakilala. Hindi ko kinuwestiyon lahat ng sinabi niya.
Dumating ang araw na sinabi na nila sa akin ang masamang balita na hindi ako maaaring lumahok sa swimming competitions sa loob ng isa o dalawang taon dahil sa mga natamo kong malalim na sugat mula sa aksidente. Sobrang nadurog ang puso ko nang marinig 'yon dahil pakiramdam ko ay hindi ko na makakamit pa ang pangarap ko na maging isang kilalang atleta sa larangan ng paglalangoy. Sai was there with me throughout those painful days. She was the only one who brightened my day. Na-obsess na nga ata ako sa kanya dahil araw-araw ko siyang gusto makita at makausap. Parang may kulang sa tuwing wala siya. She started becoming my whole world and back then, I didn't know how dangerous it would be to make someone your world.
A few months later, I started regaining some of my memories. I had a sudden flashback of how I actually met Sai. I remembered how she cried for Cedric. I started getting confused because I was remembering things that Sai didn't tell me. I started asking around and even looking for Cedric, but I failed to confirm my memory. Ngunit patagal nang patagal, mas lumilinaw sa akin ang mga alaala ko. Mas kumbinsido na akong naging parte ng buhay niya si Cedric ngunit nagtataka ako kung bakit pinili niyang hindi ito sabihin sa akin. I tried to ask her again how we met and even inquired about her past relationships, but she was consistent with her lie.
Ilang beses kong tinangkang sabihin sa kanya na naalala ko na at alam kong nagsisinungaling siya ngunit palagi akong nangangamba na baka kapag sinabi ko ay bigla siyang umalis sa tabi ko at iwan ako. Sinubukan ko ring isipin kung bakit niya nga ba nagawang magsinungaling sa akin, inisip ko na lang na baka ayaw niya lang banggitin pa ang isang masalimuot na parte ng kanyang nakaraan. Hinayaan ko na lang at nagpatuloy ako sa pagpapanggap.
Isang malaking pagkakamali.
Naging kumportable ako sa loob ng pitong taon. Umabot na sa puntong nagsimula na akong magtingin ng mga proposal rings dahil gusto ko na siyang pakasalan. She's the only girl I could see myself with in the future. I want to build a family with her. Mahal na mahal ko siya na gusto kong ibuhos ang lahat sa kanya, kahit pa wala ng matira sa akin.
Kaso hindi mo rin talaga pwedeng takasan ang nakaraan. Susundan at susundan ka talaga.
Isang araw, habang natutulog ako sa kwarto niya ay nagising ako sa tumutunog niyang cellphone. Nakita kong tulog din si Sai sa tabi ko kaya inabot ko na ang cellphone niya. Laking gulat ko nang makita ko ang pangalan ni Cedric sa screen.
'Paano? Kailan pa? Anong ibig sabihin nito?' Sunod-sunod na tanong ko sa aking sarili na naantala lang nang magising si Sai.
"You and Cedric know each other?" I didn't know what to say when Sai looked at me with her drowsy eyes. I was having an internal battle, aaminin ko na ba sa kanya o magpapatuloy ako sa pagpapanggap? In the end, I continued to act while she continued to lie.
Isa na namang pagkakamali.
Simula noon ay hindi na ako mapakali at palagi kong iniisip kung madalas silang nagkakausap at nagkikita ni Cedric sa trabaho. Pilit kong inaalis sa isip ko ang mga kung anong hinala dahil gusto kong magtiwala kay Sai. Gusto kong maniwalang wala na siyang nararamdaman kay Cedric at hindi niyang magagawang lokohin ako. Gusto kong maniwalang mahal niya ako.
I continued giving her more of my attention dahil gusto kong ako lang ang isipin niya at puntahan sa lahat ng pagkakataon. I didn't even care anymore if I was sacrificing sleep just to be with her kahit pa sa mga oras na sobrang daming nangyari sa trabaho.
When her mom died, I saw how much she cried. It was far worse compared to when she lost her dad. Seeing her suffering put me in so much pain too. I didn't want to leave her side. I couldn't focus at work because all I could think of was her.
When she asked me to make love with her because I knew she wanted to feel something else aside from pain, it took me everything to stop myself from doing it. I badly wanted to do it with her, and only her. Pero I didn't want to take advantage of her suffering. I respect her so much that I can't do that to her. Humiga na lang ako sa tabi niya habang yakap-yakap siya nang mahigpit upang iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.
Tapos dumating ang araw na 'yon. Ang pinakamalungkot na sigurong kaarawan sa buhay ko.
Maraming nangyaring hindi maganda sa trabaho at gahol na kami sa oras kaya kinailangan kong mag-stay sa office hanggang umaga upang masiguradong matatapos namin ang isang napaka-importanteng proyekto. Nang matapos na ang trabaho at pauwi na ako, agad kong tinawagan si Sai upang sabihin sa kanya at dahil gusto ko lang din marinig ang boses niya. Na-miss ko agad siya.
Nang makarating ako sa tapat ng building namin at patungo na sana sa garahe ay may nahagip akong pamilyar na mukha. Hindi ako sigurado noong una kaya naman lumapit pa ako at ibinaba ko ang bintana ng aking kotse upang tanungin siya kung magkakilala ba kami. Nakilala ko siya bilang si Hannah Fuentes, naging kaklase at kaibigan ko noong high school. Ang tagal na rin simula ng huli ko siyang nakita at nakausap kaya naman inanyayahan ko siyang magkape at magkwentuhan saglit sa unit ko. Hindi ko naman akalaing darating din pala si Sai at aabutan niya kaming magkasama ni Hannah.
Galit na galit si Sai sa akin at ayaw niya man lang akong bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Ayaw niyang makinig at naiintindihan ko naman na naguguluhan siya. It was easy to misunderstand the situation dahil siyempre lalaki ako tapos may ibang babae sa unit ko.
Sinabi niya sa akin na gusto niya munang mapag-isa kaya naman hinayaan ko siya, baka sakaling kumalma at makinig na siya sa akin. Wala pa akong tulog ngunit hindi ko rin magawang makatulog matapos ng nangyari kaya kumuha na lang ako ng alak sa ref at uminom habang sinisisi ang sarili ko kung bakit ko pa inimbitahan si Hannah.
Nang dumating ang gabi at wala pa rin akong naririnig sa kanya ay hindi na ako nakatiis. Sinubukan ko siyang tawagan at i-text ngunit hindi siya sumasagot. Nagsimula na akong mag-alala para sa kanya kaya nakisuyo ako sa mga mutual friends namin upang i-check siya ngunit wala rin daw silang nakukuhang sagot kay Sai.
Mag-aalas diyes na at hindi pa rin ako nakakarinig sa kanya. Hindi talaga ako mapakali. Dahil nakainom ako ay nag-book na lang ako ng taxi at agad nagtungo sa bahay niya. Sinubukan kong kumatok ngunit patay ang mga ilaw at mukhang wala siya doon.
Umupo ako sa tapat ng gate niya habang sinusubukan siyang tawagan. Nag-iwan ako ng mga mensahe sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang text na ba ang sinend ko.
"Sairyl, kumain ka na ba? Nasaan ka? Pupuntahan kita please."
"Sairyl, hindi ako mapakali. Please don't do this to me. I love you so much, I will never do things to you na masasaktan ka lang."
Nang malapit na mag-alas dose ay napagdesisyunan ko ng tumayo at maglakad na palayo. Inisip kong baka natulog siya sa bahay ng kaibigan niya, ngunit bigla ring sumagi sa isip ko na baka pumunta siya kay Cedric. Pero agad ko ring inalis ito sa isip ko dahil gusto kong magtiwala kay Sai.
Habang naglalakad palayo ay may narinig akong tunog ng papalapit na sasakyan at paglingon ko ay tumigil ito sa harap ng gate ni Sai. Lalakad na sana ulit ako pabalik para salubungin si Sai ngunit napatigil ako nang makita ko si Cedric.
Sumandal silang dalawa sa pader at nag-usap. Maya-maya lang ay may kinuha si Cedric sa loob ng sasakyan. Isang kaha ng sigarilyo at lighter. Inilapat ni Sai ang isang stick sa pagitan ng kanyang mga labi at sinindihan naman ito ni Cedric. Sa ginawa nilang 'yon ay para akong naupos na kandila. Tumulo na lang ng kusa ang aking mga luha habang nadudurog ang puso ko.
Gusto kong itanggi ang nakikita ko ngunit lolokohin ko na naman ba ang sarili ko?
Nang una kong makilala si Sai, nakita ko kung gaano niya minahal si Cedric. Ngayong bumalik na ulit ito sa buhay niya, siguro ay nagbalik ulit ang nararamdaman niya para rito. Hindi ko ata mahihigitan si Cedric sa puso niya. Kahit ano atang gawin ko o kahit ialay ko pa ang sarili ko ng buong buo sa kanya, hindi pa rin ako magiging sapat.
Ang tanga tanga mo, Brian.
Ilang oras pa lang ang tulog ko sa mga nagdaang araw kaya naman naramdaman ko ang matinding pagod, pisikal at emosyonal. Gayunpaman, pinili ko pa ring magpakalango sa alak. Himala na lang na hindi pa ako naospital sa pang-aabuso ko sa aking katawan.
Ngunit kahit ano pa atang pagpapakalunod ko sa alak ay hindi pa rin nawawala ang sakit. Nakatitig ako noon sa pool habang hawak ko ang bote ng beer. Nagka-urge ako bigla na tumalon sa pool at humiga doon. Habang nakalutang ako sa tubig, sinara ko ang aking mga mata at inalala kung bakit ko nga ba nagustuhan ang paglalangoy.
The water felt nice on my skin. Ang marahang paggalaw ng tubig habang buhat nito ang aking katawan ay tumutulong sa akin upang linawin ang aking isipan. It was serene. I missed the feeling.
However, the calm didn't last long when I suddenly heard her voice calling my name. I opened my eyes and I saw her. She was smiling at me while extending her hand. Uwi na raw kami. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa tubig at naglakad patungo sa kanya. Inabot ko ang kamay niya ngunit imbis na umalis sa pool ay hinigit ko siya papunta sa akin hanggang sa nahulog na siya sa tubig. Kumapit siya sa leeg ko at gusto niyang itanong kung bakit ko ginawa 'yon.
Sa totoo lang hindi na ako makapag-isip ng ayos ng mga oras na 'yon, nahihilo na ako. Ang tanging naitanong ko na lang sa kanya ay ang bagay na lubos na pumapatay sa akin.
"Bakit sa kanya ka pumunta?"
I blacked out and the next thing I remembered was her in my room. Hinigit ko ang kamay niya nang umalis siya sa higaan. Nahihilo pa rin ako ngunit pinilit ko ang sarili kong tumayo dahil hindi na ako makatiis, gusto ko na siyang makausap at linawin ang mga gumugulo sa isip ko.
Nag-sorry siya sa akin pero punong-puno ako ng halong galit at hinanakit sa kanya. Tila masisiraan ako ng bait sa ginagawa niya sa akin. When you make someone your world, it destroys you. Sairyl f*cking destroyed me. I wanted to destroy her too. I started kissing her with so much force I could already taste the blood from her lips. My hands dared to go inside her shirt but she stopped me. I wanted to destroy her but I also didn't want to hurt her. I was definitely going crazy.
I was taken aback when she pulled away from me and removed every piece of clothing she had from above revealing her breasts. I couldn't take my eyes away from her beautiful body. She tried to cover it with her arm but I held her wrists and placed them on the bed. I continued to stare because I wanted to memorize every curve and every mole. I wanted to take it all in and never forget her. I wanted her so much and my heart ached to know she wouldn't want me as much as I want her. I desperately looked into her eyes to find any love she has for me, but it felt futile.
I leaned again to kiss her, making her feel the amount of overwhelming love I have for her. I touched and kissed her in places I've never been before. After I removed her pants and I was about to pull down the last piece of clothing she had, I hesitated.
She can only do this to the person she loves and that's not me. I left the room with that thought.
When I woke up the next day, I had the biggest headache and heartache. I saw her note on the table and I took out the soup from the oven. I ate it but after a few bites, I stopped and cried. No matter what I did, the pain just didn't go away. Sai felt like poison in my system and she was killing me slowly. It was so unbearable, I wanted to be away from her. I wanted to get her out of my system.
When she came back that afternoon, I couldn't bear to be with her any longer. The air around her was suffocating. I asked her to leave me alone so I could think and clear my head. I didn't contact her for a week but I never stopped thinking about her.
My performance at work started suffering that my manager asked me what's going on. I told him that I was suffering from heartbreak. He asked me to go for a drink. He listened to me rant about everything that's happened between me and Sai.
I asked for his advice. He gave me only two options:
a. I take a break and heal from the pain.
b. Accept the pending offer in London and get away from everything that's hurting me which includes her.
Ginawa ko pareho. Nagpahinga ako. Nagpahinga sa kanya at nakipag-break. Tinanggap ko rin ang offer sa London.
Inabot ko kay Sai ang proposal ring ko sana sa kanya dahil ayaw ko na itong itabi. Wala na rin naman itong halaga. She told me she loves me, but how can I really believe her now?
Nang paalis na ako at hinawakan niya ang kamay ko, inangat ko ang mukha niya at tinignan siya sa mga mata sa huling pagkakataon. I badly wanted to kiss her lips but I knew if I did that, I would back out from everything I said. Hinalikan ko na lang siya sa noo at tuluyan ng nagpaalam sa kanya.
Parati kong tinatanong ang sarili ko: may mababago kaya sa aming wakas kung noon pa lang ay sinabi ko na sa kanyang naalala ko na ang lahat? We both weren't honest, and that was really the saddest part of everything.
Sinubukan niyang makipagbalikan sa akin at halos araw-araw siyang naghihintay sa tapat ng unit ko. Naawa ako sa kanya ngunit mas naawa ako sa sarili ko kung hindi ko muna ipapahinga ang puso ko. Bago ako umalis papuntang London, naghanap ako ng food service na nag-o-offer ng araw-araw na meal package delivery at ibinigay ko sa kanila ang address ni Sairyl. Alam kong nasaktan din siya sa nangyari sa amin ngunit ayaw kong pabayaan niya ang sarili niya. Tinawagan ko rin si Kyla upang ipaalam sa kanya ang nangyari at hiniling ko na lagi niyang kamustahin si Sai at siguraduhin na magiging ok siya.
Pagkatapos niyon ay nagtungo na ako sa London, pinutol ko na rin muna ang kahit anong komunikasyon ko sa kahit sinong kakilala ko sa Pilipinas. Wala akong kilala kahit isa sa London bukod sa mga pinakilalang mga katrabaho ko doon. I was having a fresh start.
It wasn't really easy. Hindi nawala kahit kailan sa isip ko si Sai. I've installed and uninstalled Facebook several times in an attempt to contact her. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho para hindi ko na siya isipin.
Mayroon akong nakatrabaho who reminded me so much of Sai. She also liked strawberry cakes and we got along really well. We started hanging out even outside of work.
We almost kissed, but I stopped myself right before it happened. I apologized to her and after that, we just kind of avoided each other at work. It became awkward.
I was tempted to make her a replacement for Sai. Kaso I know the feeling of being a replacement. I was, after all, a replacement for Cedric.
I did nothing for a whole year but worked endlessly. I even got promoted as a general manager. I was supposed to stay in London for only a year but the pandemic happened and a lot of things changed at work. They requested me to stay and extend my contract for another year.
I remember what I said to Sairyl. We will meet again after a year if we still have feelings for each other.
I definitely still love her even after a year. I was never able to forget her. How could you even get over someone who became your whole world? I was never this crazy about love before I met her. Tangin* kasi ni Sai! Sa kanya lang ako nagkaganito. Ayaw ko na pero gag* 'tong puso ko, ayaw tumigil.
Gusto ko ng bumalik at puntahan siya.
'Pero paano kung nakalimutan niya na ako? Paano kung may iba na siya?'
Tang*na rin nitong utak ko. Kung anu-ano iniisip. Naiinis ako sa puso at isipan ko, may sari-sariling mundo.
Sa huli, tinanggap ko ang contract extension. Nanalo ang utak ko habang sumisigaw ang puso ko ng, "duwag!"
Nang lumipas ang taon na puro trabaho ay natapos din sa wakas ang kontrata ko sa London at nagdesisyon akong bumalik sa Pilipinas. Nag-request ako ng isang buwan leave at pinayagan naman nila ako dahil sa dalawang taon ko sa London ay hindi ako kailanman gumamit ng leave.
Nang matapos ang quarantine ko ay agad akong nagtungo sa bahay niya. Wala akong balak magpakita, gusto ko lang naman silipin kung kumusta na siya. Ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko siyang lumabas ng pinto. Ganoon pa rin siya katulad ng pagkakatanda ko sa kanya. Napakaganda pa rin niya. F*ck, I still really love her. Hindi nabawasan kahit konti. Tang*na talaga.
Hindi ko alam pero agad hinanap ng mga mata ko ang kamay niya at napabuntonghininga nang makitang wala itong suot na singsing. Ewan, pero hindi maalis sa isip ko na baka may iba na siya.
Nakita ko siyang pumasok sa sasakyan na nakaparada sa garahe niya. She's driving now? She overcame her fear and anxiety? Kailan pa?
Sinundan ko ang kotse niya at nagulat ako nang makita kong pumarada siya sa tapat ng Sweet Home. Wait, iba na ang pangalan nila? Nagtaka ako nang makita kong 'Sweet Love' na ang nakalagay sa sign ng store.
Inayos ko ang mask ko, sinuot ko na rin ang shades at saklob ko bago bumaba ng sasakyan at sundan siya sa loob ng store. Binati agad ako ng mga tao sa loob, pati na rin siya, pagpasok ko. Mukhang ako ang una nilang customer. Nagtungo ako sa cashier at umorder ng kape at cake. Habang abala ang kahera ay pinagmasdan ko si Sairyl na kinakausap ang isa sa mga empleyado habang may hawak siyang chart. Ma'am ang tawag sa kanya ng mga ito. Did she change her career?
"Upo muna po kayo sir, tawagin po namin kayo kapag okay na." Ngumiti ako sa kahera kahit may mask ako. Napansin kong nagtungo na si Sairyl sa isang gilid at naupo don habang binubuksan ang kanyang laptop. Bago ako umalis sa counter ay nagtanong muna ako sa kahera habang patagong tinuturo ang direksyon ni Sai.
"Miss, ano siya dito?"
"Ah, si ma'am Sai. Siya po ang may-ari. Bakit po?"
"Ah, wala. Thanks," sabi ko bago bumalik sa aking upuan.
Habang hinihintay ang aking order ay pinagmasdan ko siya habang seryoso siyang nakatingin sa laptop. Namangha ako nang marinig ko na siya ang may-ari ng shop na ito. Nabuo niya ito sa loob ng dalawang taon? Paano niya ito nagawa?
'Baka may nakilala siyang lalaki na sumuporta sa kanya and brought out the best in her. Unlike you.' Minura ko ang isip ko dahil kung anu-ano na naman ang sinasabi nito. Pero paano nga kaya kung ganoon?
Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ang pangalan ko. Tumayo agad ako at habang naglalakad papuntang counter, ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin. Nang makabalik na ako sa upuan ko ay ramdam ko pa rin ang mga titig niya.
Hinihintay niya bang tanggalin ko ang mask ko? Iniisip niya pa rin ba ako? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang bumalik na ako?
I hesitate to remove my mask. My stupid f*cking brain is feeding me negative thoughts that I chickened out. Nilabas ko na lang ang cellphone ko upang pakalmahin ang sarili ko.
I search her name and store online. I found her store's website. I learned so much about her from their website's blog page. I found out how she started and how she grew the store. I also learned how many things she's achieved on her own. I feel so proud of her. She's done a lot and became successful for the past 2 years. I also admire the fact that she's finally doing something she's passionate about.
Ibinaba ko na ang cellphone ko sa lamesa at tumingin ako sa labas upang pagmasdan ang ulan. I think about how she's grown into a completely different person after we broke up. She definitely turned for the better. Maybe it really did us good to be separated from each other.
I turn my head in her direction and I meet her beautiful eyes. She immediately looks down on her laptop.
What if I come back to her life and we just start hurting each other again? Heck, I don't even know if she feels anything for me.
Having those thoughts, I stand up and take the tray to the counter. I ask to have it take out. Umalis din agad ako pagkatapos nilang iabot sa akin ang take out bag.
The next day, bumalik ako. I just did the same thing. I repeated this again the next, next day. And I still did the same thing in the end. I don't have the courage to approach her. I just watch her as she works with so much fervor around the store. She manages complaints with such intelligence, patience and confidence.
Minsan kapag nag-iikot siya ay napapadaan siya sa gilid ng kinauupuan ko. Kapag nangyayari 'yon, pinipigilan ko ang sarili ko na hilahin ang kamay niya at yakapin siya.
Sa ika-pitong araw ng pagbisita ko ay may ibang nangyari.
Hindi tinawag ang pangalan ko para sa order kundi hinatid ito mismo sa lamesa ko. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Sai na naglapag ng tray. Nakapameywang siya.
"Sir, araw-araw ka na rito. Oorder ka ng dine in tapos ipapa-take out mo rin pala. Anong trip mo?" Iritable niyang tanong. Sa ilang araw ko siyang pinagmasdan, hindi ko pa siya nakitang magalit sa customer kahit pa may mga ilang matindi magreklamo. Nahuli niya na ba ako?
"Ano, sir? Kung oorder po kayo, sa counter pa lang mag-decide ka na kung magte-take out ka." Hindi ako makaimik dahil natatakot akong mabosesan niya.
"Hindi ka ba talaga iimik? Hindi mo ba talaga aalisin 'yang mask mo? Hindi mo ba talaga ipapakita ang sarili mo sa akin?" Bigla siyang umiyak na ikinagulat ko. Napatayo agad ako at hinawakan siya kaso pinalis niya lang ito at tumalikod na sa akin. Naglakad siya palabas ng pinto.
"F*ck," napamura na lang ako at naglakad na rin palabas upang sundan siya. Nang makalabas ako ay nakita ko siyang papasok ng sasakyan niya, kaya agad akong nagtungo dito. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at umupo. Nagulat siya ngunit agad din sumigaw upang paalisin ako.
"What do you think you're doing?" galit na sigaw niya. Hindi ko siya pinansin at umabante ako sa harap niya upang higitin pasara ang pinto niya at pindutin ang lock button. Tinanggal ko na ang mask ko at tinanggal ko rin ang kanya. Nagkatinginan lang kami at mas lalong lumakas ang iyak niya.
"Hihintayin mo ba talagang magalit at umiyak ako bago mo ipakita ang sarili mo? Hindi mo alam kung anong klaseng anxiety ang binigay mo sa akin sa mga nagdaang araw!"
Inabot ko ang kamay niya at parang sasabog ang puso ko nang magdaop muli ang mga palad namin. Na-miss ko 'to, na-miss ko siya ng sobra.
"Sorry, Sai. Natakot kasi ako na baka kinalimutan mo na ako at wala na ako para sa 'yo," pag-amin ko sa kanya.
"Sira ka ba? Ikaw ang nagsabi sa akin dati na kapag may nararamdaman pa rin tayo sa isa't isa makalipas ang isang taon ay magkikita ulit tayo dito, 'di ba? T*ngina, Brian. I rented the place just so I can wait for you to come back again. Hindi ka bumalik last year at sobrang nasaktan ako doon! Kahit ganoon pa man, umasa pa rin ako na babalik ka. Tapos ngayon, bumalik ka na pero hindi ko maintindihan kung ano bang ginagawa mo." Hinigit niya ang kamay niya mula sa akin upang itakip ito sa luhaang mukha niya.
Muli kong kinuha ang mga kamay niya at inalis ito sa mukha niya, nilipat ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya at pinunasan ng aking hinlalaki ang mga luha. Inangat ko ang mukha niya upang magtama ang mga mata namin.
"Pasensya na kung natagalan akong bumalik. Pero alam mo, Sai? Mahal na mahal pa rin kita."
Kinagat niya ang ibabang labi niya at tinitigan lang ako bago siya nagsalitang muli. "Maniniwala ka na ba sa akin ngayon kapag sinabi ko sa 'yo na mahal na mahal din kita?"
Ngumiti ako sa kanya at sinabing, "I'm ready to trust you with my heart again. Let's make it right this time, my love."
I lean forward to kiss her. I mean to do a quick kiss but feeling her soft lips again, I couldn't control myself to go deeper and longer. The way she kisses me back makes me feel like she longed for me as much as I yearned for her. We are almost out of breath when we break away from the kiss. We just stare at each other as we try to breathe.
I'm so scared to blink because she might disappear from my sight, just like every dream I had for the past years. But when I blink, she's still here. I'm still holding her. This is not a dream. We're finally together again.
I start to cry as I pull her closer to me and surround her with my warmth. Without notice, big and heavy raindrops start pouring.
"Alam mo ba," narinig ko siyang magsalita sa ilalim ng yakap ko, "dati, ayaw ko sa ulan. Tuwing umuulan kasi, parang may hindi magandang mangyayari. Pero ngayon, the sound of it feels like it's muting everything around us and it's making me focus and listen to your heartbeat better."
"Brian?"
Humiwalay ako ng konti sa pagkakayakap sa kanya upang tingnan siya nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Hmm?"
"Buksan mo ang compartment sa harap mo, kunin mo ang pouch ko d'yan." Sinunod ko naman siya at inabot sa kanya ang pouch. Binuksan niya ito at inabot niya sa aking kamay ang laman nito. It's the same red box I gave her the day we broke up.
"I'm giving this back to you," sabi niya. "Handa na akong maging Mrs. Esquivel kung handa ka na rin."
When was I not ready for her? Agad kong inilabas ang singsing sa box at isinuot ito sa kanyang palasingsingan. Inangat ko ang kamay niya at nilapatan ito ng halik.
"I love you, Sairyl."
Kapag nagmahal ka, ibinibigay mo ang puso mo sa taong maaari kang saktan, lokohin at iwanan. Gayunpaman, pikit-mata kang magtitiwala na iingatan ng taong ito ang puso mo dahil alam mo na ito rin ang gagawin mo para sa kanya.
Ang pag-ibig ay hindi lang basta pag-ibig. Naglalaman ito ng maraming bagay katulad ng respeto, pag-unawa at tiwala.
Kaya naman kahit parang emotional rollercoaster ang naramdaman ko sa pagsasama namin ni Sai, magpapatuloy akong magtiwala dahil gusto ko pang matuto ng maraming bagay na hindi ko alam tungkol sa pag-ibig.
When the most beautiful girl in the world says the sweetest "I Do" in front of the altar while looking directly into my eyes, I just couldn't stop thanking the heavens for letting me find her among billions of people. Grabe, sobrang worth it ng lahat.
-
A/N: WOO! Isang chapter na lang before we finally end this story. Thank you for staying with me hanggang dito and hopefully, you stay and read the last chapter once I upload it.
If you're not part of our Facebook group yet, feel free to join us here and let your co-readers know your thoughts about the story: https://bit.ly/dennysaurs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro