Chapter 15
Hey readers! I've made a Spotify Playlist for LAL's featured songs, will add more songs as the story progresses! Here's the link if you want to check it out: bit.ly/LALplaylist
As for Kyla's side story (Like Chalk And Cheese), I will be postponing it. I'll need to focus on a paid project: Every 30 Seconds Of You and completing the revision of The Most Painful Battle. Sorry, unexpected changes in schedule and deadlines! Hehe!
-
Chapter 15
"Girlfriend kita?" Kumunot ang noo ni Brian nang sabihin ko sa kanya kung sino ako. He just recently woke up and because of his amnesia, he could only recall remote memories and his most recent ones were in a haze. Sabi ng doktor, mukhang nabura raw ako sa alaala ni Brian pero temporary lang naman iyon. Ang suhestiyon ng doktor ay tulungan ko lang daw siyang bumalik ang mga alaala niya sa pamamagitan ng madalas na pakikipag-usap sa kanya at pagpapaalala ng mga panahong magkasama kami.
"Yup, we just recently started dating. Here," I smiled while I handed a piece of apple I just tried to peel for him. Kinuha niya naman ito ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pagkalito, it seems as if he's trying to rack his brain in search of his memory of me.
"Paano tayo nagkakilala?"
Napatigil ako sa pagliligpit ng mga pinagbalatan ko ng mansanas. Hindi agad ako nakasagot kaya inulit niya ang tanong niya. Nagbuntong-hininga ako at sinubukang ngumiti sa kanya.
"Pinakilala ka sa akin ni Kyla, 'yong pinsan mo na siyang bestfriend ko." Kinumpirma ng pagtango niya na naalala niya si Kyla. Nagpatuloy ako sa aking kwento. "First date niya kasi 'yon tapos pinipilit niya akong samahan siya, pero dahil wala naman akong maisasama sa date ay ipinakilala ka niya sa akin. It went well naman and we started liking each other after that hanggang sa naging tayo na."
Marami pa siyang mga kasunod na tanong tungkol sa aming dalawa at sa lahat ng tanong na 'yon, hindi ko binanggit ang pangalan ni Cedric. Mukhang nakumbinsi naman siya sa mga kinuwento ko sa kanya at simula noon, 'yon na ang naging katotohanan sa relasyon naming dalawa. Even after 7 years, walang kahit isa sa aming dalawa ang nagbanggit ng pangalan ni Cedric.
7 years of peace. Akala ko tuloy tuloy na ngunit isang araw, bigla na lang siyang bumalik at sa panahon pa talaga kung saan maraming kaguluhang nangyayari sa buhay ko.
"Excuse me, do I know you?"
Hinigpitan ko ang kapit ko sa panyong nakatakip sa kalahati ng mukha ko at umiling-iling sa tanong niya. Ayaw kong umimik dahil baka makilala niya ang boses ko.
"Oh, sorry. I thought you were someone I knew." I try not to let out a loud sigh so I wouldn't be obvious. Hindi na rin naman niya ako kinulit at ibinalik na lang ang tingin niya sa cellphone niya. Mayamaya lang ay tumunog ito at may kinausap siya sa kabilang linya hanggang sa magbukas na ang elevator. Nauna na siyang lumabas at lalong lumakas ang kaba ko nang marinig ko ang mga taong nakasalubong niya na binabati siya ng, "Good morning, sir!"
"Hi, good morning! Are you here for your first day orientation?"
"Ma'am?"
"Ma'am? Hello? Okay lang po kayo?" I think natulala ata ako dahil wine-wave ng receptionist ang mga kamay niya sa harap ko para siguro mag-snap out ako sa pagkakatulala ko.
Inilagay ko ang ilang strand ng buhok ko sa likod ng tainga ko para itago ng konti ang pagkahiya ko. "Y-yes, sorry. First day ko po rito, I was told na may HR orientation muna kami before going to our workstation."
Pinasulat niya ang pangalan ko sa guest list nila at sinabing mabibigyan ako ng biometrics access after pa raw ng orientation. Pinaupo niya muna ako sa couch kung saan may mga ilan na rin sigurong newbies ang naghihintay. Mayamaya lang ay tinawag na kami at pinapunta sa orientation room.
We start by introducing ourselves muna at kaunting icebreaker activities. Mayamaya lang ay naglabas na ng PowerPoint presentation ang HR na nag-welcome sa amin. It's an introduction about Nimble. Pakiramdam ko nawala lahat ng dugo sa sistema ko nang makita ko ang pangalan sa taas ng organizational structure — Cedric Fontanilla, CEO.
"And oh, you guys are lucky! Our CEO lives in Australia but due to Nimble's expansion projects, he's in the country for a few months! He's just in a meeting but he's promised us to greet the new hires today once he's done."
I pray so hard that his meeting never finishes. I'm starting to regret my decision of choosing this company over Brian's friend's company. I also regret not doing my research about this company, if only I looked it up online, I would've known immediately that Cedric owns Nimble. Pero how would I've guessed? Nimble is an international company based in Australia and I didn't think it would be owned by a Filipino.
"Ms. De Mesa, are you okay?"
Hindi ko napansin na pinapalo ko na pala ang folder ko sa noo ko kakaisip tungkol kay Cedric. Namula ako sa hiya nang tingnan ako ng lahat ng nasa kwarto. Agad kong ibinaba ang folder sa lamesa at nag-sorry. Nagpatuloy ang HR sa presentation niya hanggang sa may kumatok, kinabahan ako akala ko si Cedric na pero nawala rin ang kaba ko nang makita kong babae ang kumatok.
"Sir Fontanilla's meeting is done. He will be here in a few minutes." Agad din naman bumalik ang kaba ko nang marinig kong sabihin niya iyon. I guess she's his assistant.
As soon as umalis na ang babae, nagtaas agad ako ng kamay.
"Can I use the toilet?" Knowing Cedric is going to be in this room any minute, I need to find ways to avoid him.
"But Miss De Mesa, our CEO will be here in a few minutes. He's just going to say hi to you guys. It will be quick, can you wait until then? It's a rare opportunity to have our CEO here in the country and it will be nice for you guys to meet him on your first day."
Nope, it is not nice for me. I want to say that pero I stop myself.
"Sorry po, but I really need to go. I'll be quick lang po." Nagsinungaling ako para makumbinsi siya at mukhang gumana naman, pinayagan niya na ako lumabas ng room. Tumayo agad ako at naglakad na palabas ng pinto. Hahawakan ko pa lang ang handle ng pinto para buksan ito ay bigla na itong bumukas at bumungad sa akin ang nagulat na mukha rin ni Cedric.
Sh*t. Ang bilis niya!
"Sairyl?"
Hindi ako makaimik o makagalaw sa kinatatayuan ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Parehas naming hindi inaalis ang tingin sa isa't isa, parehas na hindi makapaniwalang nakatayo kami ngayon sa harapan ng isa't isa.
"Oh! Sir Fontanilla is here already. Ms. De Mesa, can you let him pass?"
"Ah sorry po. Excuse me, sir." Tumungo ako at sinubukang dumaan sa gilid niya ngunit nang makalagpas na ako bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako.
"Can you stay for a bit? I'd like to personally welcome you to the company. I'll be quick."
Everyone in the room is looking at us and with Cedric holding my hand, I feel like I'm receiving too much attention. I didn't want to make unnecessary scenes on my first day at work so I tried to discreetly remove his hands from mine and agreed to stay.
True to his words, saglit nga lang siya. Nag-introduce lang ng sarili niya at winelcome kaming mga new hires, umalis na siya pagkatapos. I thought he would look at me before he leaves pero hindi ito nangyari. I feel some relief with that.
The orientation finishes at lunch time and we are guided to our departments. Sumalubong sa akin ay si sir Jack, Finance Team Leader, at siya na rin ang nagpakilala sa akin sa mga bago kong ka-team.
"Hi! I'm Hannah Fuentes," Ini-extend agad ng new seatmate ko ang kamay niya sa akin. She looks really beautiful, her long curly blonde hair stands out the most. I could feel na she has a strong personality. Inabot ko ang kamay niya at napansin ko ang butterfly tattoo sa gilid ng index finger niya, she is also wearing ear piercings. I also can't help but feel envious of her blessed chest and long legs which shows through her mini skirt.
"I'm Sai. Nice to meet you."
"Yeah, yeah. No need to be formal here, we're all chill!" Nag-wink siya sa akin sabay palobo ng bubble gum niya na pinutok niya rin agad.
"Matagal ka na rito, Hannah?" Dahil mukhang hindi naman busy si Hannah ay nakipag-usap muna ako sa kanya para magkapalagayang loob kami.
"Hmm, mag-three years na rin. Okay dito so far sa experience ko, mage-enjoy ka! Dami pang gwapo dito! Speaking of, nakita mo na CEO natin?" Tumango lang ako bilang sagot. "Minsan lang 'yon umuwi dito sa Pinas, sarap sa mata pag nandito siya, sana hindi na bumalik ng Australia. Alam mo target kong akitin 'yang CEO natin. Isipin mo gwapo na, mayaman pa. Balita ko single rin! Jackpot!"
For someone na nakilala ko pa lang, medyo nabibigla ako sa pagiging sobrang straightforward ni Hannah. Walang preno ang bibig.
"Ikaw ba, bet mo CEO natin?"
"Hindi ah!" Nagulat ako sa tanong niya at hindi ko alam kung nasobrahan ang pag-iling ko ng ulo ko.
"Grabe ka naman maka-hindi! Dami kaya rito sa office ang may crush sa kanya, 'wag ka na mahiya."
"Hindi naman sa ganoon. Meron na kasi akong boyfriend kaya hindi ako interested sa ibang lalaki." Napilitan akong tumawa.
Tumango-tango siya, "Ah gets, may boyfriend ka na pala. Ilang taon na kayo?"
"Seven years."
"Ah, tagal na rin. Alam mo 'yong seven-year itch?" Umiling ako. "Sabi nila, most of the couples, nagbe-break daw on the 7th year. There's research about that actually, try mo i-Google."
"Um . . . okay, sige." I don't know bakit niya sinasabi sa akin ang ganoong negative na information pero tumango na lang ako for less arguments.
"What I'm saying Sai is don't get yourself stuck with just one guy when you can have more than one. Or if you want to stick to one, go for the best deal. Katulad ng CEO natin, mga ganyang package deal."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi ako naka-imik. Bigla na lang siyang tumawa sa reaksyon ko. "Joke lang! Sorry, baka tinatakot na agad kita sa first day mo. You don't have to listen to my bullsh*ts, ganito lang talaga ako. Stay loyal if you want pero masanay ka na sa akin, I talk like this all the time. I don't mean to offend you, I just don't take relationships seriously."
Well, I guess Hannah is nice but just weird. She's actually serious kapag naka-work mode na siya and she's been really helpful sa pago-onboard sa akin sa mga tasks ko. Based sa mga kwento ni Hannah, Cedric's office is supposed to be the one next to us and he goes to our office from time to time as he talks a lot with our CFO to consult about the expansion project. My first day ended at nakahinga rin naman ako ng maluwag dahil hindi ko na ulit nakasalubong si Cedric.
"How's your first day?" Nakangiting tanong sa akin ni Brian pagkasakay ko sa passenger's seat. Papunta kami ng ospital para i-discharge si mama dahil umokay na siya kahit papaano at pwedeng i-monitor at mag-medication siya sa bahay. Nakausap ko na rin ang doktor at sinabi kong mga second or third week ng month, ipapa-opera ko na si mama. I don't have all the needed funds yet pero bahala na, gagawan ko na lang ng paraan.
"Okay naman, everyone in the office seems nice." No way I'm telling Brian that I met Cedric and that I'm actually working in his company. "They're actually giving us a welcome party on Friday but I'm not going."
"Oh, why naman?"
"I just don't feel like having fun, especially that mama is suffering right now. I just want to be there for her."
"Hey Sai, that's not right. You've been through so much for the past few days, I think you deserve to have fun. At saka, I don't think tita would want you to do that. I believe she'd rather see you happy at mas malulungkot siya if nakikita ka niyang stressed, pagod at palaging maraming iniisip. Go for it on Friday, it's just one night, nandyan naman si ate Lalay para magbantay kay tita. Then sa weekends, bawi tayo, dalhin natin si tita to eat somewhere nice."
"Pero Bri . . . "
"No buts, magtatampo ako sa 'yo kapag hindi ka pumunta sa welcome party ninyo." In the end, Brian convinced me to go kahit sa totoo lang, wala talaga ako sa mood mag-party.
The week passed by really quick and for some fortunate reasons, hindi ko na ulit nakasalubong si Cedric kahit nasa iisang company lang kami. Pumapasok siya paminsan minsan sa department namin pero saglit lang at madalas si sir Ray, our CFO, lang ang kausap niya. Ni hindi siya tumitingin sa paligid niya at lalo na sa direksyon ko. I thought he would be bothering me like what he did years ago, but I'm surprised na he's not doing anything at all. Para bang hindi kami nagkita, parang hindi niya ako kilala, parang . . . wala lang. Am I expecting something from him? Pero this is better, at least I can live a peaceful life while working here.
"Okay team, pack up! Time to party!" Sir Ray shouts in the room as soon as we end our shift. Everyone's getting ready to go to the bar reserved for the welcome party. It's near the office and we have one big private room just for us to use the whole night.
When we get there, I sit next to Hannah. It's a long table for the 15 of us in the Finance department. There are lots of foods and of course, alcohol on the table. Mayroon ding karaoke sa harapan namin. Every seat is filled except for the one next to sir Ray which is across mine.
"Sorry guys, just finished the meeting. Did you guys start already?" Bumukas ang pinto at bumungad si Cedric na hawak ang suit jacket niya at nakababa na ng konti ang kanyang gray tie.
"Nah, you're just right in time, mate." Tinuro ni sir Ray ang upuan sa tabi niya. Pumunta naman siya doon at umupo na, saglit na nagkatinginan kami ngunit inalis niya rin agad ang tingin niya sa akin. "Okay I guess, we start the fun?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro