Ikatlong Pahina
"Come on! Nubeyen! Ang pangit!" Bulyaw sa amin ng baklang coach namin "Let's begin from the start and a one and a two. And one, two, three. Go!"
Bumuntong hininga na lamang ako sabay ankla sa braso ni Navy. Yeah, were having a rehearsal. At yung baklang sigaw nang sigaw, yan yung coach namin. Si coach Daisy.
Siya ang nagtuturo sa amin maghanda para sa gaganapin pageant next week. Ambilis nga nang panahon, all day ito ang ginagawa namin ni Navy. Gusto ko na nga magback out sa totoo lang dahil sa hindi ko masikmura si Navy lalo na yung coach na nabigay sa amin kaso wala naman din akong magawa. Required to sa lahat ng subject at kapag umatras ako, yari na ang grades ko. Bwisit kasi yang si Ma'am Jakjakay, pala decide hindi man lang ininform yung isasali. Nakakagigil!
Pasalamat na lang din ako at excempted na ko sa quiz, activities at exams namin at ang masaya pa diyan ay wala ng special project! atleast iwas stress para sa akin.
"Anubey! Nakakainis na Sunshine ha!" Gigil na suway ni Coach Daisy sa akin "Make the forte, sway your hips! Ke gandang babae hindi marunong sumunod! Naloloka ang beauty ko!"
Napaikot na lamang ako ng aking mga mata sa kadramahan niya.
"Opo" Hindi na ko nakipagtalo. Ano naman kasing sense di ba?
Nagitla ako ng hawakan ni Navy yung bewang ko, sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko nginisihan lang ako. Suntukin ko to eh!
"Bitawan mo muna siya papa Navy. Tuturuan ko muna siya ng solo." May pagkamalanding sabi ni Coach Daisy kay Navy.
Tumango naman si Navy sa kanya bago umupo sa tabi at pinanood kami, nakita ko pang kumuha ito ng mineral water at ininom, at ang gago! Kinindatan ko! Tusukin ko yang matang yan!
"Eyes here, Sunshine"
Bumalik ang tingin ko sa baklang coach, nakataas ang isang kilay nito sa akin habang naka cross arms. Antaray lang!
"Bumalik ka dun sa pwesto mo, as in now na!" Gigil nitong utos
Muli naman napaikot ang aking mga mata at parang tinatamad na naglakad sa kemeng stage namin.
"Hold you hips, darling" utos niya sinunod ko na lang.
Masayang tumango si Coach.
"Smile darling" napilitan pa kong ngumiti, "Be proud of who you are"
Sinunod ko na lang siya, ngumiti pa ko ng pagkatamis tamis kahit na asiwang asiwa ako sa ginagawa ko, dagdag pa yung paghubad baro ni Navy ng pantaas niya! Nanonood sa akin si loko!
"Good baby" Coach Daisy commented "Now walk. Walk like a queen!"
I irritated walk to the stage. Inisip ko na akin ang buong entablado. Ilang minuto akong rumampa at nagpose ng kung ano ano sa harap ng coach namin ni Navy bago ko tinapos sa isang ikot, don ko narinig ang maganda at swabeng palakpak ni coach.
"Bravo! Bravo!" Masayang puri niya sa akin, napakrus na lang ako sa kanya at napaikot ang mga mata "Magaling ka naman pala, iha, bongga yung finalè mo pak! Ang ganda ng flip at pag-twirl mo!"
Ofcourse I am that good!
"Thank you po" I shyly smiled. Oo na! Gustong gusto ko talaga ng mga papuri
Nakita ko namang ngising ngisi si Navy sa akin, inismiran ko nga!
"Sige na pahinga ka na!" sabi niya sa akin, tumango lang ako "Papa Navy! Come here na baby! Your next!"
Nakangisi namang tumango si Navy bago pumunta sa kemeng stage namin, ako naman ang pumalit sa kanya na magpahinga, uminom na rin ang ng mineral water dahil fell ko na dehydrated na ko kakapose dun sa rehearsal na yan! Jusme!
"Good papa! Next pose!"
Napatingin naman ako dun kay coach ng sumigaw ito at ganun na lamang ang pagbuga ko ng tubig sa bibig ko sa aking nasaksihan. Napaubo ubo pa nga ako! Punyemes!
"Yan! Yan! Give me more pose baby!" tili ng coach namin.
Ngising ngisi sa akin si Navy dahil nakita niya kong napabuga at napaubo dahil sa tubig. Letchugas kasi siya pano ba naman ang loko na hubad baro lang ay ang pantaas ay pati pala baba hinubad na!
Naka-boxers na lang siya! Jusko! Mga daring pa yung pose niya! Mapapatay ko talaga to gagong to! Tas to namang coach namin tuwang tuwang sa mga nakikita! Kadiri! MAGSAMA KAYONG DALAWA!
"Good. Good" masayang sabi ni coach Daisy "Now, gusto ko namang makita kayo together ni Sunshine." Aniya, nalukot ang mukha ko "Sunshine dear, come on here."
Inis naman akong napabuntong hininga at pumunta sa kinaroroonan nila.
"Magdikit kayo" utos niya sa akin
Nanigas ako. Yieeeeee, kadiri! Ayaw ko nga! Pero dahil matigas ang mukha ni Navy ay hinawakan niya ang bewang ko at pinagdikit kami, siniko ko nga.
"Aaaahhhhh!" Tili ng bakla "Bagay na bagay kayo ang cute lang!"
Napaikot na lang ulit ako ng aking mga mata. Ang OA lang ng reaksyon niya at mukhang enjoy na enjoy naman itong si loko.
"So let's start para matapos na din" sabi ng bakla "And a one and a two, and a one, two, three. Go!"
And that we seriously do the whole rehearsal. Sana lang matapos na ang kahibangan na to!
***
"Hatid na kita, Sunny"
Inismiran ko lang siya habang inaayos ko ang aking mga gamit. Tapos ang rehearsal at wala na din ang baklang coach namin, nauna itong umalis sa amin dahil may busy schedule daw siyang sinusunod. Hinayaan na lang namin ni Navy.
"Stop calling me, Sunny, Navy" naaasar na ko sa kanya "It's not my fucking name"
Natawa naman siya ng alanganin.
"Maganda nga eh, kasing ganda mo" bola niya
Natigil naman ako sa pag aayos ko ng gamit at tiningnan siya ng nakataas ang kilay. Makuha ka sa pagtataray ko!
"Alam kong basketball player ka, Navy, at yang mga klase ng pick up line mo hindi uubra sa akin yan."
Napakamot naman siya ng batok niya.
"Ito naman ang sungit" ngisi niya "Pero ayos lang, alam ko namang bibigay ka sa makamandag kong charms" sabay kindat niya sa akin.
Inirapan ko na lang siya bago ko kinuha ang aking mga gamit at umalis. Sumunod naman siya sa akin.
"Sunny naman, hatid na kasi kita" pangungulit niya sa akin, hindi ko siya pinansin "Kung gusto mo ilibre pa nga kita, sig---"
"No need for you to accompany my daughter, Aguilar"
Napatingin naman kami ni Navy sa taong pumutol sa kanyang sasabihin sa akin and there I saw may dad with his two bodyguard. Ang sama ng tingin nito kay Navy na parang lalapain niya pa ito ng buhay.
Pero itong si Navy, makapal pa rin ang mukha. Nagawa niya pang ngitian si dad! Napaface-palm na lang ako sa gigil sa kanya.
"What's up, Mister Sandoval?" Nakangising bati ni Navy kay Dad.
Hindi naman sumagot si dad at tinignan lang ng mariin si Navy. Mukha namang nahalata ni Navy na hindi siya gustong kausap ni daddy natawa siya ng alanganin at napakamot pa sa batok.
"Let's go, Ayelle" ani ni dad bago pumasok sa kotse pati na nang mga bodyguards niya
Napabuntong hininga naman ako, hindi pa rin kami ayos ni dad at mapasa-hanggang ngayon ay wala pa kaming usap usap na ganap. It's been three week na din and still ganito pa rin ang nangyayari.
Bahay, school, rehearsal at bahay ulit. Hindi ko na nga nakikita si Stacy dahil yung klase hindi ko na naaattendan dahil sa rehearsal na yan! Next week na din kasi ang pageant.
"Hindi pa rin ako gusto ng dad mo" nakangusong sabi ni Navy
Napatingin naman ako sa kanya sabay taas ng isang kilay.
"You think?"
Natawa naman siya sabay kibit balikat.
"Magugustuhan din ako ng dad mo. Maghintay ka lang! Papasan ba't magiging son in law niya din ako sa future di ba?" Mayabang niyang sabi sa akin sabay kibit balikat "Di ba Future Misis Sunshine Ayelle Sandoval-Aguilar?"
Naasar naman ako.
"Ewan ko sayo! Bahala ka!"
Natawa naman siya sa akin sabay gulo ng buhok ko, kinurot ko nga! Kaso kainis! Hindi nasaktan!
"Ayelle!" Inis na tawag ni dad sa akin mula sa kotse.
Napabuntong hininga naman ako.
"Sige na mahal na prinsesa" ani ni Navy "Pumasok ka na sa karwahe, galit na ang mahal na hari."
Inikutan ko lang siya ng aking nga mata.
"Oo na oo na" ani ko " See you tomorrow"
"Yun!" He smiled "See you tomorrow too, my Sunny" sabay kindat niya bago pumasok sa sariling kotse, kumaway pa sa akin ang loko bago pinaharurot paalis ang sinasakyan.
Muli naman akong napabuntong hininga at sumakay na sa kotse ni dad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro