Ikaapat na Pahina
It's been a few weeks at puro lang rehearsal ang ginawa namin. Pagod na pagod na ako, ang tanging araw lang na naging pahinga namin ay Linggo— which is ngayon.
Napatitig ako sa itaas nang kisame ko dito sa sarili kong kwarto at bumuntong hininga— Sobrang pagod na pagod na ko!
Gusto ko mang lumakwatsa sa mall o kung san man pero hindi pwede— Una sa lahat, I'm fucking grounded! Pangalawa, tinatamad ako! Lastly, masakit ang katawan ko!
Pipikit na sana akong muli para matulog nang may kumatok sa pintuan nang kwarto ko, gigil na gigil akong bumangon at pinagbuksan ang pangahas— and there! Bumungad sa akin ang isang katulong na nakayuko habang may hawak na tray na may lamang pagkain— My breakfast!
"Young Miss, pinapaakyat po ni Sir" aniya habang inaabot sa akin ang tray na may lamang pagkain. "Kumain na daw po kayo"
Ngumiwi ako at agad kinuha ang tray pagkatapos ay sinaraduhan ko na siya agad nang pintuan gamit ang pagsipa ko nang paa ko— Ke-aga aga kasi nang-iistorbo!— FOR HEAVEN SAKE!— It's still five thirty in the morning!
Nailing na lamang ako at agad nilapag sa table bed ko ang tray ko na may lamang pagkain, nagawi ang tingin ko sa gilid nang kama ko and there I saw cutie, my pet, still sleeping comfortably on her bed.
Napanguso ako sa inggit.
My Daddy is an early bird. Kaya maagang nagigising ang mga kasambahay para makapagluto nang agahan, pati ako nasanay na deng ganun— iba lang ngayon, nagising man ako nang maaga I still wanted to fetch my sleep— ANG HIRAP NANG PAGOD! PARANG KINULANG SA TULOG!
Akmang babalik sana ako sa aking pagtulog nang tumunog ang tiyan ko sa gutom, bumuntong hininga ako at tumitig sa tray ko na may pagkaing nakahain na: Isang plato nang dalawang Bacon, one and half garlic fried rice, dalawang Hotdog, meron pang nakahiwalay na sweet-chili catsup, isang mangkok nang mainit na sabaw at isang baso nang tubig.
Inilapag ko ang tray sa hita ko at nagumpisang kumain. I'm glad na walang Milo o kahit anong matamis na inumin dahil siguradong hindi na ko aantukin kapag uminom ako nang ganun.
It had passed a minutes nang matapos akong kumain at agad inilagay ang tray ko sa labas nang pintuan nang kwarto ko— Hindi kasi ako nagpa papasok nang kahit sino dito dahil ito ay private place ko— Ako, si daddy at si cutie pa lang ang nakakaentrada dito— Makakalbo ang iba kapag nagpumilit kaya bantay sarado ito, dad said I must let others enter too para makapag linis nang lugar pero hindi ako pumayag, naiintindihan naman niya and he even saw me na naglinis kada linggo sa kwarto ng ito kaya wala na siyang angal.
Nang ma-double lock ko na ang pintuan nang kwarto ko ay agad akong bumalik sa kama para umupo muna dahil busog pa ko, napatingin pa ko sa bintana at napangiwi na nang tumama ang sikat nang araw sa akin kaya muli akong bumangon para isara ito at harangan nang makapal kong kurtina.
I came back again on my bed at sat. Nainip na ko kaya na-browse ako sa ilang social media at napapailing na lamang kapag nakakakita nang mga walang kwentang post. I was gonna turned my phone off nang biglang mag-pop ang messenger ko sa notification ko.
Pinindot ko ito at napataas ang isang kilay dahil sa hindi inaasahang mensahe sa hindi inaasahang tao.
Navy Aguilar:
Good Morning Sunny! 🌇
Sunshine Ayelle Sandoval:
Ang aga mo namang mambulabog, Navy 😐
Navy Aguilar:
Ito naman, ginu-good morning lang eh. Sungit naman.
Napailing na lamang ako at hindi na siya nireplyan. Inoff ko na ang data para matahimik muna ang notifications ko sa cellphone, pagtapos ay agad nang humiga sa kama— napatitig na naman ako sa itaas nang kisame ko.
Ilang minuto lamang ay napangiwi na ko— Hindi na ko makatulog!
Napasintido ako sa inis at napaupong napabangon sa kama, tumitig ako muli sa direksyon ni Cutie at halos mainggit na ko sa kanya kasi napaka himbing pa rin nang tulog niya samantalang ako— hindi makatulog at inaantok pa!
Bumuntong hininga na lamang ako at binuksan ang TV ko para maglaro nang video games— I always play Mario World kasi nakaka-aliw at the same time, nakakachallenging ang bawat levels.
Wala rin naman akong gagawin kapag lumabas ako nang kwarto dahil grounded ako— Why not spending my time on this room and get free for toxic people. Atleast kahit papaano bumalik ako sa pagkabata ko, napangiti ako nang mapait at sa hindi malamang dahilan napatingin ako sa itaas nang gilid nang pader kung saan nakasabit ang kaisa-isang litrato naming magkasama ni Lola.
Nabitawan ko ang joystick at naiwan ang nilalaro ko dahil para akong nahihypnotismong napalapit sa litratong naming yun ni lola— hindi ko na namalayan pang nakalapit na ko dito at lumuluhang tumitig.
Agad akong lumayo sa litratong iyon at napadapang umiyak sa kama— I Miss Lola— Alam kong matagal nang wala si lola pero masakit pa den sa akin ang pagkawala niya just like mommy— Pareho sila sa aking kinuha and daddy was the only left for me. Mahirap tanggapin pero kailangan kong kayanin.
Pinunasan ko ang aking luha at napatingin sa table bed ko na may nakapatong na litrato nila mommy at daddy na magkayakap— Mom was pregnant that time, they are happy kasi pamilya na sila not until nang binawian nang buhay si mommy dahil sa panganganak sa akin.
I smiled bitterly. Hindi man ako sisihin ni daddy sa nangyari pero para sa akin kasalanan ko pa den— I take away daddy's half, my mommy at habang buhay ko yung dadalhin sa pagkatao ko.
Lumapit ako bahagya sa litratong iyon at pinunasan ito dahil may nakita akong bahagyang alikabok na dumapo— I value this kasi ito lamang ang nag-iisang family picture naming tatlo na magkakasama.
I was gonna go back again on my bed nang mapansin akong kakaiba sa litrato, pinakatitigan ko ito at sa reflection niya ay may napansin akong umiilaw!
Kung hindi ako nagkakamali sa mga Cabinet ko nang libro yun— napatingin ako dun at napakunot noo nang wala naman akong nakitang liwanag. Bumalik muli akong tingin ko sa litrato pero wala na yung liwanag.
Tumawa ako nang pagak at napailing.
"Inaantok pa talaga ako"
Muli akong bumalik sa kama at ipinikit ang aking mga mata at sa hindi maipaliwanag na nangyari— kinain na ko nang panaginip.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro