Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-limang Pahina

"This is the annual night for our next— Mister and Miss Kelson University"

Napahinga ako nang malalim nang marinig ang sinabi nang emcee kasabay nun ang malakas na tilian nang mga kapwa ko istudyante— we, the candidates are still waiting for our turn.

Narito kami sa backstage, we are total twenty candidates— ten girls and ten boys.

"Sunny, panigurado ako tayo na ang panalo dito"

Ngumiwi ako sa ibinulong ni Navy sa akin kasabay nun ang pag ikot nang aking mga mata— yabang talaga nang tubol na to!

"Oh shut up"

I hissed and he just laughed at respond.

"We won't cut that segment! Wag na nating patagalin pa!— Let's give it up for candidates of Mister and Miss Kelson University!"

Nagtilian ang lahat kasabay nun ang pagtawag nila sa unang dalawang pair.

"I'm Ferron Legazpi"
"and I'm Sonia Herrer"
"— And we are the representatives of green lion!"

Muli akong nakarinig nang tilian dahil sa sinabi nang dalawang pares na nagpakilala—  ang bawat representatives nang bawat klase ay hindi hindi binigyan nang pahintulot na magbigay nang pangalan nang kanilang seksyon— na dapat pagbotohan nang judges ang gagamiting kulay at hayop nang bawat candidates, at para na rin walang bias.

"I'm Mark Hacinto"
"and I'm Jenner Meneses"
"— And we are the representatives of Red Shark!"

Nainip na ko sa pwesto ko sa tagal namin matawag, nagpapasalamat nga ako dahil hindi ako bwinisit ni Navy eh— umpakan ko talaga siya!

"I'm Jordan Ruiz"
"and I'm Sweetie Sanchez"
"And we are the representatives of Black Tiger"

Inabot pa kami sa backstage nang ilang minuto at sobrang nabagot na ko— Blue Eagle, Peach Crocodile, Brown Cheetah, White Scorpion, and Yellow Puma had passed at halos magusot na ang mukha ko sa pagkangawit sa pwesto ko.

Mariin akong napabuga nang hangin kasabay nang pagpikit nang mariin— kaya mo yan Shine! Kaya mo yan!

"I'm Diego Vester"
"and I'm May Lee"
"And we are the representatives of Gray Snake"

Napadilat ako nang bigla akong hinila ni Navy papalabas nang stage dun ko na lamang nalaman na kami na pala ang susunod— Shit! Focus focus!

Rumampa kami sa gitna, kaliwa at kanan nang stage— I do remind all the practices that we do— hindi dapat masayang ang paghihirap na ginawa namin.

Nang matapos kami ay agad kaming dumiretso sa mic na naka-ready sa harapan at gitna nang judges.

I smiled.

"I'm Navy Aguilar"

Lumapit ako sa mic.

"and I'm Sunshine Ayelle Sandoval"
"And we are the representatives of Golden Phoenix!"

Napangiti ako nang marinig ko ang tilian at palakpakan nang seksyon ko— sila ang pinakamalakas ang pag-cheer hindi katulad nang iba na mahina lang ang pag-papalakpak sa amin ni Navy— may kaniya kaniya kasing bias.

Nakita kong sumenyas ang isang student coordinator sa amin ni Navy na pumunta sa may gilid kaya agad kaming sumunod— nang papunta kami ron ay dun ko na lang nakita na pumuwesto ang bawat pair candidates base na rin sa numero nila— dun ko na lang den naintindihan kung bakit nasa dulo kami ni Navy.

Kami kasi ang last— number ten.

"Wow! All candidates are on fire partner!" ani nang isang babaeng emcee
"Your right partner! So does the stage!"
"Sino kaya ang makakapag-uwi nang korona!"
"Hmm? Hindi natin yan alam partner"
"Bago tayo pumunta sa talent portion bakit hindi muna natin tanungin ang ibang contestant?"

Muntik pa ko pang maiikot ang mata ko nang humagikgik sa tawa ang babaeng emcee.

"Sige partner"

Pumuwesto sila sa gitna.

"Sino ang gusto niyong tanungin audience?"

Muntik pa kong mabingi nang mahiyawan, tilian at halos magwala ang mga istudyante sa tanong nang mga emcee sa kanila.

"Si number ten guy!"
"Si number two girl!"
"Number eight girl!"
"Ten na lang!"
"One po kuya!"
"Si number four!"
"Kingina gwapo ni number seven!"
"Shit ang sexy nung number three na babae!"
"May number Zero po ba?"
"Ano po status nila?!"
"Kuya at Ateng emcee!"
"Shit! Ang panty ko!"
"Patanong naman po kung may jowa sila!"
"Akin ka na lang kuya number ten!"
"Ang ganda mo number ten!"
"Nine wafu mo! Akin ka na lang!"
"Number five!"
"Miss na may number six! Dito tingin ka naman!"
"Akin na lang kayo kuyang mga gwapo!"
"Pogi ampota!"
"Putspa patanong ako sa kanila!"
"May boyfriend na ba sila?"
"Pansinin niyo naman ako!"
"Ten! Ten!"

Natatawang napailing na lamang sa kanila ang mga emcee, habang ako ay palihim na lamang ngumiwi— sa ganitong event talaga nagsisilabasan na ang mga manyak at malalanding nilalang.

"Tsk. Ibang klase talaga ang charms ko noh, Sunny" narinig kong sabi ni Navy sa akin "Halos lahat nang babae isinisigaw ang number ko"

Pagak akong tumawa sa kaniya.

"Gago ten den naman ang number ko ah"

Ngumisi naman siya sa akin bilang tugon.

"So gwapo ka na pala?"

Nawala ang pagngisi ko kasabay nun ang pag dilim nang aura ko— bigla na lang akong nawala sa mood.

"Ewan ko sayo"

Tumawa naman siya sa aking tugon. Hindi ko na lamang pinansin ang bumaling na sa mga emcee na iniinterbyu pa ata ang isang pair candidates— nagpasalamat naman ako at dahil hindi nila kami itanong lahat.

Dahil pagkatapos nun ay pinadiretso nila kami sa backstage para makapag-ayos na para daw sa talent portion— akmang papasok kami sa kaniya kaniya naming cubicle para magbihis nang pigilan kami nang isang baklang istudyanteng coordinator nang pageant at pinalapit kami lahat sa kanya.

"Guys listen to me kasi ayoko nang paulit-ulit" mariin sabi nang baklang coordinator "Pinasasabi pala sa inyo na magkakaroon ang twist ang pageant na to— you all see this"

Itinaas niya ang maliit na kahon sa amin na may lamang maliliit na papel.

"— bubunot ang bawat isang pair sa inyo kung sino ang sunod sunod na pair na magpe-perform sa stage"

Napasinghap naman kaming lahat dahil dun— Shit! Malas pa naman ako sa mga bunutan!

"— yun ang naisip naming twist para magulat ang lahat na hindi nila aasahan na yung bias pair nila ay hindi naman talaga agad magpeperform— so bunot na"

Tumingin naman ako kay Navy at na-gets naman niya ako kaya siya na ang bumunot para sa aming dalawa.

Ngumiti ang bakla sa aming lahat at pumalakpak bago ihagis sa kung saan ang maliit at walang lamang box na pinagbunutan nang mga pair candidates.

"— great! Sabay sabay niyo ipakita yan! Walang makikipagpalit!"

Nagkatinginan naman ang lahat.

"— Pagbilang ko nang tatlo ipapakita niyo yan sa lahat,"

Tumango naman ang mga bumunot sa maliliit na papel.

"—One, two and three! Go na!"

Muntik pa kong nabuwal sa gulat nang makita ko ang numerong hawak hawak ni Navy— Putangena!

"— sino swerteng nakabunot sa number one?"

Napatingin naman sa akin si Navy na parang humihingi nang tawad— naiinis na umiling na lamang ako sa kanya— Wala nang magagawa nandiyan na yan!

"Kami po" sagot ko

Humarap naman sa amin ang baklang coordinator samantalang ang ibang pair candidates naman ay bumalik na sa kanila kanilang gawain para mag-ayos at mag-ready sa kani-kanilang mga talents para mamaya.

"Be ready by five minutes" sabi niya sa amin "May na-ready naman kayong pair talent performance di ba?"

Ngising ngising idinantay ni Navy ang braso niya sa balikat ko.

"Meron na po ganda" he wink at that gay! At yung baklang coordinator naman biglang kinikig— kadiri! "Sabihan niyo na lang kami pag cue na namin"
"Oh shige"

And that he leave. Inis kong tinanggal ang braso ni Navy sa balikat ko at agad siyang itinulak— sumunod naman siya sa akin pero natigil siya nang makitang papasok ako nang girl's dressing room.

Nginisihan ko siya bago sinarhan.

Agad na kong nagbihis kasi limang minuto lang ang binigay sa amin nung baklang coordinator— hindi na ko nag-abala pang palitan ang ayos nang buhok ko at make-up kasi bagay rin naman siya sa dress na isusuot ko.

Humarap ako sa whole length na salamin at pinakatitigan ang buong kabuuan ko at nang satisfied na ko sa ayos ko ay agad na kong lumabas— dun ko pa nakita si Navy at ang coordinator na lalaki na nag-aabang sa gilid nang backstage para mag-ready.

Agad naman akong nakita nang coordinator at pina pwesto.

"Hingang malalim lang Sunny kaya natin to"

Napatingala ako kay Navy dahil sa binulong niya sa akin at nakita ko naman itong sinsirong sinsiro na nakangiti sakin, gumanti rin ako nang tingin sa kanya.

"— Hindi na namin patatagalin pa! LET'S GIVE IT UP FOR TEAM PHOENIX!"

Napatili at napahiyaw ang lahat nang makita kaming lumabas sa stage. Napatinginan naman kami ni Navy at napangiti sa isa't isa bago pumuwesto sa dalawang upuan at mic na nakahanda para sa amin.

Kinuha naman ni Navy ang gitarang nasa gilid niya at nagstrum tumahimik ang lahat at dun na siya kumanta habang nag-gigitara.

"♫ Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat.
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat.
Naaalala ko pa no'n nag-aagawan ng Nintendo.
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento ♬"

Napapikit ako at dinamdam ang kanta. This is the song that we choose to sing, nakakadala kasi ang lyrics at talagang mahahamplos nito ang puso mo— It was DATI by Sam Conception. After him I started sang my part.

"♫ Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala ♬"

Dumilat ako at tumingin kay Navy.

"♫ Ikaw ang kasama buhat noon ♬"

Tumingin naman siya sa akin.

"♫ Ikaw ang pangarap hanggang ngayon ♬"
"♫ Hanggang ngayon ♬"

We smiled together.

"♫ Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari ♬"

Tumingin naman ako sa mga audience na istudyante at ngumiting kumanta.

"♫ Ako yung prinsesang sagip mo palagi ♬"

And that we sang in chorus.

"♫ Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng
Da-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati ♬"

Ngumiti pa siya sa akin at humarap sa audience— Damn this guy!

"♫ Na gaya pa rin ng
Dati rati ay palaging sabay na mag syesta~"
"At sabay rin gigising alas kwatro y medya ♬"

Umiling siya nang umiling at pinagpatuloy na kumanta.

"♫ Sabay manunuod ng paboritong programa
O kay tamis naman mabalikan ang alaala
Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari~"
"Ako yung prinsesang sagip mo palagi ♬"

Natuwa pa ko nang makitang sumasabay sa aming pagkanta ang mga audience kaya ginagahan pa kami lalo ni Navy.

"♫ Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari ♬"
"♫ Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng ♬"

Muli kaming nagka titigan.

"♫ Nang dati ♬"

Nagkabitawan na lang kami nang tingin nang marinig namin ang malakas na palakpakan nang mga manonood.

Napangiti ako ako dahil dun.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro