Ang Simula
Eight years ago...
(Year 2008)
"Naniniwala ba kayo fairy tales, apo?"
"Opo Lola, lahat po kasi sa fairy tales may happy endings." Pagngiti ko "Gaya po ni Sleeping Beauty, Cinderella, Beauty and the Beast, Frog Prince, Rapunzel, Little Mermaid, at Snow White"
Tumango tango naman si Lola habang ngumingiti din sa akin.
"Tama ka apo, pero totoo ba silang nabubuhay sa reyalidad?"
Napanguso ako sa tanong ni Lola sabay iling.
"Hindi po Lola, kasi hindi naman po sila real eh" ani ko
"Tama ka ulit, apo" sabi ni Lola "Ang fairy tales ay nangangahulugan lamang na ang bagay ay dapat paghirapan. Hindi kasi lahat happy endings kaya lahat ng nasa fairy tales ganun, ipinapakita lamang na ang kaligayahan ay panandalian lamang"
"Eh lola bakit naman pa po puro happy endings ang nasa fairy tales, hindi ko po kasi gets eh. Wala naman po kasing sinabing short happiness dun. Lahat po kasi silang nagkaroon ng forever happiness."
Hindi ako sinagot ni Lola bagkos ay nginitian lamang ako nito at ginulo ang buhok ko.
"Balang araw, malalaman mo rin ang kasagutan sa bakit na yan, apo"
"Lola naman eh!" Pagnguso ko "Sabihin niyo na po sa akin, curious na curious po ako eh"
Muling ngumiti sa akin si Lola.
"Halika rito apo"
Umiling ako.
"Ayaw ko Lola,"
"Sige na apo"
"Sabihin niyo na po muna sa akin Lola yung answer, please po"
Natawa lamang si Lola sa reaksyon ko kaya mas napanguso pa ako.
"O sige na" pagsuko niya
"Yehey!"
Agad akong tumakbo kay Lola para yumakap.
"Tulak mo nga si Lola, may ipapakita ako sayo"
Tumango naman ako at tinulak ang wheelchair niya. Kada daan na tinuturo niya ay tinutulak ko siya sa diretsong yun.
"Dito na lang, apo" nakangiting sabi sa akin ni Lola
"Lola, bakit po tayo nandito sa library niyo?"
Ngumiti lang sa akin si Lola.
"Apo pakikuha nga yung librong iyon" turo nito sa makapal at mukhang lumang libro.
Iniabot ko naman sa kanya ito.
"Ano pong kwento yan, Lola?"
Hindi naman nagsalita si Lola bagkos ay hinaplos lamang nito ang libro habang nakangiti. Tumingin naman siya sa akin pagkatapos.
"Alam mo ba apo na narito sa librong ito nakilala ang iyong, Lolo?"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
"A-Ano po Lola?"
"Ang librong ito, ang buhay ko. At gusto kong maipasa sa iyo bilang kayamanan ko" naiiyak na sabi ni Lola
"Uy Lola, ba't po kayo naiyak?" Natataranta kong sabi sabay punas ng nga luhang tumutulo dito
"Yung tanong mo apo, dito mo malalaman ang lahat ng kasagutan"
Napakunot naman ang noo ko sabay bukas ng libro kaso mas lumalim lamang ang pagkunot ko ng makitang walang nakasulat sa pahina, maski na mga larawan. Wala.
"Lola, wala naman pong nakasulat dito eh. Ni picture wala din, blanko lahat ng page"
Natawa naman si Lola. Hindi na siya umiiyak.
"Hayy, apo. Walang nakasulat diyan dahil wala ka pang ninanais na isulat diyan."
"Say what, Lola. Magsusulat po ako sa book na to. Eh lola, ang kapal kapal nito tatamarin lang ako"
Tawang tawa naman si Lola.
"Balang araw, apo. Balang araw malalaman mo rin ang hiwaga ng librong ito. Ngayon gusto kong itago mo ito, dapat walang makaalam kung hindi ikaw lamang." Bilin niya "Patawarin mo si Lola kung ito lamang ang ipapamana ko sayo sa ngayon"
"Lola, kahit ano pa po ang ibigay niyo po sa akin, okay na okay lang po at tsaka bakit nagbibilin na po kayo ng mana sa akin po?"
Ngumiti lang ng bahagya si Lola.
"Hayy, apo. Pakiramdam ko kasi sinusundo na ko ng Lolo mo"
"Si Lolo po?" Tanong ko, tumango lamang siya "Eh di ba nasa heaven na po si Lolo? Pano niya po kayo masusundo? Di pa po angel na siya? Lilipad po ba siya dito?"
"Siguro apo, ganun na nga" sagot ni Lola "Dun ko na siguro makikita ang happy endings ko, apo. Kasama ang lolo mo. Ang mahal kong asawa"
Ngumiti lamang ako sa sinabi niya.
"Yiee si Lola, kinikilig na yan"
Natawa na naman sa akin si Lola.
"Ikaw talagang bata ka. Sige na apo, kunin mo na yan. Gusto ko nang magpahinga, pagod na ko" sabi niya
Napanguso naman ako.
"Eh Lola, gusto ko pa pong kwentuhan niyo ko sa fairytales, kwentuhan niyo po ako nung about kay Sleeping Beauty"
"Apo, paulit-ulit na lang tayo kay Sleeping Beauty. Alam mo na ang kwento dun"
Mas napanguso ako kay Lola.
"Ihhh, lola. Favorite ko si Sleeping Beauty eh, sige na sige na please po"
Ngumiti lamang si Lola sa akin.
"Hayy apo, inaantok na talaga si Lola. Pagod na ko gusto na ni lola matulog, inaantay na ko ng lolo mo sige na, apo, sa susunod na lamang" pakiusap niya sa akin
Sumusuko naman akong humalik sa kanya sa pisngi at pagkatapos ay yumakap.
"Hayy, ang lambing lambing talaga ng apo kong maganda"
Ngumiti ako ng matamis habang yakap yakap pa rin siya.
"Syempre! Love love kita lola eh" lambing ko dito "Kaya lola, wag po kayong aalis ah? Wag mo po akong iiwan."
Hindi sumagot si lola at hinaplos lamang ako nito sa likod, pataas at pababa.
"Apo, may mga bagay na kailangan umalis para may dumating"
Kahit hindi ko naiintindihan ay tumango na lamang ako.
"Tsaka apo, lahat may dahilan. Lahat ng nasa pahina ay tunay, damhin mo lamang"
Tumango akong muli at tsaka lumayo sa kanya.
"Sige na po Lola, sleep na po kayo, babalik na lang po ako mamaya" sabi ko "Promise lola. Dito ka lang po ah?"
Tumango naman siya.
"Pinky promise" ani ko sabay labas ng pinky ko.
Tumango naman si Lola sabay labas rin ng kanyang pinky.
"Pinky promise, apo" sabi niya "Lola will be always by your side, hinding-hindi ka iiwan ng lola. Mahal na mahal kita aking apo"
"Love love din po kita ng sobra lola ko"
At dun na namin pinagangkla ang aming mga hinliliit sabay tawa namin pareho.
Mahal na mahal ko ang lola ko, siya na kasi ang tumayong mommy at daddy ko. Namatay kasi si mommy ng ipinanganak niya ko, si daddy naman bihira ko lang makita, busy kasi siya lagi sa work.
"Sige na apo"
Tumango naman ako sabay kuha nung librong ibinigay sa akin ni Lola. Dumiretso ako sa aking kwarto at agad kong itinago sa bag ko yung binigay niya.
"Baby"
Tumingin naman ako sa likod ko at nakita ko si
"Daddy!"
Tumalon ako sa kanya pagkakita ko. Sinalo naman niya ako at binuhat.
"Where did you go, dad?"
"Bakit na-bored ka ba?" Tanong niya na ikinailing ko "Sorry Baby ah, nasa may rancho kasi ang daddy inaasikaso ko lang ang mga naiwan ni mama"
"Don't worry daddy, I didn't get bored. Kwinentuhan naman ako ni lola,"
Nawala ang ngiti sa labi ni daddy.
"Princess what are you talking about?"
"Daddy, si lola po kwinentuhan ako, she's in the wheelchair sa library"
Biglang naluha si dad kaya nagtaka na lamang ako.
"Daddy, why are you crying?"
"A-Anak, do you know why we are here?"
Umiling lamang ako.
"Baby, nandito tayo kasi your lola, my mother she was died from heart attack four days ago, nasa plaza siya ngayon, baby. Dun siya nilibing kahapon. I'm s-sorry."
Naiyak ako sa narinig ko, napahagulgol pa ako.
"No! Daddy! No!" Hiyaw ko habang umiiyak, agad akong niyakap ni dad kaya nagwawala ako sa bisig nito. "That's not true! She's alive! K-Kausap ko po siya kanina! Your lying! I h-hate you!"
Nagwawala ako sa bisig ni daddy habang umiiyak, si daddy rin humahagulgol sa iyak gaya ko.
"Let go of me! Let go of me dad!"
Binitiwan naman niya ako at agad akong dumiretso patakbo sa library, sinundan ako ni dad.
"Ayelle!"
Tumakbo akong umiiyak na patungo sa library, humahangos pa ko at hinihingal ng binuksan ito. At halos manginig ako sa kakaiyak ng wala akong madatnan kung hindi wheelchair ni Lola na may larawan niya at rosas na puti, meron ding tatlong kandilang nakasindi sa paligid nito.
"L-Lola" umiiyak akong lumapit dun at kinuha ang litrato nitong nasa wheelchair, niyakap ko pa ito "No! Lola! You promise me! You p-promise me!" Paghagulgol ko
Naramdaman ko namang niyakap din ako ni daddy gaya ko umiiyak din ito.
Lola broke her promise. She left me. No, She left us.
"Lolaaaaaaaaaaaaaa"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro