PART 3/4
Lourise
Ako si Lourise Pineda. Beauty queen at modelo. Maganda ako at gwapo naman ang asawa kong si Brette. Sa katunayan nga ay sikat ako dahil sa ganda ko. I have a lot of endorsements.
Ang mukha at magandang hubog ng katawan ang puhunan ko at dahilan na rin ng pagyaman namin ni Brette. Pero siguro nga totoo ang kasabihang, 'you can't have it all'.
Sa kamalas-malasang dahilan ba naman at hindi maipaliwanag na penomeno ay nagkaanak ako ng pagkapangit-pangit! I was scared when the doctor took her out of me. They were stunned too!
Isang halimaw kung maituturing ang hitsura nito.
Isang bangungot ang nakikita ko tuwing nakikita ko si Libitina.
Kahit kailan nga ni hindi ko siya nagawang titigan. Kahit kailan ay hindi ko naramdamang mahal ko siya. Ang tanging nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya ay puot. I hate being a mother of a monster. Hindi lang disfigured ang mukha niya, para pa siyang ipinaglihi sa engkanto! I hate it!
Iisa lang ang anak namin ni Brette. Iisa na nga lang, napakapangit pa. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang naging anak namin.
Sinisisi ko ang sarili ko. Nagsisisi akong iniluwal ko pa siya! I wished I just aborted her! I hate Libitina! Malas siya sa buhay ko at kahit anong gawin ko ay hindi ko na 'yon maaalis sa puso at isip ko.
Naghahanda na ako para sa family outing naming tatlo. Tuwing summer kasi ay nag-pi-picnic kami nila Brette kasama si Libitina sa Baguio.
Taon-taon 'yon basta mayroon kaming pagkakataong mamasyal. Iyon lang din kasi ang oras na nakakalabas ng malaya si Libitina. Wala naman kaming magawa dahil kahit naman gusto naming mag-asawa na kaming dalawa lang eh wala rin namang may gustong magtyaga na alagaan si libitina. Natatakot silang lahat sa mukha niya.
Ilang oras ang lumipas ay nakarating na kami sa Baguio.
Naglatag ng sapin si Brette at ako naman ay nag-ayos na ng mga baon naming pagkain. Kaunti lang ang tao sa part na iyon ng park at doon kami sa bandang sulok pumwesto marami kasing nakatingin sa amin dahil diyan kay Libitina kaya sa tuwing pupunta kami dito ay sa sulok kami palagi. Sa walang tao.
Napapalibutan ang park na 'yon ng mga bangin. Nakakatakot dahil may mga parte na walang harang pero sanay na kami.
Masaya kaming nagku-kwentuhan nang magsalita si Libitina.
"Mommy, pwede niyo po ba akong samahang umihi?" Tanong niya kaya dali-dali na kaming tumayo ni Brette.
Magkasama naming tinahak ang daan malapit sa may bangin kasi malayo iyong restroom sa pwesto namin. Alangan namang maglakad pa kami ng pagkalayo-layo para lang sa kanya?
Habang umiihi si Libitina ay nagkatinginan kaming mag-asawa.
Siguro ay mas mabuti pang kami na lang dalawa ni Brette ang umuwi sa Manila. Siguro mas magiging maayos ulit ang buhay ko kapag nawala na ang pesteng pangit na batang 'to. Desidido na ako ng mga panahong iyon. Gusto ko nang mawala sa paningin ko si Libitina.
Nakuha ni Brette ang gusto ko. Sa aking pagtango ay sabay namin siyang itinulak ni Brette at inihulog sa bangin.
"Mommy! Daddy!" Takot na takot na sigaw ni Libitina. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa takot. Umaalingawngaw ang nanginginig niyang boses habang pababa siya nang pababa sa bangin.
Hindi ko alam pero imbes na magsisi ay nangibabaw lang ang saya sa puso ko habang nakikita kong bumabagsak at kinakain ng kadiliman si Libitina.
Nakita ko sa mga mata niya ang sakit, ang mga luhang puno ng takot pero hindi man lang ako natinag.
Agad akong niyakap ni Brette ng tuluyan nang lamunin si Libitina ng bangin kasabay ng nakakangilong katahimikan.
Mas mabuti pang mamuhay ulit kami ng asawa ko sa normal na buhay. Mas mabuti pang mawala na si Libitina para mapanatag nang muli ang puso ko.
Magsisimula kaming muling mag-asawa. Bubuo ng masayang buhay. Masayang-masayang buhay na wala ang isinumpang si Libitina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro