CHAPTER 12: JUST BECAUSE...
Nebula's POV
Nandito kami ngayon nila Viv sa shop ni Jani para mag-catch up. Matagal na rin kasi nang huli kaming nagkitang tatlo. Malapit na rin raw umuwi sila Zadie kaya makukumpleto na rin ang grupo. I think Quina will stay here for good because she will pursue law and Zadie will come back right after our reunion for her promotion. Malayo na rin ang narating naming lima sa tagal ng panahon. Who would have thought that the five girls who decided to live together for college are now professionals?
"Kumusta ka naman, Nebby? Nag-apply ka na ba for your nursing job?" tanong ni Viv.
"Yeah, I'm just waiting for the final interview schedule," sagot ko.
"Saan ka nag-apply?" sagot niya.
"Sa hospital ni Lux. Nag-offer kasi sila ng nursing position sa akin right after ko makapasa ng boards. Eh 'di ba pumasok ako ng law school? So matagal natengga, buti na lang hanggang ngayon up pa rin 'yong position," sagot ko.
"Eh 'di ba you told us na you also had offers in New Zealand? Bakit hindi na lang iyon 'yong kinuha mo? Mas well compensated ka doon and advance ang mga gamit nila doon," sagot niya.
Agad naman ngumisi si Jani nang marinig ang tanong ni Viv.
"Hindi para sa sweldo 'yang si Nebby. May gusto siyang makasama sa hospital na 'yon," sagot ni Jani.
"Sino? The last time I checked, hindi niya gusto si Lux," sagot ni Viv.
"Edi si Long Lost Love niya," sagot ni Jani at malakas na tumawa ng mapang-asar.
Bumaling ang tingin sa akin ni Viv. "Nagkikita na kayo ulit ni Jupiter?" gulat niyang tanong.
"Yes... I brought him sa condo kagabi," sagot ko.
There's no point of lying. Alam ko namang one of this days ay magtatanong rin siya ng status namin. Nadadalas kasi ang soft launching ni Jupiter sa akin sa social media accounts niya. And knowing Viv? Marami siyang connections, lalo sa side ng engineering. Hindi malabong nakakausap niya si Xavier or nakakasama.
"Talaga?! Anong ginawa niyo?" she asked.
"Hinatid niya ko kasi galing kaming Tagaytay kahapon. Nag-coffee kami roon tapos nag-night market," sagot ko.
"Parang ang bilis ng mga pangyayari. Noong nakaraan nag-uusap lang kayo tungkol sa reunion ah," saad niya.
"Well, right after that nag-usap na rin kami about other topics and ayon he invited me for coffee. This Saturday pupunta kaming EK," sagot ko.
"Ay wow, nauna pa kayong mag-EK dalawa kesa tayong lima," she answered.
"He asked for it. Sino ba naman ako para tumanggi eh EK na 'yon," sagot ko.
"Ay sus, ginawa pang excuse ang Enchanted Kingdom. Ang sabihin mo, nangungulila ka lang sa kaniya!" saad ni Jani.
"Grabe! Nasa lover girl era na naman si Nebby! Sana magtuloy-tuloy at wala nang umepal!" saad ni Viv.
Marami pa kaming pinagkuwentohan tungkol sa buhay ng isa't isa. Nalaman ko ring kaya lumipat si Viv ay dahil gusto niya ring mabuhay independently. Well ako naman ay gusto kong masulit na makasama si Jani kasi malapit na rin silang bumukod ni Caleb. Well, kapag naman bumukod na si Jani ay ako na lang ang maiiwan sa condo. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang iyon basta dahil marami kaming memories na magkakaibigan doon at iyon rin ang nagpatibay sa amin sa nakalipas na taon.
Matapos naming mag-catch up ay umalis na rin si Viv dahil may site visit pa raw siya sa Marikina. Ang dami niyang projects ngayong buwan at isiningit niya lang ang meetup namin. Dumaan na rin ako sa hospital para dalhan ng lunch si Jupiter. After dropping by the hospital ay tumungo na ako sa school dahil may mock bar raw kami before kami grumaduate.
Nang maghapon ay napagdesisyonan kong dumaan sa hospital para sunduin si Jupiter. Dumiretso na ako sa lobby para i-text siya at hintayin doon. Kumunot ang noo ko nang makitang papasok siya sa lobby at may dalang bulaklak pero agad ring naglaho nang lumapit siya sa akin.
"Hi Nebby! These are your 'just because' flowers!" bati niya.
"Thank you! Let's go?" sagot ko.
"Give me five minutes. Kuhanin ko lang ang gamit ko then we'll go," sagot niya.
Tumango ako at bumalik sa pagkakaupo. Nagulat ako nang may kumalabit sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay si Lux ito suot ang kaniyang scrubs at doctor's coat.
"Oh, Lux! Long time no talk!" saad ko.
Katulad ni Viv, na-busy rin si Lux sa pag-duty rito sa hospital kaya hindi rin kami madalas na nakakapag-usap. Hindi ko naman maaya dahil parati kong kasama si Jupiter nitong mga nakaraan dahil inaayos namin ang reunion at graduation ko. Siguro ay sa susunod ko na siya aayain kapag umunat na lahat ng gusot.
"Uy, may flowers siya!" asar niya.
"Minsan na nga lang tayo mag-usap mang-aasar ka pa," sagot ko.
"Syempre, minsan na lang rin kita aasarin. Baka bigla na lang ako saksakin ng scalpel ng boyfriend mo eh," sagot niya.
"Hoy, hindi ko pa siya boyfriend!" sagot ko.
Umirap naman siya sa akin na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Kahit kailan ay hindi ako titigilan nito nang hindi nakakaalis ng may chismis.
"Eh ano 'yan?" sagot niya.
"Just because flowers," sagot ko.
Hindi na natuloy ang usapan namin dahil tinawag na siya ng nurse. Mukhang babalik na siya sa duty. Mahina akong natawa nang umirap pa siya sa nurse.
"Shoo! Mag-duty ka na! Bye!" pagtataboy ko.
"Marami ka pang imamarites sa akin!" sagot niya at sumunod sa nurse na tumawag sa kaniya.
Saktong pag-alis ni Lux ang paglabas ni Jupiter sa doctor's lounge. Mukhang marami siyang dala ngayon. May duffle bag siyang bitbit at backpack naman sa kanang balikat. Hindi na siya naka-doctor's coat katulad kanina. He's wearing an oversized shirt and pants.
"Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang lumayas ka sa bahay niyo?" tanong ko.
Maleta na lang kulang, pwede na siyang magmukhang galing out of town sa dami ng bitbit.
"I tend to bring some clothes with me during duty. Ito 'yong clothes na naipon ko for the past two weeks," sagot niya.
Napailing na lang ako sa dami ng labahin niya. Dumiretso kami sa condo building niya. He said that he will cook for me. I insisted that he should rest pero sabi niya ay gusto niya raw na matikman ko ang luto niya. Hindi ko alam kailan siya natuto magluto. Noon kasi madalas lang na may mga pagkain siyang dinadala sa school na luto ng Mama niya at ibinibigay sa akin.
"Na-miss ko tuloy 'yong luto ni Tita..." saad ko.
Kumusta na kaya siya? Hindi ko siya nakikita sa Bulacan 'pag umuuwi ako eh. I tried going to her flower shop but they said na hindi siya pumupunta roon ng weekends. Kaya kahit gusto ko siyang makita ay wala akong chance.
"She also misses you. Ang tagal niya nang kinukulit sa akin na hanapin ka at ligawan ulit," he replied while chopping the onion.
"Kapag umuwi ako, I'll visit her. Nandoon ba daddy mo?" sagot ko.
Kung nandoon ang daddy niya siguradong di rin ako makakatapak sa pamamahay nila. I don't think I am ready to face someone who caused us pain.
"Wala. Madalas na nasa US si Dad para asikasuhin 'yong business namin doon. Since I took medicine and Mars is taking her master's degree no choice siya kundi mag-asikaso ng negosyo namin sa US," sagot niya.
"Bakit hindi sumama si Tita?" sagot ko.
"Wala naman din siyang gagawin roon. Saka Mars and Silas are about to go there na rin. Next month naman graduation ni Mars ng master's niya," sagot niya.
Tumango ako. Bigla ko tuloy na-miss ang bondings namin ni Mars noon. Dati binibili niya pa ako ng make-up pero hindi pa rin ako natutong gumamit. Hanggang ngayon I am keeping everything clean sa sarili ko. Hindi ako madalas gumagamit ng make-up. Kapag may debates lang kami at reportings para maging presentable pa rin.
After he cooked my favorite dish ay hinain niya na ito. One of my favourite dishes is palabok. Kahit noong high school ay parati ko itong binibili sa canteen kahit wala iyong lasa ay pinagtitiyagaan ko makain lang ang favorite food ko.
"I've been learning to cook for the past 10 years. Iyan talaga una kong inaral dahil sinumpa ko sa sarili ko na kapag nagkita ulit tayo maipagluluto na kita ng favourite mo," saad niya.
"Thank you! Kain na tayo!" sagot ko.
Nang tikman ko ang luto niya ay para kong nakita ng rainbows sa mata ko at mga anghel dahil sa sobrang sarap ng luto niya. Halata mong ito talaga ang specialty niya. Everything is well combined.
"Ang sarap naman nito! Parang gusto kong mag-uwi!" Ngumuso ako.
"Sige lang, I made a lot para may ma-take out ka. Sure akong na-miss mo na 'yang food na 'yan," he answered.
After we ate we decided to watch a movie on his tv. Hindi pa naman malalim ang gabi nang mag-decide siyang ihatid na ako sa condo ko. Nag-convoy na lang kami dahil sabi ko ako na mag-da-drive pauwi.
Sabay lang kaming tumapat sa lobby ng condo building ko. Nauna siyang bumaba ng kotse niya at sumunod naman ako.
"Uuwi ka na after?" I asked.
"Nope, dadaan ako kay Josiah. Nagpapasama sa mall eh," sagot niya.
"Okay. Drive safely!" sagot ko.
"May lakad tayo bukas ah. I'll pick you up by 8 am," he said.
Tumango ako. He kissed my forehead and got back in his car. Nang makaalis ang kotse niya ay pinasok ko na sa parking lot ang kotse ko. Nang makarating sa unit namin ay ibinaba ko ang flowers na natanggap sa coffee table sa sala at nagbihis ng pambahay.
Paglabas ko ay nasa sala na si Viv at Jani na tinitingnan ng maigi ang bulaklak sa ibabaw ng mesa.
"Wow, may flowers. True nga ang chismis ni Luxury!" saad ni Viv.
"These are your 'just because' flowers!" basa ni Jani sa note na nakalagay sa bulaklak.
"Akala ko ba may site visit ka sa Marikina? Bakit nandito ka?" tanong ko kay Viv.
"Wala lang, maaga natapos eh. Dumaan na ako rito para makichismis at makikain! Nabitin ako sa chismisan natin kanina eh!" sagot niya.
"May palabok doon sa dining table. Luto ni Jupiter, di ko sana i-she-share sa inyo eh kaso baka bawiin ni Lord sa akin blessings niya," sagot ko.
Agad namang kumuha si Jani ng plato at dinala sa sala ang tupperware. Pinaghatian na nila ni Viv ang dapat sana ay dinner ko. Busog pa naman ako sa kinain ko kanina kaya bibili na lang siguro ko ng dinner.
"Mukhang ang tagal nitong pinaghandaan ah, napakasarap!" komento ni Jani.
"True, parang ang tagal niya nang nagluluto niyan," segunda ni Viv.
"He's been learning it for ten years. Iyon raw una niyang inaral na lutuin para raw kapag nagkita ulit kami ay maipagluluto niya ako," sagot ko.
"Edi ikaw na ang prinsesa. Saan ba nakabibili ng Jupiter? May link ka ba? Send mo nga," sago ni Viv.
Palibhasa kasi ay takot sa commitment itong si Viv kaya wala ni isang nagtagal sa mga kausap niya. Maraming gustong manligaw sa kaniya pero inuunahan niya na ng rejection. Gusto niya kasi munang makagawa ng maraming projects bago mag-settle down.
"May 'just because' flowers, tapos pinagluluto, minsan passenger's princess. Nasa 'yo na talaga ang lahat, Nebby! Tapos graduating ka pa na valedictorian ng law school niyo. Panalo na si Jupiter niyan!" saad ni Jani.
"Same lang, panalo rin ako sa kaniya. He may have a long way in med-school pero nakikita ko sa kaniya 'yong determination na matapos iyon. Kaya nga excited na akong magtrabaho sa hospital soon," sagot ko.
"Ama namin, nasaan ang amin? Parang hindi naman kami anak ni Lord!" saad ni Viv.
"Huwag ka muna matakot sa commitment, bibigyan ka ni Lord niyan!" sagot ko.
When the clock struck 9 pm, Viv decided to go home. Nang maihatid na namin siya ni Jani sa lobby ay bumalik na rin kami sa unit namin.
"Aalis ka ba bukas, Nebby?" tanong ni Jani.
"Yup, pupunta kaming EK ni Jupiter. Sama kayo ni Caleb?" sagot ko.
"Kausapin ko muna si Caleb kung gusto niya. Balitaan kita bukas, double date tayo!" masayang sagot niya.
"Sige!" Pumasok na ako sa aking kwarto.
Agad kong binuksan ang phone ko. Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ang pangalan niya sa lockscreen ko.
Jupiter Elio Armani
Him:
Did you enjoy the day?
Me:
Yeah, pati sila Viv nagustuhan 'yong palabok na luto mo.
Him:
I'm glad they do.
Bukod sa agenda natin sa amusement park tomorrow, may iba ka pa bang lakad?
Me:
Wala na. Inalok ko si Jani kung gusto niya sumama sa atin para double date tayo eh.
Him:
That's good! The more the merrier!
Me:
Nagpaalam ka na ba sa CI mo na hindi ka pwede mag-on call?
Kasi kung on-call ka di kakayanin ng time.
Him:
Yup, nagsabi na ako ahead of time para makahanap sila ng kapalit ko.
Me:
Sino duty roon bukas?
Him:
Si Lux. Lagi siyang nagpapatapat na night shift.
Mukhang may gustong nurse roon.
Me:
Ay weh? Sa bagay, single naman siya.
He deserves to love someone na.
Him:
Ako rin, I deserve to love you.
Gusto kong magtitili na parang teenager dahil sa nabasa ko. Him and his unexpected rizz. Minsan naiisip ko kung tumanda ba talaga kami dahil sa mga banat niya. Updated pa rin ang mga banat na binibitawan niya sa akin.
Pagkatapos naming mag-usap ay nakatulog na ako agad. Kinabukasan pagkagising ay nakita kong bihis na bihis si Jani. Samantalang ako ay kaliligo lang.
"Sama kayo?" tanong ko.
"Nope. May sarili kaming lakad ni Caleb. Enjoy the day together!" sagot niya.
"Okay! Ingat kayo!" sagot ko.
I wore a white oversized shirt and pants and I paired it with a white sneakers. I put my hair into a half bun and put on some light makeup. Hinanda ko na rin ang bag na dadalhin ko. It is just a simple shoulder bag na kasya ang phone at wallet ko.
After a few minutes of preparing myself ay narinig ko nang tumunog ang doorbell. Sigurado akong si Jupiter na iyon. Agad kong binuksan ang pintuan.
"Flowers for my beautiful lady!" He greeted.
He gave me a bouquet of red roses. Tuwing tapos ng duty niya ay binibigyan niya ako ng red roses kaya halos mapuno na ang kwarto ko ng pulang rosas.
"Thank you!" I smiled.
"Pumasok ka muna, aayusin ko muna 'yong mga gamit ko," saad ko.
Kinuha ko sa kwarto ko ang bag ko. Naabutan ko siya sa salang nakatingin sa picture frames ko. Tinitigan niyang mabuti ang graduation picture ko sa nursing school.
"I can't help but admire your beauty. You aged fine just like wine," he said.
"You know what, I prepared a lot for that moment then I realized that that was our dream... It wasn't just me..." sagot ko.
Binuo ko ang pangarap na iyon na magkasama kami, ngunit nakuha ko siya nang wala nang kami. It was tough but seeing where I am now, masasabi kong worth it lahat. Worth it lahat ng paghihirap ko kasi may kinalagyan ang paghihiwalay namin.
Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Marami pa tayong pangarap na aabutin ng magkasama na, Nebula. I promise you that this time, we'll make this right. I love you..." he lovingly said.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko dahil sa sudden realization ko. Kahit nasaktan ko siya ay nakakaya niya pa rin sabihin ang mga salita na 'yon.
"Why are you crying?" He wiped my tears.
"I just realized that despite everything I did to you, nasasabi mo pa rin 'yan... Nakukuha mo pa rin akong mahalin... To be honest, I feel like I don't deserve that... Nasaktan kita at alam kong mahirap 'yong situation na binigay ko sa 'yo..." sagot ko.
"Nebby, don't ever think that you don't deserve that. Deserve mo lahat ng pagmamahal na binibigay ko. I did not stop loving you when you left me in the tides. My love for you is eternal, I'll love you despite your shortcomings and flaws..." He assured me.
"I'm really sorry for everything, Jupiter..." sagot ko.
"Don't ever apologise for something that you cannot control. If fate leads us to that path, let it be. Okay?" sagot niya.
Tumango ako at inaya na siyang umalis dahil panigurado ay maraming sasakyan ang bibiyahe ngayon. Habang nasa sasakyan ay nagpapatugtog ako ng playlist ko. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
When I woke up we're already in the amusement park's parking lot.
"Let's go na, baka mahaba na ang pila doon," saad niya.
Dahil may reservation na kami ng ticket ay nakalampas na kami sa mahabang pila. May express pass na ring binili si Mars para sa aming dalawa.
"Let's enjoy this day, Nebby!" he said.
Una kaming sumakay sa flying fiesta, halos manginig pa ako dahil unang ride pa lang nakakahilo na. Nang makababa ay natatawa na lang ako dahil nagulo ang pagkaayos-ayos na buhok ni Jupiter kanina.
"Gel ka pa ah, nasira rin ng hangin ng flying fiesta!" Sinundan ko ito ng malakas na tawa.
"Fix my hair na lang! Don't laugh!" he answered.
Natatawa akong inayos ang buhok niya. Sumunod kaming sumakay sa Disk O Magic. Isa na namang nakakahilong ride at nakakalula base sa mga reaksyon ng taong nakasakay roon.
"Jupiter, parang ayoko rito..." I said.
"Let's try na, wag ka na matakot. Next ride natin space shuttle!" sagot niya.
Lalong nanlaki ang mata ko at kinabahan sa kaniyang sinabi. He knows my love-hate relationship with roller coasters. Dati kasi ay pumunta kami sa isa ring amusement park sa Hong Kong, isa sa ride na sinakyan ko ay roller coaster na hindi ko nalalaman. I thought it was just a train ride pero umiikot ikot na 'yong train. That's when I realised it was a roller coaster.
Nang turn na namin ay magkatabi kaming umupo ni Jupiter sa ride. Nang tumunog ang bell ay nagsimula nang umandar ito. Umpisa ay mabagal lang pero ilang minuto na lang ang nakalipas ay natagpuan ko na ang sarili kong sumisigaw nang dahil sa takot at sa lula.
Mahigpit akong napahawak sa braso ni Jupiter nang muli kaming umangat. Hanggang sa matapos ang ride ay nakakapit lang ako sa kaniya. Nang makababa kami ng ride ay umiikot talaga ang paningin ko. Buti na lang ay nakaalalay siya sa akin kung hindi ay matutumba na ako.
"Huwag muna tayo sa space shuttle. Maawa ka sa akin, hilong-hilo pa ako," I said.
Hindi nga kami pumunta sa space shuttle, sa jungle log jam niya naman ako dinala. Sumakay kami sa isang log, ako ang nasa harapan at siya naman ay nasa likod. Ang ride ay parang water slide. Narinig ko ang sigawan ng mga nauna sa aming sumakay kaya medyo kinabahan na ako.
Nang makarating sa unang slope ay huminto saglit ang sinasakyan naming log para yata sa suspense at bigla na lang dumulas kaya napatili na lang ako. Parang naiwan pa sa taas ang kaluluwa ko.
Natawa ko nang paglingon ko dahil mukha nang basang sisiw si Jupiter. Kaya sa sumunod na slope ay imbis na sumigaw ay tumawa na lang ako dahil lalo siyang nabasa. Ako naman ay hindi gaanong nabasa dahil wala naman masyadong water splashes sa harap.
"Hindi mo naman sinabing kailangan natin ng sabon at shampoo rito. Sana naipagdala kita," asar ko sa kaniya.
"Ah ganoon, sana ikaw mabasa sa Rio Grande mamaya!" sagot niya.
Kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mukha niya. Nag-rides pa kami sa ibang mga attractions ng park. Nang magtanghali ay dumiretso kami sa food court para kumain. Pagkatapos naming kumain ay sumakay naman kami sa Rialto para hindi mabigla ang tiyan namin sa pagsakay sa extreme rides mamaya.
Nang matapos kami roon ay magaalas tres na kaya dumiretso na kami sa pinaka-famous na attraction ng park, ang Rio Grande. Dahil express pass kami ay medyo mabilis lang ang naging pila. Sumabay na kami sa grupo ng kabataan na nasa harapan namin.
Alam na alam ni Jupiter kung saan ako pauupuin na talagang mababasa dahil pagbaba ng ride ay ako naman ang basang basa. Agad kaming pumasok sa isang dryer rito.
"Ang mahal ng dryer na 'to. Mas mura pa 'yong pagpapa-laundry ko," saad ni Jupiter.
Two-hundred pesos kasi ang isang dryer for approximately six minutes. Masyado ngang mahal para sa six minutes.
"Ako na magbabayad. Kung ikaw kasi umupo roon edi sana hindi ako basa," reklamo ko.
Agad niya namang hinulugan ng six hundred ang dryer. Sa sobrang tagal ay siguradong matutuyo kami nito.
"Oh akala ko ba mahal," saad ko.
"Hindi, joke lang yon!" sagot niya.
Agad na akong tumapat nang magsimula ang dryer. Mukha talaga kaming naligo dahil sa sobrang basa. I don't know how long we've been standing there. Isa lang ang alam ko nang makalabas kami ay tuyo na talaga ang mga damit namin.
Sumakay na kami sa ferris wheel para kahit paano ay di mabigla ang tiyan namin sa mga extreme rides na sasakyan namin. Dalawang ride na lang ang hindi namin nasasakyan, space shuttle at drop tower.
Dahan-dahang umaangat ang ferris wheel at bahagyang humihinto habang tumataas. Tanaw ang sunset at ang buong Laguna sa pwesto naming ito. Habang tumataas ay lalo kong natatanaw ang buong park.
"That's it, I made it..." he suddenly said that made me look at him.
"Ha?" saad ko.
Hindi ko makuha ang context ng sinasabi niya kaya ganoon ang nasagot ko.
"I made you smile again!" He excitedly said.
"I always smile when I'm with you kaya!" sagot ko.
"It's different now. Nakikita kong mas napasaya talaga kita," sagot niya.
"I enjoyed the whole day with you kaya happy na ako," sagot ko.
Madalas kasi kapag sinusubukan naming magsama buong araw ay tinatawagan siya parati para mag-duty sa hospital. Well, hindi ko naman siya masisisi dahil kung nagtatrabaho rin naman ako sa hospital ay ganoon rin ang gagawin ko.
"I'll spend more days with you, my love!" sagot niya.
Nang matapos ang ride namin sa ferris wheel ay sumakay naman kami ng space shuttle kahit manginig-nginig ako sa takot. Nang matapos ay halos masuka ako dahil sa sobrang hilo. He gave me white flower to smell at medyo naging okay na ang pakiramdam ko. Hindi na kami namahinga at tumungo na sa last ride namin ngayong gabi, ang drop tower.
Habang paunti-unting umaangat ang paa ko sa lupa ay nararamdaman ko na rin ang lula. Mas nalulula ako rito kesa sa ferris wheel. Minumura ko na sa isip ko si Jupiter dahil siya ang nakaisip na sumakay kami rito.
Kusang pumikit ang mga mata ko at napakapit ng mahigpit sa barrier nang bigla na lang nalaglag ang sinasakyan namin. Sa sobrang tako ko ay hindi na ako nakasigaw. Feeling ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko ng ilang segundo at para kong mawawalan ng hininga.
I sighed when I felt my feet on the ground. Tumaas na rin ang barrier, agad na hinawakan ni Jupiter ang nanlalamig kong kamay at tumawa.
"Bakit nanlalamig ka riyan? Naiwan ba sa taas 'yong kaluluwa mo?" he asked.
"Umuwi na tayo, ayoko na..." sagot ko.
Tinulungan niya naman akong tumayo at nakaalalay pa rin siya habang naglalakad kami. Nang makarating kami sa isang food truck na may bench na katabi kaya agad siyang bumili ng tubig at meryenda namin.
"Here, drink this so that you can calm down." Inabot niya sa akin ang tubig na bukas na.
After a few sips my heartbeat became stable. Inabot niya naman sa akin ang sandwich at umupo sa tabi ko. Pagkatapos naming kumain ay nag-picture na kami sa iconic carousel. After countless photos we decided to go home.
Halos 10 pm na kami nakauwi ng Manila dahil sa traffic. As expected the next day he went on duty habang ako ay nag-prepare na sa final interview ko. I wore the best outfit I have and the best smile I can give.
"You're hired. Congratulations, Ms. Levine!" Pagbati sa akin ng head nurse.
"Thank you, Ma'am! I'll be glad to work with you!" I professionally answered.
After the interview ay dumiretso ako sa admin para kuhanin ang uniform ko. Agad ko itong nilagay sa bag nang makita ang grupo ng intern na padaan sa hallway. I knew they were interns because of the length of their doctor's coat.
Naririnig ko na naman ang halakhak ni Luxury. Kahit kailan di matigil ang pagtawa ng lalaki na 'yon. Ilang beses siyang napalabas ng OR noon dahil sa kaingayan.
"Hey, Nebby!" tawag niya.
Agad napatingin ang grupo ng interns sa akin. Mukhang sa ibang ward naka-duty si Jupiter dahil di niya kasama ang mga ito.
"Manahimik ka nga. Lakas-lakas ng halakhak mo nakakahiya sa mga pasyente. Baka isipin na nilang sinusundo sila ni Kamatayan!" sagot ko.
"Wow, grabe ka sa akin ah! Anyway, why are you here? Hinahanap mo ba siya?" he answered.
"Nope, I just had some errands to do here. Sige na, I'll go. Let's catch up next time," sagot ko.
Tumango na lang siya bilang sagot at sumunod na sa mga kasama niya. Ako naman ay dumiretso na sa school para sa rehearsals ng graduation. Naging mabilis lang rin ang paglipas ng araw ko at ngayon ay pauwi na ako sa condo unit namin.
I don't know what awaits me in the future but one thing's for sure now. He will be there, supporting me. He will be by my side this time.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro