Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5


"Bakit ganyan ang suot mo?" Nakasimangot na tanong ni Majoi sa kanyang ternong pulang blazer at slacks. "Paano niyan gaganahan ang mga lalaki?!"

Nasa likuran sila at malapit sa kusina. Siya na kasi dapat ang kakanta. 

"S-sorry... Gagalingan ko na lang kumanta.."

"Hindi iyon ang usapan. Alisin mo yang takip ng braso mo!"

May lumapit kay Majoi, ang isa pang manager ng beerhouse na si Lanie, "May Monasterio sa labas."

"Ano?" Bakas ang gulat kay Majoi. "Bakit daw?"

"Yong panganay. Kasama niyang bago mong singer."

Tinitigan siya ni Majoi, "Kaano-ano mo si Levi Monasterio?"

"H-ha? Kaibigan.."

"Patay. Sige, sumalang ka na roon."

"Hindi ko na aalisin ang blazer?"

"Hindi na. Isuot mo na lang kung ano ang gusto mo." Tumango siya at naglakad patungo sa stage. Nagpalakpakan ang mga lalaki nang tapatan siya ng ilaw. Naroon si Levi sa pinakaunahang lamesa at may mga kasama rin na mga taga-bukid, si Raul ang isa, saka si Pedro. May isa pang kasama ito na di hamak na mas matanda rito. Hindi niya kilala pero seryoso ang mukha at may nakasukbit na baril sa beywang.

"Magandang gabi.. Ako si Miranda." Umpuo siya sa high chair na naroon sa gitna. 

Iyon pa lang ang kanyang sinabi ay nagsigawan muli ang mga customer. 

"Ang ganda mo, Miranda! Table ka rito mamaya, ha!" May sumigaw muli sa likuran. Kinakabahan siyang napatingin kay Levi na gumalaw ang panga sa narinig. Tinapik ito sa balikat ni Raul at umiling. Nagsimula namang magplay ang isang sikat na kanta ni Whitney Houston.

'A few stolen moments is all that we share, You've got your family and they need you there
Though I've tried to resist being last on your list, But no other man's gonna do
So I'm saving all my love for you...'

Napatuwid ng upo si Levi at marahang uminom sa bote ng beer na nasa harapan. His stares went heavy. 

'You used to tell me we'd run away together, love gives you the right to be free
You said be patient just wait a little longer but that's just an old fantasy'

She smiled at him, akala nito ha! Talented siya. Sino ngayon ang walang silbi!

'Cause tonight is the night for feeling alright, we'll be making love the whole night through, so I'm saving all my love, Yes, I'm saving all my love, Yes, I'm saving all my love for you

Naging sunod-sunod ang mga request sa kanya. Mabuti at mayroong songbook sa harapan. Kumplete sa minus one casette tapes ang beerhouse kaya marami talaga ang kanyang nakanta. Ang dami niya pang nahakot na tips. 

Pwede pala niyang pagkakitaan ang boses niya. Makapagresign na nga sa bukid para hindi na siya alipinin ni Levi. Natawa siya sa isip, makapaglayas na nga rin.

"Miranda, tara na." Sinalubong siya ni Levi sa may gilid ng stage. Nakita niyang tumahimik ang buong paligid. 

"Miranda, ang laki ng tip ko kanina! Tumable ka sa akin at mas marami pa akong ibibigay. Kakauwi ko lang galing Saudi! Ite-take home pa kita, magkano ka?" May lalaking tumayo sa tabi ni Levi at akmang kukunin ang kamay niya. Napaatras tuloy siya.

Mabilis ang pangyayari dahil kinuha ni Levi ang nakasukbit na baril sa beywang ng kasama nito. Napasinghap ang ilan, lalo na ang mga serbidora na natulala dahil tinutukan na ni Levi ng baril sa noo ang makulit na lasing.

"Levi!" Binalot siya ng kaba.

Naging alerto ang mga bouncer pero ang isang kasama ni Levi ay naglabas din ng isa pang baril at itinaas sa ere.

"Wala siyang paki sa tip mo. Alis." Mapanganib na utos ni Levi.

"Tngina mo, babarilin mo ba ako?" Nagulat ang lasing na gusto siyang itable. "Sino ka ba? Bakit may baril kayo? Bawal yan ah!"

"Monasterio, bata. Umalis ka na riyan at baka hindi ka namin matantya." Sagot ng isa pang kasama ni Levi. Napaatras ang lasing at tumalikod na. 

Napatingin siya kay Majoi na napailing, halatang dismayado sa nangyari. Tiyak na hindi na siya papabalikin pa bukas. Napalabi tuloy siya habang lumalabas ng beerhouse. 

"Dapat ako na ang hinahayaan mo sa ganon, Sir. Baka makarating kay Gov." Narinig niyang wika ng may dalang baril habang tinutungo nila ang parking lot.

"Mabuti. Alam niya nang gago ako, ayaw niya pa rin akong tigilan." Nilingon siya ni Levi. "O? Bakit nakasimangot ka?"

"Aalisin na ako ni Majoi kasi gumawa ka ng eksena!"

"Ano? Ipinagtanggol kaya kita! Gusto mo bang mabastos? Sana ba pinabayaan na lang kita?" Masungit na tanong sa kanya ni Levi, "Pinagbigyan na kita, Miranda. Sinabi ko na sa iyo na ganito ang aabutin mo rito pero nagpumilit ka. Mali ba ako?"

"Levi, kalmahan mo lang 'Pre." Sabi ni Pedro. 

"I hate you!"

Napatingala si Levi, halatang nagpipigil ng inis sa kanya. 

"Bahala ka, Miranda. 'E di bumalik ka don at magsorry ka. Sabihin mo hindi na ako babalik." Mas tumaas pa ang boses ni Levi, bakas ang pagkapikon sa kanya. 

"Levi naman.." Mahinahong wika ni Raul, "Miranda, huwag ka na lang bumalik at magulo rin diyan. Mga guerilla ang protektor niyan at baka isang araw hindi makapagbayad ng revolutionary tax, madamay ka pa."

Napagdesisyunan niyang sumakay sa tricycle ni Raul dahil ayaw niyang sumakay sa motor ni Levi. Ayaw niyang kumapit sa beywang nito. Panay pahid niya ng luha niya sa sobrang disappointment. Mabuti at may tip pa siyang nakuha kundi ay wala pa pala siyang maiuuwi.

Nagmartsa siya patungo sa kubo nang hindi tinitingnan si Levi. Umupo siya sa sofa na gawa sa kawayan at tinakpan ang mukha.

"Huwag mo akong artehan, Miranda."

"I want to go home!"

"I want to go home..." Ginaya pa siya ni Levi kaya mas lalo siyang nainis. "Ang tapang-tapang mo pero hindi mo naman kaya ang sarili mo. Sinabi ko naman sa iyo masama akong magalit sa mambabastos sa iyo."

"But you were overreacting!"

"Overreacting? Hindi mo ba alam ang itsura mo kanina nung hahawakan ang kamay mo? Nasindak ka, Miranda. Alangan namang wala akong gawin!"

Hindi na lang siya sumagot. Nagtago na lang siya ng mukha hanggang sa marinig niyang lumabas si Levi ng kubo. Hindi ito bumalik ng ilang minuto kaya naligo muna siya at nagpalit ng pantulog. Kumuha siya ng mga unan at kumot dahil napagdesisyunan niyang sa salas na lang magpalipas ng gabi kahit alam niyang mahihirapan siya. 

Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pinto. Naramdaman niyang umupo si Levi sa sahig kaya tumagilid siya para hindi makita ang kanyang mukha.

"Hindi ka pa kumakain. Bumili ako ng Jollibee sa bayan. Cheeseburger saka fries at ice cream. Kumain ka muna." Mahinahon na ang boses ni Levi. "Sorry na. Tataasan ko na lang ang sahod mo sa pagpupunas ng plato sa bukid."

"But I want to go home..." Suminghot siya.

"Ganon ba ang gusto mo?"

Tumango siya. She heard Levi sighed.

"Sige, kakausapin ko ang pamilya mo para pauwiin ka na Miranda. Kumain ka na muna."

She stood up and get the food from Levi. Levi did not look at her and went to the room.

---

"Magkagalit ba kayo ni Amo?" Nilapitan siya ni Rose habang nagpupunas siya ng plato. 

Tinaasan ng nito ang sahod niya pero hindi niya naman tinatanggap. Bayaran ba naman siya ng isang libo kada araw. Nahiya siya sa mga nagbibilad sa araw at maliit lang ang nakukuha.

Tiningnan niya si Levi na nag-uutos sa mga magsasaka ng gagawin. Levi is cold, but he's colder. Hindi siya kinakausap at para lang siyang hangin. Ito na rin ang natutulog sa sofa at kung minsan ay hindi natutulog sa kubo at all. 

"Sabi ko kasi nung isang araw, gusto ko nang umuwi..." Nakayukong sagot niya kay Rose.

"Hala ka! Baka naoffend! Ngayon lang kasi nag-alaga ng tao yan ng ganon. Maasikaso nga sa iyo 'e tapos ayaw mo pala sa kanya."

Napalabi siya. "Tingin ko nga rin.. Paano kasi sinabotahe niya ang trabaho ko sa beerhouse."

"Naku! E hindi rin naman talaga maganda ang pamamalakad don, 'e! Kaya hindi rin kami nagtagal ni May. Mabuti nga nauna ka pang umalis. Kami naka-isang linggo pa."

"I know. I need to apologize. May mall ba rito?"

"Bakit?" Kumindat-kindat si Rose, "Susuyuin mo si Amo? Nako, bibigay yan kahit walang regalo! Napakaganda mo e!"

"Lagi na lang kasi siya ang nagbibigay sa akin, may naitabi naman akong pera."

"Sige, mamaya puslit tayong dalawa."

"Hoy! Ano na naman yan!" Napalingon sila kay May na sumulpot na may bitbit na mga baso. "Ikaw, Rose, kung ano-ano ang itinuturo mo rito kay Miranda."

"Hindi ah, nagpapasama lang sa may mall diyan sa kabilang bayan. Sandali lang naman kami. Para maairconan man lang ang kutis ko!"

Ganon nga ang ginawa nila ni Rose, pagkatapos ng pananghalian, dali-dali silang pumunta sa bayan para sumakay sa jeep papunta sa mall na tinutukoy ni Rose. Medyo natrapik silang dalawa dahil mayroong karavan ng mga politiko.

Nakita niya agad sa isang sasakyan ang banner na Monasterio. Napakunot ang noo niya. Kaapelyido ni Levi.

"Ang lakas, 'di pa campaign period ah!" Komento ni Rose habang pinapanood ang magandang babae na kumakaway doon sa isang truck. "Ang ganda talaga ni Leyanna."

"Monasterio, kamag-anak sila ni Levi?"

Tiningnan siya ni Rose na nagtataka, "Bakit? Monasterio ba si Amo?"

"Ang alam ko.."

"Ah, baka. Ang anak ni Gov kasi dalawa ang nasa politika, si Leyanna at Lysias."

Napatango siya at binaling na lang ang atensyon sa mahabang parada. Nang makarating sila sa mall ay naghanap agad siya ng brand na kilala niya. Doon siya pumili ng polo na tingin niya ay babagay kay Levi. 

"Naks, galing mong pumili ah." Siniko siya ni Rose. Isang dark blue polo ang napili niya. Tingin niya ay babagay iyon kay Levi. Pinabalot niya iyon at saka sila nagpunta sa bilihan ng mga cake. Bumili siya ng maliit at pinalagyan niya ng 'Sorry :( '

Pagkatapos mabili ang mga kailangan ay nagmamadali na silang bumalik ni Rose sa bukid. Nadatnan niya si Levi na nakakunot ang noo at palinga-linga. Nang mapadako ang tingin sa kanya ay nagpakawala ito ng buntonghinga pagkatapos ay umiwas muli ng tingin.

"Levi!" Nilakasan niya na ang loob niya kaya lang parang hindi siya naririnig. She stride towards him but he was walking fast. Hindi pa yata siya naririnig. "Levi... Hinihingal na ako." She stopped walking. Lumingon si Levi at inilang hakbang ang distansya nila.

"Bakit, Miranda?" Nakakunot ang noo nito.

"Bati mo na ako Levi." Napapikit siya at winagayway ang bitbit niyang regalo. "Sorry na. Magpapakabait na ako."

"Talaga, Miranda?"

Tumango siya, "Sorry na.. Ayoko pa namang umuwi talaga kaso ang sungit mo kasi!"

"Paano ay napakatigas ng ulo mo!"

"Alam ko, sorry na nga!"

"Bakit ka sumisigaw?"

"Alam ko... sorry na..." Mas mahinahong wika niya. Kinakabahan kasi siya. Naramdaman niya na lang na kinuha na ni Levi sa kamay niya ang mga regalo niya. 

"About sa pag-uwi mo... Hindi pa puwede dahil nasa Germany pa raw ang pamilya mo."

Kung dati ay maghuhurumentado siya pero ngayon ay hindi. She feels it is okay, she feels glad even. Mas magtatagal pa pala siya sa probinsya.

"Binilhan mo pa ng cake ang sarili mo, ha." Tukso sa kanya ni Levi na nagpasimangot sa kanya ng husto habang sinusundan niya ito papasok ng kubo. 

"E di huwag mo akong bigyan!"

"Sabi mo magpapakabait ka na.."  Paalala nito sa kanya.

"Bakit kasi lagi mo akong inaasar?" Reklamo niya.

"Bakit ka pikon?"

"Nakakainis 'e."

Pinanood niyang buksan ni Levi ang cake nang ipatong ito sa lamesa. Umangat ang gilid ng labi nito nang makitang may nakasulat doon sa cake pagkatapos ay kumuha ng tinidor at basta na lang tumusok sa cake ng isang malaking tipak pagkatapos ay tinapat sa bibig niya.

"Ah." Utos nito at sumunod naman siya. She missed chocolate cake! Pinunasan ni Levi ang gilid ng labi niya ng umalpas na chocolates. 

"Medyo gumaganda ka kasi kapag naiinis ka, Miranda."

She doesn't want to admit but her heart fluttered.

"Labas tayo mamaya, Miranda."

"Namiss mo ako 'no?" Tukso niya. 

"Oo." Tumalikod si Levi at kumuha rin ng cake gamit ang tinidor niya. 

---

It was one date after the other. Hindi niya na napansin ang mga araw pero lagi siyang naglalagi ni Levi sa labas. And he pays! Hindi pa siya nakakagastos kahit singko.

Nakangiti siya habang pumapasok sila sa restaurant ng hotel, tatlong bayan ang layo mula sa bukid.

"Levi, baka mahal dito.." Bulong niya habang nakakapit sa braso ni Levi. 

"Masarap ang pagkain dito." Pagtatawanan pa yata ni Levi ang kanyang pag-aalala. "Minamaliit mo ako, Miranda."

Sumeryoso siya at hinila ang braso ni Levi papalapit sa kanya, "Hindi sa ganon, Levi. Okay lang naman sa akin kahit sa mumurahin tayo kumain dahil mabubusog din naman tayo. Ayokong gumagastos ka ng ganito. Now that I know how hard it is to earn money, I don't want to waste it with just food. Marami rin ang nagugutom---"

"Pang-politiko ang linyahan mo, Miranda."

"Pero Levi..."

"Kaya ko nga, Miranda. Gusto kong makakain ka ng mahal. Nakita ko yung mga mata mo nung nakakita ka ng steak sa magazine na binabasa mo."

She felt guilty instantly, nakita iyon sa mukha niya.

"Hey.. Sige, hati tayo sa isang steak." Pang-aalo ni Levi. She nodded. Nasa isip niya kung paano siya babawi kay Levi kapag binalik na siya sa Manila. Sure she'll be back here. Babalikan niya ang kanyang mga naging kaibigan at si Levi.

Inalalayan siya ni Levi na maupo sa lamesang pandalawahan. He was looking at her intently with a small smile on his face.

"Huwag kang masyadong bumait at baka bawiin ka na sa akin bukas."

Lumabi siya, "Hindi ba't iyon naman ang gusto mo?"

"Mawawalan na ako ng clown."

Binato niya si Levi ng tablecloth. Natawa lang ito. 

"Sana ay naging mabait akong host, Miranda."

"Hindi." Umirap siya pagkatapos ay ibinalik ang tuon kay Levi, "But you taught me a lot, Levi. I still have a month to go and I feel that I'll have a hard time leaving."

"Maiinsulto ako kung masaya ka pang aalis."

"I'll miss you, Levi."

She saw Levi blushed a bit. 

"Ganyan ba ang mga taga-Maynila? Walang preno?"

"Para sinabi lang na mamimiss kita, akala mo naman inaakit ka! Ang conservative mo naman. Virgin ka pa ba?" Lumabas lang iyon sa bibig niya pero hindi niya na napigilan.

"Hindi, Miranda." Mas lalong namula si Levi. Napahalakhak siya at itinuon ang mga mata sa menu. 

They ordered food. Nagtataka siya dahil may mga napapatingin sa kanilang lamesa. Napansin niyang may isa pa silang kasama roon sa restaurant, iyong kasama noon ni Levi sa beerhouse na mayroong baril. Nakatayo lang ito sa di kalayuan at nakatingin sa kanila o di kaya ay sa paligid.

Other than that, their dinner was awesome. Sa motor pa rin siya pinapasakay ni Levi kahit nakadress siya. Humilig siya sa malapad na likod ni Levi, he always smells good and he spoils her daily. 

"Hindi ka na ba umiinom, Levi?" She asked when they arrived at the kubo.

"Hindi na muna."

"Mas gusto mo akong ka-date?" She asked innocently.

"Miranda!"

"Bakit ang conservative mo?" Natawa siya. Puro saway naman. "Inom tayo." Anyaya niya. Nakita niya kasi sa ref na merong wine bottles kaya kumuha siya ng wine goblet at sinalinan iyon. She gave one glass to Levi. 

They sat at the wooden chair and drink wine. Napapangiti siya kasi mukhang masaya na naman si Levi na nadampian ng alak ang lalamunan. Lasinggero talaga!

They finished 3 bottles and starting the fourth one. Bumibigat na ang talukap niya pero gusto niyang makipagsabayan kay Levi. 

"What's your first impression of me?" She asked while staring blankly at the television set.

"Maarte."

"Ang bilis non ha! Okay lang, maarte naman talaga ako." She giggled. "Ako ang first impression ko sa iyo--"

"I am not asking, Miranda."

"Whoah, english? Lasing ka na ngang talaga!"

"Baka ikaw."

"Baka ikaw." Panggagaya niya pa. She was giggling. But she still knows what happening. Nang lingunin niya si Levi ay malapit na ang mukha nito sa kanya. 

"I am not really conservative, Miranda. Gago nga ako 'e."

Matapang niyang hinarap ang paninitig nito. "And?"

"Pinipigilan ko ang sarili kong mapalapit sa iyo."

"Anong tawag mo rito, Levi? Isn't this close enough?" Biro niya, but her voice is starting to get low. 

"I don't deserve you. I don't fcking deserve you.." In a hoarse voice, he said.

"Says who?" She lowered her gaze and met Levi's lips and that ignited the fire that burned them both.

--

Maki Says Tasha is in the making. Do not disturb.






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro