Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3


Pabaling-baling ng higa si Miranda. Alas-dose na ng madaling araw at hindi niya maipikit ang mga mata. Paano ay talagang naghihintay pa siya kay Levi. She couldn't help it. Paano kung masama ang pakiramdam nito, kailanganin ng kape, o di kaya magsuka ito?

Eh ano bang pakialam niya?

Pakialam niya ay iisa sila ng kama. Ayaw niya ng amoy ng suka. Amoy alak, she can tolerate but not vomit!

Fifteen minutes after 12 ay narinig niya na ang kaluskos sa labas ng kubo. Sinilip niya ito mula sa bintana ng silid at nakahinga ng maluwag nang makitang si Levi iyon. She stepped outside of their room. Pinagmasdan niya ang binata na halos tamaan ang lamesita sa gitna. Sumalampak ito sa kawayang sofa. Nakapikit ito at malalim ang paghinga. Dali dali siyang naghanap ng bimpo sa cabinet ng binata. Lumabas siya para basain iyon.

She gently pat Levi's forehead with a cold towel. Medyo naalimpungatan ito pero halatang nagiginhawaan. Dumilat ang isang mata nito nang tangkain niyang palitan ito ng sando pero pumikit muli. 

Hindi siya nahirapan na palitan ito ng damit ngunit nang tangkain niyang tanggalin ang pantalon nito ay hinawakan nito ang kamay niya. Dilat na dilat ito. Pinamulahan siya ng pisngi sa kahihiyan. Ngunit nang pumikit muli ang binata ay naituloy nyang alisin ang pantalon nito. Buti na lang at boxers ang suot nito kaya hindi siya masyadong nailang. 

This is not her first time attending to a drunk male person. Ang isa sa bestfriend niya ay gay. Lagi siyang last woman standing tuwing may night-out sila kaya siya ang nag-aasikaso rito. Too bad at nasa Australia na ito at bihira na rin silang magkausap. Sinampay niya sa kanyang balikat ang braso ni Levi, halos kaladkarin niya ito patungo sa kama. When he was settled ay inulit niyang muli ang pagpunas sa mukha nito. 

Doon ay napansin niya features ni Levi. He couldn't believe that perfection could exist like this. Well, gwapo naman ang kanyang Daddy at bunsong kapatid but Levi is on the Asian/ Macho side. Kahit kayumanggi ang kutis nito ay mapula naman ang labi.

Pinagdikit niya ang kanilang braso. Bukod sa malayo ang diprensya ng laki nito ay malayo rin ang kulay. Napakaputi niya kung ikukumpara kay Levi. She also wished she could be a bit tan pero ang nanay niya ay Half German at may Roman blood naman ang kanyang ama.

"Hay, mukha kang mabait kapag tulog." Ipinatong niya ang kanyang siko sa matigas na tiyan nito.

Kumilos ng bahagya si Levi kaya inalis niya ang pagkakapatong dito. Tumagilid ito at niyakap ang sarili. When she's sure that he's settled ay nagtungo na siya sa bahagi ng kanyang kama at saka natulog ng mahimbing.

She woke up on her alarm clock. Pakiramdam niya ay kakapikit pa lamang niya pero wala siyang balak magreklamo. Si Levi lang naman ang makakarinig 'non at kokontrahin na naman siya. Nakita niyang wala na ito sa puwesto at nakakarinig na siya ng kaluskos sa labas. Nagpasya siyang maghanda muna para sa pagpasok sa bukid. She decided to wear a more comfortable clothes now, leggings paired with an oversized tshirt. Masakit din kasi sa balat ang araw.

Ipinupusod niya na ang mahabang buhok habang lumalabas ng silid nang may kumatok sa may pinto. Dahil siya ang malapit ay siya na ang nagbukas non. Napangiti siya nang makita roon si Mameng.

"Tita Yaya! Good morning!" Maligayang bati niya.

"Magandang umaga, Miranda. Ihahatid ko lang sana ang puto na order ni Amo."

Nilingon niya si Levi na tahimik na nagkakape roon sa lamesa. "Lasing. May hangover yata." Bulong niya kay Mameng. Nakakaunawang tumango naman si Mameng at kinumusta siya.

"I am okay so far. I think I can do three months of this." Pagpapanatag niya sa tiyahin. "Saka may mga bago ang friends. Si May at si Rose. I think they like me, Tita Yaya." Pagmamalaki niya. Ngiting-ngiti naman ang matanda.

"Siyempre. Napakabait mo namang bata."

Nasamid sa may kusina si Levi. Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. "Sige na Tita Yaya. Susunod po ako sa bukid." Kinuha niya ang hawak nitong puto at nagpaalam.

Wala siyang imik na naglakad sa may kusina at saka inilapag ang puto. Tatalikod na sana siya nang magsalita si Levi.

"Sa iyo yan. Dalhin mo sa mga 'Friends' mo." Pagdidiin ni Levi na may halong pang-iinsulto. Binalikan niya ito ng nakapamewang.

"Bakit parang hindi ka naniniwala?"

"Ako?" Tinuro ni Levi ang sarili. "Wala naman akong sinasabi."

Pinanliitan niya ito ng mata, "At saka bakit mo ipinapadala sa akin ito? Meron ka bang tipo kay May o kay Rose? Si May ba?" Bakas ang iritasyon sa kanyang boses, muntik nang mabulunan si Levi sa kanyang tanong.

"Umagang-umaga, Miranda. Huwag mo akong awayin. Biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising at hindi na ako lasing, bagong gising na lang."

"Defensive." She crossed her arms to her chest. "Tiyak na meron kang gusto kay May." Ni hindi man lang nagandahan sa kanya si Levi at si May ay lahat ng kabaliktaran niya. Kulot at itim na itim ang buhok nito na umabot lamang sa balikat, morena ito at tila Indian descent. Maganda talaga ito. Ang sabi nga ni Rose ay pambato nila si May. sa mga pageant at lagi itong nananalo. Sigurado siyang mga ganoong itsura ang tipo ni Levi.

"Ano naman sa iyo kung meron? Tatlong araw pa lang tayong magkakilala, nagseselos ka na agad."

Imbes na sumagot ay padabog niyang kinuha ang puto at lumabas na. Mabilis ang naging lakad niya patungo sa mga tagapaghanda ng pagkain sa bukid. Huminto lamang siya nang mapansing mabilis ang tibok ng puso niya. Inis na inis siya kay Levi. At siya? Nagseselos? Bakit naman!

Nakangiti siyang sinalubong ni Rose, kumaway naman sa kanya si May na nagpupunas na ng mga plato. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. Of course, that's not May's fault, si Levi, ang antipatikong iyon ang sumira ng umaga niya.

"Bigay ni Levi." Inabot niya kay May ang buong supot ng puto.

Napakunot ang noo ni May habang tinatanggap ang bigay niya, "Bigay ni Amo? Bakit daw?" Kaswal na tanong nito sa kanya.

"Ewan ko! Ibigay ko raw sa mga kaibigan ko."

"Uy, puto pala ni Aling Mameng ito. Espesyal ito. Masarap gumawa ng espasol si Aling Mameng." Inagaw ni Rose ang supot at kumuha ng isa. Inabot sa kanya ang isang balot. "Tikman mo."

Hindi naman para sa kanya iyon, para kay May. "Ayoko niyan." Matabang na sambit niya at saka kumuha rin ng mga platong pupunasan.

Hapon na ay hindi pa rin siya natatapos na magtrabaho. Inaya siya ni Rose at May na bumili ng meryenda sa labas ng hacienda pero hindi siya sumama. Pinili niyang mag-ayos ng mga plato para sa hapunan at nag-asiste rin siya sa pagbomba ng poso doon sa mga nagsasaing ng bigas.

Napakamot siya sa mukha nang may tumama roon na butil ng palay. Nanlisik ang mga mata niya nang makitang malapit si Levi at ito ang nambato sa kanya ng palay!

"Hindi ka raw kumain ng pinadala ko sa iyo?" Natigilan siya nang marinig ang boses ni Levi.

"Hindi naman para sa akin. Nakakahiya naman sa iyo." Matabang na sambit niya at saka nagtuloy sa ginagawa.

Umupo sa tabi niya si Levi at kumuha rin ng plato. Inagaw nito ang basahan sa kanya.

"Akin na nga yan!" Nakakainis ha! 

"Gusto mong manood ng sine mamaya?" Imbes na ibigay sa kanya ang pamunas ay tanong nito. Nagtataka niya itong tiningnan.

"Wala akong pera."

"Libre ko. Ngayon lang 'ha."

Hinawakan niya ang baba ni Levi at iniharap sa kanya, sinipat niya itong mabuti at tinaasan ng kilay. "Inaaya mo ako ng date?"

"May gusto ka ba sakin?" Balik na tanong nito. "Lahat ng ginagawa ko nilalagyan mo ng malisya."

"W-wala ha!"

"Dapat lang. Hindi ikaw ang tipo ko, gusto ko malaki ang..." Iminuwestra nito ang dalawang palad sa hangin na hugis bilog. Tinapik niya ito sa balikat.

"Bastos!"

"Medyo." He admitted. Umirap lang siya sa hangin. "Eto, pinagawa ko ulit kay Aling Mameng. Para sa iyo yan." Inilabas nito ang isang tupperware ng kakanin at inilapit sa kanya. "Hindi ka raw kumakain masyado sabi ni Rose, wala ka raw sa mood, may mens ka?" Diretsong tanong nito.

"Hey! You are not supposed to ask that. Nakakahiya!"

"Tss. Susunduin kita ng alas-sais ng hapon. Manonood tayo ng sine." Inilagay nito sa kanyang kamay ang basahan at iniwanan na siya.

Gumaan ang pakiramdam niya nang umalis si Levi. She found herself rushing bago mag-alas sais. She wanted to take a shower and fix herself, finally ay maisusuot niya rin ang mga baon niyang dress. 

She opted for a checkered light yellow knee length dress. Hinayaan niya lang ang mahabang buhok na nakalugay, at nilagyan ng rhinestone clip sa magkabilang parte. Light make-up lang ang ginawa niya, ayaw niya rin naman maging over dressed lalo't ang style ni Levi ay laging jeans at t-shirt.

Pumatak ang alas-sais at kumatok na si Levi sa silid. She went out and her floral scent was totally blown away but Levi's musky scent. Sure, ito ang laging amoy niya but she could also smell the minty after shave and hair wax. Hindi niya alam kung paano ito nag-ayos. Ang light blue polo nito ay tinuklop ang manggas kaya bumakat ang muscles nito sa braso, blue jeans naman sa pang-ibababa na tinernuhan ng army boots.

"Nakasakay ka na ba ng motor?" Tanong nito sa kanya.

"H-ha? Hindi pa." Napangiwi ang binata sa sagot niya.

"Sandali." Sumenyas siya sa lalaki at bumalik sa silid. She fished for her white sneakers and her white purse na pwedeng i-cross body bag. Lumabas siyang muli. "O-okay na ba ito?"

Napangiti si Levi. Hinawakan siya sa siko at iginiya sa labas.

Kahit na madilim ay hindi maipagkakaila ang itim na itim na 'motor' nito ay isang high-end Harley Davidson.

"Sa iyo ito?" She asked.

"Hindi. Hiram lang. Buti nga umabot e. Pagta-tricycle-in sana kita." Kaswal na sagot nito na sumakay na ng motor at inalalayan siyang sumpa sa kanyang likod.

The drive was fantastic. Nakasuot siya ng helmet pero hindi natatakpan ang kanyang mukha. For the first time she was able to appreciate the place. May mga lugar na busy at may lugar na tahimik lang. Malamig ang hangin at amoy ang pananim sa paligid. Sa isang sinehan sila nagtungo. Walang ibang establisyemento bukod ang sinehan na merong apat na theaters.

"Pumili ka." Nakatayo sila sa harapan ng ticket booth. Love story, horror at action ang pagpipilian. Itinuro niya ang love story.

"Okay lang?" She asked politely. Nagkibit balikat si Levi at bumili ng dalawang ticket sa itinuro niya. Kumuha rin sila ng popcorn at drinks. She's worried that Levi will get bored in the middle of the film but he was engrossed with it just like her. Nang lumantad na ang plot twist kung saan mawawala na ang bidang lalaki ay ramdam niya na ang pagtulo ng luha niya.

Nakita niyang kumilos si Levi pero hindi siya nagpadistract dito. Only when he offered a piece of his unbuttoned polo shirt for her to wipe her tears away he got her attention. Nangangapal na ang luha niya kaya tinanggap niya ito at ipunanas sa mata.

"I've read the book and I know it is a fcking sad ending. I just—I just don't want to see this part." She sniffed.

"Pumikit ka." Levi suggested. "Takpan mo ang mga mata mo. Pagdilat mo, okay na ulit sila."

Tumango siya at sinunod ang payo ng binata. True enough, pumasok na ang ikalawang yugto ng mga eksena at okay na ulit ang mood ng movie. Two popcorn, and big sized zero calorie softdrinks later, natapos ang pelikula. She was smiling all ears.

"Mahilig ka sa love story?" Habang naglalakad papalabas ng sinehan ay tinanong siya ni Levi. She nodded. Ang alam niya ay nakuha niya iyon sa kanyang ina, hopeless romantic din kasi iyon.

"Oo, tingin ko nga ay kaya kong panoorin ang mga yan ng paulit-ulit at hindi ako magrereklamo."

"Anong tissue ang paborito mo kung ganon?"

She giggled. "Sa pelikula lang ako umiiyak ng ganon. Hindi talaga ako iyakin sa totoong buhay, kaya siguro hindi ako ang paborito ni Mommy. Madrama yun tapos hindi ako nagpapakita tuwing umiiyak ako. She felt disconnected to me. She doesn't understand me."

Nakarating sila sa isang maliit na kainan. Pares ang itinitinda doon. Pula at puti ang disenyo, silang dalawa lang ang naroon kaya agad silang pinagsilbihan ng serbedora, hindi na pinapili dahil wala rin pagpipilian.

"Ikaw? Hindi ka paborito?" Levi asked her.

"Apat kaming magkakapatid. Tatlong babae, isang lalaki. Eldest is Ate Madrid, ako ang sumunod, then ang bunsong babae si Morgan. Mexico is the only boy and the youngest. So being the second child, at hindi nag-iisang babae, do you think someone will notice me?"

"Kaya ka pasaway?" Itinapat ni Levi ang mainit na sabaw sa kanyang labi at hinigop niya iyon.

"Thank you." She mused. "Pero hindi ako pasaway. Pinanganak akong malas, muntik na malugi ang negosyo ng Daddy ko nung ipinagbubuntis ako. Nakabawi lang nung pinanganak si Morgan. Kaya spoiled yun. I never got what I want. Lagi din akong minamalas sa school. Either mapapagsarhan sa course na gusto ko, hindi aabot sa enrollment, maaksidente.. That and many more. Tingnan mo, nung napadpad ako rito, minalas din ako. Ipinatapon kasi ako dito ni Mommy after my last car accident, minor lang naman."

"Unfair parents mo?"

"Unfair lang siguro sakin ang sitwasyon. Pwede naman akong ipanganak na huli pero nandon pa ako sa gitna. Saka ang hirap pang patunayan ang sarili. Kapag panganay ka, ikaw ang unang mamahalin, kapag bunso ka, ikaw ang huling mamahalin. I am nobody's favorite."

"Ako, paborito kita. Inisin." Pagmamayabang ni Levi.

"Isa ka pa." She hissed. "Ikaw, anong kwento mo?"

"Getting to know ba 'to? Sabi sa iyo hindi 'to date."

"Sabi nila May, ikaw daw ang kanang kamay ng mayari ng Hacienda." Hindi niya pinansin ang sinabi nito, "Siya ang mayari ng Harley mo?"

"Hindi ko sasagutin." Sumubo ito ng pagkain. "Panganay ako. Lahat ng mata ay nasa akin. Marami akong responsibilidad pero ayokong gawin. Makasarili ako at tarantado pero hindi ako gago. Okay na?"

Hindi niya masyadong naintinidhan pero nagkasya na lang siya roon. She wonders how it is to be eldest. Madrid never got her ideals questioned. 100% ang bilib at suporta ng mga magulang nila dito. While she, she had to justify her actions. All her life kailangan niya pag-isipan, baka kasi mali, baka mapagalitan. Kung hindi siya ikukumpara sa panganay, ikukumpara siya sa bunso. It is either she cannot be like their eldest, or their youngest is even better than her.

"Wala ka namang magagawa kung pang-ilan ka ipinanganak. Nasa saiyo naman ang kapalaran mo. Kahit magrebelde ka pa sa sitwasyon na meron ka, wala namang magbabago. Mag-enjoy ka na lang. Go with the flow." Suhestyon sa kanya ni Levi. "Mabuhay ka kada araw. Pumili ka tuwing nasa harap mo na ang pag-pipilian. Huwag mong isipin masyado ang hinaharap at 'wag mo rin panghinayangan ang nakaraan."

"Wow, what a wisdom."

They continued sharing the meal. They capped off the night with 1.5 liter of soda each and slept to their hearts' content. 

It was 1995, a sort of date with the one she hates, their first summer, and life then was perfect.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro