Chapter 9 REGRETS AND MISERY
Dear Mr. WHO,
I really hate summer... Alam mo kung bakit? Kase... it signals the end of the school year. Tsaka... basta. Parang sugat ang summer sa 'kin... masakit.
***********************************************************************************************************
Pagkatapos nung prom, final exams naman at graduation ang poproblemahin namin. Tapos may pagkukumpleto pa ng mga notes para sa clearance. Nagkukumahog nga 'ko weh. Kase halos lahat ng notebook ko hindi kumpleto.
Kaw ba naman ang laging tulog..
Pero pasado naman ako sa lahat ng subjects. Nakumpleto ko na rin yung clearance ko. Ga-graduate na din ako. Sa wakas!
Nakalampas ako ng high school ng... buhay. Haha... Sabi nila high school daw ang pinaka-masaya. Pinaka-makulay. Pinaka-memorable na parte ng buhay ng tao. I prefer to disagree. Ang high school ang pinaka-patay na parte ng buhay ko.
Patay in a sense na wala naman talaga akong na-enjoy. Naka-attend nga ako ng prom pero wala man lang nagsayaw sa 'kin. Meron namang nag-try kaso dahil sa katangahan ko kaya ayun... sayang.
Naranasan ko ngang mainlove.. kaso hindi nya alam.
Hindi... sasabihin ko sa kanya.
Hindi ko alam kung magkakalakas ako ng loob para gawin yun pero.. susubukan ko. Unfair naman sa kanya kung hindi nya malalaman. At malay mo, all this time, mahal ka nya rin pala...
Sana.
GRADUATION DAY.
Kagaya ng nakagawian, sinuklay ko lang ang buhok ko. Ayoko na magpa-parlor. Sa college na. Haha...
Baccalaureate mass muna. Sa simbahan ng parokya ang misa. Konting lakad lang dun eh yung town plaza. Dun daw kami magmamarcha.
Grabe... ang dadrama ng mga classmate ko. Misa pa lang iyakan na. Ako? Hindi ako naiiyak. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magagawa ko ba yung dapat kong gawin mamaya. At kung magawa ko man, kung may maganda bang kalalabasan. Sana meron...
Pagkatapos ng misa, naglakad na kami papuntang plaza. Yung napakabagal na lakad na nakakapantunaw ng makeup dahil nakabilad kami sa araw. Buti ako polbo lang.
Ayun, graduation rites naman. Announcement ng honors. Si Cana ang valedictorian kaya sya na rin ang nag-speech. Tapos saluhan ng toga.
"Waaaah!!! Graduate na tayo!!!"
"Sa wakas!!!"
Saya nila. -_-
"Uy Juliet! Congratz!" Bati ni Clarion.
"Same to you."
Bigla syang umiyak.
"U-Uy..." Nagulat ako sa kanya. Bigla-bigla na lang. Teka... asan ba si Chad?
Niyakap nya 'ko.
"O-Okay ka lang?"
Naramdaman kong umiling sya. Tapos nakita kong papalapit sa 'min si Cana. Tapos yumakap sya sa 'min. Ganun din si Mary Alice. Tsaka si Ivan. Si Chad... nawawala pa rin.
Hindi ako makahinga!!!
Napansin ata nilang I was desperately gasping for air kaya nagsikalasan sila.
"Sorry..."
"Bakit ka ba umiiyak?"
Hindi sya makasagot. Kaya si Cana ang nagsalita habang nagpapahid ng luha. "Aalis na kase sya papuntang ibang bansa."
Ah... kaya pala.
"Alam ni Chad?"
Tumango si Cana.
"Hindi nga umattend ng graduation si Chad eh." Sabi ni Ivan.
Kaya pala... hindi ko makita-kita si Chad kanina pa. Wala pala sya. Ang saklap naman... magkakahiwalay sila?
Dugdug.
Nag-excuse ako sa kanila. Saka sinundan ko yung puso kong nakakaradar na naman. Nasa paligid lang si Xavier alam ko.
Dugdug.
Mas lalong lumakas.
Ayun, nakita ko sya sa stage, kasama ang barkadahan nila. Nagpi-picture taking.
Huminga ako ng malalim.
Sabi nga sa kanta...
Matagal ko ng gustong malaman mo.
Matagal ko ng itinatago-tago 'to.
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
Pero hindi na pwedeng ipagpabukas pa. Hindi na pwedeng ipagpaliban. It's now or now. Hooooo... Kinakabahan talaga 'ko.
Matagal ko ng gustong sabihin 'to
Matagal ko ng gustong aminin sa 'yo
Sandali heto na at sasabihin ko na nga
Ngayon na... hindi na pwedeng mamaya. Hindi na pwedeng bukas pa. Kase siguradong bukas hindi na 'ko makakabwelo. Wala na 'kong backup plan. Eto na yun. Sasabihin ko na sa kanya at... bahala na pagkatapos.
Humiwalay sya kina Kurt.
Good.
Aakyat na sana ako ng stage ng biglang may babaeng tumatakbo na dumaan sa unahan ko. Paakyat ng stage...
Palapit sa kanya.
"Congratulations mahal ko!" Sabi nung girl at yumakap sa kanya. Tapos hinalikan sya sa pisngi.
Unang pumasok sa isip ko eh baka naman kapatid nya lang yun. O kaya pinsan. O kaya friend. O kaya kapitbahay lang...
Pero... niloloko ko na naman ang sarili ko.
Pakiramdam ko nun... binagsakan ako ng langit at lupa. Dati akala ko kalokohan lang yun. OA naman kung babagsak ang langit di ba? Pero ewan...
Hindi ko na napigilang... umiyak.
Kahit anong pigil ang gawin ko, hindi ako tumitigil kaiiyak. Naiwan na nga ako dun sa gitna. Sa pagitan nung dalawang grupo ng mga upuan. Habang ang lahat nag-iipon na ng mga alaala gamit yung mga camera nila.
Habang yung iba nagpapaalamanan na...
Ayun ako... nastuck na lang sa kinatatayuan ko.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Para kaseng gustong umalpas ng puso ko para makiiyak sa 'kin.
Ang sakit...
Ang sakit-sakit...
Para akong namatayan.
Malala pa.
Napatingin ako sa kanya.
At nakatingin din sya.
Dugdug.
Nasa mukha nya ang pagtataka. At parang gusto nya akong lapitan pero hindi nya magawa dahil nandun ang girlfriend nya.
Kaya ibinulong ko na lang sa hangin ang gusto kong sabihin sa kanya. Sana marinig nya...
Mahal kita pero di mo lang alam...
At hindi mo na malalaman pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro