Chapter 7 FOR YOU TO NOTICE
Dear Mr. WHO,
First of all, I still think this is stupid. Pero la eh... ayaw kong tigilan ang pagsulat sulat sa'yo kahit alam kong imaginary ka lang. Hindi ka pa ata hinuhulma ng langit. Haha...
***********************************************************************************************************
"Rae!"
Monday na ulet. At eto na naman sya. Acting as though namiss nya 'ko nung weekend.
"Oh?" Same question.
Ngumiti sya. "Good morning!" Same answer.
Dugdug. Different effect.
"M-Morning." For the first time, I stuttered. For the first time, hindi ko sya matingnan ng derecho sa mata. For the first time, nagrerespond ang puso ko sa kanya.
"Kumusta ang weekend?" Tanong nya sa 'kin. Sabay lapit. Sinabayan nya 'ko paglalakad.
"O-Okay lang. Kaw?" Sagot ko naman sabay layo ng konti. Hindi ko matagalan na malapit sya sa 'kin. Parang kinukuryente ang braso ko...
He shrugged. "Medyo malungkot."
"Bakit?"
Tumingin sya sa 'kin. Dugdug. "Kase walang pasok." Sagot nya, sabay ngiti.
"Ah." Same sentiments. Malungkot din ako nung weekend. Kase walang pasok. Hindi ko sya nakita. Napabuntong-hininga ako. Bakit ganito? Parang feeling ko, nagkakagusto na 'ko sa kanya.
Hindi pwede!
"Okay ka lang?"
"H-Ha?" Nakakunot ang noo nya. Nagtataka siguro sa kinikilos ko.
"Umiling ka kase bigla."
"Ah. Okay lang."
Ngumiti na sya ulet. "Uy sige, una na 'ko sa room." Paalam nya. Tumango na lang ako.
Palagi yung ganun. Araw-araw. Walang palya. At hindi ko alam kung bakit pero parang may nag-iba sa 'kin. Naki-creep out na nga 'ko sa sarili ko weh. Minsan kase nahuhulli ko ang sarili kong nakangiti na lang... ng walang dahilan.
Lagi na syang hanap ng mata ko... at lagi ko syang madaling mahanap. Kapag malapit lang sya, kinikilabutan ang batok ko. At kapag lumingon ako... ayun. Nandun sya.
Naramdaman kong unti-unti akong nahuhulog...
Sa bangin.
Haha..
Saka lang ako naging conscious sa ichura ko nun. Kase alam kong pangit ako. Kaya sa tuwing tumitingin sya sa 'kin, umiiwas ako ng tingin. Hindi ko na masalubong ang mga titig nya.
Nakaka-frustrate... kase gusto ko syang kausapin. Gusto kong tawanan yung mga jokes nya at sumabay sa mga kanta nya. Gusto ko syang makasama palagi. Kaso...
Kaso naiinsecure ako.
Ayokong mahalata nya na gusto ko na sya... kase baka pagtawanan nya lang ako.
Kaya eto. Nakaw-tingin na lang... Kahit likod lang nya ang makita ko, ayos lang. Mas mabuti pa ngang likod na lang nya ang makita ko para hindi ko na kelangang salubungin ang mga mata nya.
Umiiwas ako. Halata naman.
Isang araw, na-late ako. Sa AP pa! Kung san pinapakanta sa unahan ang late! Ngali-ngali ko na ngang umabsent nun eh. Kaso... may long quiz -_-
So ayun, matapos mapagalitan, pinapunta ako sa unahan para kumanta.
Dugdug.
Una kong nakita si Xavier. Nakatingin lang sya sa 'kin. Hindi nakangiti. Nakatingin lang. Seryoso. At nung mga oras na yun... parang nag-fade into the background ang lahat. Nawala ang ingay...
Dugdug.
Puso ko lang ang maingay...
Everything you do it sends me
Higher than the moon with every
Twinkle in your eye
You strike a match that lights my heart on fire
Panimula ko. I Do Adore by Mindy Gledhill ang kinanta ko. Wala lang... sabi kase ng kaisa-isa kong fan.. ng kapatid ko... eh kaboses ko daw si Mindy Gledhill. Maliit kase boses ko. Syempre, hindi naman ako naniniwala. Churva lang nun yun para bigyan ko ng limang piso tuwing hihingi. -_-
When you're near, I hide my blushing face
(kaya hindi ako makatingin sa 'yo.)
And trip on my shoelaces
(at minsan natatalapid pa 'ko kapag nakita kong lumalapit ka.)
Grace just isn't my forte
(clumsy as hell. That's me.. -_-)
But it brings me to my knees when you say
Hello, how are you, my darling today?
(ang hilig mong mag-good morning)
I fall into a pile on the floor
(ako naman natatameme)
Puppy love is hard to ignore
(puppy love na ba?)
When every little thing you do, I do adore
(lahat-lahat.)
We're as different as can be
(like night and day)
I've noticed you're remarkably relaxed
(ang cool mo lang sa lahat)
And I'm overly uptight
(samantalang ako...)
We balance out each other nicely
(akalain mo yun... bagay tayo?)
You wear sandals in the snow
In mid-July I still feel cold
We're opposites in every way
But I can't resist it when you say
Hello, how are you, my darling today?
I fall into a pile on the floor
Puppy love is hard to ignore
When every little thing you do, I do adore
Finding words, I mutter
(I always stutter)
Tongue-tied, twisted
(pilipit na dila ko)
Foot in mouth, I start to stutter
(kase nakakakaba talaga kapag ikaw na)
Ha, ha, Heaven help me
(yeah. I definitely need a divine intervention.)
Hello, how are you, my darling today?
I fall into a pile on the floor
Puppy love is hard to ignore
When every little thing you do, I do adore
I heard crickets in the morning. Bakit nakatingin silang lahat? Haaay... ampanget talaga siguro ng kanta ko. -_-
Dali-dali akong tumakbo sa upuan ko saka sumubsob sa desk. Okay... napahiya na 'ko. NEXT!
RECESS.
Bumili lang ako ng pagkain sa canteen. Saka nagpunta sa area namin. Ayoko mag-stay sa canteen eh. Masyadong matao.
"Naks. May itinatago ka palang magandang boses ha!"
Si Chad. Toinks. Maganda daw?
"Oo nga! Grabe. Napatahimik mo ang buong klase kanina!"
Si Clarion. Kita ko nga kanina.
"Haha! Kahit si Sir humanga sa 'yo! Grabe talaga..."
Si Ivan. Weh?
"Sana pala lagi ka na lang late."
Si Cana. Di na yun mauulet.
"Oy anong late? Sino magaling kumanta? Ha? Hoy! What did I miss?"
Si Mary Alice. Kakarating lang.
Takte. Bakit nandito sila kung kelan gusto ko magsolo? -_-
"Wala wala. Di ka kasali. Haggang dito lang usapan oh." Nag-drawing ng imaginary line si Chad sa harapan ni Mary Alice.
"Heh! Di kita kausap!" Tumingin sya sa 'kin. "Ano pinag-uusapan nila?" Nag-shrug lang ako. Tapos tumingin ulet sya sa kanila. "Ano nga kase yun ha?"
"Wala nga! Ba't ba ang kulit mo?!" Sagot ni Ivan.
"Sige ganyan kayo!"
Makaalis na. -_- OP ako.
"Oh. San punta mo Juliet?" Tanong ni Cana.
"La. Dyan lang." Kung san man yung dyan lang...
Sa likuran ng band room ako nagpunta. Dun talaga wala masyadong tumatambay. Nakakatakot eh... Pagdating ko dun...
"Rae?"
Dugdug.
Shit.
Of all the place...
Tumalikod ako.
"Oy Rae!"
Dere-derecho paglalakad palayo.
Dugdug. Naramdaman ko yung kamay nya sa braso ko. Para akong kinukuryente.
"B-Bitiw." Nakatungo kong sabi. Hindi ko sya matingnan sa mata.
"Galit ka ba sa 'kin?" Tanong nya. Umiling ako. "Eh ba't ka umiiwas?" Umiling ulet ako. "Anong iling yan?"
"W-Wala lang." Kumawala ako. Saka tumakbo papuntang classroom. Bahala na sya kung ano man ang iisipin nya. Bahala na...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro