Chapter 5 SAVED BY XAVIER
Dear Mr. WHO,
Mahilig ka ba sa maganda? Kase kung oo—then you won't like me. Sinasabi ko na sa'yo. Hindi ako maganda.
***********************************************************************************************************
PLAN B ng high school love life ko. Si Xavier. Xavier Xavier Xavier. Pinapaulit-ulit ko yan para mawalay 'yung atensiyon ko kay Kurt.
Si Xavier na walang malay. Naging panakip-butas ng hindi nya alam. Haha...
So ganun nga ang ginawa ko. Itinuon ko lahat ng atensiyon ko kay Xavier. Saka ko lang napansin na may mga characteristics syang mas angat kesa kay Kurt.
Unang-una... napaka-friendly nya. Palagi syang naghe-hello o nag-gu-good morning sa mga nakakasalubong nya. Lalo na sa mga teacher.
Tapos gwapo din pala sya... Mapungay ang mata nya na parang laging may light of intelligence. Ewan. Parang... lagi syang may alam na hindi mo alam. Yung ganun. Tapos brownish yung buhok nya na palaging tousled. Effortless ba... na hindi na kelangang ayusin.
Matangos din ang ilong nya. Tapos hindi naman katabaan yung mukha nya pero hindi masyadong sculpted na akala mo hinulma na sa bungo. Nakadagdag pa sa ichura nya yung biloy nya sa pisngi. Sa mga hindi nakakaalam... para sa mga spokening dollar jan.. ang biloy po ay dimples sa english. Hehe...
Lastly na nagustuhan ko sa kanya eh ang height. Ang gwapo ng height nya. Tamang height ng gwapong lalake. Hehe..
Akalain mo yun, four years ko syang classmate pero ngayon ko lang naappreciate ang ichura nya? Siguro nga sobrang busy ako kakatingin kay Kurt na hindi ko na sya napapansin.
"Uhm.. Rae?"
"Ha?"
Nakakunot ang noo nya sa 'kin. Tapos parang nangingiti sya.
"Nakatingin ka na naman..."
"Hindi ako nakatingin. Nakatulala lang ako." Pagdadahilan ko naman. Dahil nga siguro hindi ko na pwedeng tingnan si Kurt kaya sa kanya na lang ako tumitingin. Eh madalas sa hindi nya 'kong nahuhuli.
"Okay. Sabi mo weh..."
Matalino din si Xavier. Lalo na sa math at English. Napahanga nga ako ng konti sa kanya eh. Haha... konti lang... kase pinipilit ko pa ang sarili kong gustuhin sya. Napahanga nya ako kase bibihira ang mga taong magaling in both english at math.
Alam ko yun... kase hindi naman ako magaling sa kahit ano. Haha...
Tapos ahm... ano pa ba?
Yun... gentleman din si Xavier. Tsaka matulungin.
Pero ang hindi ko maintindihan sa kanya... eh minsan may pagka-loner din sya. Ewan ko dun... para bang... nakikisama lang sya sa mga barkada nya para masabihang may kaibigan sya. Pero mukhang mas masaya syang mag-isa.
Kase one day, napaaga ule ako ng pasok. Nag-decide akong mag-stay sa area namin kase nakakatakot mag-isa sa class room. May multo dun eh. Haha... sabi nila. Kaya ayun, maige pa sa area namin. Meron dung kubo. Tambayan.
Pagpasok ko sa kubo, nakita ko syang nakasandal sa sulok nung kubo, nakataas ang dalawang paa na magka-cross pa, nakapikit sya at nakaunan 'yung bag nya. Tapos naka-headset. Nakikinig ata ng music.
Naupo ako sa kabilang sulok.
Tulog kaya sya?
Bigla syang nag-hum...
Toinks. Gising pala.
"Rae?" Mulat na pala sya.
"Oh?"
"Kanina ka pa?" Tanong nya.
Umiling ako.
"Ah... good morning." Sabay ngiti.
"Morning din." Sagot ko na lang.
"Gusto mo?" He offered me an earpiece.
"Okay." Tumabi ako sa kanya. Bale sumandal din ako sa sulok ng kubo. Tapos tinaas ko din yung paa ko. Okay lang naman eh... mahaba naman palda ko weh.
Pinakinggan ko yung kanta. Toinks. Bat wala? Ah teka... ayun, kakasimula lang pala.
Naubos na ang barya
Sa kakayosi at kakabasa
Ng magazines mong nakahilata dyan sa sala
Mag gagabi na pala!
Di ba't sinabi ko ala-una?
Mabuti na lang
Mabagal akong magbasa...
Dumating ka na sana!
Parang Ayoko Na Yata ng Parokya Ni Edgar. Sikat pa rin talaga ang parokya eh.
"Bakit di ka man lang nagbilin
Na may balak ka pala biglang mag-ice
Skating?
Kung di ka pa tinawagan
Maiisip mo kayang ako'y DI BALE NA!
Nakakasawa din pala.
Kapag paulit-ulit
Ang buhos ng galit!"
Sumasabay sya. Wow. Magaling din sya kumanta. Bakit hindi ko sya nagustuhan? Tapos si Kurt na sintunado nagustuhan ko? Ang adik ko pala. -_-
Parang ayoko na yata.
Nakakapagod din pala ang iyong mukha...
At kung may balak ka pang ulitin sa kin yon.
May ibubulong ako sa yo. putang ina mo!
Bakit nagtitiyaga sa'yo?
Ang dami-dami kong reklamo!
Parang ayoko lang magsalita
Parang ayoko na yata.
Ang daming dapat sabihin
Alam ko na kung pano gagawin
Akala ko siguro na hindi ko kaya.
At nung ika'y dumating
Mula sa yong pag-a-ice skating
Wala akong nasabi kundi.
"Napagod ka ba?.Kumain ka muna!"
Pagkat di ko kayang magalit
Pag nakita na kita, tumatamis ang pait!
Laging pinipilit
Na magsungit ngunit di bale na!
Napapatawad na kita
Hindi na magagalit.wag lang ma-ulit
At nung tayo'y kakain na.
Biglang sinabi mong may lakad kang iba
At kahit gusto sana kitang awayin na.
Sinabi ko."bahala ka.basta mag-ingat ka"
Parang ayoko na yata
Ngunit wala naman akong magagawa
Marahil, sobrang alam mong di ko kayang mawala ka.
Maswerte ka't mahal kita.ang malas talaga!
"Galing talaga ng parokya noh?" Sabi nya.
Now Playing: Amats
"Oo naman." Pag-aagree ko naman. Syempre, favorite ko ang parokya eh.
"Favorite ko sila eh." Sabi nya.
"Talaga? Ako din kaya."
"Weh?"
"Oo nga! Lalo na 'tong Amats tsaka 'yung Wag Mo Na Sana. Eh kaw... anong gusto mong kanta nila?" Hanep. Yan na yata ang pinakamahabang sentence na lumabas sa bibig ko. Pansin ko lang.
"One and only you."
"Ah..." Maganda nga yun.
"Bakit nga pala ang aga mo?"
"Wala lang." Paborito kong sagot. WALA LANG. May kakambal pa yan eh. EWAN. Haha... "Eh kaw?" Kung tutuusin nga mas maaga pa sya sa 'kin eh. Kase pagkadating ko, nandito na sya.
"Wala lang din." Sa sinabi nyang yun, lumingon ako. Lumingon din pala sya nung time na yun. Muntik na kaming magka-kiss. Kase nga magkatabi ang mga ulo namin. -_-
Nag-smirk sya.
Haaay Xavier... sana kase ikaw na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro