Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 DIVERSION

Dear Mr. WHO,

                Who na lang ang tawag ko sa 'yo ah? Para tipid sa ink. Hehe...


 ***********************************************************************************************************


Nung gabing yun, hindi ako kumain. Dumerecho na 'ko ng kwarto... para iuntog sa pader ang ulo ko.

                   

Iyak ako ng iyak. Halos dugo na nga lumabas sa mata ko weh. Ang tagal! Four years! Tapos bigla-bigla na lang na..

Ah! Ewan! Tanga ko kase! Dinibdib ko masyado! Ayan tuloy... Umasa kase ako ng umasa. Kase dati tinitingnan nya rin ako. O baka naman ako lang ang nag-iisip nun? Hay siguro nga.

Siguro ako lang talaga ang timang na nag-iisip na may pag-asang maging kaming dalawa....

LUNES.

Matapos ang madramang weekend... masaya na ulet ako. At least... yun ang sinasabi ko sa sarili ko. Oo. Umaliwalas ang pakiramdam ko. As in pagkagising ko ng umaga... parang.. wala na. Okay na 'ko. Pero imposible namang ganun lang kadali yun di ba?

Pero hindi ko alam... gumaan talaga ang pakiramdam ko. Basta basta na lang.

Naisipan ko pa ngang mag-ipit nung araw na yun eh. Ewan ko kung bakit.

Pagpasok ko ng school. Boogsh. Para 'kong sinuntok sa dibdib ng makita kong sabay pumasok ng gate yung dalawa. Araaay... Napahawak tuloy ako ng hindi sinasadya sa dibdib ko. Kumikirot talaga...

"Oh. Napano ka?"

Si Xavier.

"Ah. Wala."

"Ganun?" Ngumiti sya. "Good morning."

"Morning." Walang good sa morning ko. At sa araw-araw na ginawa at gagawin pa ng Diyos. Hindi na magiging good ang morning ko. -_-

Hirap pa lalo. Kaklase ko yung dalawa. Ang hirap iwasan ng tingin yung mga pa-PDA nila. Nangangawit din kase yung leeg ko kakabaling sa may bintana eh. Nasa unahan pa naman yung mag-jewa kaya lalo ko silang nakikita.

I need a diversion.

Sino bang pwede? Hmm... Tiningnan ko isa-isa yung mga classmate kong lalake. Si Sander? Hindi. Di ko type. Si Milo? May gf. Si Vince? Weirdo. Bagay kami. Pero ayoko sa kanya. Si Rey? Maappeal sya pero unreachable din ang isang yun. Isa pang hindi ko makausap. Tss. Choosy ka naman masyado neh?

Haaay.. oo nga. Pero syempre kelangan interesante yung magiging diverson ng makalimutan ko naman kahit konti si Kurt.

Si Chad kaya? Gwapo din si Chad eh. Kaso may gf na din. Tagal na nila ni Clarion. Three years na. Si Ivan? Isa pang gwapo. Kaso... type nun si Cana eh. Hindi pa lang nya siguro narerealize. Haha. Inunahan daw ba?

Katuwa nga barkadahan nila. Si Chad, Clarion, Cana tsaka Ivan. Si Mary Alice pa pala. Kaso nasa lower section. Magkakaiba sila ng personality pero magkaka-jive ang ugali.

Anyway... mabalik tayo sa diversion. Hmmm...

"May hinahanap ka ba?" Tanong ni Xavier. Oo nga pala. Magkatabi kami ng upuan. Hindi naman kase alphabetical ang seating arrangement namin eh. Kung san mo lang trip. Liban na lang kung malabo ang paningin mo. No choice ka kundi sa unahan.

Si Xavier? Si Xavier. Oo. Si Xavier nga!

Teka... sa pagkakaalam ko wala naman syang girlfriend. Matino. May ichura. May utak. Tsaka mabait sya sa 'kin.

Hmmm... sige. Sya na lang.

 "Rae..."

"Oh?"

"Bakit ganyan ka makatingin?" Kunot na noo nyang tanong.

"Ha? Ah... wala." Tumungo na lang ako para matulog.

Si Xavier.

Oo tama. Si Xavier na nga lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro