Chapter 3 MY FIRST HEARTACHE
Dear Mr. Whoever,
I just wanna ask... Asan ka na? Traffic ba jan? Ba't ang tagal mong dumating? Nasasayang ang oras ko kahihintay sa 'yo. Lam mo yun? Hehe. Pero sige.. hihintayin pa rin kita.. kung sino ka man...
***********************************************************************************************************
Nung uwian, palibhasa cleaner ako, naiwan ako sa classroom para maglinis. Pero hindi lang ako. Nandun din si Jenny tsaka si Kurt at 'yung mga barkada nya. Syempre nandun din si Xavier. Kase barkada sila eh.
Tsaka yung ibang cleaners nandun din. Ang kaso, nakikigulo sina Kurt paglilinis. Nakita ko namang kinikilig si Jenny kase crush nya si Kurt.
Halata.
Ako lang naman ang hindi nila mahalata eh.
Pagkatapos naming maglinis, umuwi na 'yung iba. Nagpahuli ako. Ako kase ang maglalock ng classroom tsaka magtatapon pa 'ko ng basura. Yep. Kawawa talaga ako. Lagi na lang ganun kapag Friday.
Syempre inuna ko muna 'yung pagtatapon ng basura. May dumpster kami sa likuran ng school eh. Dala-dala ko 'yung dalawang balde ng basura. Paniguradong hindi nagtapon 'yung cleaners kahapon. Hay. -_-
"Tulungan na kita." Napalingon ako sa nagsalita. Si Xavier.
"Wag na." Pagtanggi ko. Kaya ko naman.
"Eeeeh... sige na." Pagpupumilit nya.
"Kaya ko na."
"Kaya daw eh bagti ka na. Akin na nga." Inagaw nya 'yung isa. Ah fine! Makulit eh.
Nagpunta na kami sa likod ng school. Pero bago pa man kami makalapit sa dumpster eh natigilan agad ako. At nakaramdam ako ng kaba. Yung kaba na alam mong may mangyayareng masama.
At tama nga ako.
Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko si Jenny. Nakasandal sa pader. Si Kurt, nakalapat sa pader 'yung isang palad nya. Yung isang kamay, hawak ang baba ni Jenny. Magkatitigan sila. Nakangiti pareho.
ARAY.
Kumikirot...
"Kelan mo ba 'ko sasagutin ha?" Narinig kong tanong ni Kurt kay Jenny. Nanliligaw pala sya kay Jenny? Ah oo. Tanga ko talaga. Hindi ba obvious o nabubulagan lang ako kaya hindi ko napansin?
"Gusto mo ngayon na eh."
"Talaga? Game!"
"Oo na."
"Weh?! Talaga?"
"Bakit? Ayaw mo?"
"Gusto! Sige.. tayo na! Yes!"
Wow sila na.
Yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko parang umakyat sa ulo ko... saka unti-unting lumabas sa mga mata ko.
Aray talaga.
Para lang namang nilagyan ng C-clamp ang puso ko ng mga oras na 'yun... saka dahan-dahang piniga.
"Uy Rae. Ayos ka lang?"
"Ayos lang." Mabuti na lang napigilan kong mag-crack yung boses ko. Salamat na rin sa nakalugay kong buhok... walang nakakitang umiiyak ako.
"Mamaya na tayo magtapon pagkaalis nila." Narinig kong sabi ni Xavier. Napatango na lang ako. Wala eh. Lutang ako. Naramdaman kong hinila nya 'ko palayo dun. Salamat sa kanya. Parang medyo natuhan ako.
Nakatanga na lang ako nun sa puno ng talisay. Inaabangan kong maglaglag yung mga dahon. Saka ko binibilang yung nalalaglag. Nagsasalita ata si Xavier ng mga oras na yun pero wala akong marinig.
Pagkakita namin dun sa dalawa na lumabas ng gate. Saka lang kami bumalik para magtapon ng basura sa likod ng school.
"Magka-holding hands agad. Hanep..." I muttered to myself.
"Ha? May sinasabi ka?"
"Wala."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro