Chapter 12 HER BLEEDING HEART
Rae,
Ikaw lang pala ang whoever na matagal ko ng hinahanap. Sana one of these days, masabi ko sa 'yo lahat-lahat. Gusto kitang maka-close eh. Kaso palagi kang emo sa sulok. Ewan ko ba sa 'yo kung bakit hindi ka masaya.
Ako ba ang kulang sa buhay mo? Hehe.. Lakas eh noh?
Ngumiti ka naman kahit minsan. Kase yun lang ang energizer ko. Kaya lagi akong lowbat kagaya mo eh. Ikaw kase...
Smile na. ^___^
***********************************************************************************************************
Friday ng hapon. Cleaners ngayon sina Rae kaya nagpa-iwan ako as usual. Nandun pa rin naman sina Kurt eh. Cleaner din kase si Jenny. Nakatambay lang kami. Nakikigulo. Nakakatuwang panuorin si Rae maglinis. Parang si Sadako na umakyat palabas ng well para lang magwalis.
Haha!
Buhok nya kase... pahara-hara. Di ko tuloy makita yung mukha nya...
Matagal ng nililigawan ni Kurt si Jenny. Pero hindi kalat sa school o sa klase. Sa barkadahan lang namin at sa mga nakakahalata. Kaya pagkatapos agad nung paglilinis ni Jenny, inaya na agad sya ni Kurt sa labas.
Ngayon daw kase sya sasagutin nito. Tingin ko naman... OO at OO lang yun eh. Gusto din naman kase ni Jenny si Kurt. Halata.
Nagsiuwian na yung ibang cleaners.
"Pre, una na kami ha?" Paalam ni Kurt sa 'min.
"Sige tol. Tara?" Aya ni Milo. Umiling ako. Ang sabi ko may gagawin pa 'ko. Kaya umuna na sila.
Ang tagal naman ni Rae...
Kinakawawa kase sya lagi ng mga group mates nya. Palagi syang iniiwan para magtapon at mag-lock ng classroom. Sya naman kase hindi nagrereklamo. Haaay...
Sa wakas.
Lumabas na sya dala-dala yung dalawang balde ng basura. Tsk. Pati Thursday cleaners inaasa pa sa kanya ang pagtatapon ng basura?
Aba abuso.
Nilampasan lang nya 'ko. Hindi ba nya 'ko nakikita? Amp tong babaeng 'to bah...
"Tulungan na kita."
Lumingon sya. Nagkasalubong kami ng tingin.
Dugdug.
Iba talaga kapag napapatingin ako sa mata nya. Ang ganda kase ng mata nya eh. Medyo singkitin na parang laging nakangiti na parang laging iiyak. Gulo noh? Kasalanan nya. Mata nya yun eh.
"Wag na."
"Eeeeh... sige na." Kahit sa ganto man lang paraan, matulungan ko sya.
"Kaya ko na."
Tsk. Ang tigas ng ulo.
"Kaya daw eh bagti ka na. Akin na nga."
Inagaw ko na sa kanya yung dalawang balde. Nag-sigh na lang sya saka naglakad papunta sa likuran ng school. Kasunod lang nya 'ko. Nang malapit na kami, bigla syang tumigil. Napatigil din ako. Akala ko naman may nakita syang kung ano.
Sina Kurt lang pala. Ang baduy nung dalawa... sa tabi daw ba naman ng basurahan naglalambingan?
"Kelan mo ba 'ko sasagutin ha?"
"Gusto mo ngayon na eh."
"Talaga? Game!"
"Oo na."
"Weh?! Talaga?"
"Bakit? Ayaw mo?"
"Gusto! Sige.. tayo na! Yes!"
Niyakap ni Kurt si Jenny. At yun nga, naging sila... sa tabi ng basurahan. Si Rae, hindi na gumalaw mula kanina.
"Uy Rae. Ayos ka lang?"
"Ayos lang." Sagot nya. Hindi ko naman makita ng maayos ang mukha nya kaya hindi ko masabi kung ayos lang sya. Pero alam kong nasasaktan sya. Gusto ko syang yakapin. Sabihin na okay lang yan.You don't deserve him. Ako na lang kase... Pero hindi ko nagawa.
"Mamaya na tayo magtapon pagkaalis nila." Hnila ko na lang sya palayo. Sana... sana makalimutan nya na lang lahat ng 'to. Ayokong nakikita syang nasasaktan.
Naupo kami sa ilalim ng puno ng talisay. Mula dun sa kinatatayuan namin, kita yung gate. Inaabangan ko na lang na umuwi yung dalawa para makapagtapon na kami ng basura at makauwi na. Gumagabi na kase.
"Pasensya ka na kay Kurt ah? Napaka-insensitive lang kase ng taong yun eh. Kung gusto mo kakausapin ko sya para sa 'yo. Gusto mo ba yun? Rae?"
Hindi pala sya nakikinig.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Biglang nagsalita si Rae. Pero masyadong mahina na hindi ko marinig.
Napatingin ako sa gate. Saktong palabas yung dalawa. Magka-holding hands.
"Ha? May sinasabi ka?"
"Wala." Tumayo sya at nilabit yung isang basurahan. Sumunod ako sa kanya. Pagdating sa dumpster, padabog nyang itinapon yung basura. Saka kami bumalik ng classroom para kunin yung gamit nya.
"Okay ka lang ba talaga? Gusto mo ihatid kita?" Tanong ko sa kanya. Para syang zombie maglakad. Natatakot nga ako sa ikinikilos nya eh. Baka mamaya may gawin syang kung ano.
"Hindi na." Sagot nya.
Sabay kaming lumabas ng gate. Nagpaalam na 'ko sa kanya pero sinundan ko sya pauwi. Ilang beses syang muntik ng mabangga dahil nakatungo lang sya paglalakad. Gusto ko nga syang akayin eh... kaso... hindi ako makalapit sa kanya.
Laking pasalamat ko na lang ng dumerecho sya ng bahay nila at hindi kung saan pa pumunta.
Umuwi na rin ako. Haaay... Weekend na naman. Hindi ko na naman sya makikita. Parang...
Namimiss ko na sya agad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro