Letter #4
Dear J,
Ang tanga ko! I did something stupid earlier! Hindi ko alam kung lutang ba ako o sadyang gaga lang. Huhu.
Ganito kasi 'yon, nasa tapat kami ng room namin which is sa second floor, nakatambay kami sa labas while watching freshmen and sophomores play sa ground. At syempre, manonood ba ako kung wala ka ro'n? Of course, nandoon ka. Sa kasamaang palad nga lang, nakatabi ko pa ang ate mo habang nanonood.
Tahimik lang ako no'ng una habang chinicheer ka sa isip ko, cute cute mo kasi maglaro e. Pero may tanong na naman na pumasok sa isip ko kaya hindi ako mapalagay, kaya tinanong ko na ang ate mo.
I asked her kung may girlfriend ka na at agad din siyang sumagot na wala pa. Agad akong napabuntong-hininga and I somehow felt relieved. Pero temporary lang 'yon, agad ding bumalik 'yong kaba ko when she asked kung bakit ko 'yon tinanong.
At ito na nga, dapat sa isip ko lang 'to e, at wala sana akong balak sagutin ang tanong niya. Pero wala! Kusa nalang na lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon.
I said, "Crush ko kapatid mo."
Gosh, gusto kong sampalin sarili ko sa pagiging careless ko! Nakakahiya, sa akin lang dapat iyon e. Tapos nagtanong pa siya ulit kung totoo ba at sinagot ko naman na "Oo".
Wala, grabe na talaga kahihiyan ko. Ang bata mo pa, ako 15 na, ikaw yata 12 ka lang o 13 e. Feeling ko tuloy child abuse lol. Sana talaga magkaedad nalang tayo, huhu.
At ito pa nga, tinanong pa ng ate mo kung gusto ko bang hingiin ang number mo. Medyo natuwa ako dahil ang supportive niya, pero ayon, denicline ko. Syempre, may hiya pa naman ako kahit papaano.
At baka malaman mo pa na crush kita, hindi pwede 'yon. Huhu.
Love,
M
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro