Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

"Ambagal bagal mo naman Sydney eh! Matatapos na yung banda nila Dowoon!" hila hila ako papunta sa unahan ni Cindy. Grabe na talaga tong pagiging fangirl nya. Di ko kinakaya. Ilang tao ang nabunggo ko dahil sa paghila nya. Sa lahat ng taong hinawi nya para lang makapunta sa unahan, ako ang pinagbubuntunan n sama ng tingin at ingit. Tatamaan talaga sakin tong babaeng to!

"Last song na po namin! I hope you guys enjoyed our performance!" sabi ni Jae sa mic. Seniors namin sila. Through out nung First year hanggang ngayon, patay na patay itong si Cindy kay Dowoon. Hayyy, ewan ko ba dito. Pati ako napapahamak minsan sa kahibangan nya. But no doubt, magaling ang banda nila.

I banged my head ng tugtugin nila yung original song nilang Congratulations. Wonpil stared at me pero di ko pinansin. I focused my eyes on the other direction. Ng maguluhan na sa talunan ng tao, I called Cindy pero hindi na nya ako marinig sa sobrang gulo ng crowd. Umalis na ako doon.

"Oh. My. God." nastress ako sa pag alis doon. Pawis na pawis ako ng bongga. Umupo ako sa bench. I waited for her until the band finished their song. Ang bongga nung init grabe!

"Chan hyung! Tignan mo may figure sila ni Vegita!" napalingon ako sa di kalayuang direksyon. They're a few stalls away from me. School Fest namin ngayon at syempre, walang klase. Gala gala na lang. Boy hunting yung iba at kasama na ako doon.

Napatitig ako sa kanila. Who is this Chan guy? Ang pogi 😍

"Sydney! Sorry, nadaganan ka ba? Sorry talaga!" agad akong tinabihan ni Cindy sa tabi ko. "Sino tinitignan mo dyan?" tanong nya pero di ko pa din inaalis yung tingin ko sa kanya. "Kilala mo ba yung brown haired na guy." patago kong tinuro yung kinaroroonan nya. "Ah, si Chan. Ngayon mo lang sya nakita?" nagtinginan kaming magbestie. "Oo, hala! Matagal na ba sya dito?" tumango lang sya bilang sagot.

Uusisa pa sana ako ng matagal ng bigla naman kaming tawagin nung teacher namin. "Maglagay muna kayo ng stock na pagkain doon sa booth natin." utos ng teacher namin. Tumayo na kami ni Cindy pagkaalis ni Ma'am. Agad namang nagplay yung sound system ng mga kanta dahil tapos na yung tugtog nila Kuya Jae. Napalingon naman ako sa gawi nila Chan na ngayon ay nakatingin na sa amin.

Oh baby neomu johaseo
You're driving me crazy
Ni saenggangmanhaedo gibuni joha
Gibuni joha gibuni joha na na na na na na
I neukkim neoman neukkige hal su inneun neukkim
Nan jugeulttaekkaji neukkigo sipeo
Nae gyeote isseojwo akkil su isseo akkil su isseo
Eonjena neoman barabwa
Nado moreuge gwaenhi useumi nawa
Oh baby baby baby baby
Nan keuge sori oechigo sipeo
Joha ni modeun geosi joha
Meoributeo balkkeutkkajido
Jogeuman haengdongkkaji hana hana
Da joha ni modeun geosi joha
Neowa hamkkeramyeon jeulgeowo
Sigani jinalsurok deo johajyeo
Nan niga pillyohae
Maeilgachi itge haedallago nan gidohae
Na ojik neomaniwa haengbokhage salsuga isseo
No no~


I still remember that day we first met. We're on our sophomore year. School fest. Nice day. Nice weather. Everything is nice. Kagaya ng araw na ito.

Nagdecide silang magpicnic sa tabi ng mahabang ilog na ito at umorder ng chicken. Si Felix ang umorder dahil sya ang nagprisinta. "Okay, nasaan na yung panglatag?" sigaw ni Minho. Agad naman iyong inilabas ni Jisung. Nagseset up naman ako ng table na kakainan namin.

Mga inihaw na pagkain at ilang snacks ang dala namin. Nagdala na din ng board games at ang walang kamatayang jenga ni Changbin. "Ang tagal naman ata nila Chan hyung?" sabi ni Jeongin na busy sa pagkain ng sour tapes. "Kasama nila Woojin hyung at Seungmin, diba? Bumibili ng yelo tsaka drinks natin." sagot naman ni Jisung. "Kaya nga hyung. Sabi ko ang tagal naman." napailing iling na lang si Jeongin. Cutieeeee!! uwu

"Noona! Andito na yung chickeeeeeennnn~" sigaw ni Felix doon sa Mic na hawak nya. Natawa naman ako sa ginawa. "Sige, lagay mo na lang dyan. Kung hindi pa dadating yung mga yon, mauna na tayong kumain. Anong oras na oh." sabi ko habang inaayos yung mga pinggan sa lamesa. "Oo nga noona. Gutom na din ako eh. Nasaan pala si Hyunjin?" tanong sakin ni Felix. Hala, hindi ko na namalayan. Oo nga noh? Biglang nawala eh kasama ko naman yun dito. Baka naggagala lang. "Andyan lang yan. Aso yun eh, palaboy." sagot ko at tumawa si Felix. Siraulo talaga to.

Nang hindi na kami makatiis ng gutom, nauna na kaming kumain. Bahala sila ang tagal tagal nila.

"Noona, ikaw gumawa nito? Ang sarap!" puri ni Jeongin doon sa dumplings ko. Tumango na lang ako bilang sagot kasi friend, gutom na talaga ako. Ang galing nila magyaya ng picnic tapos sila tong wala. Pagdating non ni Bang Chan sasampalin ko iyon.

Kagat kagat ko yung chicken ko ng biglang may batang lumapit sakin at may dalang maliit na papel. "Pinapaabot po nung kuyang maputi sa inyo." sabi nito sabay takbo dahil nahihiya sa akin. Bubuksan ko pa sana pero may sumunod agad sa kanya at binigyan din ako ng isa pa. Hanggang sa nasundan ng nasundan. Di ko na natapos yung pagkain ko. All in all 19 na papel ang naibigay sa akin.

Pinagbubuksan ko yung mga papel. Only to find out that there is just curves and nothing more in there. "Ano to?" kamotulo akong nakatitig doon sa papel. Bakit parang mga parts ng naisulat na letters? Ay shunga ka Sydney! Para syang puzzle. Inayos ko ang mga papel na iyon. Tinulungan na sin ako nila Minho para malaman kung anong nakasulat. Nang mabuo namin, napatulala ako at naiyak.

You know I always loved you right?

Yan ang nakasulat sa itaas na part nung papel na nakasulat ng maliliit pero capitalized na letters. My heart melted. I know. I always know Chan.

Sydney, will you be my wife?

Naiyak ako ng sobra at agad na nilingon ang paligid. Only to find out that Chan is a few meters away from me, holding a bouquet of flowers and waiting for me to walk toward him. Kumurap kurap pa ako kasi baka mamaya nananaginip lang ako. Not until Hyunjin pushed me. "Go, noona. Nagprepare pa talaga kami para dyan." untag ni Hyunjin na nasa likod ko.

I wiped my tears as I walk towards him.

Nanginginig ako. Hindi ko alam kung makakalakad ba ako ng ayos o hindi. Baka kumaripas ako ng takbo at yakapin na lamang sya. We have a lot of things to do. Kakatapos nya palang mag-take ng board exams nya pero heto na agad sya. My heart limped for joy.

4 years ago, I was so angry and disgust by him. Sa mga nangyari. Sa mga taong nakasakit sa akin. Pero ngayon, I'm okay. I'm healed. And now, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Apat na taon man kami nanlabo, ito sya ngayon. Naghihintay na lumapit ako sa kanya.

"Ano na naman tong trip mo?" simpat ko ng makarating ako sa harap niya. Nagbilugan ang mga tao sa aming dalawa. Some of them brought out their phones and filmed us. I don't mind. "Hindi ito trip, seryoso to." sagot nya at agad lumuhod sa harapan ko. Para akong kinuryente sa gulat. Agad na lumipana ang dalawa kong kamay sa aking bibig. My tears rapidly fall again.

"Hwang Sydney. I know, there were times that you thought, you don't matter to me. You thought I never saw you. Pero hindi, high school pa lang tayo, kilala na kita. You caught me in just one glance. Hindi ko alam kung tanda mo pero nung School Fest yon. Ang alam ko non, nagpila yung mga manliligaw mo kaya di na ako nakisali pa. And then, college came and we went on the same school. I was so damn happy back then. Pero dahil nahihiya nga ako, I just always enjoy looking at you from afar. Nahihiya din ako noon sa kapatid mo eh. I thought I was hopeless din that time. Pero nalaman kong you're interested in me dahil sa mga letters mo. Kaya ayun, naginglakas ko iyon then later on, naging tayo na. Pero dahil hindi perfect ang relationship ng walang challenges, nasubukan tayong dalawa. We almost fell apart but no matter how long it took, we managed to forgive each other and those who hurt us and we're still together. But on this day, as I kneel in front of you, I would like to ask you, my love. Will you take all the risks, challenges and happy moments for the rest of your life with me?" I cried. Harder than I ever thought. Harder than I could ever do. Indeed, we almost fall apart but here we are. Standing right next to each other with his teary eyes and me, crying the hell out of me. I cant help but smile and nod.

"Yes, Chan! Yes!" napatalon sya sa tuwa at iniabot ang bouquet sa akin. Nung nakayakap ako sa kanya, agad nya iyong kinalas at sinuotan ako ng singsing. We're both crying and all the people around us are cheering for us with joy.

"Kelan kaya ang happy ending ko? May happy ending kaya ako?" bulong ni Minho ng makaupo kami at naghintay ng fireworks display. Natawa naman si Chan sa kanya. "Wag kang maatat. Malay mo padating pa lang diba? Hintay ka lang Minho." sabi ni Chan sabay hawak sa kamay ko. Nilingon ko si Minho na ngayon ay nakasimangot. "Okay na kayo ni Shantrelle?" tanong ko kaya napalingon sya sakin. "May boyfriend na sya, Syd. Wala akong ibang choice kundi ang magmove on." sagot nya sakin. My heart sank. "You'll find your 'The One' soon." sabi ko at nilingon yung iba pa. "Kaya kayo, mag-aral kayong mabuti tapos lumandi kayo pag okay na buhay nyo." biro ko. Nagtawanan naman silang lahat. "Bwiset noona." bulong ni Felix. "Tinawag mo pa akong noona ha?" simpat ko. Natigil lang kami sa paghaharutan ng may pumutok sa langit. Napalingon na kaming lahat. Chan took my hand again and shifted to face me. "I love you Syd." then our lips met.

"HOY! ANG LAKAS NG ANO MO MINHO HYUNG, ABOT LANGIT! WITH COLORS PA! DI LANG ISANG DEODORANT KELANGAN NITO!" sigaw ni Jeongin. Isang malakas na batuktok naman ang natanggap nya galing kay Minho. "Corny mo, shunga!" sabi nya dito at nagtuloy na sila sa kahuratan nila.











≧﹏≦

hindi ko alam kung natuwa ba kayo sa ending o ano. PERO TAPOS NA!

SALAMAT SA INYONG PAGBABASA!! SA SUSuNOD ULIT NA STORY! ILOVEYOU ALL! THANK YOU ULIT!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro