81: NARRATION
"so lahat ng ito planado? hindi lang yung pagkakaibigan naming dalawa ni Cindy?" di ko mapigilan ang pag iyak. i can't believe na may mga tao palang kagaya nila. may mga taong tatanggalan ka ng kasiyahan para lang makuha nila ang gusto nila. "sorry noona. si chan hyu—"
"don't mention his name! saan mo nalaman itong lahat ng ito?" tumulo ulit ang luha ko. i cant stop myself from crying. "kay minho hyung. actually noona, si changbin hyung, alam din nya." napalingon ako kay hyunjin. hindi ako makapagsalita. so all this time, may alam talaga sya. pero bakit di nya na lang dineretso sa mukha ko nung una palang? bakit di nya sinabi nung nagpunta ako sa unit nila? ang gago lang! i feel so betrayed! di na ako nagsalita at itinuon na lang ang atensyon ko sa daan.
maya maya pa, nagsimula ng pumatak ang ulan. ang galing, nakikisabay ang langit sa nararamdaman ko. minsan naiisip ko, ano bang mga pagkakamali ko at ginaganito ako ng mundo? ano bang nagawa ko? lahat ng bagay sa buhay, hindi instant na dumating. lahat pinaghirapan ko. hindi ko din kasalanan na may magkagusto sakin. at lalong hindi ko kasalanang, hindi sila gusto ng gusto nila. kung ako ang papipiliin ng buhay, mas gugustuhin ko yung tahimik. walang nagagalit sakin. wala din akong kagalit. walang nagkakagusto. walang naninira. pero hindi eh. hindi iyon ang ibinigay sakin. isang pamilyang maayos naman kahit papaano ang meron ako. masisipag at maaalalahaning magulang meron ako. isang pasaway na layas ng layas na kapatid ang meron ako. may mga kaibigan din naman akong iba bukod kay cindy pero di ko masyado nakakasama. may nagustuhan ako pero tinakbuhan ako. ang malala, niloko pa ako. nagkaroon ako ng kaibigang akala ko totoo. may nanira ng buhay ko. and yeah, i can say, sa pamilya ko lang ako panalo. pero other things in life? wala. okay naman ako sa school. i can achieve things. yung mga tao lang talaga yung epal. pero put of all these things, wala akong ginawang masama. wala din akong ginawan ng masama. kaya nagtataka ako. bakit? anong ginawa ko?
naramdaman ko na lang ang ulo ni hyunjin na sumandal sa balikat ko. he snaked his arms around my waist and looked at me. "noona, sorry sa lahat ah? kahit na matigas yung ulo ko, hindi mo pa din ako sinusukuan." sabi nya at itinuon na din ang tingin sa daan. "syempre naman. kapatid kita eh. kaya wag ka na magdrama. ayusin mo na lang yung buhay mo dun sa new zealand. makinig ka na samin nila mama ha?" tumango lang sya. isinaklob ko sa ulo nya yung hood ng jacket nya. hindi ko binitawan yung nakapulupot na braso nya sa bewang ko. i just feel the moment dahil minsan lang ito maging ganyan. siraulo kasi tong toyo na to eh.
at this moment, i realized, my family is all i got.
halos apat na oras din ang naging byahe namin papuntang airport a nd when we arrived, nanlamig ang mukha ko. i'm nervous. gusto kong maiyak na hindi pero mas pinili kong wag na lang. i have to be strong for myself. for my family. masyadong masakit yung mga naranasan ko ngayon. pero hindi ko hahayaang lamunin ako ng sakit. gusto ko man syang mayakap, mas pipiliin ko na ding wag na dahil kotang kota na ako sa katangahan ko sa kanya. bahala na sya aa buhay nya. magpakasasa sya dun sa ex nyang galgal!
"ready?" bungad ni hyunjin sakin ng makapasok na kami sa loob. sa hindi ko malamang dahilan, para akong pinipigilan ng paa ko. mas lumakas ang pintig ng dibdib ko at lalo akong ninerbyos. nilingon ko ang paligid. what's wrong with me?
"noona?" nagising ako ng tawagin ulit ako ni jinnie. "okay ka lang?" tanong nya. i fake a smile at tumango. nilahad nya yung kamay nya at ngumiti. tinanggap ko iyo at naglakad na papasok. "nakapagcheck in na ba?" tanong ko sa kanya. tumango lang sya bilang sagot. so, aalis na nga talaga kami.
maraming bagay akong naiisip pero winagwag ko yung ulo ko. stop it, sydney. stop being weak.
nilingon ko ulit yung paligid. this will be the last minute of my life here. every pain and despair; i will leave it all behind. tinulak ko na ang bagahe ko at hindi na lumingon pa. nang malapit na kami pumasok sa departure area, i saw him! an he is with shantrelle! gusto kong tumakbo papunta sa kanya. he called out my name. narinig din iyon ni hyunjin pero itinulak nya lang ako papasok. gusto kong mainis pero di ko magawa. ewan ko, napagod na ata ako. gusto ko syang lingunin pero di ko ginawa. i cant. i cant look at him. madadala na naman ako. pero dahil tanga ako, nilaanan ko sya ng tingin. hapong hapo na sya sa pagtakbo at tawag sakin. tinawag nya na din si hyunjin. "bilisan mo noona, wag kang lilingon." simpat nya at itinulak na ako papasok. hyunjin's pissed with him. sabi nya, wala daw syang balak kausapin si chan. kalimutan ko na din daw lahat ng bagay dito sa lugar na ito. ayaw ko man, pero yun na lang yung alam kong tama.
nakita ko syang nagpapahid ng luha. napabaling na ako sa kanya pero ibinalik ulit ako ni hyunjin sa pwesto ko. "ano ba noona? natatanga ka na naman!" bulong nya sakin. naluha na naman ako. may kirot akong naramdaman sa dibdib ko. nilingon ko si hyunjin. "jin.." sabi ko at naiyak ulit. umiling lang sya at tuluyan na akong naitulak papasok.
sorry chan. but i think this is the end?
(っ˘̩╭╮˘̩)っ
okay medyo madrama sya ah? hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro