22: NARRATION
Ang cute cute ni Jeongin sarap ibulsa huhuhuhuhuhuhuhu he's always happy ㅠㅠㅠㅠ such a baby 💘💘
--------
"Hyunjin ah? Try mo umuwi kahit isang beses manlang sa isang linggo." nakaalis na kami sa MilkMatch at talaga namang pinapahirapan ako ng kapatid kong cute. Ayaw nya daw umuwi ng bahay. Di daw nya alam kung kelan sya uuwi. Tinatamad daw syang umuwi ng bahay. Haaayyyy, di ko naman kasi sya masisisi.
"Noona, wag mong pilitin ang ayaw. Sinabi ko naman sayo, uuwi ako kapag gusto kong umuwi." sagot nya lang sakin. Actually, nakakailang sagot na sya pero yun at yun lang din ang naririnig ko. Napabuntong hininga ako for the 91848340 time. Charot lang! HAHA
Kasabay naming umalis yung mga kaibigan nya. Sabay sabay na daw silang uuwi eh. Narinig pa nila yung pag-uusap namin nitong si Hyunjin. Hinarap nya ako ng makarating na kami sa bus station. Hinatid lang nila ako dahil katabi lang naman ng school yung tinutuluyan nila. "Sige na noona. Chat mo na lang ako or tawagan pag nakauwi ka na. Ingat ka ah?" kumaway lang sya sakin. Nagbabye din sila Jisung, Woojin at Minho bago nila ako talikuran.
"Minsan nga, gulatin ko to sa dorm nila. Bisita ako bigla kukunchabahin ko na lang si Changbin." bulong ko sa sarili. Dumating na yung bus sa wakas. Makakauwi na din ako at makakapagpahinga. Masyado ng mahaba itong araw na to napapagod na ako. Nagsaksak na ako ng earphones sa tenga ng makaupo ako at nawalan na ng pake sa mundo. Minsan mas okay na yung ganito. Yung ako lang at wala ng iba pang sagabal sakin. Mas okay na mag-isa, minsan. Wala kang iisipin. Wala kang masasaktang tao. Sarili mo lang ang iisipin mo. Kahit saglit lang.
Patatlong station na pero iisa pa din yung kantang pinapakinggan ko. Nakarepeat lang itong 'Joah' ni Jay Park kasi ito yung kantang tumutugtog noon nung nakita ko si Chan for the first time. Second year high school ata ako noon. Ay, kami pala. Ewan ko ba, basta pag naririnig ko tong kantang 'to, gumagaan loob ko. Tapos naaalala ko pa si Chan. Hayyyyy, kung wala lang umaaligid sa kanya, lalapit ako. Charot, di ko kaya yon. Nahihiya talaga ako sa kanya. As in. Di ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit or mag-hi manlang. Never. Tapos syempre, kahit kilala sya ng kapatid ko, di ko ginagawang advantage yon. After all, di naman alam ni Hyunjin na may gusto ako kay Chan. Bahala na kung kelan ako aamin. Or wag na lang kaya? Mas okay yung konti lang yung nakakaalam.
Bumukas ang pinto ng bus at nandito na sa station kung saan ako bababa. Tinanggal ko yung isang earphones ko sa tenga. Lagi akong naglalakad mula station papunta sa bahay. Di naman sya ganoon kalayo pero keri lang. Tinanguan ko yung kakilala kong part timer sa coffee shop na malapit dito sa station. He's handsome. Schoolmate ko sya nung elementary hanggang high school. Napatigil nga lang syang magcollege dahil kapos. Minsan nagiguilty ako pag tinatamad akong pumasok. Kasi ang swerte ko nakakapag-aral ako, tapos ang tamad tamad ko. Samantalang sila, gustong mag-aral pero walang pang aral. Hmp! Ano ba yan, Sydney.
Liliko na sana ako ng biglang..
"Chan naman.." napalingon ako sa direksyon kung saan ko yun narinig. Di ko masyadong makita yung nag-uusap kasi nahaharangan sila nung poste ng kuryente. Kalahati ng katawan lang nila yung nakikita ko mula dito sa kinatatayuan ko. Bumugso ang kaba at halos malunok ko yung dila ko sa gulat ng marinig yung boses nung lalaki. "Please? Kaya ko naman eh. Kaya naman natin. Ano bang problema? May mali ba? Sabihin mo naman." sagot nung lalaki. Di ako pwedeng magkamali. It can't be...
"BANG CHAN! ANO BA? AYOKO NA NGA! ILANG BESES KO BA UULITIN SAYO? AYOKO NA! TAPOS NA TAYO!"
Di ko alam kung tatakbo ba ako o iiyak o ano eh. Seryoso? Si Chan talaga to? Baka naman ibang tao?
Sinilip ko sila. Dahan dahan akong gumalaw doon at nag-iingat na sana di nila ako makita. Pero mali. Di ko na dapat ginawa. Humarap ang lalaking nakatalikod sa gawi ko, at doon ko nalamang, tama ang hinala ko. Sya nga iyon. Kasama ang sigurado akong, ex girlfriend nya. Nagtama ang mata namin kaya nagtago ako pabalik sa pwesto ko kanina. Kinakabahan, na naiiyak, na nagagalit, na nasasaktan. There's a heavy feeling in my chest. Pati pagtibok, makirot. Pati paghinga ko parang nagbabara. Naestatwa ako doon at napahawak sa dibdib ko. What the hell? Bakit... bakit ganito?
"Sino yan? Bakit ka nakikinig sa usapan namin?" I heard loud footsteps coming. Since pababa yung daanan, mas maingay ang tabag ng paa nya. Parang may sariling utak ang mga paa ko at tumakbo na ako papalayo doon. Narinig ko pa syang tumawag sa akin pero di ko na nilingon. Para saan? Para mas masaktan ako? Para makita nya kung sino yung hopeless romantic na humahanga sa kanya?
Hopeless. Hopeless it is.
Di ko alam kung saan ako pupunta. Medyo makulimlim na din dahil papalubog na ang araw at may iilan ilan ma ding poste ng ilaw ang buhay. I found myself sitting on a grass sa park di kalayuan sa station ng bus. Napasapo ako sa tuhod ko. Nangangalay na din ang paa ko. Alam kong mukha akong busabos sa hitsura ko ngayon pero wala na akong pakealam. Masyado ng masakit at mabigat itong dibdib ko. Hindi ko kinakaya.
Pumatak na ang nagbabadyang luha kanina pa. Malalaki at walang tigil. Ex? Bakit hindi ko alam na may ex girlfriend sya? Sa bagay sa gwapo ba naman nyang iyon eh. Sa dami ba namang magagandang babaeng nagkakagusto sa kanya, imposibleng wala syang magustuhan din don. Pero bakit ganon? Bakit nya pinagtatabuyan ang lalaking halos kupkupin ko? Ang unfair! She have him but she's throwing him away! Bakit ganon?
I thought it was going to be a happy day but it wasn't. Inilagay ko ulit sa tenga ko yung earphones. Umaasa na magiging magaan ang feeling ko pag nakinig na lang ako ng kanta. But I was wrong again dahil lalong kumirot yung dibdib ko. Nakalimutan kong nakarepeat nga pala yung 'Joah'. This song, reminds me of how we met, but now it reminds me of how painful it is to like someone you always remember when this song plays. I will never listen to this again. Ikamamatay ko ata.
゚( ゚இ‸இ゚)゚
Ikamamatay ko talaga pag naeliminate si Minho. Whoooooo kinakabahan talaga ako guys. Wag naman sana utang na loob. OT9 forevsssss!!!
PS: sorry late update. Naging busy lang sa school life and life haha. Babawi ako dahil sembreak naaaaaa~ Three weeks vacay is lifeeeee 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro