09: LETTER
CHAN,
Nakasalubong kita kanina pero di mo ako pinansin haha. Okay lang, I know one day, mapapansin mo din ako.
Minsan kitang nakita na may kasamang babae Chan. Or another stalker mo na naman yon? Or fangirl? Ewan ko ba. Buti noh hindi ka naiilang? Hindi ka naaasiwa sa mga pagsunod nila sayo. Sa bagay, di ka naman kasi suplado di kagaya ng ibang sikat sa school naten na, napakataas ng ere. Stay like that, please?
Pero alam mo yon, kahit okay lang naman sayo na, sinusundan ka, di pa din kita malapitan kahit tatlong metro manlang yung maging layo naten, hindi ko talaga kaya. Minsan pa nga, gusto na kitang tanungin eh.
Okay lang ba sayong sinusundan ka nila hanggang pag uwi? Sinasabayan ka nila maglakad papasok ng school? Ninanakawan ka nila ng picture?
Curious lang ako, Chan.
Sana one day, matanong ko lahat ng ito sayo no? Sana magkalakas ako ng loob makipag usap sayo. Kasi mukha ka namang mabait eh. Maybe that's why they like you. Kaso minsan, parang hindi na tama, Chan. Kasi one time nag-cr ako. Tapos naririnig ko yung mga pag-uusap nung ibang babaeng nagkakacrush sayo. Lagi nilang napapansin yung ano mo. Yon. Alam mo na siguro yon noh? Hahaha! Pero sige, yung anes mo. Tapos kung ano ano yung sinasabi nila pag nakikita ka nilang maglaro.
Yung tipong basang basa ka ng pawis tapos kapit yung t-shirt mo sa katawan mo. Aaminin ko, ang hot mo pag ganun ka. Pero to the point na sasabihan ka na ng malalaswang salita? Di ko pa naman yon nagagawa. Kasi parang hindi tama.
Pero wag kang mag-alala. Sa dinami dami ng ganon, eto ako. Hindi kayang gawin yon sayo. Kasi iba tingin ko sayo eh. Hindi ka lang basta gwapo, may puso ka rin. Naks! Hahaha! Pero I want to know you more. I want to be closer to you. Oh my god, ang daldal ko tapos anong oras na oh! OH MY GOD! WHAT? OH MY GOD!
Charot, goodnight na. Maaga pa klase ko bukas hehe.
Take care, Chan.
Always,
HS 🎀
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro