Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE


OLD SUMMER TRILOGY

#1: An Old Summer Daydream

#2: Letters of Past Summer Nights

#3: After Summer 64


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

"Hindi mo ba ako... sasamahan?" 

Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa baba, nahihiya na ngayon. Bakit ko pa sinabi 'yon?! Napatakip tuloy ako sa mukha ko para itago ang namumula kong pisngi. Hindi ako makatingin sa kaniya! 

"H-huh?" 

Nagulat si Seven. Nakaawang ang labi niya at nakatingin sa akin, medyo nanlalaki ang mga mata. Hindi niya inasahang sasabihin ko 'yon.

Akala niya ay aalis lang ako at iiwan ko siya sa tabing-dagat.

Nahihiya ako! 

Sino ba ang hindi kung nabasa ko sa sulat niya kagabi na... na... may gusto siya sa akin! 

For some reason, we saw each other beside the beach. Pareho kaming naglalakad sa buhanginan tapos nagkasalubong bigla. Hindi ko alam kung saan pupunta! Nagpatintero pa kami bago niya ako kinausap. 

"Pupunta ako sa bayan. I... I'll buy some... cloth..." Pareho kaming nag-iiwasan ng tingin! 

When I took a glance at him, nakita kong bahagyang namumula rin ang pisngi niya. 

"Hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko ulit.

"I... I will!" 

Pero walang gumalaw sa amin. Nagkatitigan kami saglit at agad ding nag-iwasan. Tumingin na lang ako sa dagat habang yakap-yakap ang sarili na para bang ang lamig ng hangin kahit summer na summer! Siya naman ay napahawak sa batok niya at napaubo. 

Omg... Ang awkward.

"Nabasa mo?" 

Nagulat ako nang magsalita siya. I faced him and gave him an exaggerated smile para lang magkunwaring hindi ako apektado! 

"My letter," he cleared out what he meant. 

"Oo naman! Palagi ko namang binabasa 'yon, ano ka ba!" Peke pa akong tumawa at hinampas siya nang mahina sa braso. Tumama lang iyong hampas ko sa muscles niya kaya hindi man lang siya gumalaw. 

Ang awkward tuloy lalo. 

He bit his lower lip a bit and looked away again, putting his hands inside his pockets. Niyakap ko na lang din ulit ang sarili ko. Ano ba 'to! Nahihiya ako! 

"Uhm... Tara na!" Hindi ko na kinaya ang katahimikan! 

Nauna na akong maglakad sa kaniya papunta sa hagdan para makatapak sa sementadong daan. Narito kami sa probinsya ni Tito malapit sa dagat. 

Hindi ako taga-rito. Nagbabakasyon lang ako rito tuwing Summer. Sakto, dinala ni Tito ang volleyball team niya rito para mag-training kaya may ginagawa rin ako. Natutulungan ko siya. 

Also, I liked making clothes for the kids here. 

Kahit hindi pa ako sobrang galing, ina-appreciate nila lahat ng gawa ko. 

"Uhm..."

Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Seven nang sabayan na niya ako sa paglalakad. Sana ay wala kaming makasalubong na teammate niya dahil palagi kaming inaasar ng mga 'yon kapag nakikita kaming magkasama... hindi naman sa madalas kaming magkasama, ha! 

"It's fine... You don't have to... Uh... answer me." 

"Huh? Answer saan?" Naguluhan ako roon.

"My confession last night." 

Bahagya niyang tinakpan ang bibig niya gamit ang isang kamay habang ang isang daliri ay nasa bridge ng ilong, nahihiya. 

Pati tuloy ako ay nahiya na naman! Ngumiti ako at tumingin ulit sa baba, pinapanood ang mga paa naming humahakbang. Nakasuot siya ng designer shoes. Palagi namang designer ang suot niya, o baka hindi ko lang napapansin kapag hindi.

"Are you making clothes for the kids?" tanong niya, iniba ang topic.

"Oo. Bored ako, eh... Tsaka si Tita ang nagpapabili at nag-utos. Gusto ko rin naman kasi wala akong masyadong ginagawa! Summer, eh!" pagkekwento ko habang nakangiti. 

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Lola Reng. Hindi ko siya lola. Iyon lang ang gusto niyang itawag sa kaniya. May buhat siyang dalawang bayong kaya tumakbo kaagad ako sa kaniya. 

"Ako na po, 'La!" Binuhat ko iyong dalawa. "Saan po kayo? Pauwi na po ba?" 

"Alia!" Ngumiti siya nang makilala ako. "Oo, sana... Galing lang diyan sa tindahan. Naku, ako na kung mabigat."

"Lola, ako na, ano ka ba! Kaya ko 'to!" Nilagay ko pa sa balikat ko 'yong isa para hindi ako mahirapan.

"Let me carry the other one," offer kaagad ni Seven sa akin.

"Huwag na! Saglit lang ako!" 

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa mahatid ko si Lola Reng sa bahay niya. May muntikan pang madapang bata kaya tinulungan ko ring makatayo. Maglalakad na ulit sana ako nang matigilan ulit dahil may tumawag sa akin.

"Alia, papunta kang bayan?" tanong bigla ni Manong Chad, kaibigan ni Tito. "Bili mo nga ako nitong mga pyesang kailangan ko. Okay lang bang magpasabay?"

"Of course!" Ngumisi ako at sumaludo pa gamit ang dalawang daliri. "I got you!" 

Inabutan niya ako ng listahan at pera. Sa wakas ay nakabalik na ako ulit sa pwesto ni Seven. Mukhang nangawit na siya roon at nakaupo na sa may bench. 

"Sorry, natagalan!" Ngumiti ako at nag-peace sign. 

Napatitig siya sa akin at bahagyang napangiti rin. 

"It's okay... It happens all the time." 

Tumawa ako sa sinabi niya bago kami sabay na naglakad papunta sa may sakayan ng motor. Nakirenta lang ako kay Manong Jon dahil siya ang nagpaparenta ng mga motor dito. Maliliit na motor lang iyon, tapos ang cute pa ng helmet. 

"Oh..." Binigay ko kay Seven iyong isang helmet. "Angkas ka na lang sa akin." Ngumiti ulit ako at sumakay na sa may motor.

"Oh, okay..." 

Hindi niya alam kung paano siya sasakay dahil ang liit ng motor tapos ang tangkad niyang tao, pero umangkas pa rin siya. Medyo uncomfortable nga lang ang position ng binti niya dahil nga ang haba ng binti niya. 

Pwede namang lakarin pero... Mapapagod lang kami. Ang dami ko pang dadalhin pabalik. Ito kasi 'yong motor na may box sa likod na pwedeng lagyan ng gamit. 

Wala naman kasi akong masyadong ginagawa dahil summer. Favorite season ko 'to kahit ang init dahil nga ang saya ko kapag nagbabakasyon ako rito. Kapag nasa Manila ako, wala akong inatupag kung hindi 'yong fashion designing. 

Tumawa ako nang makitang nakahawak si Seven sa likuran ng motor at mukhang kinakabahan.

"Ang cute mo naman sa helmet mo," sabi ko. Lumawak ang ngiti ko habang tinitingnan siya. 

"You're... cute too." 

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Umayos na lang ako ng upo at pinaandar na ang motor. 

"Sa akin ka na humawak!" sigaw ko habang nagmomotor. 

Nilahad ko ang kamay ko at humawak naman siya roon. Natawa ulit ako bago nilagay ang kamay niya sa baywang ko. Dahan-dahan niyang nilagay iyong isa pa, pero sa damit ko lang siya nakahawak. Natawa ako lalo habang nagmo-motor.

"Malulukot ang damit ko niyan!" 

"Sorry." Bumitaw siya. 

Nakita ko ang sunset at ang magandang view ng dagat kaya hininto ko muna ang motor sa gilid. Bumaba si Seven at sumunod naman ako. Pareho kaming nasa seaside at nakatingin sa malayo. 

"Did you mean it?" tanong ko habang nakatingin sa harapan. 

"The what?"

"Iyong sinabi mo na... gusto mo 'ko."

Nahiya akong sabihin! 

Naubo tuloy siya bigla. Pareho pa kaming naka-helmet kaya natawa ako sa hitsura namin. 

"Alam mo, nagtataka ako sa 'yo. Ano ba ang nagustuhan mo sa 'kin?" 

Hindi ko lang kasi gets. Bakit?! May ginawa ba akong kagusto-gusto?! 

"I... can't explain." 

"Sige, ito na lang. Kailan mo 'ko nagustuhan?" I tilted my head a bit to the side. "Hmm, kahit hindi muna gusto. Kailan ka pa may crush sa akin?" 

"I don't want to answer." Napatakip ulit siya sa ilong at bibig niya at umiwas ng tingin para itago ang nahihiya niyang mukha sa akin. "Let's just go." 

Sige na nga. Tumingin ulit ako sa motor bago tumingin pabalik kay Seven. 

Humarap ako sa kaniya at dahan-dahang lumapit. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya nang niyakap ko ang baywang niya. 

"Ganito..." bulong ko. "Iyong hawak sa motor, okay?"

Binitawan ko na siya at ngumiti. Nagulat siya at namula bigla. 

Sasakay na sana ako sa motor ulit nang hawakan niya ang kamay ko at marahang hinatak palapit. Napaawang ang labi ko habang nakaangat ang tingin sa kaniya. Ang lapit ng mukha naming dalawa.

"I'll say it again... I like you, Alia," mahinang sabi niya. "I don't say or write words that I don't mean."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro